webnovel

"The first meet"

San Marco Venice, Italy

Nasa isang apartment sila na pinili ni Liandro upang kanilang tuluyan, habang narito sila sa Venice. Maluwang at maganda ang apartment, may tatlong kwarto at dalawa rin ang comport room. Conviniente at maganda rin ang ambience. Higit sa lahat malapit ito sa hotel, kung saan sila nagte-traning(OJT).

Mag-iisang linggo na rin sila dito. Kasama ang dalawa niyang kaklase na sina Diane at Alyana. One week na rin na hindi niya nakakatabi si VJ nasasabik na siya agad dito, kahit pa gabi gabi niya itong kausap sa phone o video call. Iba pa rin talaga 'yun katabi niya itong matulog at ano mang oras nagagawa niya itong yakapin at halikan. Makatagal kaya siya ng 3 months, kung ngayon pa lang miss na miss na niya ito? Iyon ang nasa isip niya ng biglang magsalita si Alyana..

"Bessy tayo na! Baka ma-late na tayo." Tulad niya nakasuot na rin ito ng uniform na ginagamit nila sa Hotel, longsleeve blouse, pencil cut na skirt na pinatungan ng vest. Minsan naman ternong trouser ang uniform nila sa Hotel sa restaurant kasi ng hotel sila naka-assign. Required din kasing mag-uniform sila para presentable silang tingnan, kahit OJT pa lang sila dito.

"Okay tayo na, si Diane nakabihis na rin ba?" Tanong niya sabay tayo at bahagyang sinuklay ng kamay ang kaniyang buhok. "Nasa labas na rin at naghihintay." Sagot naman nito.

Humarap muna siya sa salamin ng makitang maayos na ang sarili at pagkatapos kunin ang bag sabay na silang lumabas ng kwarto.

"Sige tayo na baka nga ma-late na tayo!" Anito.

Sa labas naghihintay na si Diane, pagkatapos mailock ang pinto. Agad na rin silang umalis, sakay ng taxi at patungo sa Vista de Grande Hotel. Dito sila mag-aatend ng-on the job training (OJT) sa loob ng tatlong buwan.

Sa Hotel na sila naghiwa-hiwalay, para puntahan kung saang department naka-assign ngayong araw. Masaya siya at magaan ang pakiramdam, kasi sa kitchen department siya na-assign. Particular sa Pastry department kaya naman maganda ang araw niya ngayon.

Nakangiti pa siyang naglalakad na parang wala sa sarili. Dahil na rin sa excitement sa isiping makikita niyang gumagawa ng cake at ng ibat ibang pastries. Ang mga expert chef at Patissiers ng Hotel. Alam kasi niyang marami siyang matutuhan dito, kakaibang experience nanaman ito para sa kanya.

Nagsuot na siya ng apron at cap, pupunta na kasi siya sa baking area. Mula sa main kitchen hanggang sa baking room, madadaanan ang kabilang bahagi ng dining area.

Lakad takbo na ang kaniyang ginawa sa pag-aalala na mahuli siya sa oras. Dahil na rin sa pagmamadali hindi na niya napansin na mayroon pala siyang makakasalubong, huli na para umiwas pa..

"Ay! Kapreng nagulat!" Dahil sa gulat niya ito ang lumabas sa kanyang bibig.

"Aw! Shit!" Kahit sa naliliyong pakiramdam, narinig pa niyang sinabi ng lalaking bumangga sa kaniya.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, pareho silang nawalan ng balanse at sabay din silang bumagsak!

Napapikit na lang siya at hinintay na magkalasog lasog ang kanyang buto este bumagsak. Ooops! Pero hindi ito ang nangyari.. Pakiramdam kasi niya may biglang kumabig sa kanya paikot, kaya mariin siyang napapikit.

Pagkalipas ng ilang sandali, narealized niya na nasa lapag na sila. Pero pakiramdam niya hindi siya sa sahig bumagsak. Para kasing iba ang kanyang nararamdaman. Parang may gumagalaw, ano kaya 'yun? Tanong sa isip niya.. Nang bigla itong magsalita.

"Shit!" Sabi nito.

Ang boses na iyon! Muli sa isip niya, para itong pamilyar? Saglit muna siyang natigilan, bago niya napagtanto na nasa ibabaw pala siya ng lalaking ito. OMG! Pero dahil shock pa rin siya at naliliyo, hindi s'ya agad nakakilos upang tumayo.

"Do you want to stand up or you want to stay there forever?" Muli nitong tanong ng may pagkasarkasmo..

Para siyang tanga na nangangapa pa ng sasabihin at nakatingin lang dito. Hanggang sa muli itong nagsalita.

"You know what you did to me? You wake my pet inside, now it's alive and kicking." Pabirong sabi nito, alanganing ngumiti ng nakakaloko. Ewan pero parang hindi rumehistro sa isip niya, ang kahulugan ng mga sinabi nito.

