webnovel

Olivia

Blessy's Pov

Kakatapos lang ng binyag sa simbahan. Grabe sobrang gulo ng mga ninong ng kambal. Buti na lang at kakilala nila mommy ang pari at mukhang sanay na ito sa mga ugali ng mga ito. Kasalukuyang nagkakainan sa likod ng bahay ang mga bisita.

"Blessy akina muna ang kambal para makatulog ang mga ito ng mahimbing. Sa boses pa lang ng mag amang alien eh baka magising agad ang kambal." sabi ni mommy.

"Sige po mommy, samahan ko na po kayo sa kwarto." sabi ko.

"Sige, tara na. Nag aantay na duon si inay Rita." sabi ni mommy.

Hinatid ko sa kwarto sina mommy at ang kambal. Babantayan muna daw ni mommy ang mga bata dahil gusto din daw nya makapagpahinga. Malamang sa dami ng bisita ay baka hindi namin maasikaso ng maayos ang kambal. Mabuti na lang at andyan sina mommy.

Bumaba ako at nagpunta muna sa kusina para kumuha ng pwede pang ilabas na pagkain. Nadatnan ko sa kusina si Olivia na may kausap sa cellphone. Pumasok ako, napansin kong nagulat ito at biglang pinatay ang cellphone nya.

"Kanina ka pa?" tanong nito.

"Hindi, kita mo kakapasok ko lang di ba?" sabi ko.

"Malay ko ba kung nakikinig ka sa pakikipag usap ko." sabi nya.

"Praning ka din ano? Bakit ko naman papakinggan ang pakikipag usap mo? Bakit may tinatago ka ba o kalokohan para maging praning ka ng ganyan." sabi ko.

"Whatever!" sabi nya. Tapos nagpatuloy ito sa pagkain sa kusina.

Bwisit na babae to walang sinisino, kahit matanda sa kanya ay inaaway nya. Pati nga ang apo ni nanay Rita inuutos utusan nya at sinisigawan. Kung hindi lang ito buntis ay napatulan ko ang babaeng yun. Nakakaawa lang si Liam dahil sa problema nya at ayaw ko namang dagdagan ang problema nya dahil sa pagpatol ko sa babae na yun.

"Ate saan nakalagay ang kaldereta? Inubos ni tito V ang kaldereta na natitira. Maglabas na daw ako sabi ni kuya Leo." sabi ni Liam.

"Sige akina yan at lalagyan ko." sabi ko at kinuha ko ang lagyanan kay Liam.

"Liam, hindi mo ba ako sasamahang kumain? Ganito na lang ba tayo palagi? Hindi ba pwedeng maayos ang samahan natin para sa bata?" sabi ni Olivia. Lumapit ito tapos yumakap ito kay Liam.

"Huwag mo akong yakapin. Alam mo ang sagot sa mga tanong mo. Kahit kailan hindi kita magugustuhan pa. Kung sakin nga yang bata ay susuportahan ko ito at magiging ama ako sa kanya pero ang makisama sayo ay huwag ka nang umasa at hindi mangyayari iyon." sabi ni Liam.

"Pero Liam, minahal mo ako nuon di ba? Bakit hindi na ba pwede?" tanong ni Olivia.

"Ate Blessy akina yung kaldereta para makalabas na ako. Ayokong masira ang araw ko." sabi ni Liam sakin.

"O cge eto na." sabi ko at inabot ko ang kaldereta kay Liam.

Sinundan ko lang ng tingin si Liam papalabas ng kusina. Nang makalabas na ito ay napalingon ako kay Olivia.

"Anong tinitingin mo dyan. Pwede ba lumabas ka na ng kusina. Asikasuhin mo ang party ng mga anak mo." sabi ni Olivia.

"Alam mo maaawa sana ako sayo dahil sa nangyari sa inyo ni Liam. Babae din ako at mahirap magbuntis ng mag isa. Kaso dahil sa ugali mo na yan ay walang makikisimpatya sayo. Isa pa ayusin mo ugali mo, sa susunod na sigaw sigawan mo ang apo ni nanay Rita ay baka mapatulan na kita." sabi ko.

"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan. Sampid ka lang din dito." sabi ni Olivia.

"Maghinay hinay ka sa pananalita mo at baka mapatulan na kita." inis na sabi ko.

"Patulan mo. Eh totoo naman na sampid ka lang din dito." sabi pa nya.

