Bigla s'yang natigilan at napabitaw sa pagkakayakap sa doctor at napatitig dito. Dahil sa biglang bugso ng kanyang damdamin natawag pa niya itong "Papang" tulad ng batang babae sa panaginip n'ya.
Dahil hindi s'ya maaaring magkamali, narinig na n'ya ang sinabi nito. Ganoong ganu'n din, para pa ngang nag-eecho ito sa kanyang pandinig at katulad rin ito ng boses sa panaginip n'ya.
Tama! Ang lalaki sa panaginip n'ya, parang ganu'n ang boses nito.
Pero paano naman n'ya ito mapapatotohanan?
May sounds track ba ang panaginip? Pwede ba itong pakinggan ulit upang ihalintulad ang tunog? Gayung s'ya lang ang nakarinig, nakakita at ito ay tanging nasa isip n'ya lamang..
At isa lang itong panaginip.
Bigla s'yang nakaramdam ng lungkot at muli na namang nangilid ang kanyang mga luha.
Paano kung isa lang talaga itong simpleng panaginip na wala naman talaga itong kaugnayan sa kanya?
Hindi kaya maipagkamali lang s'yang baliw kapag ipinaalam pa n'ya ito sa iba. Hindi na rin n'ya napigilan pa ang paglaglag ng mga luha, mula sa kanyang mga mata. Habang sa kanyang isip bigla s'yang nawalan ng pag-asa.
Dahil ang akala n'ya, magiging daan ito, upang may maalala na s'ya ulit pero hindi pala. Sino ba ang maniniwala sa kanya at bakit sa dinami-rami ng tao sa paligid n'ya bakit sa doctor pa n'ya naikumpara ang boses na iyon? Dahil ba ito ang una n'yang nakaharap ngayong umaga?
Bukod pa sa ngayon lang n'ya ito naisip, gayung matagal na n'yang kilala ang doctor.
"Hey, ah-iha bakit ka ba iyak ng iyak?" Nagtataka at nalilitong tanong ng doctor. "O-okay lang naman talaga sa akin na tawagin mo akong Papa wala namang problema sa akin 'yun at anak na rin ang turing ko sa'yo alam mo 'yan iha. Ang hindi ko lang alam kung anong sasabihin ni Liandro?"
Naipagkamali nito ang pag-iyak n'ya sa ibang kahulugan.
"Gusto mo ba talaga silang iwasan, kung gusto mo pwede namang doon ka muna sa bahay kakausapin ko si Liandro. Pero hindi mo naman siguro iniisip na iwan sila, tama?" Pag-iling at iyak lang ang naging sagot n'ya dito. Napabuntong hininga na lang ito bago muling nagsalita.
"Anak, bakit ba ayaw mong magsalita? Lalo kang magkakasakit n'yan, alam mong mapagkakatiwalaan mo ako hindi ba? Pwede mong namang sabihin sa'kin, kung ano ba talaga ang problema?" Panghihikayat pa nito sa kanya sa mahinahong salita. Sabay hinawakan pa nito ang kanyang kamay upang pakalmahin s'ya.
Hanggang sa simulan na n'yang magsabi sa kaharap na doctor. Alam n'yang makikinig ito sa kanya at tiwala naman talaga s'ya sa lalaki. Kahit ano pa ang sabihin n'ya dito alam n'yang hindi s'ya nito huhusgahan.
"Hindi ko sila gustong iwan at ayokong mawala sila sa akin Tito, kaya lang.." Muli s'yang sumigok. "May nagawa akong mali at hindi ko sinasadya. Pero nangyari na at hindi ko alam ang gagawin ko." Humarap s'ya sa doctor at patuloy lang s'yang umiyak sa harap nito.
"Mali? A-anong ibig mong sabihin iha? Sinubukan mo na bang kausapin ang Papa Liandro mo tungkol sa bagay na ito?" Naguguluhang muling tanong nito.
Umiling s'ya at patuloy lang na umiyak..
