webnovel

CHAPTER 27

PARKER POV

NAGISING ako sa kapareho paring kwarto na pinagdalhan sakin kanina ng mga underground police.

Hinarang ako ng mga ito matapos nilang ma trace ang bakas ng pagkakilanlan ko. Matinding torture din ang inabot ko dahil ilang taon ko silang pinagtataguan.

Pakiramdam ko namamanhid na ang katawan ko sa bugbog at palo nang dala nilang batota. They torturing me to death.

Bukas na bukas din ay haharap na ako sa mga husgado para sa pagpataw nila sa akin ng naangkop kong kaparusahan. Without saying any last word to my family.

Umayos ako ng upo at napangiwi ako ng maramdaman na naman ang sakit sa hita at balakang ko pati binti.

Hindi ko alam kong bakit nakayanan ko pang bumangon sa kabila nang inabot. Yung paghinga ko parang barado na at naalala ko pang sumuka na ako ng dugo sa tindi ng ginawa nila sa akin.

Mga gago gigil na gigil talaga sa akin kulang nalang pagsasaksakin ako.

Maingat akong tumayo saka kinalampag ang bakal kong pintuan.

Gusto kong makausap ang Comando hindi nila to pweding gawin sa akin dahil may sapat namang dahilan ang ginawa ko.

"Bakit ba ang ingay ingay mo jan Servantez? Ilang araw kang tahimik jan tapos ngayon maghahasik ka naman ng gulo? "Sigaw ng isang guard sa labas ng pinto nitong bakal kong pinto. Hindi ito ordinaryong pintuan lang dahil may ikinabit silang wire sa labas at kukuryentihin ka nila pag sumusubra na ang behavior mo dito sa loob.

"Gusto kong makausap ang Comando palabasin mo ako rito!"sigaw ko itinapat ko pa ang bibig ko sa pabilog na butas sa pinto.

"At sino ka para utusan ako ha? Bilanggo ka lang dito!"

Nag igting ang panga ko sa sinabi niya pinagsusuntok ko ang pinto at pinagsisipa.

"Tandaan mo itong gago ka pag ako nakalabas dito puputulin ko yang dila mo Tang*** ka!"nangigil kong bulyaw dito.

Dismayado akong napabalik sa kama ko. Kong hindi nila ako pagbibigyan sa pakipag usap ko gagawa ako nang dahilan para makatakas dito.

Okopado ang utak ko ang daming pumapasok at ang dami kong iniisip na paraan pano makalayas sa empyernong lugar na ito.

Nabasag ang pag iisip ko nang biglang bumukas ang bakal kong pintuan sa kwarto ko nag angat ako ng tingin. Bumulaga sa akin ang isang may edad na babae strikto ang hitsura nito. Tama lang ang hubog nang katawan at medyo may kaliitan. May kasama pa itong tatlong armadong kalalakihan na nasa likuran niya.

"Maiwan niyo muna kami"saad nito sa mga tauhan niya na agad namang nagsialisan.

Matalim ang mga nagbabaga nitong mga mata na nakatitig sa akin at buong tapang ko din iyong tinanggap at hindi ako nagpapadaig sa titigan naming dalawa hanggang siya na ang kusang nag iwas ng tingin.

"Let me introduce myself to Mr. Servantes I am Claudia Javier ang bagong nailoklok bilang head ng Commando , at gusto mo raw akong makausap? "

Napatanga ako sa nagsasalitang babae. Siya ang bagong head ng commando? Akala ko ba hindi na sila magpapakita at wala na silang pagkilanlan?

"Mukhang nagulat kita ?, Anong maipaglilingkod ko sayo? "

"Gusto kong magpaliwanag , ipaliwanag ang side ko bilang bilanggo may karapatan ako non, Kong hindi ko ginawa ang mga bagay nayon may inosenteng buhay ang mamemelegro. At sa natatandaan ko yun ang ipinaglaban ng Comando yun ang patarakan nila bago ako umalis at nagtago sa kanila".saad ko. Matamaan akong pinatsadahan ng tingin ng matandang babae. Parang inaninag kong nagsasabi ba ako nang totoo.

