webnovel

Meet the Visser Family

Leo's Pov

Kasalukuyan kaming nasa eroplano papuntang Netherlands. Mabuti na lang at may private plane ang Rainbow agency. Hindi na namin kailangan pang magpabook ng flight.

"Relax ka lang Leo. Ninenerbyos ka ba? First time mo ba sumakay ng plane?" tanong ni Blessy.

"Hindi. Kinakabahan lang ako sa mangyayari kapag nakaharap ko na ang papa mo." sabi ko.

"Seriously Leo? Huwag kang mag alala hindi ka nun kakainin hahaha." pang aasar nya.

Sa totoo lang talagang nakakatawa ang itsura ko. Kahit pa sabihin mong confident ako sa lahat ng bagay eh pagdating sa ganitong sitwasyon eh masyadong nakakakaba.

Hindi agad ako nakatulog dahil sa pag iisip ko ng sasabihin sa papa nya. Lumingon ako kay Blessy at pinagmasdan ko ang maganda nyang mukha. Nakakatawa lang kasi hindi pa din naaalis ang pagiging clumsy nito. Gaya kanina, nagmamadali ng pagpasok ng kotse. Ayun nauntog lang naman sya.

Hindi ko namamalayan na nakatulog na ako sa kakaisip kay Blessy. Medyo napasarap pala ako ng tulog kasi ginising nila ako dahil nasa Netherlands na kami. Pagbaba namin ng plane eh may nag aabang na sa aming limousine. May mga tauhan na din na nakaabang sa amin. Hiwalay ng sasakyan si Markus sa amin ni Blessy. Habang nasa daan lalong lumalakas ang kaba ko.

Pumasok kami sa isang gate at pagkatapos binaybay namin ang kahabaan ng daan patungo sa palasyo. Ang makikita mo sa daan ay puro puno at mga halaman na may mga bulaklak. Nang makarating kami sa labas ng palasyo, nakaabang na dun ang mga tagasilbi nila.

"Welcome back Lady Blessy!" sabay sabay na sabi ng mgatagasilbi nila.

Pagpasok ng palasyo namangha ako sa design nito. Napakaelegante nito at maayos ang pakakadisenyo. May lumapit sa aming matandang lalaki.

"Welcome home my lady! Your father is waiting for you in the living room." sabi nung matandang lalaki.

"Thank you Jefferson. Its nice to see you again." sabi ni Blessy.

Naglakad kami sa halway ng palasyo. Makikita mo dun ang mga larawan nila Markus at Blesy. Makikita mo sa suot nila na ito ay mga maharlika. Ang laki ng palasyo at malamang pag inikot ko ito ay maliligaw ako. Tumigil kami sa isang pinto at pumasok.

"Papa!" sigaw ni Blessy at tumakbo ito para yumakap sa papa nya.

"My Blessy! Im so happy that your here. I thought, im never gonna see you again." sabi ng Papa nya. Umalis si Blessy sa pagkakayakap at humarap sa stepmother nya.

"Mother, im really sorry for what i've done. I accused you for killing me. Im really sorry, i didnt know that it was all Noah's lie. I really hope that you'll forgive me." sabi ni Blessy.

"Its not your fault. We can start a good relationship between a mother and daughter. And besides you already called me mother, so its fine with me." sagot ng stepmom ni Blessy.

"Thank you!" sabi ni Blessy.

"By the way, who is that young man?" turo sa akin ng papa nya. Lumapit ako sa kanila at inilahad ko ang kamay ko.

"Hello Sir! My name is Leonard Errol Jeon. Im your daughters boyfriend. I didn't have the chance to intoduce myself to you the last time you went to the Philippines." pagpapakilala ko.

"You have the guts to come here." madiing sabi ng papa nya.

"Papa, Leo is the one who saved me." sabi ni Blessy.

"Sir, I came here because i wanted to talk to you in private." sabi ko.

"Well then lets talk in my office. You better make sure that its important." sabi nya.

Iniwan namin sila Blessy sa living room. Nagpunta kami ng office nya slash library sa dami ng mga libro na nandun. Isinara muna namin ang pinto bago kami nag usap.

"What is it young man?" tanong nya.

"Noah and Blessy's aunt were in jail right now. Her aunt is the one that kill Blessy's mom. Thats because of her jealousy with you. She set up Blessy's mom with another guy. And with the help of Noah and some other spy here in your mansion." paliwanag ko.

"Do you think that there's a traitor here in my mansion?" tanong nya.

"Yes! That's why im here. I want to have an access in your security." sabi ko.

