webnovel

Company

Blessy's Pov

Nang dumating si Leo galing police station, marami itong pasa. Naawa naman ako kasi nadamay ko pa sya sa gulo namin ni Denver.

"Okay lang ako. By the way nakakulong na yung ex mo. Hindi ka na nya matatakot pa." sabi nya.

"Gamutin natin yang sugat mo. Gusto mo bang tumawag ako ng doktor o nurse?" sabi ko.

"Hindi na pahidan mo na lang nito." sabi nya at binigay nya sakin ang gamot.

Habang pinapahiran ko ito naiilang ako sa mga titig nito. Sinigurado ko na dahan dahan lang ang lagay ko para hindi sya masaktan. Natigilan ako ng bumukas ang pinto.

"Kuya we need to go. Nahimatay si Mommy." nag aalalang sabi nung Lucas.

"Okay tawagan mo si uncle Red. Sabihin mo papasundo tayo ng helicopter. Dun nya ilapag sa hotel ko. Mauna ka na dun. Susunod na ako at magbibilin lang ako dito." sabi ni Leo. Tumango naman si Lucas. Tapos humarap sa akin.

"Blessy hindi ko alam kung kailan pa ulit ako babalik dito. Kung handa ka na pwede ka nang magsimulang magtrabaho sa kompanya ko. Nakapag assign na ako ng private nurse ng lolo at lola mo para may makasama sila pagpunta mo ng Manila. Eto ang calling card ko, sabihin mo pinapunta kita." sabi nya tapos inabot sakin yung calling card.

"Cge susunod na lang ako. Salamat." sabi ko.

Agad na umalis si Leo ng ospital. Mahal na mahal siguro nila ang Mommy nila at makikita mong sobrang pag aalala nila.

Makalipas ang isang linggo nakauwi na ng bahay sina lolo at lola. Gaya ng sinabi ni Leo may private nurse na magbabantay kay lolo at lola. Meron din syang kinuhang kasambahay. Grabe malulubog ako sa utang sa bayarin ko sa mga tagapag alaga lang nina lolo.

Kasalukuyan akong nabyahe papunta ng Golden Company. 9 na ng umaga ako nakarating sa kompanya ni Leo. Pumasok ako sa loob at nagtungo sa receptionist.

"Miss ahm pinapapunta ako ni Leo i mean Mr. Jeon. Pwede ko ba syang makausap?" nahihiyang sabi ko.

"Miss may appointment ka ba? Hindi basta bastang nagpapapasok dito." mataray na sagot nung babae.

"Eh miss si Mr. Jeon kasi nagsabi na sabihin ko lang daw sa inyo. Eto ang calling card nya." sabi ko.

"Hay naku miss lumang style na yan hahaha. Wag ka mag ilusyon na bibigyan ka ni sir nyan." sabi nung babae tapos pinagtawanan nila ako.

Naupo ako sa waiting area. Tumawag ako kay Leo pero busy sya. Nagtxt naman ako sa kanya. 11:30 na ng umaga hindi pa din nila ako pinapapasok kahit nagpaliwanag ako na hinire ako bilang sekretary ay di sila naniwala. Tumunog naman ang cellphone ko. Sinagot ko ito agad ng makita ko na si Leo ang natawag.

"Hello nasan ka? Sorry ngaun ko lang nabasa yung txt mo. Naiwan ko kasi yung phone ko sa office. Kakarating mo lang?" sabi nya.

"Ok lang. Nandito ako ngayon sa lobby. Kanina pa akong 9 dumating." sagot ko.

"Kanina ka pa dyan? Bakit hindi ka umakyat sa office ko?" tanong nya.

"Ayaw kasi ako papasukin eh. Sabi tatawagan ka muna. Pinakita ko yung bigay mong card sabi nila peke daw yun." paliwanag ko.

"Okay intayin mo ako dyan." pagkasabi nya nun binaba nya yung tawag.

Pagkalipas ng 5 minuto naglalakad papunta sakin si Leo. Mukhang galit ata si Leo. Tinulungan nya ako makatayo tapos humarap sa receptionist.

"Bakit hindi nyo sya pinapasok! Pinag intay nyo sya ng mahigit na 2 oras!" sigaw ni Leo.

"Eh sir sorry po kasi madalas peke ang card na binibigay sa amin." sabi nung receptionist

"Tawagin nyo ang manager mo!" sigaw pa ni Leo.

"Sir Leo." sabi nung manager.

"Anong pinagkaiba ng mga peke at tunay sa calling card ko?" tanong ni Leo.

"Yung selyo po sir na kayo lang ang meron." sabi nung manager. Namumutla na ang mga trabahador dun.

"Hindi mo ba sila ininform? Pinakita na ng babaeng ito ang card ko tapos hindi nyo pa sya pinapasok! Simula ngayon ayoko na kayong makita sa kompanya ko!" sigaw ni Leo.

"Sir pati po ba ako? Wala po akong kasalanan. Sinabihan ko naman po sila." sabi nung manager.

"Sir wag nyo po kaming tanggalin." sabi nung mataray na babae.

"Manager ka kaya dapat kargo mo sila. Ganyan ba lagi ang ginagawa nyo!" sigaw ni Leo. Kinalabit ko naman si Leo at lumingon ito sakin.