"What?" Sagot niya na nalilito parin kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Gross! Nakalog yata ang kanyang utak! Nang bigla niyang maalala ang kanilang posisyon, Bigla siyang napatayo.

"Ay! Grabe.. Naku po!" Sabay napatutup siya ng bibig, bigla niyang naisip 'yung dapat niyang gagawin.

"I'm sorry sir, but I'm in a hurry. Anyway, it was an accident. Please take my apology." Sabi niya sa tonong nakikiusap.

"Yes! It's okay no problem." Sagot nito na alanganing ngumiti.

"Okay sir! I need to go now." Sandaling pinagpag muna niya ang kanyang suot at tuloy tuloy nang tumalikod at naglakad palayo dito.

She sighed, then she continue to walk again. Lakad takbo siyang nagpatuloy, kasabay ng panalangin na sana hindi pa siya huli. Kainis naman kasi..

________//__

"Tok! Tok!" Kasalukuyang nagbibihis si Joaquin ng may kumatok sa pinto. Tinanghali siya ng gising, masakit pa ang ulo niya dahil sa hang'over. Nalasing yata sila kagabi ng hindi niya namalayan. Kung anong oras siya nakatulog at kung anong oras siya iniwan ng babaing 'yun? Kung hindi lang ito anak ng isa nilang kliyente, never niya ientertain ito. Grabe ang kulit niya palibhasa spoiled brat!

"Who's there?" Aniya.

"Ako to boss!" Si Russel pala.

"Bukas 'yan pumasok ka na!" Sagot niya dito.

"Boss padating na sila kailangan na nating bumaba!" Pagbibigay impormasyon nito sa kanya.

May darating kasing mga investor clients na kailangan nilang imeet ngayon araw. Dapat pabalik na sila ng Australia. Pero dahil nabago ang schedule kaya narito pa rin sila .

"Sige patapos naman na ako saglit na lang mauna ka na sa ibaba' susunod na ako." Sabi niya na hindi lumilingon. Pirmis na nakaharap sa salamin, habang nagsusuot ng kurbata.

"Okay boss hihintayin na lang kita sa ibaba." Muling sabi nito at tumalikod na palabas at saka muling isinara ang pinto.

Makalipas pa ang ilang minuto, lumabas na siya ng suite. Palapit na sana siya sa elevator ng makita at makilala. Ang babaing lumabas lulan nito.

"Shit!" Bulong niya sa sarili.. "Bakit narito pa rin siya? Dito rin ba s'ya natulog kagabi?" saglit muna siyang nagkubli. Buti na lang malapit na siya sa hagdan pababa. Hindi na siya nag-isip sa hagdanan na siya bumaba. Pakiramdam niya kasi, siya ang hinahanap nito. Nasa 8th floor siya, mula dito pababa ng 7th floor saka siya sumakay ng elevator. Pababa ng groundfloor kung nasaan ang Dining Hall ng hotel.

Akala niya makaka-iwas na siya sa babae, pagdating ng Ground floor pero nagkamali siya. Dahil mukhang nauna pa ito sa kanyang makababà.

"Pambihirang babae ito. Bakit ang bilis niya? Sobra ba akong natagalan sa pagbaba ng hagdan? B'wisit naman kapag minamalas ka talaga! Bakit ba naimbento pa ang elevator? Sigurado akong mauunahan ko siya kung hagdan lang ang gagamitin." Bulong ng isip niya.

Kinailangan pa tuloy niyang maghanap ng ibang daan para hindi sila magkita. Dahil na rin sa pagkukubli sa kabilang way siya dumaan. Kung saan dumaraan ang mga empleyado ng hotel. Malapit na siya sa dining hall ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

Nang tingnan niya ito may limang miss call na pala si Russel, kanina pa pala siya tinatawagan ngayon lang niya narinig. Kaya agad niya itong sinagot.

"Hello?" Sagot niya.

"Boss! Nasaan ka na? Narito na sila kadarating lang, bakit wala ka pa dito?" Tanong ni Russel sa kabilang linya.

"Malapit na ako nagkaroon lang ng konting problema. Ikaw na muna bahala diyan. Okay?" Sabi niya dito at agad ng pinutol ang tawag.

Dahil sa pagmamadali niyang makarating agad sa pupuntahan. Hindi niya napansin ang babaing bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan. Nang hindi man lang niya namalayan kung saan nanggaling? Huli na para maiwasan niya ito. Namputsa naman!

"Aw! Shit!"Hindi napigilang lumabas sa kanyang bibig. Pambihira! Bakit ba ang malas ko sa mga babaing ito.

"Ay! Kapreng nagulat!" Narinig pa niyang nasabi ng babae. Sa isip niya.. "Pambihira mukha ba akong kapre? Alam kong matagal na akong hindi nakakapag ahit ng balbas at bigote. Pero maayos pa naman ang aking itsura ah?" Nalaman din niyang Filipina ang babae.

