webnovel

Chapter 88: Just Barbie Thing

Nang makabalik ang tropa inihatid naman ni Kenny si Barbie sa kwarto ng mga girls.

"Anong gusto mong hapunan?" Tanong ni Kenny kay Barbie pag baba nito sa kaniya.

"Ewan!"

"Alam mo kanina pa ako napipikon Barbara! Ano bang problema mo?"

"Ikaw! Papansin ka kasi!"

"Huh! Ano? Bakit gusto mong si Uno ang umasikaso sayo?! Ha? Ganun ba?"

"Paki mo ba? Sya na ang bago kong bff!"

"Huh! Ano ka bata? Sige, gawin mo ang gusto mo! Pero hindi ka pwedeng parating naka lapit kay Uno! Dahil lalaki sya!"

"Ohhh... So, sayo pwede? Bakit hindi ka ba lalaki? Ay, may tinatago ka nga palang kababalaghan."

"Barbara!!! Ginagalit mo na talaga ko!!!"

"Slow ka? 2mb lang ang brain?"

"Ikaw!!!"

"Bff na kami ni Uno at wala kang pakialam kung lalapit ako sa kaniya! Ano ikaw lang dapat ang boy na friend ko? Huh! Pauso ka!"

"Ah ganon, paano kung sambihin ko sa kaniyang tomboy ka? Sa pagkakaalala ko pa naman may homophobia si Uno."

"Shut up!!!"

"Kung ayaw mong sabihin ko kay Uno ang secret mo sumunod ka nalang sa sinasabi ko! Para rin naman iyon sayo!"

"Huh! Ganyan ka naman! Alam mo kasing takot ako malaman ng iba yung secret ko kaya parati mong ginagamit yan pang blackmail sakin! How pathetic!"

"I'm just protecting you!!!"

"Protecting me? Pwes! Ayoko ng protection mo! Dahil hindi naman kita kuya o tatay! Walang relasyon sa pagitan nating..."

Patrick kissed her all of a sudden "now, tell me... What kind of relationship do we have?"

SLAP!

"Pervert!!!" Pagalit na sambit ni Barbie habang tumutulo ang luha nya.

"So-- Sorry.... I... I just want to..."

Nagulat si Kenny na lumayo si Barbie sa kaniya na para bang takot na takot.

"Bar... Barbara... I mean, Barbie sorry... Hindi ko naman..."

"Wag... Wag kang lalapit!!! Sisigaw ako!!!"

"Barbara, ako ito si Kenny. Di kita sasaktan sorry sa nagawa ko. Promise di na mauulit."

"Ayoko! Ayoko sayo!!! Wag kang lalapit isusumbong kita kay Mommy!!!"

Bumalik kay Barbie ang trauma niya nung bata sya at napansin iyon ni Kenny kaya pilit nyang pinapakalma ito pero patuloy lang syang tinutulak ni Barbie at patuloy rin ang pag iyak nito.

"Wag!!! Wag kang lalapit!!!"

"Kenny! Anong nangyayare dito?" Bungad ni Gaile kasama si Dana.

"I... I didn't..."

"Mommy!!!" Sambit ni Barbie na lumapit kay Gaile at niyakap ito kaya naman nagulat si Gaile at Dana na nag katinginan.

"Is she okay? Why is she like that? Kenny?" Tanong ni Dana.

"Ah... Ahm..."

"Pwede bang lumabas ka muna Kenny? Parang takot sayo si Barbie."

"O...Oo."

At pag labas nga ni Kenny pinakalma nila Dana at Gaile itong si Barbie...

"Don't be scared we're here." Ani Gaile.

"Just calm down Bie. Inhale... Exhale... Inhale... Exhale..." Sabi naman ni Dana.

At ng kumalma na nga itong si Barbie tinanong nila Gaile at Dana kung ano bang nangyayare sa kaniya. Pero walang sinabi si Barbie kung hindi "gusto ko nalang muna mag pahinga girls."

Nagkatinginan naman yung dalawa at hinayaan ngang mag pahinga muna si Barbie.

"I think I need to talk that jerk!" Savi ni Gaile kay Dana pag labas nila ng room.

"Hmm? Who?"

"Si Kenny!"

"Ohhh... Yeah. Maybe he knows what's going on to Barbie."

"Aha! At lagot talaga sya sakin kapag nalaman kong may ginawa syang masama kay Barbie!"

At pagbaba nga nung dalawa hinila ni Gaile papalabas si Kenny.

"Anyare?" Sabi ni Sam at napatingin na nga lang sil Uno kay Gaile na hila-hila si Kenny papalabas.

"Naiyak kasi si Bie pag pasok namin ng room kaya ayan lagot so Kenny kay Gaile." Sabi ni Dana.

"Umiyak si Barbie?" Anila.

"Um. Kasama nya kasi si Kenny kanina right? Tapos pag pasok namin ni Gaile ayun nga nakita naming naiyak at parang takot kay Kenny."

"What?" Anila.

"Where's she? Is she okay?" Tanong ni Thew.

"She's in our room nag papahinga na."

"Ano bang nangyare?" Tanong ni Baron.

"Oo nga." Pag sangayon na sambit naman ni Uno.

"I don't know." Sagot ni Dana.

Tahimik lang naman si Uno habang nakatanaw dun sa terrace kung nasasaan yung dalawa ni Kenny at Gaile.

At sa terrace nga...

"Wala nga! Wala akong ginawang masama!"

"Pag nalaman ko lang talaga na meron Kenny! Nako!!! Alam mo kung paano ako magalit!"