"Iha, hindi ko alam kung ano ang nagawa mong mali? Pero isa lang ang alam ko. Sigurado maiintindihan ka rin ng Papa Liandro mo. Mahal ka n'ya na parang tunay n'yang anak at sa loob ng limang na nanatili ka dito naging masaya sila kasama ka. Dahil sa puso at isip ni Liandro ikaw talaga si Angeline. Dahil pinunuan mo ang pangungulila n'ya sa kanyang anak."
"Maituturing pa rin kaya n'ya akong anak kung ako mismo ang sisira sa kanyang mga anak?"
"A-anong ibig mong sabihin, bakit mo nasabi 'yan iha?" Gulat at nagtataka nitong tanong.
"May.. may iba po kasi akong mahal."
"Anong..? Pero iha hindi ba si Joseph ang gusto mo? Ang sabi ng Papa Liandro mo nagkakaunawaan na kayong dalawa. Anong nangyari?" Tanong nito, sabay abot sa kanya ng tissue na nasa side table.
"Ang akala ko rin po mamahalin ko si Joseph ng higit pa sa pagmamahal ng isang kapatid. Pero bigla na lang nangyari nag-iba, tapos nang makilala ko s'ya 'yun na! Ngayun hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Joseph ang totoong nararamdaman ko? Anong gagawin ko Tito? Noong una naguguluhan lang ako kung sino sa kanila ang mas pipiliin ko? Akala ko kapag nakapili na ako ng isa tapos na, pero bakit ganu'n nahihirapan akong kalimutan s'ya?"
"Sandali naguguluhan ako. Sino ba ang lalaking iyon, saan mo ba s'ya nakilala at kailan pa ito nangyari ha?" sunod-sunod nitong tanong.
"Noong nasa Venice po ako doon ko s'ya nakilala, doon kami nagkita."
"Baka naman naguguluhan ka lang Iha, tatlong buwan ka lang nanatili sa Venice. Paano mo naman nasisiguro na mahal mo na nga ang lalaking iyon, na sa maikling panahon mo pa lang nakilala?"
"Noong una sinabi ko na rin sa sarili ko na baka naguguluhan lang ako o baka lang dahil wala si Joseph sa tabi ko kaya nagawa kong ibaling ang isip at puso ko sa iba. Pero hindi, hindi ko s'ya magawang alisin sa sistema ko lalo na ngayong nakikita at nakakasama ko na s'ya ulit at nahihirapan ako. Pakiramdam ko ang sama sama ko, dahil para na ring niloloko ko sila pareho."
"A-ang ibig mo bang sabihin narito rin s'ya at nakakasama mo rin?" Halatang nagulat at hindi mapalagay nitong tanong. Tumingin din ito sa gawi ng pintuan, bago muling ibinalik ang tingin sa kanya.
Tumango si Angela sa tanong nito at saglit na pinahiran ang luha sa mga mata. Magsasalita pa sana s'ya pero naunahan na s'ya nito.
"Ah Iha, we need to talk about it some other time I hope it soon. H'wag dito nasa labas lang ang Papa mo at si Joseph, sigurado hinihintay na nila akong lumabas. Pero sana pag-isipan mo ring mabuti anak. Mahal na mahal ka ni Joseph, pero dapat rin na maging tapat ka sa sarili mo at maging sa iba. Habang maaga mas mabuti." sabi pa nito.
"Alam ko naman po 'yun Tito!"
"S'ya nga pala Iha, dumating na si Dorin kagabi lang.." Pag-iiba nito ng usapan.. Bigla namang nabaling sa sinabi nito ang kanyang atensyon.
"Talaga po Tito?" Masigla n'yang tanong.. Tila ba sumigla s'yang bigla at saglit n'yang nalimutan ang alalahanin.
Medyo matagal na rin nang huli silang magkita ni Dorin. Dahil kung kailan lang ikinasal ito at ang nobyo nitong si Aaron three months ago.
Bago pa s'ya umalis papuntang Venice, pero bakit narito na ang kaibigan n'ya? Ang alam n'ya 6 months pa itong mananatili sa Hawaii.
