webnovel

Step 2

Step 2 : Be a magnet.

After you got the guy's attention. You already got his eyes for you. Now be a magnet. Attract him closer to you.

"Remember what I told you Apple. Lalaki ang dapat lalapit sayo. Make him chase you. Make him run for you to get your name or your number. No matter how excited you are. Play hard to get. Act as if he's nothing to you. Stay mysterious... para hahabul-habulin ka pa rin niya sa huli..."

Levi's voice echoed in my head. Kakatapos lang namin kumain nila Erin at Sam sa cafeteria at papunta na kami sa kanya-kanyang subject. Nagkahiwalay na kaming tatlo nang matanaw ko ulit si Kyle na nakaupo sa stone bench sa may garden na madadaan ko papunta sa next building.

He is busy reading a book. Oh gracious God, he looks so gorgeous with his bangs, eyeglasses and that serious look on his face.

Saktong napadaan ako sa harap niya nang mag angat siya nang tingin. I pretended na hindi ko siya nakikita and look straight ahead.

Nakailang hakbang na ako pero hindi pa rin siya lumalapit. Malapit na ako sa hagdanan pero walang Kyle na tumatawag. Pinanghinaan ako nang loob. I failed.

Bumuntong hininga ako at dissapointed na umakyat ng hagdan patungong second floor nang nabanga ako ng dalawang babaeng pababa.

"Sorry miss," ani ng babaeng maiksi ang buhok.

Agad akong umupo para damputin ang mga nahulog kong libro. Yung dalawang babae hindi man lang ako tinulungan at umalis lang agad!

Ang bigat nang loob ko dahil hindi man lang ako nilapitan ni Kyle. Isa-isa kong pinulot ang mga nahulog na libro. Dadamputin ko na ang huling book nang may ibang kamay ang kumuha nun at inabot sa akin.

"Thanks..."

Pag angat ko nang tingin sa may ari ng kamay ay agad akong napako sa pwesto.

"Hi..."

It's him! Kyle freaking Elizarde!

"H-hi.."

'Relax Apple. Play cool.' Dahan dahan akong tumayo at ngumiti sa kanya.

He smiled back. Grabe ang ganda nang ngiti niya, papasa siyang commercial model ng Close up, Colgate, Happy sama mo na rin pati Sensodyne!

"By the way my name is Kyle. I'm a med tech student. I always see you at the library.."

Napalunok ako sa mga narinig. Is this really happening? Talagang kinakausap niya ako? He said na palagi niya akong nakikita sa library so does it mean napapansin niya ako noon pa?

'Play hard to get Apple. Wag kang ngumanga dyan!'

I snap back to reality when I heard Levi's voice again. I cleared my throat and pretend to play it cool. "Oh… really?"

Tumungo tungo si Kyle, "Yeah. I usually see you alone reading or listening to your earphones. Lagi ka naka pwesto dun sa pinaka dulong lamesa malapit sa bintana."

Okay. This is weird. He does notice me. Naghuhumerentado na ang mga paru-paru sa loob ng tiyan ko.

"By the way where are you going? And if you don't mind me asking what's your name?"

Nilunok ko ang laway na nabara sa lalamunan ko. I did not not expect this at all. "Apple," sagot ko sabay duktong "Dyan lang sa second floor..."

Kyle shyly scratched the back of his head at bahagyang pumula ang pisngi niya. Bakit kahit pati sa pagkamot ang gwapo pa rin? Nasaan ang hustisya?

"Mind if I walk you to your room?"

Oh boy this is really going well.

"A-ah.... o-oka-"

'NO!!! Say no Apple. Be mysterious...'

Naurong ang dila ko nang marinig ko na naman si Levi. Urgh! Stupid demon! Kainis. Panira ng moment!

Pero dahil kailangan kong magtiwala sa kanya so I need to follow him. I need to play the game right.

"U-uhm no thanks. Okay na ako. Thank you ulit Kyle.."

"Oh... okay so see you around?" he don't look dissapointed at all but he still smiled. Ang ganda ng ngipin niya at ngayon ko lang napagmasdan na may dalawang malalim na dimples pala siya malapit sa baba.

Tipid na ngiti ang sinagot ko sa kanya. Nagdikit ang mga labi ko at saka naglakad paakyat patungo sa susunud na palapag. Nang lumingon ako sa likod nandoon pa rin naiwan na nakatayo si Kyle na tila pinapanood lang akong makaalis. Inangat niya ang isang kamay para mag-wave ng byebye. Ganoon din ang ginawa ko saka nagmamadaling umakyat.

Nang tuluyang makalayo ay saka naman ako nagdadabog sa labis na kilig na parang teenager na ngitian ng crush niya. Masarap palang kiligin sa totoong buhay.

"That was smooth! Good job" I almost jumped when the demon suddenly appeared beside me.

"Anu ba Levi lagi mo na lang akong ginugulat!" pandidilat ko sa kanya habang sapo ang dibdib. Balak pa ata ako nitong patayin sa heart attack, "May lahi ka bang kabute? Bigla-bigla ka na lang lumilitaw diyan!"

Inismiran niya lang ako kaya iniripan ko siya. Then a group of four girls walked in front of us. They were all googling at him and the slut freaking demon obviously loves the attention. Ngumiti at kumindat pa si Levi sa mga babae na lalong nagpalikot ng mga puwetan nila.

Napataas ang isang kilay ko. Landi much? Kahit nang nakalayo na ang mga babae samin ay panay bulungan at tinginan pa rin nila sa gawi ni Levi.

Tumingin siya sa'kin at nagtaas ng kilay, "What? You jealous?"

"Of course not!" depensa ko agad. Ha! In your dreams!

"Then why are you looking at me like that?"

"Like what?"

"That!" sabay turo niya sa mga mata ko.

Katakot-takot na irap ang binigay ko sa malanding demonyo at nagpasya nang lumakad patungong next class.

"Ang landi mo..." I murmured then I heard Levi's famous evil laugh.

Pa-rate po ng chapters. If you would observe mas pabebe ang character ni Apple compare to Erin na baliw at palaban magsalita. Hehehe...

AnjGeecreators' thoughts
Chapitre suivant