webnovel

Escape

Aerin POV

I hate her! I hate her so much! Naiinis na sambit ko sa aking sarili habang pumaparoon at pa rito sa loob ng aking kwarto.

"She kissed me. She...fcking kissed me!" Hindi parin makapaniwala na sabi ko sa sarili. "Nasisiraan na ba talaga siya ng bait?!" Dagdag ko pa. Bago napahawak sa aking labi na hanggang ngayon yata ay nararamdaman ko parin ang malalambot nitong labi roon.

Anong karapatan niya na halikan ako ng ganon? I mean..nakakainis lang din kasi bakit hindi ako kaagad nagprotesta sa ginawa niya at hinayaan ko lamang ito na inexplore ang aking labi. Damn her!

Dahil nagagandahan ka sa kanya. Yiiiee. Tuyo pa ng aking isipan. Isa pa, ginusto mo naman iyon, hindi ba? Dagdag pa niya.

No way! Nagagandahan ako sa kanya, yes. Dahil hindi naman talaga maitatanggi iyon dahil maganda naman talaga siya. Pero...bakit kailangan umabot sa ganoon?

Ang lakas lakas din ng pintig ng puso ko na tila ba gusto nitong kumawala at magtatatalon. Napakagat ako sa aking labi. Bigla rin tuloy akong nakaramdam ng pang iinit sa katawan at tila ba pinagpapawisan pa kahit na, naka bukas naman ang aircon.

Ano bang nangyayari sa akin?

Kaagad na hinubad ko ang aking suot na sando, jeggings at sapatos na ginamit ko mula sa pag jogging. Basta ko na lamang din hinubad ang suot kong underwear at bra pagkatapos. Wala namang makakakita sa akin. Diba? Kulob kaya masyado itong kwarto ko.

Napa paypay ako sa aking mukha gamit ang aking palad. Ang init sobra! Muling pagmamaktol ko sa sarili.

Kaagad na dumiretso at pumasok ako sa loob ng aking banyo. I need a cold water. Para naman mawala itong init na aking nararamdaman sa loob at labas ng katawan ko.

------

Buong araw yata akong nag kulong sa kwarto. At sa buong araw na iyon ay wala akong ibang maisip gawin kung hindi ang manood sa Netflix ng paborito kong series. And I'm so fcking bored!

Namimiss ko ang buhay ko noong nabubuhay pa ang parents ko. Namimiss ko ng gumimik. Isa pa, nagkulong talaga ako sa kwarto dahil iniiwasan kong makita o makasalubong ang babaeng pinaka ayaw kong makita.

Sometimes, I wonder kung wala ba itong nobyo. Dahil nakakapag taka naman kung wala, dahil sa ganda na angking taglay nito? I doubted. And the way she kissed me earlier, masasabi kong she's such a good kisser. At mahahalata mong madami na itong napa ibig at nawasak na puso dahil sa kanyang kagandahan.

Ang hot at sexy pa! Pang aasar naman ng aking isipan.

Napailing ako ng sandaling sumagi iyon sa aking isipan. Ehem! Tama, sexy nga siya. Pag sang ayon ko naman sa kabilang banda. Pero...ang hindi ko maintindihan eh kung bakit napaka weirdo ng aking nararamdaman sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari kaninang umaga.

Stop it Aerin! That was JUST a kiss. Nothing more. And she's a girl for pete's sake! Pag suway ko sa sarili.

Kaagad na napatingin ako sa wall clock na nasa loob ng kwarto ko. Biglang may pumasok na ideya sa saking isipan ng makita kong mag aalas syete na ng gabi.

Susubukan ko na lamang sigurong tumakas muli. Iyong tulog na ang lahat upang walang makakakita sa pag-alis ko. Tama! Nakakabagot na kaya dito sa loob ng mansyon. Kailangan ko rin namang maglibang kahit paano 'no? Isama mo na rin na gusto kong mawala ang kung ano mang nararamdaman kong kawerduhan ngayon sa Billy na iyon.