"Bakit nandito na sila hindi ba anim na buwan sila sa Hawaii?" Hindi n'ya napigilang isa-tinig.
"Ewan ko ba d'yan sa kaibigan mo naiinip na daw? Gusto na ngang makita ka agad kagabi, lalo na nang malaman na narito ka sa ospital. Pinigilan ko lang at ang sabi ko ipagpabukas na at magpahinga muna sila. Kaya sigurado ano mang oras ngayon pupunta na dito 'yun!"
Napangiti s'ya sa sinabi nito, bigla s'yang nakaramdam ng saya. Bukod pa sa talagang nami-miss na rin n'ya ito.
Ilang segundo pa ang lumipas, sabay pa silang napalingon sa gawi ng pintuan ng may kumatok..
"Tok-tok!"
"Baka naiinip na sila? Bueno Iha mag-usap tayo ulit sa ibang araw. H'wag mo munang isipin 'yun sa ngayon, kailangan mo munang magpahinga." Tumayo na ito habang nagsasalita at deretsong naglakad palapit sa pinto. "okay?" Sabi pa nito bago binuksan ang pinto.
"Speaking of my daughter's present.. narito na nga s'ya Iha." Sabi nito at tuluyang ibinukas ang pinto.
"Papa gising na ba si Angelle? Bakit ang tagal mong buksan ang pinto, ano na namang hokus-pokus ang ginawa mo sa friendy ko, ha?"
"Pambihirang batang ito sa ating dalawa ikaw yata ang capable na gumawa n'yan ah!"
"Mard's ikaw ba 'yan?" Tawag n'ya ng marinig ang boses nito.
"Ay, Bes.. buhay ka pa! Salamat naman gumagalaw ka pa nga.. at nagsasalita. Ang akala ko bangkay na kita aabutan, ano ba kasing nangyari sa'yo bruha ka?! Ano bang pinaggagawa mo ha?" Sabi nito sa malakas at masayang boses.
Matapos nitong lagpasan ang ama na nakaharang sa pintuan. Napailing na lang ang ama nito at tuloy-tuloy na ring lumabas.
Dere-deretso naman itong lumapit sa kanya at yumakap. Habang si Angela na hindi malaman kung matatawa o maiiyak sa sinabi nito.
Kabisado naman n'ya ang kaibigan kaya niyakap na lang n'ya ito imbes na sumagot.
"Bruha ka! Ano itong nalaman ko na binalak mo daw na magpakalunod sa dagat ha? Eh, hindi ka naman marunong lumangoy. Ano yun katangahan lang, bakit hindi ka na lang kaya naggilit ng leeg para sure ka ha?" Imbes na magalit, natawa na lang s'ya sa walang ligoy nitong salita.
"Sira! H'wag kang mag-alala hindi pa ako magpapakamatay! Hindi pa kita nasasabunutan kaya ayoko pa no! Alam mo namang 'yun ang ultimate dream ko ang sabunutan ka!" Napabungisngis ito ng tawa.
"Luka-luka! Eh ano pala itong ginagawa mo, kung ganu'n?"
"Wala lang.. Para sinusukat ko lang naman kung gaano kalalim 'yun dagat?" Sabi n'ya at nakangising humarap pa sa kaibigan.
"Gaga ka talaga! Halika nga dito." Niyakap s'ya ulit nito na ginantihan rin n'ya ng yakap.
Bigla s'yang nakaramdam ng relief, naisip n'ya iba talaga kapag kasama n'ya ito. Nakakahawa kasi ang lakas ng loob nito at pagkamasayahin. Sabi nga nito palagi, kaya sila magkasundo kasi daw pareho silang luka-luka.
S'ya si Dra. Dorina Ramirez ang aking bestfriend for 5 years up to now. Tulad ng kanyang ama na isa ring doctor isa rin s'yang Neuropsychologist.
Mas naka-focus nga lang s'ya sa behavior at mental illness o kondisyon ng pasyente. Mga dating pasyenteng tulad n'yang dumaan rin sa trauma or brain injured matapos ang aksidente.
