Chapter 24. "Starting to like you"
Laarni's POV
Ngayon, naiintindihan ko na ang sinabi niyang gusto niya ako.
"Abrylle..." mahina kong tinawag ang pangalan niya. Dahan-dahan naman itong lumingon sa akin. Walang emosyon ang mukha, pero nakikita ko sa mga mata niya ang naghahalong kalungkutan at saya.
Parang umurong ang dila ko nang magkatinginan kami. Hindi ko makuhang magsalita. Parang simisikip ang dibdib ko, nararamdaman ko rin kung ano ang nararamdaman niya.
"Pwede ba kitang ligawan?" seryosong tanong nito. Napayuko ako at iniwas ang tingin sa kanya. Malinaw ang mga sinabi niya, pero ano bang dapat kong sabihin?
Dahan-dahan akong tumango tango bilang sagot sa katanungan niya. Hindi pa rin ako nagsasalita. Ang lalaking 'to, bakit ba natotolerate niya ang isip ko? I feel like, I'm floating. Lalo na tuwing nakatingin siya sa akin. Ang mga malalamig niyang tingin, 'yon ang mga bagay na nagsasabing, gusto nga siya.
"Salamat." Bigla naman akong niyakap nito. Habang nasa kanlungan ako nito. Naging magaan na ang pakiramdam ko. Ang puso at isip ko na noon ay nagtatalo, biglang nagkasundo.
Bumuhos naman ang malakas na ulan. Pero nanatili pa rin kami sa gitna ng sementeryo habang bumubuhos sa amin ang malakas na ulan. Para bang ayaw ng magbitiw ng mga katawan namin. Para bang, masaya ako sa feeling niya.
Pumasok muna kami sa chapel.
"Ang lakas ng ulan." Sabi ko rito.
"Pasensya ka na, nadamay ka pa sa akin." Sabi nito.
"Ah? Ano ka ba, ang sarap kayang maligo sa ulan." Nakangiti kong sagot dito. Nakatingin lang siya sa akin, walang emosyon ang ngiti. Napansin ko ang mahabang buhok nito na basang basa. Hinawakan ko ang buhok nito. "Abrylle, di ka ba nahahabaan sa buhok mo?" tanong ko rito.
"Hindi naman. Bakit?"
"Ang haba eh, pero sandali." May kinuha ako sa bag ko at pinakita sa kanya. "Tada!" pinakita ko sa kanya ang mga sanrio ko.
Nakita ko namang kumunot ang noo nito sa gulat.
"A-Anong g-gagawin m-mo diyan?" para naman itong bata na kinakabahan.
"Basta, halika dito." Tawag ko, pero di siya lumapit. "Tara dito."
"Eh, ano bang gagawin mo?"
"Basta" lumapit ako rito pero umurong naman siya paatras. "Aba, gusto mo bang habulin pa kita?" tumakbo ako papunta rito. Tumakbo naman 'to palayo sa akin.
"Hoy Laarni! Ano bang gagawin mo?" tanong nito habang tumatakbo. Ngayon para kami mga batang naghahabulan sa loob ng chapel.
"Tatalian ko lang yung bangs mo! Halika na!"
"Ayaw ko! Hindi ako babae!"
"Bakit? Ang cute kaya, look pink pa 'tong mga sanrio ko." Natatawa kong sabi habang hinahabol siya.
"Laarni ayaw ko!"
"Hahaha, tara na."
"Ayaw ko."
Matapos ang ilang minutong habulan. Nahuli ko rin siya. Ngayon, nakaupo siya sa sahig habang ako naman nakaupo sa upuan dito sa chapel at tinitirintas ko ang buhok niya. Ang haba kasi para sa isang lalaki.
"'Yan! Ang ganda mo na! Haha." Hinarap ko siya sa akin. Tinirintas ko ang bangs nito na abot na hanggang labi at naka-pony tail naman ang buhok nito sa taas. "Hahaha, ang cute!"
"Ano ba Laarni, tanggalin mo na 'to." Akmang tatanggalin niya ito ng pigilan ko.
"Hep! Di pa tapos." Nilabas ko sa bag ko ang face powder at lip gloss ko. Nakita ko naman ang takot sa mukha nito.
"Anong gagawin mo?"
"Wag nang makulit, dali na."
Nilagyan ko ng lip gloss ang maninipis at mapupulang labi nito at nilagyan ng face powder ang mukha niya. Ang cute niyang tignan. Para siyang babae. Ang ganda, mas maganda pa yata sa akin ang isang 'to.