"Guards ! Dalhin niyo yan sa lie detector room ngayon na! , prove me that your telling the truth Mr. Servantez and i will give you a month to clear you name i have all my power to set you free "

Parang nabuhayan ako ng lakas ng loob sa mga sinasabi ng matandang babae. Kinaladkad pa ako ng dalawang. Gwardya papasok sa Lie detector room.

At pinaupo sa electric chair.

"Isang maling sagot mo lang Parker Isa lang mabubura kana sa kinauupuan mo"nakangising saad ni Bernard.

May galit sa akin ang taong to isa sa kapatid niyang lalaki ang pinapatumba sa akin noon. Isang drug lord at nangrarape ng mga batang babae.

FLASHBACK

Papaalis na sana ako sa HQ nang sinalubong ako ni Bernard. Bakas sa mukha nito ang takot at kaba. Batid kong nakarating na sa kanya ang balita na isa sa target ko ang kapatid niya.

"Parker, pre please ipaubaya muna sa akin ang kapatid ko maawa ka pre wag siya ibalato muna lang siya sa akin "halos lumuhunod na ito sa harapan ko.

"Tumayo ka jan Bernard hindi tayo dapat dito mag usap "hinila ko siya palabas at doon kinausap.

"Okay hindi ko gagalawin ang kapatid mo pero sana sana masosolusyonan mona ang pinanggawa niya bago matapos ang dalawang linggo dahil pag malaman ng Comando na hindi ko ginawa ng maayos ang trabaho ko matutudas ako at Bernard hindi pa ako handang mamatay may pamilya ako "

"Sege Parker maraming salamat."

Matapos ang usapan naming iyon ay dumirtso na ako sa ibang target ko. Kinabukasan pagbalik ko galit na galit na sa akin si Bernard dahil hindi ako tumupad sa usapan namin. Hindi ako ang pumatay sa kapatid niya na labis kong ipinagtaka kong sino ang gumawa non. Pero dahil alam nila bawat kilos namin impossibleng may ibang tao na inutusan nilang gumawa non.

END OF FLASHBACK

Bumuntong hininga ako at humarap ng maayos sa kanya galit na galit ang hitsura nito nang makita ako. Isa rin siya sa nagpapahirap sa akin ng mahuli ako kamakailan lang.

"Sinabi kona sayo diba? Hindi ako ang pumatay sa Kapatid mo kong ayaw mong maniwala bakit hindi ka nalang mag imbestiga"

Tumitig lang ito sa akin bago tuluyang lumabas na.

At nagsimula nang lumiwanag ang screen kong san lalabas ang mga mismong tanong.

SUMMER POV.

BUMULAGA sa akin ang diko kilalang lalaki. Matangkad ito sakto lang ang pangagatawan. Blonde ang buhok at mala chris hemwerth ang hitsura.

Tumitig ito sa akin na parang nag aalangan sa itatanong. Napatitig narin ako sa kumay abo niyang mga mata. Kong hindi ko nakilala si Parker seguro mas matitipuhan ko ang isang to.

"Ikaw ba si Summer Cloud Hamilton?"halos pabulong niyang sabi.

Tumango lang ako bilang sagot. Pinatsadahan niya ako ng tingin kunot na kunot ang noo niya nang makita ang kadena sa paa ko.

"S-sino ka?"sa wakas na itanong kona rin.

"Sabihin nalang natin na kaibigan ako ng taong may binitiwang pangako sayo Ms Summer "napatanga ako sa sinabi niya at napatitig ng husto sa histura niya.

Isang tao lang ang palaging nangangako sa akin na tinutupad iyon si Parker lang. pero parang nadismaya ako dahil ang inasahan kong darating ay si Parker hindi ito

"Alam ko ang iniisip mo dismayado ka pero maiintindihan morin kong bakit hindi siya nakarating may inaayos pa siyang gulo at halikan habang tulog pa ang bantay mo sa labas , hindi magugustuhan to ni Parker "iling nitong saad niya sabay tanggal sa kadenang nakaposas sa paa ko.

"Nasaan si Parker?,"tangi kong tanong.

"Hindi mo pweding malaman pasensya na,"

Nauna na itong lumabas sa akin at hindi manlang ako inalalayan. Hindi manlang gentleman. Paika ika akong naglakad hanggang sa tuluyan akong makalabas ngunit natigilan din agad ako nang makita si River kausap yung lalaki kanina.

Nang makita niya ako agad nagliwanag ang mukha niya at patakbong lumapit sakin at yumakap.