"Leo please wag mong idamay ang walang kasalanan. Hindi alam ng manager." sabi ko. Huminga ito ng malalim.

"Manager ayoko nang mauulit ito. Pero ang 2 yan tanggalin sa trabaho." sabi ni Leo at nagthank you yung manager sakin. Umiiyak namang umalis ang 2 babae.

Ngayon ko lang napansin na halos lahat nakatingin samin. Nabalik ang tingin ko kay Leo nang guluhin nya buhok ko.

"Kain tayo sa labas, malamang gutom ka na kakaantay. Pasensya ka na ha at pinag intay ka nila. Nakita mo pa ang galit ko." sabi sa akin ni Leo.

Lumabas kami ng kompanya at kumain sa malapit na kainan dun. Sabi ko sa 7/11 na lang kami kaso ayaw. Sabi ko kaysa sa mamahaling restaurant eh sa Jollibee na lang kami.

Sinabihan nya akong maghanap ng upuan at siya ang oorder. Napatingin ako sa paligid at lahat sila nakatanga at nakatingin kay Leo. Alam ko naman na gwapo ang kasama ko. Dumating si Leo na maraming biniling pagkain. 2 fried chicken, 2 spaghetti, 2 palabok, 2 fries, 2 hamburger, 2 jolly hotdog, 2 sundae at 2 softdrinks.

"Leo, may kasama pa ba tayo?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman bakit?" sabi nya.

"Seriously? Mauubos ba natin yan? Grabe ka naman hindi naman ako baboy eh." sabi ko. Tumawa lang sya ng tumawa. Nagtinginan tuloy ang lahat ng tao sa amin.

"Sorry hindi ko kasi alam ang gusto mo." sabi nya.

Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan tungkol sa lolo at lola ko. Nagring naman ang cellphone nya.

"Hello kambal nandito ako sa labas. Sa Jollibee." nagtataka itong binaba ang cellphone.

"Pasaway binabaan ako ng phone." sabi nya.

"May kakambal ka?" tanong ko. Tumango naman ito. Maya maya lang may umupo sa tabi ni Leo. Magkamukha sila. Ang ganda nung babae.

"Hi! Im Lady Lavinia Jeon or you can call me Lala for short." pagpapakilala nya. Medyo kumirot ang ulo ko.

"Hello Im Blessy Perez." pagpapakilala ko.

"Blessy I hope you dont mind na nandito ako ha. Nagugutom na kasi din ako hehehe." natatawang sabi ni Lala.

"Naku okay lang. Hindi namannamin mauubos ang pagkaing binili nya eh. Sobra sobra ito. Buti at dumating ka." sabi ko. Totoo naman eh hindi namin mauubos ito.

Natapos kami kumain at naglakad. Nauna kaming naglakad ni Lala at nakaangkla naman sya sa braso ko. Si Leo naman nasa likuran namin. Pumasok kami sa isang elevator at walang sumabay.

"This is our personal elevator. Kami lang ang nakakagamit nito." sabi ni Lala.

"Hala dapat pala sa kabila ako sumakay." sabi ko.

"Sira friends na kita kaya dito ka sasakay simula ngayon." sabi ni Lala.

"Dito ka din ba nagwowork?" tanong ko.

"Sadly hindi eh. May sarili akong kompanya. Namiss ko lang ang kambal ko kaya ako nandito." sabi pa ni Lala.

Bago kami pumasok sa loob ng opisina kinausap muna ni Leo yung sekretarya nya ata. Grabe hapit na hapig ang damit nito at halos kita na ang dibdib. Napailing na lang ako.

"Ms. Diaz, simula ngayon si Ms. Blessy Perez na ang personal secretary ko. Hindi mo na kinakailangang pumasok sa loob ng opisina ko unless tatawagin kita. Sa loob din ng opisina ko sya magtatrabaho." sabi ni Leo. Napansin ko na parang aangal yung babae.

"Ayusin mo nga ang suot mo. Binalaan na kita. Sa susunod ulit wala ka nang trabaho. " sabi ni Lala sa sekretarya.

Pumasok naman kami sa loob ng opisina. May 2 table na dun. Malamang para sa akin iyon.

"Dun ka isang table. Ang gagawin mo lang ay timpla ako ng kape. Tumanggap ng tawag kay Ms. Diaz. Ikaw din ang sasama sakin sa mga meetings ko.

Pinirmahan ni Leo ang dala ni Lalang papeles. Nagexchange din kami ng phone numbers. Nagsabi sya kay Leo na minsan ipahiram daw ako. Okay lang naman daw kay Leo.

Nag aalala ako kung saan ako uuwi. Di na ako nakapagtanong kasi sinagot nya na agad.

"Mag antay ka na sa akin. Sabay tayong uuwi sa bahay namin. Dun ka muna tumira." sabi ni Leo.

"Naku hahanap na lang ako ng room for rent." sabi ko.

"Wag matigas ang ulo mo. Delikado ka pa mag isa baka nasundan ka ng gustong manakit sayo. Mabuti nang kasama kita." sabi ni Leo.

Di na ako umangal kasi sobra sobra na ang pagtulong nya sakin. Sana makauwi kami ng maaga. Naku makikita ko pamilya nya. Mabait kaya mga magulang nya?

Chapitre suivant