"Yan! Ang ganda mo na Abrylle! Haha mas maganda ka pa yata kay Courtney!" sabi ko rito. Nakanguso naman ito na parang natalo sa pustahan.
"Hahaha, galit ka? 'Yan kasi wag kang magpapahaba ng buhok. Gusto ko, magpagupit ka, yung clean cut! Parang kay Lexter, ang gwapo kaya tignan nun, tignan mo si Lexter."
"Mas gwapo ako 'don!" singhal nito. Nagulat naman ako sa sinabi at inasal nito. Napangiti na lang ako ng iniwas niya ang mukha niya sa akin.
"Hmmm siguro nga mas gwapo ka kapag nagpa-clean cut ka." Sabi ko rito.
"Mas maganda ka naman kay Courtney." Sabi nito pero sa ibang direksyon pa rin nakatingin.
"Haha, alam ko. Ang salbahe kaya 'nun. Sandali, oo nga pala, tara na at mag-practice!" hinila ko siya palabas ng chapel.
"Teka, yung buhok ko, yung mukha ko pang binaboy mo." Reklamo nito.
"Ay sandali." Kinuha ko yung phone ko. "Harap!" humarap naman siya at kinunan ko siya ng picture. "Hahaha, ang cute."
"Oy, delete that one! Hey Laarni!" tumakbo ako pauna sa kanya. Medyo ambon na lang naman 'yung ulan.
"Ayaw ko! Haha."
Sa bahay nila Abrylle. Gabi na nung dumating kami sa kanila. Nag-text naman ako kay Mama, na gagabihin ako ng uwi dahil may tatapusin pa akong presentation. Pumayag naman siya.
Narito kami ulit sa music room. Napatingin na naman ako sa litrato ng Mama niya. Posible bang merong kamukha ang isang tao?
Nagpractice na kami. And this time, pareho kaming kumakanta. Ang ganda ng kanta at nakakadala siya, parang pwedeng lagyan ng sayaw. Ni-request kong lagyan namin ng sayaw kasi nga nun sa gimik thingy na sabi ng teacher namin, pero ayaw niya. Di daw siya magaling sumayaw.
"Eh anong gimik ang gagawin natin? Madadagdagan ang grades natin 'dun." Sabi ko rito habang water break namin.
"Gimik? Hmmm ako na ang bahala." Blanko naman ang mukha ko sa sinabi nito.
Friday. Day of presentation.
Yesterday ang last practice namin ni Abrylle, pero kanta lang ang pina-practice namin. Di niya pa rin sinasabi sa akin ang plano niya sa gimik na gagawin namin. Yung mga classmates ko, may mga gagawing pang iba, like dancing and tabloo, samantalang kami kanta lang. Si Leicy at Lexter daw parang may konting role playing, tapos gagawin nilang musical. Kami, wala pa. At kinakabahan ako, usually kasi kapag may presentation ako dati sa school namin dati. Gusto prepared na ako 1 day before na presentation, pero ngayon. Wala pa kaya naman todo todo ang pagaalala ko.
Isa pa sa inaalala ko. Hindi pa dumadating si Abrylle. Hindi siya pumasok kaninang morning class. Kaya naman, natataranta na ako dito. Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang upuan ni Abrylle, hindi naman siya sumasagot sa text or tawag ko. Ano kayang nangyari dito? Nakakainis, hindi na ako mapakali dito.
"Arni, okay ka lang ba?" napatingin ako sa kumausap sa akin. Si Leicy.
"Leicy nagaalala na ako, wala pa rin si Abrylle eh, paano na ako neto mamaya." Nag-aalala kong sabi rito.
"Tinawagan mo na ba?" tumango ako rito.
"Pero hindi niya sinasagot. Kahit text ko. Naiinis na nga ako eh."
"Hay, nasaan na kaya 'yon?" pati na rin si Leicy nag-aalala na sa akin.
"Oh? May problema ba? Bakit ganyan mga hitsura niyo?" Nagtataka namang tanong ni Lexter ng lumapit sa amin. Napatingin ako rito.
"Wow, ang gwapings mo diyan sa suot mo ah..." puri ko rito. Nag-cross arms naman 'to at tingalang nagsalita.
"Hahaha, ako pa. Ako yata ang prinsipe ng klaseng 'to. Hahaha." Ang yabang na naman niya.
"Excuse me? May Prince Abrylle po sila." Sita naman sa kanya ni Leicy sabay turo sa mga kaklase naming nakatingin ng masama kay Lexter.