"Alam mo kahit sampid ako dito atleast pinakasalan ako. Hindi tulad mo, mas matindi sayo. Biruin mo pinagsisiksikan mo  ang sarili mo dito. Isa pa may gana ka talagang ipagduldulan sarili mo ay pinilit mo pang makipagsex sa lasing. Ngayon sino sa atin ang sampid?" tanong ko.

"Walang hiya ka!" sigaw nya habang lumalapit sa akin. Akma nya akong sasabunutan ngunit hindi natuloy dahil may nagsalita sa pintuan ng kusina.

"Subukan mo lang na saktan si Blessy at ako ang makakalaban mo. Ang tapang mo ding babae ka ano. Subukan mo saktan ang isa sa mga anak ko at makakatikim ka ng galit ko." sabi ni mommy Lisa na nakatayo sa pintuan ng kusina.

"Kanina ka pa ba dyan mommy?" tanong ko.

"Kani kanina lang pero sapat na ang mga narinig ko sa inyong dalawa." sabi ni mommy.

"Sorry mommy." sabi ko.

"Why Blessy? You dont have any reasons to say sorry. Nagsasabi ka lang ng totoo. Nanahimik ako kasi gusto ng si Liam ang makaresolba ng problema nya pero mukhang hindi ito mangyayari. Alam mo ba kung ano ang ayaw makita ng pamilya ko sakin Olivia?" tanong ni mommy Lisa.

"Ano po mommy?" balik na tanong ni Olivia.

"Yung ugali ko paggalit ako." sabi pa ni mommy Lisa habang unti unting lumalapit kay Olivia. Nang makalapit ito sa kanya ay hinawakan ito sa baba.

"Mommy." tawag ni Olivia na halatang takot na takot ito.

"Sa lahat ng ayaw ko ay ang nasasaktan ang mga anak ko. Pinalampas ko ang mga nakita ko sayo lalo na kina nanay Rita at sa apo nya dahil sa kalagayan mo. Pero ang saktan ang anak kong si Blessy ay hindi ko na ito palalampasin. Siguraduhin mo lang na sa anak ko yang dinadala mo Olivia dahil pagnapatunayang kong hindi ay mananagot ka sakin. Hindi lang ikaw ang mananagot pati na ang pamilya mo. Sisiguraduhin kong walang sentimo ang matitira sa mga ari arian nyo." sabi ni mommy. Grabe nakakatakot pala ito pagnagseryoso.

"Kay Liam po ito. Sigurado po ako." sabi ni Olivia.

"Umamin ka na hanggat mabait pa ako kasi pagtinamaan na ako ng pagkamaldita ko ay sisiguraduhin kong may kalalagyan ka. Kaya dapat siguraduhin mong mapapanindigan mo yang mga sinasabi mo." sabi pa ni mommy Lisa.

Lumayo si mommy kay Olivia. Tapos lumapit sa akin. Hinaplos naman nya ang ulo ko.

"Alam mong hindi ka sampid sa bahay na to di ba? Kahit nung una pa lang kitang nakita ay minahal na kita tulad ng pagmamahal ko sa mga anak ko. Lagi mo yang tatandaan." nakangiting sabi ni mommy. Ngumiti din ako at tumango tango.

Lumabas si mommy ng kusina at naiwan na lang kami ulit ni Olivia. Nanlilisik ang mga mata nito sakin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" sabi ko.

"Kasalanan mo to! Nagalit tuloy sakin si mommy." sigaw nya.

"Ako? Ako ba ang nagtataray? Bago ka magbintang ay ayusin mo muna ang ugali mo. Naku Olivia, once na malaman mo ang totoo sa kanila ay baka lalo kang maihi sa takot lalo na kay mommy Lisa. Kaya kung ako sayo magpakabait ka. Sya nga pala Olivia, kapag tumira ka dito siguraduhin mong mapapakisamahan mo ng maayos kahit pa ang mga kasambahay. Dahil hindi gusto ng pamilya nila ang nananakit ng kapwa nila. Isa pa pamilya na ang turing nila sa lahat ng kasambahay na nakatira dito." sabi ko sa kanya bago lumabas ng kusina.

Habang naglalakad ako ay napansin ko si Liam na nakaupo sa sala. Nakayuko ito at panay tingin sa cellphone nya. Nilapitan ko ito at umupo sa tabi nya tapod hinaplos ko ang buhok nito.

