webnovel

Payong

Title: PAYONG

Written by: Jancarl Dayos

———

Tandang-tanda ko pa yung araw na bumabagyo. Friday 'non at sobrang lakas ng ulan. Busy ang lahat sa pagpprepare para sa foundation week samantalang ikaw ay nasa waiting area lang habang hinihintay na tumila ang ulan.

Lumabas ako ng school 'non at habang naglalakad ay naisip ko na baka hindi ka makauwi kaya nagdesisyon akong bumalik at magkunwaring naiihi dahil nakita mo na kong lumabas. Pagdating ko sa cr ay agad akong nagmessage sayo, inalok ang payong na dala-dala ko. Sabi mo wag na dahil wala akong gagamitin pero hindi mo ko napilit.

Pinuntahan kita at inabot ang payong. Sobrang tanga ko that time para gawin 'yon pero wala akong nagawa at maa pinangatawanan pa. Pinanuod kitang umalis kasabay ng payong ko.

Ngayon, ako ang naiwan sa waiting area habang hinihintay ang pagtila ng ulan. Ilang minuto na ang lumipas at di parin tumitila ang ulan. Marunong akong maghintay pero ang mga magulang ko at hindi kaya wala akong ibang choice kundi ang sumugod sa ulan.

Umuwi ako at pinagalitan. Sinabi ni mama na may payong ako kaya bakit daw hindi ko ginamit. Nagsinungaling ako, sinabi ko nalang na 'nawala yung payong kaya hindi ko nagamit.'

Walong buwan na ang lumipas at hanggang ngayon ay tandang-tanda ko parin ang isa sa mga araw na sobra akong nagpakatanga sayo.

Ngayon, okay na sa akin na umalis ka. Pero sana sa pag-alis mo sa buhay ko hindi mo na sinama yung payong dahil hanggang ngayon hindi pa ako binibilihan ni mama.

—The End—

Chapitre suivant