"Patawarin mo ako kong matagal bago kita nailabas dito Summer "

Hindi ako nakapagsalita. Tulala lang ako habang nakikinig sa kanya. So siya ang dahilan kong bakit nakarating dito ang kaibigan ni Parker?

"Halina kayo , "aya ng lalaki.

Kumalas naman ito sa pagyakap sakin saka marahan akong hinila sa pulsuhan. Nagpatianud nalang ako sa kanya.

Sunod sunod ang putok nang baril ng makalabas kami sa kwarto na iyon. Natigilan kami nang may mga armadong kalalakihan na humarang sa paaanan namin.

"Bwesit! ,"anas ng lalaki

"Summer sa likod ka "utos ni River.

Nangangatog ang tuhod ko sa kaba at takot. Subrang natatakot ako ngayon dahil pakiramdam ko hindi darating si Parker walang parker na darating para iligtas at protektahan ako.

"Ibalik niyo sa amin ang babae!"

"Kunin niyo samin "maangas na sabi ng lalaki at napatanga ako sa ginawa nito lumuhod ito saka bumunot ng dalawang baril na nakasiksik sa likuran niya at isa isang binaril ang mga nasa harapan.

"Ilayo muna si Summer dito "sigaw pa nito.

"Halikana Summer "mabilis ako nitong hinila sa pulsuhan saka patakbo kami patungo sa malaking pinto. At binuksan iyon ngunit hindi paman nangalahi ang pagbukas namin ng biglang umalingawngaw ang tatlong sunod na putok ng baril.

Napaupo ako at napatakip sa teynga ko.

Subra subra ang takot na nararamdaman ko.

"Summer dapa !" Hindi ako nakapagreact dahil sa gulat at taranta ko ng sumigaw si River.

Parang nagslow mo ang paligid ko nakita ko pang iniharang ni River ang katawan niya para protektahan ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko pagtalsik ng dugo mula sa ulo niya.

"R- River! River! "Taranta ako hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ang walang buhay na katawan ni River.

Walang boses akong umiyak habang niyogyog ang katawan niya sumalampak ako sa semento at yumakap sa kanya.

"Riverrrrrrrrrrrrr!!! "

"Summer halikana !!"hindi ko alintana ang lalaking humila sa braso ko palayo sa katawan ni River.

"Mamatay tayo dito pareho kong hindi tayo aalis halikana ! "

"Hindi natin pweding iwan si River dito! Hindi pwedi "asik ko.

"Wala na tayong magagawa pa halikana "

Maingat kong inihiga si River at matamaang tinitigan bago tuluyang tumayo. Ngunit hindi paman ako nakahakbang nang may magsalita sa likuran ko.

"San ka pupunta ha Summer?!"

Nagliliyab sa galit ang mga mata kong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Ano Thana ? Masaya kana ba? May nga inosenteng taong nadadamay dahil sa kahibangan mo? "Buong lakas na sigaw ko sa kanya punong puno iyon ng paghihinagpis.

Natuon ang attensyun nito sa wala nang buhay na katawan ni River bumagsak ito sa sahig at gumapang papunta sa kinaroroonan ni River.

"R- river? River? Honey wake up! Hey honey"niyogyog niya nang niyogyog ang balikat nito.

Naninikip ang dibdib ko habang nakatingin lang sa walang buhay na katawan ni River. Kasunod nito ay narinig na namin ang serin ng mga patrol car.

"Thana Villaren! Itaas mo ang iyong kamay!"anang ng dalawang pulis na pumasok sa loob.

Pinosasan nila si Thana at dinala sa patrol car. Nakaramdam ako nang panandaliang kapayapaan dahil sa wakas wala nang gulo. Matatahimik narin ang buhay ko.

Nanatili akong nakatitig sa katawan ni River habang lumapit na dito ang Socco at inexpection ang buong warehouse.

"Halikana iuwi na kita sa inyo"

Sumulyap muna ako kay River bago tuluyang lumabas sa lugar na iyon. Puno nang sakit at binalot nang kalungkutan ni hindi ko manlang nagawang magpasalamat kay River at hindi manlang ako nakahingi ng sorry sa kanya.

Sana mapatawad mo Ako River at maraming salamat sayo. Hindi kita makakalimutan

Chapitre suivant