webnovel

A Fresh But Annoying Start

Aerin POV

Nakatulala habang nasa malayo naman ang aking isipan na nakahiga dito sa queen size bed ko sa loob ng aking kuwarto.

Habang ang mga mata ko ay mugto na sa kaiiyak at tila ba nawalan na rin ng pag-asang mabuhay. Bakit sa dinami rami ng taong pweding mawala sa mundo, bakit ang mga magulang ko pa? At ang masakit pa roon, bakit sabay pa silang kinuha at nawala sa akin?

Masyado ba akong nagkulang bilang anak nila at naging iresponsable? Dahil ba palagi ko silang sinusuway at hindi sinusunod? Dahil ba sa katigasan ng ulo ko kaya pinaranas sa akin ngayon ito ng mundo?

Why? Of all people.

Napaka perpekto nilang magulang para sa akin pero bakit hindi ko iyon nakita noon at pilit na binalewala lamang? They don't deserved it. Ako dapat. Ako nalang sana ang nawala.

Ngayon, papaano ko pamumunuan ang lahat ng negosyo, mga tao at ari-arian na kanilang naiwan? Kung sana noon pa lamang ay nakinig na ako sa kanila, hindi sana handa ako sa ganitong mga sitwasyon at pagkakataon.

Ang buhay ko ay hindi lamang isang normal buhay mayaman na katulad sa karamihan. Maraming kaakibat na responsibilidad ang dapat isa alang-alang na iniwan sa akin sina dad and mom.

Hindi lamang kami mayaman na iniisip ng iba. My family are one of the most powerful and influenced people here in the Philippines. Not just here but also in Europe.

Kami ang nag mamay ari ng isa sa mga Car Manufacturer dito sa bansa, ang Hamilton Automobile. Pag mamay ari rin namin ang ilan sa malalaking malls, na mayroong branches sa iba't ibang probinsya at lungsod ng bansa. And lastly, our biggest company, the Black hamilton whisky. Hindi lamang isang car manufacturer ang ipinapatakbo ng mga magulang ko, lalo na ng daddy, kung hindi pati narin iyon. Na mayroong branch sa Australia at Italy.

Kaya ganoon na lamang ang pagiging abala ng mga ito. Lumaki ako na wala sila palagi sa aking tabi. Nagpapasko at nagbabagong taon mag-isa na ang tanging kasa-kasama lamang palagi ay ang mga maid at bodyguards ko. Mga guwardya ng mansyon na nakapaikot rito.

Kapag birthday ko naman, hindi ko parin sila nakakasama. Wala pa akong natandaan na naging masaya ang kaarawan ko dahil kahit minsan, ay hindi naging buo ang aming pamilya. VIP treatment, money, expensive cars, clothes, shoes, jewelries and everything I want and I need. Lahat iyon. Meron ako. Lahat iyon, naranasan at naibibigay nila sa akin. Pero ang konting atensyon na bagay na gusto kong iparamdam nila sa akin sa kahit kokonting oras at panahon lamang ay paulit ulit nilang ipinagdamot sa akin.

Kapag uuwi man sila rito galing sa kanilang business trip or out of town meetings ay hindi ko parin sila nakakausap ng ganoon katagal. Hindi ko nga maalala na nagkakwentuhan kami ng masaya at umabot ng sampung minuto. Maging sa pagkain ng agahan, tanghalian o hapunan ay hindi kami nagkakasabay sabay.

Dahil doon ay lumayo ang loob ko sa kanila. Ako na mismo ang nagkusang, ilayo ang aking sarili sa kanila. Hindi ko na sinusunod ang ano mang sasabihin ng mga ito. Hindi ko na sila pinakinggan. Oo. Nag matigas ako. Pero kahit na ganoon, mahal ko sila. Umasa kasi ako na kapag ginawa ko iyon ay mapapalapit na ang mga ito sa akin. Pero...nagkamali ako. Hindi pala ganoon kadaling makuha ang mga bagay ginugusto natin. Lalo na at lahat ng desisyon na gagawin natin ay may kaakibat na kapalit.

Ngayon...iniwan na nila ako. Gulong gulo at litong lito ang aking isipan dahil sa hindi malaman ang gagawin o kung saan ako magsisimula. I mean..anong alam ko sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo? Anong alam ko sa pamumuno ng kanilang mga tao? Lalo na at alam ko na ang karamihan sa kanila ay umaasa na ngayon sa akin. They are now expecting me as their new leader and boss. How can I lead them kung ako mismo, hindi ko alam ang gagawin?

Muli, ay ibinaon ko na naman ang aking mukha sa aking unan at doon umiyak na naman ng umiyak. Nakakapagod ng mag-isip.

