webnovel

Tita Josie

Blessy's Pov

Hindi ako makapaniwala na ang tinutukoy nilang mang Jose ay si tita Josie. Si tita Josie ay ang ama ni Maui na isang parlorista. Bakit hindi nila sakin sinabi na magkamag anak kami?

"Paano?" tanong ni Blessy.

"Tama Blessy ako nga. Ako ang asawa ni tita Mel mo na iniwan nya. Kaibigan ko ang mama at tita mo nuon at ng magpakasal ang mama mo sa papa mo ay nagrebelde na ang tita mo. Hindi kasi nya matanggap na ang mama mo ang minahal ng papa mo. Panay ang pagbabar ng tita mo at kung kanikaninong lalaki sya nasama. Pinigilan ko sya dahil mahal ko sya nun. Ibinahay ko sya at pinakasalan hanggang sa magkaanak kami. Kaso iniwan nya kami nuon para puntahan ang mama mo." sabi ni tita Josie.

Nalaman ko na lang ng umuwi sila ng Pilipinas ng nagkaproblema ang mama mo. Tapos kinokontak nya ako para bigyan ng pera para sa anak namin. Sinabi nya na ilihim muna namin ang lahat. Nung mga panahong iyon dun ko napag isip isip na pusong babae pala ako. Yung perang binigay nya ay ipinagtayo ko ng parlor." kwento ni tita Josie.

"Alam nyo po ba na ako ang anak at pamangkin ni tita Mel sa simula pa lang?" tanong ni Blessy.

"Oo alam ko lahat. Nung madala sa DSWD si Maui nuon ay gumuho ang mundo ko. Hindi ko akalain na magmamana sya sa mama nya. Gusto ko syang sagipin kaya naman nung makalabas sya at gusto nyang baguhin ang mukha nya ay pumayag ako." kwento ni tita Josie.

"Nagparetoke ng mukha si Maui?" tanong ni Leo.

"Oo at iniba nya na rin ang pangalan nya. Ama ako at lahat ng magpapasaya sa anak ko ay gagawin ko. Pero nakipagsabwatan pa din sya sa mama nya. Kaya nung pinagplanuhan ka nya na patayin ay gumawa ako ng paraan para hindi matuloy ang mga plano nya." sabi nito.

"Paano nyo nagawa akong iligtas?" tanong ko.

"Sinundan ko si Mel at pagkatapos nung nakita ko na binangga nya ang sinasakyan mong taxi. Bumangga kayo sa isang poste. Dali dali kitang inalis duon at inilayo bago ako tumawag ng rescue. Walang nakakita sakin kasi madaling araw ka bumiyahe. Dinala kita sa ospital ng Baguio at isang linggo kang walang malay. Gumawa ako ng mga pekeng papeles na pwede mong magamit. Tapos binayaran ko si Denver na anak ng kaibigan ko para dalhin ka sa lolo at lola mo." sabi nya.

"Bakit mo ako tinulungan. Anak mo ang nadala sa DSWD ng dahil sakin. Kaya bakit mo ako tinulungan?" tanong ko.

"Mabait kang bata Blessy. Nung tinulungan mo ako ng walang kapalit napag isip isip ko na hindi mo deserve ang ginagawa ng mag ina ko sayo. Itinuring na din kitang anak. Yun lang ang paraan para matulungan kita ng hindi alam ng mag ina ko." sabi nya.

"Paano kami makakasigurado na mapagkakatiwalaan ka namin? Baka bandang huli baliktarin mo kami." sabi ni Leo.

"Itinakwil na ako ng mag ina ko. Hindi ko na kaya ang ginagawa nila. Lalo pa ngayon may pinaplano na naman ang anak ko. Pwede kong ibigay ang lokasyon ng pinagtataguan nila. Isa pa kung kumakampi ako sa mag ina ko eh di sana nuon pa. Hindi ko na sana iniligtas si Blessy. Gusto ko lang maituwid na si Maui." sabi pa nya.

"Pagkakatiwalaan ka namin pero mamanmanan ka pa din namin. Magtatalaga ako ng isang tauhan ko na magbabantay sayo." sabi ni Leo.

"Ok na sakin yun. Ang mahalaga ay maitama ang lahat. Patawad Blessy kung itinago kita." sabi ni tita Josie.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Pareho kaming biktima ng masasamang gawain ng tita ko at ni Maui. Naaawa ako sa kanya kasi nag iisa na lang sya.

"Dun ka pa din ba nakatira?" tanong ko.

"Hindi na nag iistay in na ako sa isang parlor. Naibenta ko na ang lahat ng dahil kay Maui. Wala nang natira sa akin." sabi nya.

"Tutal naman utang ko pa din ang buhay ko sayo. Gusto kong ikaw na ang mamahala ng bar na iniwan ni mama sakin. Tutal naman kailangan ko din ng mapagkakatiwalaan. Para na din may kasama akong mag aalaga kay lolo at lola. Tita pa rin naman kita di ba?" sabi ko.