Excited na muling nagtungo ako sa banyo upang makapaglinis ng katawan. Pagkatapos ay nagpalit na rin ako ng damit. Pinili kong suotin ngayon ay fitted jeans and strapless tube, crop top. Kung saan nakikita ang aking pusod sa ibaba at pati na rin ang aking sexy collar bone sa itaas.

Sakto dalawang oras bago ako natapos sa lahat. Medyo na enjoy ko rin kasi ang may kainitan na tubig na dumadaloy sa aking katawan kanina sa loob ng banyo.

Papalabas na sana ako ng aking kuwarto ng biglang sumagi naman sa isipan ko si Billy. Isama ko nalang kaya siya? Tanong ko sa sarili.

Pero hindi ba nga siya ang dahilan kaya gusto mong umalis dito? At siya rin ang dahilan kung bakit ka nakakulong sa mansyon niyo. Dahil pinaghihigpitan ka niya.

Pinoprotektahan ka lang niya Aerin. Pag protesta naman ni inner self ko.

Napapahawak na lamang ako sa aking sintido dahil sa pagtatalo ng aking isipan. Hindi. Hindi ko siya isasama. Mamaya mas mapapahamak lang ako ng dahil sa kanya eh. Hmp!

Ilang sandali pa ang nakalipas ng mahuli ko ang sarili na nakangiti habang nagmamaneho ng sarili kong sasakyan.

Paano ako nakatakas sa mga guards pati na rin kay Aerin at Lucas? Of course! I have my ways. At hindi ninyo na kailangang malaman pa. Basta ang importante, magsasaya at mag-eenjoy ako ngayong gabi.

Ayoko na kayang isipin yung bababeng yun 'no? Masyado na yata niyang nakukuha ang atensyon ko. Pati na rin ang aking isipan, siya na rin ang palaging laman. Tsk! Naiiling na lamang ako sa sarili.

"Sorry dad, mom. Hanapan niyo na lamang po ako ng magiging nobyo ng hindi naman ako naboboryom sa buhay ko ngayon." Pagkausap ko sa aking mga magulang. As if naman na naririnig nila ako.

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Bakit naman kasi sa lahat ng lugar, eh sa gitna pa ng gubat naisipan ng mga magulang ko na magpatayo ng bahay. Nakakangawit kayang mag drive lalo na at ganito na sobrang layo namin sa kabihasnan.

Napangiti ako ng matagumpay sa aking sarili dahil sa wakas ay natatanaw ko na ang national high way. Kung saan kitang kita ko na rin ang mga nagtatayugang gusali sa may hindi kalayuan pati na rin ang mga sasakyan na pumaparoon at parito.

Bubuksan ko pa sana ang radyo sa loob ng kotse ng may maramdaman ko na biglang bumangga sa likod ng kotse ko.

"Dammit!" Pagmura ko sa sarili bago inayos ang sarili. Napatingin ako sa side mirror ng sasakyan at doon, nakita ko ang hindi pamilyar na kotse sa sumusunod sa akin.

Binilisan ko pa ng konti ang pagpapatakbo. Kaagad din naman iyong sumunod sa akin at muli na namang binangga ang aking sinasakyan.

"Oh no! My baby!" Mangiyak ngiyak na sambit ko sa sarili dahil sa pag-aalalang masira at magagasgasan ang aking brand new Nissan 350Z na kotse.

Isang mas malakas na pagbangga pa kasya noong una ang sumunod nitong ginawa sa kotse ko. "Shit!" Nagpapanic na sambit ko sa sarili. Hindi ko na nga yata namamalayan na sobrang napakabilis na pala ng pagpapatakbo ko.

Doon lamang din muling nag sink in sa aking isipan ang mga nangyari noong gabi na pinagbabaril kami ng mga magulang ko.

"Shit! Shit! Shit!" Naramdaman ko nalang ang panginginig ng mga kamay ko at ng aking buong katawan, habang mahigpit na nakakapit sa aking manobela. Nagkataon pa na wala na rin ako halosna nakakasalubong na mga sasakyan.

