webnovel

Grieving

Leo's Pov

Mag aagahan kami ng pamilya ko ngayon. Actually kakauwi ko lang. Alam ko nag aantay lang sila magpaliwanag ako.

"San ka ba nagpuntang bata ka. Nakalimutan mo yatang tumawag. Ngayon ka lang nagkaganyan. Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni mommy.

"Oo nga kuya. Hinatid mo lang ai Blessy tapos hindi ka na umuwi." tanong ni Lala.

"Mommy, daddy kasama ko po si Blessy. Hindi po kami nakauwi kaagad kasi huling burol na po. Ayaw umuwi ni Blessy kaya nde rin po ako nakauwi." sabi ko.

"Hindi ka namin maintindihan anak. May namatay na kamag anak si Blessy?" tanong ni Daddy.

"Wala po Daddy. Ibang tao po sya." sabi ko tapos kinuwento ko lahat ng nangyari sa amin kagabi.

"Ganun pala ang nangyari. Mabuti nga at hindi ka umalis kaya lang nakalimutan mo tumawag o magtxt man lang." sabi ni daddy.

"Kawawa naman ang mga bata. Mabuti na lang at naisip ni Blessy sa foundation sila ilagay. Mabuti pa mabilihan ng konting mga damit ang mga batang iyon." sabi pa ni mommy.

"Sorry Mom hindi muna ako makakabigay ngayong buwan sa foundation. Pwede po ba akong gumawa ng mission para sa susunod na buwan makapagdonate na ako." pagpapaalam ko kay Mommy.

"Sure anak. Hahanapan kita ng madali dali." sabi pa ni Mom.

"Im so proud sayo kambal kasi nagawa mo ang mga bagay na yun. Mukhang maganda ang impluwensya sayo ni Blessy." sabi ni Lala

"Oo nga kuya ang alam ko si Blessy may part time job. Hindi lang namin alam kung ano. Duon daw kinukuha ni Blessy ang pera pangdonate sabi ni Angel." kwento ni Lucas sa amin.

"Wow napakabait na bata. Sana pagpalain pa sya ng Diyos. Napakabuti ng kanyang puso." sabi ni Mommy.

"Kuya kelan po ang libing?" tanong ni Lily.

"Oo nga pala kambal. Saan ba yun at pupunta ako. Malamang nag aasikaso na naman si Blessy dun kaya gusto ko tumulong." sabi ni kambal.

"Ako din kuya." sabi ni Lily.

"Mamayang tanghali. Dadalhin sa simbahan at saka ililibing. Magpapalit lang ako ng damit at Mommy pwede ba akong makahingi ng cookies na gawa mo. Bibigyan ko lang yung 2 bata." sabi ko kay Mom.

"Sure kuya dalhin mo na lahat, gagawa na lang ako. Sa foundation ko na lang sila bibisitahin." sabi ni Mom.

"Magpapaalam ako sa coach ko tapos sasama ako." sabi ni Lucas.

Proud ako sa pamilya ko. Laging nakasuporta sa isat isa. Dati natulong lang ako kasi dahil kay Mommy. Kahit anong paliwanag ni Mommy nde ko maintindihan at maramdaman. Pero kagabi, naramdaman ko ang mga bata na nangungulila sa ina. Si Blessy na kahit bata pa natulong ng walang kapalit. First time ko naramdaman na mas masarap pala idonate ang mismong pinaghirapan mo hindi dahil nakagawian lang kundi dahil sa sariling sikap mo ito.

"Sa wakas anak natututo ka na. Anong pakiramdam? Ganyang ganyan din ako nung nakasama ko si Mommy mo. Akala ko nagwawaldas lang si Mommy mo ng pera dahil marami sya nun. Pero hindi, binibigay nya ang pinaghirapan nya at ang perang natanggap nya kay Errol sa pagpapatayo ng foundation. Kaya lalo kong minahal ang Mommy nyo." kwento ni Daddy.

"Magbibihis na po ako Dad. Next time bonding tayo ni Lucas." sabi ko.