"Maraming salamat Blessy. Napakabuti mo talaga. Kung sana kasing bait mo lang si Maui ay wala na akong mahihiling pa." Naiiyak na sabi ni tita Josie

"Ako ang dapat magpasalamat. Utang ko sayo ang buhay ko. Pagkatapos ng gulong ito ay magbagong buhay na tayo. Magtulungan tayo, okay ba sayo yun tita Josie?" sabi ko. Iyak naman ng iyak ito.

Hindi ko na pinabalik si tita Josie sa parlor na pinagtatrabahuhan nya. Dun ko na sya pinatulog sa bahay nila lolo at lola. Sabay sabay na kaming uuwi ng Manila.

Pinatulog muna namin ang lolo at lola bago kausapin ulit si tita Josie.

"Sabi mo nagpalit sya ng mukha. Pati ba pangalan nya pinalitan din?" tanong ni uncle Red.

"Tama ka. Hindi na sya Maui Bartolome. Sya na si Claire Bartolome." sabi ni tita Josie.

"What!" sigaw ni Leo.

"Bakit Leo?" tanong ko.

"Si Maui, si Maui ay si Claire na kaibigan ko." sabi ni Leo.

Sinabi ni tita Josie ang location ng tinitirahan nila Maui. Lumayo sila Leo at uncle Red para makapag usap. Kami naman ni tita Josie ay naiwan sa sala.

"Natatakot ako para kay Maui. Gusto ko lang na matigil sya sa kahibangan nya pero ayoko syang mapahamak." sabi ni tita Josie.

"Gusto ko din syang magbago tita Josie. Kahit papaano kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Tapos ngaun pinsan ko pa talaga sya. Sana lang maisip nya na mali na ang mga pinaggagagawa nya." sabi ko.

"Sana nga." sabi nya.

Napatingin na lang kami kina Leo at uncle Red na abala sa pakikipag usap sa phone.

"Boyfriend mo ba sya?" tanong ni tita Josie.

"Ah opo. Bakit po?" tanong ko.

"Sya kasi yung taong hinahabol ni Maui. Simula pagkabata napakarami nyang stolen pictures na tinatago. Naalala mo yung box nya na may susi? Dun nakalagay lahat ng pictures nito. Akalain mo nga naman noh, mauulit din pala sa inyo ang nangyari sa mga magulang nyo. Mama at papa mo, ikaw at siya. Tapos si Mel ang hadlang, ngayon naman anak ko ang hadlang sa inyo. Sobrang coincidence naman nun." sabi nya.

"Hindi pa rin po ako makapaniwala. Ano bang naging kasalanan namin ng mama ko para gawin nila sa amin iyon?" tanong ko.

"Wala kayong mali Blessy, yan ang tatandaan mo. Nabulag sila ng sobrang pagmamahal at pagkasakim. Hindi nila matanggap ang lahat. Sakim sila kasi gusto nila makuha ang lahat." sabi nya.

"Magbabago pa kaya sila. Madaminv tao na silang dinadamay." sabi ko.

"Alam mo ba naaawa ako sa bodyguard mo." sabi nya.

"Huh? Si Noah po? Kilala nyo po sya?" tanong ko.

"Oo naman, katulad ko sya. Pinakasalan sya ni Maui para masagawa ang mga plano nila sa inyo. Binilog ng anak ko ang ulo ni Noah para mapasunod ito sa kanya." sabi pa nito.

"Pinagkatiwalaan ko ang taong iyon. Lagi kong kasama sya simula pagkabata. Kaya ang hirap tanggapin na niloko nya ako. Alam nyo po ba na nakakulong na sila?" tanong ko.

"Oo at binisita ko sila duon. Nagmamakaawa ang tita mo sakin pero mas gusto ko na sya dun. Pagdusahan nya ang ginawa nya sa mama mo pati na ang panghihikayat nya sa anak ko." sabi pa nito.

Natigil kami sa pag uusap namin ng lumapit sa amin sila Leo. Sabi nya kasalukuyan na daw na pinaghahahanap sina Claire at Matt. Sana lang ay mahuli na sila at sana wala nang mapahamak samin.

Napagdesisyunan ni Leo na maaga kami aalis ng Baguio. Kailangan namin makauwi dahil may mga tatapusin pa sya sa opisina. Isa pa kailangan daw nitong magfocus sa pagtugis kina Matt at Claire.

Bumalik kami sa hotel nya at dun kami matutulog. Maliit lang kasi ang bahay nila lolo at lola kaya hindi pwede si Leo. Si uncle Red naman ay nagbabantay sa kanila.

Pumasok kami sa penthouse nya at dirediretso akong nahiga sa kama ng guest room nya. Napadilat ako ng may tumabi sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Matutulog. Tabi muna tayo. Gusto kasi kitang makatabi. Pumikit ka na at alam kong pagod ka na." sabi nya.

"Goodnight Leo." sabi ko. Tapos hinalikan ko sya sa labi.

"Goodnight din my loves." sagot nya.

Pagkatapos nya sabihin yun ay nakatulog na ako. Sana maging maayos na lahat bukas.

Chapitre suivant