Isa rin ito sa tumutulong sa kanya para maovercome n'ya ang lahat ng mga nangyari sa kanya this past 5 years. Hindi lang bilang isang doctor kung hindi bilang isang mabuting kaibigan.
Hindi rin biro ang pinagdaanan n'ya sa loob ng limang taon, lalo na nu'ng unang taon n'ya. Hindi n'ya alam kung paano sila nagkasundo? Basta isang araw na lang super close na talaga sila. Kahit pa nagsimula sila sa aso't pusang samahan.
Dahil noong una ang akala n'ya isa lang itong makulit na asong sumusunod sa isang pusang ligaw na tulad n'ya. Kahit alam n'yang anak ito ng doctor n'ya na pinipilit lang na kaibiganin s'ya. Pero kahit anong rejected pa gawin n'ya dito noon, lapit pa rin ito ng lapit sa kanya.
Sa huli nalaman n'ya na isa rin pala itong doctor at 'yun na rin pala ang paraan nito ng panggagamot. Nasa ilalim na pala s'ya ng tinatawag nilang talk therapy nang hindi man lang n'ya namalayan. Pero sa pagitan nilang dalawa hindi lang ito ang ibinigay nito sa kanya.
Dahil ibinukas din nitong muli ang puso at isip n'ya sa pakikipagkaibigan. Mula noon naging bukas sila sa isa't-isa at walang lihiman, walang taguan. Malaki rin ang utang na loob n'ya dito at sa ama nito. Dahil sa mag-amang ito, nabubuhay s'ya ngayon na parang isang normal at walang sakit.
"Hey! Mard's natulala ka na naman sa kagandahan ko. Alam ko mas maganda ang aura ko ngayon sa'yo. Pero h'wag kang mag-alala masasanay ka rin!" sabi nito at saka tumawa.
"Sira, matagal na akong sanay sa'yo.. Pero sa kagandahan mo teka lang ah! Hinahanap ko pa, nasaan na ba 'yun?" Aniya kasabay ng pigil na tawa.
"Gaga!" Kunwari pang inirapan s'ya nito pero hindi na rin napigilan nito ang tumawa.
Hanggang sa napuno na lang ng tawanan nila ang buong kwarto. Alam naman nito na nagbibiro lang s'ya. Dahil ang totoo mas glamorosa ang ganda nito kumpara sa kanya. Para bang isang bulaklak na namumukadkad, buhay na buhay sa idad nitong bente otso.
Habang sa labas bagama't nagulat sa ingay na narinig, pero mas namayani ang tuwa.
"Mukhang okay na pasyente mo doc ah, tumatawa na!"
"Mukha nga, kapag nagsama talaga ang dalawang 'yan pare parang wala sa ospital eh! Mabuti pa pumasok na tayo sa loob at baka walang katapusang kwentuhan na naman ang maganap?"
"Mabuti pa nga! Halika na Iho, pumasok na rin tayo sa loob." Baling nito kay Joseph na kausap naman ni Aaron na asawa ni Dorin.
"Pwede nang pumasok?" Tuwang tanong nito na sinabayan na nang tayo. Halatang kanina pa ito naiinip na makapasok. Inakbayan ito ng ama at iginiya papasok sa loob.
Habang pinagmamasdan naman ito ni Dr. Ramirez, hindi nito naiwasang makaramdam ng lungkot para sa binata, iba talagang magbiro ang tadhana. Bigla tuloy n'yang naalala ang sarili kay Joseph. Dahil tulad nito muntik na ring mawala sa kanya ang babaing kanyang minamahal.
Mabuti na lang sa huli s'ya pa rin ang nagtagumpay sa puso nito. Sana nga tulad din n'ya maging pagsubok lang sa pag-iibigan nila ang lahat, tulad rin nila ng asawang n'yang si Darlene? Kahit pa sa punto n'ya ang karibal n'ya noon ay ang mismong sarili n'yang kapatid.
"Anak, okay ka na ba?" Biglang napalingon si Angela sa nagsalita. Ang kanilang Papa katabi nito si Joseph at sa likod ng mga ito ang magbiyenan.