Sunod sunod na katok ang pumukaw sa aking atensyon.

"Senorita Aerin, ayos ka lang ho ba?" Tanong ni Mang William sa akin. He was our great butler. He was in-charge to the entire mansion. Pero hindi lamang iyon ang kanyang gawain, isa siya sa senior head ng security dito sa mansyon. That's his job. Ang siguraduhin na ligtas ang lahat at maayos nitong nagagawa ang kanyang duty.

Para ko na rin itong pangalawang ama. Actually, mukhang ito pa nga ang nagpaka ama sa akin kaysa sarili kong ama.

"Kahapon ka pa hindi lumalabas sa kwarto mo. Hindi ka ba nagugutom o nauuhaw man lang? Nag-aalala na ang iyong Auntie Thelma sayo." Concern na tanong nito sa akin.

At tama nga siya. Isang araw at buong magdamag na akong nakakulong dito sa loob ng aking kwarto. Kahapon, pag uwi pa lamang galing sa libing ng aking mga magulang ay dumiretso na ako rito at hindi na muling lumabas pa. Natakot rin ako na baka ako na ang susunod na target ng mga taong nagpapatay sa aking mga magulang.

Kung sino man sila. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa mga magulang ko. At pagsisisihan nila na binuhay pa nila ako.

Napapikit ako at napahawak sa aking noo at braso na puno parin ng galos at sugat mula sa aksidente na nangyari noong gabi na pinagbabaril ang sinasakyan naming sasakyan ng mga magulang ko, hanggang sa tumaob ang kotse na sinasakyan namin. Lucky me, dahil hindi ako natamaan ng bala o ano mang matulis na bagay. At nabuhay pa ako noong gabi na iyon.

"Senorita?" Muling pagtawag nito sabay katok na muli ni Mang William sa pintuan ng aking kwarto.

"I-I'm fine. Hindi ho ako nagugutom." Pagsagot ko rito.

Isa pa, hindi naman ako magugutuman dahil mayroon akong mini ref na naka set sa ilalim lamang ng aking kama. Aakalain mo na isa itong drawer sa unang tingin at kung hindi mo bubuksan. Pero ang totoo, punong puno iyon ng mga pagkain na pwede kong makain sa oras na makaramdam man ako ng gutom.

"Okay Senorita. Ipagbibigay alam ko lamang sa iyong Auntie." Wika nito at ilang sandali lamang ay narinig ko na ang mga yabag nito palalayo.

Noon lamang din pumasok sa aking isipan si Auntie Thelma ko. Ang bunsong kapatid ng aking ama. Hindi pa pala ako nag-iisa. May kapamilya parin pala akong naiiwan na pwede kong mapagkakatiwalaan. Isa pa, alam kong pwede rin na makatulong at makatuwang ko sa mga kompanya.

Babangon ako. Sabi ko sa sarili. Alang-alang na lamang sa yumao kong mga magulang. At hinding hindi ko sila bibiguin. I'll make them proud dahil ako ang naging anak nila. Kung sino man ang dahilan ng kanilang pagkamatay, alam kong darating din ang araw na makakamit ko ang hustisya para sa kanila.

Kahit nanghihina pa ang katawan at mugto ang mga mata ay napag desisyonan ko ng bumangon at maligo. Ang baho ko na dahil sa pagmumukmok dito sa loob ng silid na ito.

Kaagad na tumayo na ako at dumiretso sa loob ng banyo at doon, nilasap at dinama ko ang sarap at init ng tubig na tumatama sa buo kong katawan. Dahil doon ay unti-unting na relax ang aking katawan, pati na rin ang aking isipan.

Kailangan ko ng pag-aralan ang lahat ng bagay na makakatulong sa akin para sa negosyo. Lahat. Hindi man ako maging kasing galing ng aking mga magulang, ang importante, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko.

Hinding hindi ko sasayangin ang lahat ng kanilang sinimulan. Pangako ko iyon sa sarili.

Pagkatapos ko sa loob ng banyo, ay kaagad na dumiretso ako sa walk-in closet na konektado sa aking banyo. Pinili ko ang damit kung saan ako magiging komportable ngunit pormal tignan sa mga tao. I even put a light make up on my face, para naman hindi masyadong mahalata ang namamaga kong mga mata pati narin ang mga sugat at gasgas na nandoon.

Nang matapos ko na ang lahat at alam kong handa na ako sa pag-alis ay kinuha ko ang susi ng aking ferrari 458 Italia na kotse.