"How will you do that?" tanong nya.

"Sir, im a secret agent working in the government. The one that you called. Rainbow Agency is my company and right now i am the CEO of that agency." pagpapakilala ko.

"Well then i will tell the security team to give you an access. Is that all young man?" tanong nya.

"No sir, i also want to talk to you about Blessy." sabi ko.

Nag usap kami ng tungkol kay Blessy. Sa seguridad nya at pagbalik sa Pilipinas. Nahirapan akong makumbinsi sya lalo na sa pinakamahalagang pakay na sinabi ko. Syempre nung una ayaw nya pumayag pero bandang huli naging maayos naman ang pag uusap namin.

Lumabas kami ng office nya at bumalik sa kinaroroonan nila Blessy.

"Uy! Ano yung pinag usapan nyo ni papa sa loob?" tanong ni Blessy.

"Secret." sabi ko.

"Kainis naman to, magsesecret pa eh. Dali na naman, sabihin mo na sakin." pangungulit nya.

"Wag kang mag alala sasabihin ko sayo kapag ok na ang lahat. Kailangan ko munang masigurado ang kaligtasan mo." sabi ko.

Sumimangot naman ito at ngumuso. Minsan isip bata talaga itong si clumsy girl ko.

"Halika na, ipasyal mo naman ako sa mansion nyo." sabi ko.

"Sige na nga kahit naiinis ako." sabi nya.

Nagpaalam kami at lumabas ng living room. Inutusan na ng conde si Jefferson na iakyat ang mga bagahe namin. Dinala ako ni Blessy sa kwarto nya.

"Maupo ka muna sa sofa at kukunin ko yung mga pictures namin nila mama." sabi nya. Naupo naman ako sa sofa ng kwarto nya.

Ipinakita nya sa akin ang mga larawan nila. Masayang nagkukwento si Blessy tungkol sa mama nya. Nanuod din kami ng paborito nyang mga movies. Maya maya nagring ang cellphone ko. Numero lang ang nakalagay pero sinagot ko naman ito agad.

"Hello?" tanong ko sa tumawag.

"Hello kuya, si Lily nadisgrasya. Huhuhu!" sabi ni Lala habang naiyak.

"Anong nangyari? Paano nadisgrasya? Kamusta si Lily?" tanong ko sa kanya.

"Sabi daw ng pulis walang brake yung sasakyang ginamit ni Lily. Nasa operating room pa si Lily." paliwanag ni Lala.

"Sige uuwi ako agad. Wag muna kayong lalabas ng ospital hanggat wala kayong kasama." bilin ko sa kanya. Binaba ko na ang cellphone ko at humarap kay Blessy.

"Blessy, kailangan kong umuwi. Naaksidente si Lily at kailangan ako dun." sabi ko.

"Ganun ba? Kamusta na si Lily? Sana ayos lang sya." sabi nya.

"Nasa operating room pa." sabi ko.

"Ano pang hinihintay mo tara na bumalik na tayo sa Pilipinas." sabi nya. Tatayo na sana ito ng pigilan ko.

"Blessy ako na lang muna ang uuwi. I want you to spend some more time with your family. Matagal ka nilang hindi nakasama." sabi ko.

"Pero...." nag aalangang sabi ni Blessy.

"Dito ka muna. Kapag ok na ang lahat susunduin kita. Alam kong safe ka dito. Delikado pa kasi. Feeling ko kasi na sinadya ang pagkakawala ng brake ng sasakyan ni Lily. Maingat si Lucas sa mga sasakyan. Lagi nitong chinecheck up ang mga kotse sa bahay, kaya paano yun nangyari. Kailangan ko munang mag imbestiga." paliwanag ko. Tumango naman ito.

"Sige ayoko namang makadagdag sa alalahanin mo. Pagtapos ka na balikan mo ako at hihintayin kita." sabi nya. Hinalikan ko si Blessy sa labi. Sya rin ang unang tumigil sa pagkikipaghalik sa akin.

"Lumakad ka na. Kailangan ka ng pamilya mo." sabi nya. Hinalikan ko ito sa noo bago ako lumabas ng kwarto nya.

Nagpaalam muna ako sa pamilya ni Blessy bago umalis. Naguumapaw ang galit ko kanina pa pero hindi ko pinakita kay Blessy. Kung tama ang hinala ko na may gumawa nun kay Lily ay gagawin ko ang lahat mapagbayaran nya lang ang ginawa nya. Sa lahat ng ayoko ay ginagalaw ang pamilya ko. Humanda sya sakin.

Chapitre suivant