"Papa.."
Hindi tuloy n'ya naiwasang makaramdam ulit ng bahagyang pagkailang.
Saglit s'yang nalito sa kung paano n'ya haharapin ang mga ito. Pero naisip n'yang kailangan n'yang gawin, hindi s'ya pwedeng palagi na lang umiwas.
Dahil ano mang oras ngayon posibleng malaman rin nila ang namamagitan sa kanila ni Joaquin. At wala na sigurong pinaka-mabuti gawin kung hindi ang ihanda na lang n'ya ang sarili sa kahit ano pa mang mangyayari?
Bigla na namang nangilid ang kanyang mga luha, kaya bigla itong napalapit sa kanya at ganu'n rin si Joseph. Napatayo naman si Dorin at binigyang daan ang mag-ama.
"Bakit Iha may dinaramdam ka ba?" Nasa tinig ni Liandro ang pag-aalala ng lumapit sa kanya.
"Angela, okay ka lang ba?" Si Joseph na puno rin ng pag-aalala.
"Okay lang ako, I'm sorry hindi ko kayo dapat pinag-alala."
"Ano ka ba Iha? Hindi naman pwedeng hindi kami mag-alala sa'yo."
"Tama ang Papa, bakit ba kasi pumunta ka ulit du'n, tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo? Sana kung gusto mong pumunta doon nagpasama ka sana sa akin."
"Hindi ko naman talaga planong pumunta du'n, kaya lang basta bigla ko na lang naisipan tapos yun na. Pasensya na talaga hindi ko alam na mauulit ulit 'yung nangyari dati. Akala ko kasi iba na ang mangyayari, baka kung babalikan ko 'yun ulit may maalala na ako?"
"Bakit bigla ka naman nagmadali Iha, hindi ba sabi ni doc kusa naman 'yung babalik. Hindi ba doc?" Magsasalita na sana si Dr. Ramirez pero inunahan na n'ya ito.
"Alam ko naman po 'yun Papa, hindi ko lang talaga alam kung anong pumasok sa isip ko, sorry na talaga." Ayaw na sana n'yang pag-usapan ang tungkol doon. Dahil hindi n'ya alam kung anong ikakatwiran n'ya tungkol sa bagay na ito.
"Mas mabuti po siguro Tito kung hayaan na lang natin si Angela tungkol sa bagay na iyan. Besides hindi naman natin s'ya masisisi na hanapin n'ya ang sarili n'ya. Hindi ganu'n kadali na wala s'yang maalala at hanggang ngayon marami pa ring tanong sa isip n'ya kaya natural lang na hanapan n'ya ito ng sagot." Sabi ng kaibigan n'yang si Dorin matapos na ito na ang nagpaliwanag para sa kanya. Ngumiti pa ito nang tumingin sa kanya, kaya alam n'yang sinadya nitong sumingit sa usapan.
Talagang kilalang-kilala na s'ya nito, galaw pa lang yata ng mata n'ya kabisado na nito. Marahil nahalata nito na tensyonado s'ya kaya ito na ang sumalo sa kanya.
"Tama ka Iha, sobra na nga siguro kaming nagiging over protective sa kanya na hindi nakakatulong sa kanya para sa tiyak n'yang paggaling."
"Hindi naman po sa ganu'n Papa!" Pabigla n'yang naisagot.
"It's okay Iha, h'wag ka nang mag-alala naiintindihan naman kita kaya ipanatag mo na ang loob mo. Basta lagi mong iisipin palagi lang kami sa tabi mo, okay?" sabi pa nito sabay halik sa kanyang noo.
"Mabuti pa nga siguro kalimutan na lang natin ang nangyaring ito. Ang mahalaga okay ka na ngayon at walang masamang nangyari sa'yo. Basta h'wag mo nang uulitin 'yun ha, tinakot mo kasi ako alam mo ba 'yun?" Si Joseph na nasa tabi lang n'ya hinawakan pa nito ang kanyang mukha.