"Psh, mas pogi naman ako 'dun." Sagot ni Lexter. Parang may naalala ko sa sinabi niya. Si Abrylle! Nasaan na ba ang kolokoy na 'yon!
Natapos na ang ibang klase namin at MAPEH class na. Binigyan kami ng time ng teacher namin para mag-ayos ng mga gagamit namin sa presentation. Silang nag-aayos na habang ako nakatunganga pa rin at kino-contact si Abrylle. Mayamaya pa, pinapunta na kami sa theater club.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at para nang maiiyak sa kinauupuan ko. Tumayo na ako at naglakad mag-isa papunta sa theater club.
Pagdating ko sa theater club. Nagtaka ako dahil ang daming tao. Akala ko ba klase lang namin ang manunuod? Bakit parang buong campus na? Mas kinabahan tuloy ako.
"Kakanta si Prince Abrylle!"
"Oo nga, pati na rin si Prince Lexter! Gosh!"
"Excited na ako!"
Narinig kong usapan ng iba sa kanila. Kaya naman pala nandito sila para manuod ng presentation namin. Pero paano kung, di talaga dumating si Abrylle? Hay nako. Babatukan ko talaga 'yun pag nakita ko. Ayaw ko sa lahat ng nape-pressure ako eh. Hays, asar!
Sinabi ng teacher namin kung ano ang magiging batayan ng pag-grade niya sa presentation namin. Nakaupo na ako rito sa loob ng thearter club katabi ni Leicy habang panay ang lingon sa likod ko.
"Hindi pa rin ba siya sumasagot?" napatingin ako kay Leicy.
"Hindi pa eh," malungkot kong sagot dito.
"Hay nako, sasapakin ko yang kumag nay an pag nakita ko." Inis na sabi naman ni Lexter. Hindi ko na nakuhang makipagtalo pa sa kanya ta nakapalumbaba na lang dito.
"Okay, let's start the presentation."
Nagsimula nang magtanghal ang iba namin kaklase, mabuti na lamang at ako ang pinakahuling bumunot noon, ibig sabihin ako rin ang huling magtatanghal. Pero nasaan na ba si Abrylle? Hindi pa rin mawala ang kaba ko, hindi pa rin ako mapalagay.
Una, wala pa si Abrylle at umpisa na ng presentation namin. Pangalawa, hindi ko alam ang gimik na gagawin ko. Dahil wala na rin naman si Abrylle rito. Pangatlo, kinakabahan ako, at pag ganito, baka pumalya ang gagawin ko.
Marami na ring mga kaklase namin ang tapos ng mag-perform sa stage. Yung iba ang gaganda ng mga ginawang gimik. Parang nasa theater play talaga sila. Yung iba naman, ang gagara ng mga props at may mga costumes pa.
"Nasaan ka na ba Abrylle?" nasabi ko sa sarili ko habang hawak ang phone ko. "Gosh, malapit na ako."
"Monteverde and Betinez!" tawag ng teacher namin sa sunod na magpe-perform.
Tumayo naman si Leicy na katabi ko ganun na rin si Lexter.
"Galingan niyo guys" sabi ko sa mga ito.
"Salamat Arni, wag kang mag-alala, darating yan si Abrylle." Sabi pa nito bago umalis sa tabi ko.
"Sana nga Leicy."
Leicy's POV
"Ano? Role playing?" nabigla naman ako sa sinabi ni Lexter sa akin para sa gagawin naming gimik.
"Oo, tapos gagawin natin musical, let's just show what is the song trying to tell. I mean, gawan natin ng kwento ang kanta." Nakatingin lang ako dito habang nakaupo. Hawak niya ang gitara na ginagamit namin para mag-practice.
"Okay, paano naman?" tanong ko.
"Di ba ang story ng songs is about a girl who's secretly love a man, pero she can't able to reach it." Pagpapaliwanag nito. Sumang-ayon naman ako rito.
Oo, Lexter, para ako, hira na maabot ka.
"Ayun na yun! Gawan na lang natin ng script."
"Ay, wag na. Ganto na lang, adlib na lang tayo." Suggest ko dito. Nakita ko naman naguluhan siya sa sinabi ko. "Adlib, wag na tayong gumawa ng script. Let's just feel the song at sabihin na lang natin ang dapat sabihin sa mismong presentation."
"Hindi ba mahirap 'yon?" tanong nito. Nakatingin naman ako dito.
Hindi mahirap 'yon, lalo pa't, 'yon talaga ang nais ko ng sabihin.
"Hindi 'yan, magaling ka naman umarte di ba?"
"Hahaha. Naman!"