Dahil sa gulat at pagkaliyo, napansin niya na nawalan ito ng balanse at tila babagsak! Hindi na siya nag-isip pa kinabig niya ito. Pero sa kasamaang palad nawalan rin siya ng balanse, hindi na niya napigilan ang pangyayari.. Sa biglang pag-ikot nila sa ere, magkasabay pa silang bumagsak! Pero sinigurado niyang hindi ito masasaktan. Hindi niya alam kung bakit niya ito ginawa? Ah! Basta naramdaman niya na gusto niya itong ingatan.

"Dahil kaya sa nalaman kong Filipina siya o dahil alam kong babae siya? Hindi! Ano bang kalokohan itong iniisip ko? Dahil yata sa kaliitan ng babaing ito. Kaya madaling gulatin!"

Dahil sa pagkakadagan sa kanya ng babae kaya hindi agad siya nakakilos. Hinintay niya munang mauna itong bumangon at tumayo. Pero lumipas na ang ilang segundo hindi pa ito bumabangon. Alam niyang may malay ito. Dahil nararamdaman niyang gumagalaw ito sa ibabaw niya, ramdam niya pati ang paghinga nito. Kaya hindi naikaila sa kan'ya ang lakas ng tibok ng puso nito at ang malalim na paghinga na tila kinakabahan!

Ilang segundo pa ang lumipas.

"Ah! Bakit ba ang init yata sa pakiramdam ng babaing ito. Parang nagising pa tuloy 'yun natutulog?"

Fvck!! Oh boy!

"Ano ba itong nangyayari sa akin? Wala na bang balak humiwalay sa akin ang babaing ito?"

"Do you want to stand up or you want to stay there forever?" Tanong niya ng hindi na nakatiis. Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis siya sa sitwasyon. Ngunit imbes na sumagot. Nakanganga lang ito na parang hindi alam ang gagawin. Ano bang klaseng babae ito?

"Do you know what you did to me? You wake my pet inside.. Now it's alive and kicking." Sabi niya sa temang alanganing nagbibiro.

"What?" Sabi nito, then after a second ng bigla na lang itong tumayo na parang nagulat pa! He sighed, then he stood up too. Pagtayo niya sandaling nakaramdam siya ng pangangalay.

Muli niya itong pinagmasdan, ang totoo mukha itong tanga na hindi alam kung anong gagawin. Saang planeta kaya nanggaling ang babaing ito? Nang bigla nanaman itong magsalita.

"Ay! Grabe.. Nakuh po!" Hindi niya alam kung matatawa s'ya o maiinis sa ginagawa nito. Daig pa nito ang may delayed syndrome. Parang ang bagal ng takbo ng utak!

Pagkatapos bigla na lang itong lumingon sa kanya at muling nagsalita.

"I'm sorry sir! But I'm in a hurry! Anyway It was an accident. Please take my apology." Sabi nito na bahagya lang tumingin sa kanya. Hindi siya sigurado kung natatakot ba ito o nahihiya?

"Yes! It's okay no problem.." Sagot na lang niya at alanganing ngumiti.

"Okay sir! But I need to go now. Thank you for understanding." Sabi pa ulit nito. Sandaling pinagpag nito ang unipormeng suot, agad na rin itong tumalikod at nagmamadaling lumakad palayo.

Napailing na lang siya at napabuntong hininga. Sa isip niya, sayang ang gandang babae pa naman kaya lang parang may hindi tama? Mukha naman siyang normal. Ano kayang problema niya? Para may kakaiba sa babaing yun!

Ilang segundo na ang lumilipas pero nanatili pa rin siyang nakatayo. Sinusundan pa rin niya ng tanaw ang babae, hanggang sa makarating ito sa kabilang bahagi ng kitchen. "Ah! Ano bang nangyayari sa akin? Ano bang pakialam ko kung saan siya pumunta?" Huminga siya ng malalim at pumikit.

Pero nakikita pa rin niya ang mukha nito. Pakiramdam niya nakadikit pa rin ito sa kanya, at ang kanyang amoy namahay na yata sa ilong niya. Kahit parang pabango ng bata ang gamit nito. Parang pamilyar sa kanya saan  ba n'ya 'yun naamoy? Tama! Bigla niyang naalala.

Gan'on ang pabangong binibili sa kanya ng kanyang  Papa. Dahil 'yun daw ang binibili ng kanyang Mama. Napangiti na lang siya ng bigla itong maalala.

Hanggang sa..

Nagulat siya ng bigla na lang may magsalita sa kanyang likuran.

"So, there you are! I had been looking you for an hours, Hmmm.. I thought you're hiding from me." Mabilis itong lumapit at kumapit na agad sa kanyang braso.

"Patay na!" Grrrrrrr! Bulong ng kanyang isip..

Darn it! Kaasar na talaga ang babaing to ah?

* * *TY..

@LadyGem25

Chapitre suivant