Habang patuloy na nagsasalita sa harap n'ya.
"Pasensya na.." sagot n'ya na hindi makatingin dito ng deretso nang biglang..
"Aray, aray! Ang daming langgam kinakagat ako, ano ba 'yan!" Napatingin naman ang lahat sa gawi ni Dorin na nakangisi at nakasign peace..
Natawa na lang s'ya sa ginawa ng kaibigan at agad rin n'yang nasakyan ang ginawa nito. Dahilan tuloy para makaiwas s'ya kay Joseph.
"Pambihira ka naman sweetheart naiinggit ka lang yata, bakit hindi mo na lang sinabi agad sa'kin. Para naman nayakap din kita, halika nga!"
Hirit naman ng asawa nitong si Aaron.
"Tumigil ka nga d'yan Aragon!" Sagot ni Dorin sa asawa nito na ikinatuwa naman ng lahat.
"Ehemm! Doc baka pwede mo na akong pauwiin okay na ako, oh!" Aniya, makalipas ang ilang sandali.
"Okay na sige na, pwede ka nang umuwi." sagot naman ni Dr. Ramirez sa kanya.
"Thank you po, Tito!"
Hanggang sa tuluyan na nga s'yang ma-discharged sa ospital. Kaya naman nagpumilit na rin s'yang makauwi agad ng bahay. Dahil ayaw na n'yang magtagal pa sa ospital.
Pagdating nila ng bahay agad n'yang hinanap si VJ. Kasama pa rin nila si Dorin nami-miss na rin daw kasi nitong makita ang kanyang anak. Habang si Dr. Ramirez naiwan na sa ospital naka-duty pa kasi ito at si Aaron naman may ime-meet daw ngayong araw.
Pagbaba pa lang n'ya ng sasakyan agad na s'yang sinalubong ni VJ ng malaman nito na s'ya ang dumating.
Dahil kanina pa pala ito naghihintay sa kanya sa labas. Kahit pa hindi naman nito alam kung darating s'ya. Bigla tuloy s'yang nakaramdam ng awa sa anak, kaya naman lalo pa n'ya itong nayakap ng mahigpit.
"Mama! Kala ko iniwan mo na ako ulit e?" sabi nito sa pagitan ng paghalik at pagyakap sa kanya.
"Hindi mangyayari 'yun anak alam mo namang love na love kita diba?"
"Opo Mama! Love na love din kita." Malambing na wika nito.
"At s'yempre love na love ka rin ni Tita, pa-hug nga anak!"
"Tita Dorin!" Sigaw nito na namimilog pa ang mga mata nang makita si Dorin at sinalubong rin ito ng yakap.
Pero sabay-sabay pa silang napahinto nang bigla na lang..
"Angela!" Si Joaquin halatang kagagaling lang nito sa mabilis na pagtakbo dahil habol pa nito ang paghinga ng sandaling iyon humihingal pa itong humarap sa kanila.
"Kumusta ka, okay ka na ba?"
Tila lumundag na naman ang kanyang puso pagkarinig pa lang sa boses nito. Kasabay ng pagpigil sa sarili na mayakap ito. Paano pa ba n'ya maitatanggi ang kanyang nararamdaman?
Kung kulang na lang lumabas ang puso n'ya sa sobrang tuwa ngayong kaharap na n'ya ang binata at ramdam na ramdam n'ya na tila nagdidribol ang puso n'ya sa loob ng kanyang dibdib. Hindi na naman n'ya napigilan ang panunubig ng kanyang mga mata. Bakit ba pagdating sa lalaking ito ang dali n'yang maapektuhan? Sunod-sunod tuloy ang kanyang naging paglunok at pagbuntong-hininga.
Hindi! Bulong ng kanyang isip..
Hindi ito dapat nangyayari sa kanya!
Subalit huli na..
Dahil sa isang iglap bigla na s'ya nitong niyakap ng mahigpit. Hindi na n'ya ito nagawang pigilan pa..
Paano na, ano nang mangyayari ngayon?
* * *
By: LadyGem25