Napatingin ako sa suot kong relo. It's already five o'clock in the afternoon. Hindi ko man alam kung saan ako pupunta, pero bahala na. Gusto kong puntahan ang lugar kung saan ako makakapag isip ng maayos. Hindi dito. Kailangan ko ng lugar na tahimik at may magandang view para naman makapag isip ako ng desisyon para sa mga plano at gagawin ko sa mga negosyo.

Kaya ko ito. Pampalakas ng loob na sabi ko sa sarili kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung ito na ba ang huling buhay ko. Hindi natin alam kung nakabantay na ba sa akin ang mga kaaway at naka handa na para ako naman ang kanilang isunod sa mga magulang ko.

But fuck them! Hindi ako mahina katulad ng iniisip nila. Isa akong Hamilton! At iyon ang panghahawakan ko hanggang huli.

Dahan dahan na pinihit ko ang door knob ng aking kwarto. Unti-unting sinilip ko rin kung meron bang tao sa corridor, nang napansin ko na wala ay mabilis ang mga hakbang na bumaba na ako ng hagdanan palabas ng entrance ng bahay.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakarating ay nakita ko ang dalawang maid na nag-uusap habang papunta sa kinaroroonan ko. Mabilis akong nagtago sa isang sulok at hinintay silang makalampas. Mabuti na lamang din at naka flat doll shoes ako ngayon upang walang makakarinig sa mga yabag ng paa ko.

Nang makalampas na ang mga ito ay patakbo akong nagtungo sa pintuan papunta sa garahe kung saan nakahilira ang mga sasakyan ko. Pati na rin ang pagmamay ari ng mga magulang ko.

Kaagad na nagtungo ako sa napiling kotse at ini-unlock ito. Mabilis na binuksan ko ang pintuan nito at mabilis din ang kilos na pumasok sa loob nito. Ngunit biglang napansin ko na mayroong nakaharang sa harap ng sasakyan ko.

"Shit!" Napahampas ako sa manobela ng kotse at muling bumaba mula rito.

Isa itong big bike. Hindi ko alam kung anong model pero sa tingin ko ay nakita ko na iyon.

Naguguluhan na napakunot ang noo ko at pilit na inalala kung saan ko iyon nakita. Nang biglang pumasok sa aking isipan ang mukha ng isang babae.

"No fcking way.." Bulalas na bulong ko sa sarili at kaagad na napatingin sa paligid.

Nagulat pa ako ng napadako ang aking mga mata sa isang babae na nakasandal sa isa sa mga sasakyan na nandoon sa garahe. Habang naka cross arms at wagas kung makangisi sa akin!

Sumiklab bigla ang init ng aking dugo at sinugod ito. "You! What are you doing here in my house?!" Inis na tanong ko rito na kulang nalang ay may lumabas na apoy sa aking ilong.

Nagkibit balikat lamang ito na para bang hindi man lamang natinag sa akin. "Nothing. This is my new home. Didn't they tell you?"

Napanganga ako sa kanyang sinabi at hindi naiwasang hindi mapa irap. "Nagpapatawa ka ba?!" Singhal ko pa rito. Nakakainis siya! Hindi porket maganda siya eh, babalewalain niya lang yung galit ko. Arrgggh!

"Aerin!" Tawag sa akin ng isang boses. Na si Lucas. My ONLY childhood friend. Oo, sa maniwala kayo o hindi, siya lang ang kaibigan ko. The real one.

"Lucas!" Napaharap ako rito habang hinihintay siyang makarating sa aming harapan. "Anong ginagawa ng babaeng ito sa pamamahay ko?!" Duro ko sa babaeng nasa harapan ko, na hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang nakakainis na mga ngisi niya. Nang gigigil na ako!

"Do I need your permission to live here?" Sabat pa nito sa akin.

"Of course! This is MY house!" Halos pasigaw na, na sambit ko rito.

"Aerin relax." Pang aawat ni Lucas. Napatingin ako rito bago ako pinandilatan ng mga mata para sabihin na tumahimik na muna ako. Dahil hanggang ngayon ay kumukulo parin ang dugo ko kung bakit walang nagsasabi sa akin na may bagong titira pala sa pamamahay ko.

At kailan ka pa naging concern sa mansyon na ito? Tuyo naman ng aking isipan. Ah basta! Ako ang nagmamay ari nito kaya dapat lamang na idadaan muna nila sa akin ang lahat.

"Aerin." Muling pagtawag ni Lucas sa aking pangalan.

"I would like you to meet, Billy Ross. Your new hired personal bodyguard."

Hindi ko mapigilan ang hindi muling mapanganga at mabilog ang mga mata.

Ano raw? Tama ba ako ng dinig?

Chapitre suivant