Umakyat ako ng kwarto ko at nagpalit ng damit. Nagbihis ako ng plain white tshirt at maong pants. Nang matapos ako magbihis lumabas na ako at nag intay sa mga kapatid ko

Nakarating kami duon at nadatnan namin si Blessy na binibihisan ang mga bata. Agad naman kami lumapit. Kinuha ni Lily ang damit ng batang babae at sya ang nagbihis dito. Inilagay ko sa kotse ang ipanimigay pagtapos ng libing.

Natapos ang libing at ipinamimigay na ng mga kapatid ko ang binalot namin na pamigay sa libing. Iyak ng iyak ang mga bata. Di rin napigilan ng mga kapatid ko na maiyak. Nakakaiyak daw ang tugtog.

Namamaga na din ang mata ni Blessy kakaiyak. Somehow naramdaman ko ang feeling ng mga bata. Kung si Mom yan hindi ko maipapaliwanag ang mararamdaman ko. Siguro guguho anv mundo ko. Kaya pala ganun na lang ang pagmamahal ni Dad dahil muntik na mawala si Mom.

"Lala, Lucas, Lily at Leo maraming salamat sa tulong nyo." sabi ni Blessy.

"Naku ano ka ba magkakaibigan tayo no. Alam namin na mahihirapan ka sa pag aasikaso." sabi ni Lucas at tumango naman si Blessy.

"Anong plano mo sa kanila?" tanong ni Lala.

"Dadalhin ko na sila ngayon sa foundation. Atleast dun maraming bata at sana makalimutan nila ang masakit na alala ng pagkawala ng nanay nila." sabi ni Blessy.

"Bakit ganun ka kaattach sa kanila? I don't get it." tanong ni Lily.

"Kasi nawala din sakin si Mama. Sinabi ni Papa na papayagan akong makasama si Mama ko kaso lagi nya akong pinapaasa. Pinayagan nya akong umuwi ng Pilipinas mga 5 years after. That time i was so happy but also that day was the most painful day of my life." sabi ni Blessy bago huminga ng malalim at nagpatuloy magkwento.

"My mom died in my arms. Namatay sya nang walang natulong sa amin. Nadaganan ako ni Mama nung natumba siya kaya hindi ako makatayo. Sigaw ako ng sigaw pero walang nakarinig. Nawalan din ako ng malay nun dahil sa pagkakabagok ko. Then nagising na lang ako nasa kabaong na si Mama. I was only 10 years old at that time." kwento pa ni Blessy. Pinunasan ko ang luha nya.

"Shhhh. Tahan na. Im sure proud na proud sayo ang Mama mo." sabi ko.

"Kuya uuwi na ako kasi may lakad pa kasi ako." sabi ni Lucas.

"Ako din may project pa kuya." sabi ni Lily.

"Oh sige hahatid ko na kayo pauwi." sabi ko.

"No kuya, tinawagan ko na si uncle Red at nag aantay na sya sa labasan. Samahan mo na lang si Blessy sa foundation." sabi ni Lala at tumango ako.

Hinatid ko muna sila sa kotse nila pauwi at Hinatid namin ang mga bata sa foundation.

"Ate natatakot po ako dito." sabi nung batang babae.

"Nene, dito kasi maaalagaan kayo at mapag aaral. Isa pa marami ding bata dito." sabi ni Blessy.

"Ate makikita ka pa po ba namin?" tanong nung batang lalaki.

"Oo naman. Nagpupunta ako dito pagmay free time ako. Wag kayo mag alala sigurado akong magugustuhan nyo dito. Ayun oh kumakaway na sila sa inyo. Lakad na puntahan nyo na." nag aalangan man pero nagpunta din ang mga bata. Agad naman na nakipagkaibigan ang mga nandun. Yumakap muna sila kay Blessy bago umalis.

Umuwi kami ni Blessy nang magaang ang pakiramdam. Sobra syang napagod kaya nakatulog sa kotse. Nalimutan ko naman tanungin kung saan ang bahay nya. Inuwi ko na lang sya sa bahay dahil kahit anong pilit ko hindi sya magising.

Chapitre suivant