"Liam, anong problema?" tanong ko. Nagpunas muna ito ng mukha bago nag angat ito ng tingin sa akin.

"Teka naiyak ka? Anong problema, baka may maitulong ako sayo." tanong ko.

"Ate namimiss ko na si Ara. Tama nga ang sinabi nila na kapag nawala sayo dun mo malalaman ang halaga nila sa buhay mo. Gusto ko syang sundan pero hindi pa pwede kasi nandito pa si Olivia. Hindi ko sya mapanindigan ngayon dahil sa anak namin ni Olivia. Gusto ko munang mapatunayan sa kanya na hindi ako nagtaksil. Kaso habang natagal ay nag aalala ako sa kalagayan ni Ara. Si Ara lang ang inaasahan ng pamilya nya at sya ang nagpapaaral sa mga kapatid nito. Paano makakapag aral ang mga kapatid nito kung walang trabaho ang ate nila. Nadagdagan ko pa ang problema nya." sabi ni Liam. Napangiti naman ako. Alam ko na nag aalala ito sa babaeng mahal nya. Katulad nga talaga sya ng kuya Leo nya.

"Huwag mong alalahanin si Ara. Nasa mabuti syang kalagayan ang importante maayos mo muna ang problema mo kay Olivia at sa bata. Sa ngayon huwag ka munang magpakita kay Ara dahil baka kung ano lang ang gawin ni Olivia. Baliw pa naman ang babae na yun." sabi ko. Napatitig sya ng maige sakin dahil siguro sa pagtataka.

"Ate Blessy.... " nanlaki ang mata nya dahil na realize nya ang sinabi ko.

"Oo Liam, nasa puder ko si Ara. Nakita ni tita Josie at Brandie na umiiyak malapit sa bahay namin. Tinulungan nila ito at nung minsan ay mabisita ako duon ay nalaman na nadun sya at kinupkop nila. Kinausap ko ito at binigyan ng trabaho sa daycare na pinatayo ko. Huwag kang mag alala bibigyan ko ng magandang sweldo ito." sabi ko.

"Galit ba sya sakin ate?" tanong nya.

"Hindi sya galit sayo Liam. Masama ang loob kasi nasasaktan sya sa mga ginawa ni Olivia sa kanya at dahil nawalan sya ng trabaho pero naexplain ko naman lahat sa kanya ang nangyayari. Dont worry akong bahala sa kanya. Kaya ayusin mo agad ang problema mo tapos suyuin mo sya." sabi ko.

"Thank you ate! Thank you!" yumakap naman sakin si Liam ng mahigpit habang naiyak sa tuwa.

"Mahal kita Liam at alam mo yan di ba? Kaya lahat gagawin ko para sa mga mahal ko at isa pa ito lang ang maitutulong ko sayo sa lahat ng mga sakripisyo mo lalo na nung buntis ako." sabi ko.

"Napakalaking tulong mo sa akin ate. Salamat talaga. Mahal na mahal din kita ate. Di kami nagkamali sayo. Napakabuti mo." sabi ni Liam.

"Mga walanghiya kayo!" sigaw ni Olivia na kakadating lang. Lumapit ito sa akin at pinaghahampas ako.

"Tumigil ka na Olivia!" rinig kong sabi ni Liam habang pinipilit nyang awatin ito.

"Mga baboy kayo! Mga walanghiya!" sigaw pa ni Olivia at panay hampas sa akin.

"Blessy!" sigaw ni Leo at nagmamadaling limapit sa akin. Pagkatapos ay niyakap nya ako.

"Ano bang nangyayari dito?" tanong ni daddy na kararating lang at kasama ang mga tito namin.

"Yang malandi na yan, nakayakap kay Liam. Inaakit nya si Liam! Niloloko kayo ng babaeng yan. Inamin nya na mahal nya si Liam! Ang kapal may asawa na at mga anak tapos nilalandi pa si Liam!" galit na sigaw nung babae.

"Hahaha!" sabay sabay na tawa ng mga tito namin pati na sina

"Hindi nyo ba ako narinig! Bakit kayo tumatawa?" sabi ni Olivia.

"Miss, praning ka na? Baka gusto mong magpagamot?" sabi ni tito V.

"Tama alien sama mo sa planeta mo baka sakaling tumino yan." sabi ni daddy.

"Di ko kayo maintindihan? Bakit kayo tumatawa?" takang tanong ni Olivia. Napangiti naman ako dahil sa inasta nila.

Chapitre suivant