Muli, ay isang malakas na tunog na naman ang nadinig ko mula sa aking likuran. Napa giwang pa ito ng konti na mahahalata mong sinasadya talaga at gusto na madisgrasya ako.

Mas lalo akong napaharurot ng takbo ng sandaling natatanaw ko na ang destinasyon ko. Kaagad na ipinarada ko ang aking sasakyan pagdating at mabilis na bumaba mula sa loob ng kotse.

Kahit nangangatog pa ang mga tuhod ay pinilit ko parin na kalmahin ang aking sarili. Ngayon lamang din ako nagsisi na sana ay nagdala man lamang ako kahit isang bodyguard.

Takot na takot na pumasok ako sa loob ng resto bar at kaagad na nagtungo sa may mataong lugar kung saan makikita at natatanaw ko parin ang entrance.

Ilang sandali pa ang lumipas ng may matanaw ako na dalawang lalaki habang papasok kung saan ako nang galing kanina.

Hindi ko sila mamukhaan.

Pinagmamasdan ko ang mga ito habang nag-uusap. Ngunit mahahalata mo na mayroon silang hinahanap sa paligid. Palinga linga ang mga ito. Doon ko lamang din na kompirma na ako nga ang kanilang pakay dahil noong sandali na magtama ang aming mga mata ng isa sa mga ito ay kaagad itong napatakbo sa akin.

Sa tanang buhay ko...hindi ko pinangarap na maranasan ang ganito. Para akong nasa pelikula na gustong hulihin ng mga kalaban at basta na lamang papatayin sa harap ng kanilang pinuno.

I know that they were looking for me. Sa kilos at suot ng mga ito ay alam kong masama silang tao. Hindi ko man alam kung ano ang gusto ng mga ito mula sa akin. At gustuhin ko mang malaman kung ano iyon..ay kailangan ko ng tumakbo para iligtas ang sarili.

Ngunit huli na ng mahawakan ako sa aking buhok ng isa sa mga ito. Hinila na para bang isa akong hayop sa kanyang paningin. Napapikit ako sa sakit ng aking anit dahil sa mahigpit nitong pag hawak sa aking buhok.

"Huh! Sa tingin mo matatakasan mo kami?" Hindi ko parin makita ang mukha nito dahil sa hanggang ngayon ay nakasuot parin ito ng kanyang sombrero.

"A-anong kailangan niyo sa akin?" Natatakot na tanong ko rito.

Ngunit imbis na sagutin ako ay basta na lamang akong hinila nito palabas mula sa loob ng bar na iyon. Habang ang isang kamay nito ay nasa mga buhok ko, ang kabila naman ay nasa aking tagiliran habang nakatutok ang kanyang baril rito.

"Bitiwan mo ako!" Nagpupumiglas na sambit ko sa kanya ngunit isang malakas na sampal ang natamo ko dahilan para mabitiwan ako nito at bumagsak sa lupa.

Nalasahan ko kaagad ang dugo na nagmula sa sugat sa gilid ng aking labi. Lumapit itong muli sa akin. Akmang hahawakan na sana ako nito muli, nang mabilis na sinipa ko ito sa gitna sa pagitan ng kanyang dalawang legs.

"Fck you!" Ganting sigaw ko sa kanya bago napatakbo ng muli habang namimilipit pa ito sa sakit dahil sa ginawa ko.

Hinihingal na nagtago ako sa mga sasakyan na naka hilira doon sa mga sandaling iyon. Nakita ko ang isang kasamahan nito na muling naghahanap sa akin habang hawak hawak ang baril nito.

Pasipol sipol pa ito habang nagpapalinga linga sa kanyang paligid. "Yuhooo!" Tila tuwang tuwa pa ito sa kanyang ginagawa habang naghahanap sa akin.

Naluluha na mas lalo akong nagkubli sa aking pinagtataguan. Ilang hakbang na lamang ang pagitan nito sa akin para ako ay muling makita.