Sa isip-isip ni Kenny "hindi ko pwedeng sabihin na hinalikan ko si Barbie kilala ko si Gaile mahilig yang mag tawag ng resbak ngayon pang andito ang tropa. Lagot ako nire kay daddy kapag may nasira dito sa bahay dahil sa gulo."

"Kenny!"

"H-- Ha?"

"Ang sabi ko, bakit umiiyak nga si Barbie kung wala kang ginawa!"

"Ahhhh... Ano kasi may trauma kasi si Barbie sa mga lalaki."

"What?"

"Um. When she was a kid some guy try to harass her."

"Wait, are you serious? Aren't you a guy? And uncle Bruce also tapos sila Baron, Thew, Uno and Sam. And okay lang naan si Barbie sa inyo. Then all of a sudden she has a trauma with a guy? Are you trying to fool me?"

"Haysss! I know, mahirap paniwalaan but she overcome her phobia but still, sometimes nag titrigger talaga lalo na kapag nahahawakan sya."

"What do you mean?" Bungad ni Uno at ka sunod na rin nya yung iba.

"Sigh... Fine, kukwento ko sa inyo."

"."

Nakatulog na ang lahat dahil sa pagod nila sa araw na iyon. Kaya naman itong si Barbie na bigla nalang na gising bumaba para kumain dahil nakaramdam na sya ng gutom sa kadahilanan ngang di na sya nakakain ng makatulog sya from iyak.

"Haysss... Gulay na naman ang niluto ng mokong na yon! Porket di ako kumain!" Ani Barbie habang nag hahanap sya ng makakain sa ref at pag sara nya biglang bumungad si "ay tuko! Ano ba Kenny?!!"

"Tuko? Ako?! Huh!"

"Lumayo ka nga! Bakit andito ka?"

Kumuha ng kawali si Kenny at binuksan ang ref "anong gusto mo? Ipagluluto kita."

"Wag na! Matutulog nalang ako!"

Aalis na sana si Barbie ng biglang may sinabi si Kenny "sorry! Promise, hindi na mauulit. Hindi lang kasi ako sanay na makitang buhat ka ng ibang lalaki bukod kay dad. Kaya nainis talaga ako sa sinabi mong bff mo na si Uno. Kaya feeling ko wala na akong part sa buhay mo."

Barbie bonked him "aray!!!"

"Ang arte mo!"

pouting... pouting "ikaw kasi eh, iniitsapwera mo ako. Parang nung isang araw lang kung makayakap ka nga para kang tuko! Tapos makikita ko naka piggyback k na kay Uno! Ayaw mo pang makinig sakin na wag kang masyadong malapit sa ibang lalaki. Iniisip ko lang naman na baka mag trigger yung phobia mo."

"Aissssh! Ipagluto mo na nga lang ako! Arti!"

"Humph! Anong gusto mo may pork sa freezer fry ko nalang gaya ng paborito mo?"

"Oo! Gusto ko with kamatis at toyo na sawsawan and chilli garlic."

"Sus! Oo na! Sige na dun ka muna sa sala tatawagin nalang kita pag okay na."

"Okay!"

"Bati na tayo?"

Barbie kissed him sa cheek "yeah!" then nag punta na sya sa sala.

"A... Anong nangyare?" Ani Kenny na nagulat sa ginawa ni Barbie pero masaya syang okay na sila nito.

Matapos pa ang 30minutes nakapag luto na nga itong si Kenny kaya tinawag niya si Barbie para kumain na.

"Minamadali mo ko tapos ayan ka busy sa cellphone mo."

"Eh... Kasi nga may nakita akong game biglang nag pop up kaya here I am playing. Wait ka lang kasi!"

"Haysss!"

At wala na ngang nagawa si Kenny kung hindi dalhan nalang ng pagkain si Barbie doon sa sala.

"Oh! Ere na, kumain ka na. Baka gusto mo pang subuan kita. Tigilan mo na ko Barbara..."

At habang nakatingin at busy sa pag lalaro sa cellphone nga ireng si Barbie nag nod lang sya sa sinabi ni Kenny na mag papa feed pa sa kaniya.

"Anak ng! Barbara!!!"

"Sige susumbong kita kay Gaile sa ginawa mo sakin kanina nag tatanong pa naman sila kung bakit ako umiyak."

"Bar... Bara!!!

Barbie opened her mouth and said "aaaa..."

"Aiishhh!!! Oh!"

Wala na ngang nagawa si Kenny kung hindi pakainin si Barbie habang ito ay nag lalaro.

At ng maka ilang subo nga nauuhaw naman itong si Barbie "oh, ano? Ako pa rin mag papainom sayo? Ano ka baldado?"

"What is baldado?"

"Spoiled brat!"

"Hahahaha... Pikon! Give me the glass of water."

"Wag na ere na!"

At pati nga ang papainom ng tubig kay Barbie eh kina career na nga rin nitong si Kenny. Kaya ng makatapos ng pagkain...

"Okay, game over na ko! Thanks sa food imma sleep na."

"What?!! No! Ako ng lahat mag ligpit ka!!! At ano ang sabi ni dad? Hindi pwedeng matulog kapag busog!"

"Pero inaantok na ko."

"Huh! Ayos ah! Nung natapos kang kumain natapos ka na ring mag laro? Tumigil ka mag stay ka muna dine mag laro ka diyan!"

"Ano ba talaga? I will wash the utensils or I'm going to play?"

"Dito ka mag laro ka at wag kang tataas kung ayaw mong ako naman ang mag susumbong sayo kay dad."

"What the f?!!!"

"Enough of this! Mag liligpit ako you stay here!"

"Opo tay! Tsss!"

"Heh!"

Chapitre suivant