Sandali akong napapunas ng luha na tumulo sa aking pisnge. Sa muling pagtingin ko rito ay bigla na lamang itong naglaho. Kinakabahan na ikinalat ko ang aking paningin sa paligid.

"Gotcha!" Ang sabi nito mula sa aking likuran. Napatili ako at kaagad na muli akong hinawakan nito ng mahigpit sa aking braso.

Nakita ko rin ang papalapit na isang kasamahan nito. Nakatayo na itong muli, mula sa ginawa kong pagsipa sa kanya kanina. Nakangisi ito habang naglalakad papunta sa amin ng isa pa nitong kasamahan. Pagkatapos ay kapwa natawa silang dalawa.

"Akala mo talaga mauutakan mo kami ha." Sabi nito bago mas hinigpitan ang pagkakakapit sa akin.

"Bitiwan niyo ako! Ano ba?!" Muling nagpupumiglas ako sa mga ito.

"Nah. Saka na kapag nakuha na namin ang pakay namin sa iyo---

Hindi na nito natuloy pa ang kanyang sasabihin ng bigla na lamang itong natumba at kaagad na napabitiw sa akin.

Kaagad na napayuko ako rito ng na pahiga na ito ng tuluyan sa lupa habang ngayon ay nakadilat na ang kanyang mga mata. Dahil doon ay mas naiyak ako dahil sa sobrang takot. Napatakip na lamang ako sa bibig upang pigilan ang sarili na huwag mapasigaw.

"Asshole!" Bigla akong nabuhayan ng loob noong marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Awtomatikong napatingin ako sa aking harapan, habang kitang kita ng dalawang mata ko kung papaano barilin ni Billy sa magkabilang binti ang nakaluhod na ngayon sa kanyang harapan, na isa pang lalaki.

"I told you, don't mess with this girl, right?" Makikita sa mukha nito kung gaano ito ka desidido na barilin ang lalaki.

Napadura ang lalaki sa kanya ngunit mabilis iyong na ilagan ni Billy. Pagkatapos ay napatawa pa ito na para bang hindi natatakot na pweding pwede siyang patayin ni Billy ano mang oras.

"You can't protect her like what we did to your father, Billy." Wika pa nito habang natatawa parin. Dahil sa sinabi nito ay hindi na nagdalawang isip pa si Billy na barilin ito sa kanyang ulo.

Nag uunahan sa pagbaba taas ng kanyang dibdib pati na rin ang pag galaw ng kanyang panga dahil sa galit. Napalunok ako noong mga sandaling iyon dahil ngayon ko lamang din ito nakita na pumatay ng tao.

Napabaling ito ng tingin sa akin pagkaraan lamang ng ilang sandali, bago ako tinignan ng blangko sa aking mukha. Iyong tingin na para bang matatakot at kikilabutan ka na kaagad kahit na wala pa naman itong ginagawa sayo.

Napaiwas ito ng tingin mula sa aking mukha. "Let's go...bago pa dumating ang mga pulis." Malamig ang boses na sabi nito. Kusa na lamang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa batok at braso dahil sa sobrang lamig ng boses nito. Hindi ko rin tuloy maiwasan ang hindi makaramdam ng takot sa kanya.

Muli ay napatingin ito sa akin. "And you are grounded." Magsasalita pa sana ako ng inunahan na niya ako. "No buts, no ifs. Period."

Pagkatapos ay napatalikod na ito sa akin at nauna ng naglakad papalayo. Bigla tuloy akong napaisip dahil sa sinabi ng lalaki kanina, na nagpa triggered sa kanya..

Billy Ross...Sino ka nga ba? At ano ang bagay na itinatago mo tungkol sa iyong ama?

Hello guys! Any suggestions? Mas better ba na i-publish ko ang mga novel ko at mga isusulat ko pang kwento through book, SOON? Are you guys willing to purchase my books? Haha. Just asking! One of my friend suggested kaya naisipan kong itanong sa inyo na mga mambabasa ko. And hopefully makapag update ako ng isa pang chapter today. Lovelots!

Jennexcreators' thoughts
Chapitre suivant