24: Saint Stage Battle (2)
.
.
Nagkatinginan ang dalawang kasama ni Beatleman, bilang tanda na susugod na sila ng full throttle. (kumbaga ibubuhos lahat ang galing at lakas sa laban).
.
.
Si Rhian naman ay tila hindi na magtatagal sa pag control sa kanyang Forbidden skill. (halata naman na forbidden ito kasi halos kumain na ng 1000+ na souls ang Bloody Mary na yun.)
.
*medyo malaro imahinasyon ko kaya kung ano anong maligno nagiging skill sa kwentong ito. Mamaya baka meron pang tikbalang he he he. Jowkie jowkie lang. Pinag iisipan ko ng malalim at naka depende narin sa inyo ---kung may mapulot kayong mga kaalaman dito patungkol sa Hidden Truths patungkol sa Mundo natin (real life facts and answers).*
.
Dalawang mabilis na hangin ang papalapit kay Rhian na agad naman nyang ikina-alarma.
.
Zwwuuuunnngggg!!! ----(twin Scythes).
.
Ginamit narin ng dalawang kalaban ang kanilang mga tunay na sandata at ito ay parehong nasa Lower grade Ancestor Scythes.
.
"tandaan mo ang mga pangalan namin dahil ito lang ang tanging masasabi mo kapag tinanong ka ni Satanas sa impyerno---ako si Jugul!! ".
Mabilis itong umatras-abante habang hatak hatak nito sa ere ang kanyang sandatang bluish bone-scythe.
(halos magkaroon pa ng Bluish trails sa hangin---poison effect).
.
Ganun din ang isa. na tila magka-tugma lang ang kanilang mga kilos na umaaligid at pumalibot ng pag ikot sa 200 meter radius ni Rhian. Kasalukuyan namang natatakpan ng Bloody Barrier si Rhian at naroon parin ang Gentle Faced demon projection. (gentle nga, kaso May demon parin sa pangalan---).
.
"ako naman si Ulann, kami ang Juguulann Brothers ng InsectPoison Sect ng Demon Clans!!!".
Hatak hatak din nito sa ere ang Greenish Bone-Scythe. (parehong may kahabaang 6-ft ang dalawang armas nila. At nasa full mutation forms sila na may nakatubong pakpak sa likod at may mga matang halintulad sa Mantis--)
.
Bagamat nangyari ito sa loob lamang ng isang minuto. Hindi nila tinigilang pahinain ang Barrier ni Rhian.
.
'Tsk!!, plano nilang basagin ang Defense ko---pwes!, magkakaalaman na kung bakit ako tinawag na Scarlet Guardian! '.
Umangat ng tingin si Rhian kina Jugul at Ulann. Na tila nakatakdang mamamatay sila sa kamay nya.
.
Cling!!clang!!! (120x).
.
Mahahalatang may cracks na sa Barrier ni Rhian pero nanatili itong kalmado. At may mga binibigkas itong mahina (chants).
.
Wala mang pumansin kay BeatleMan sa itaas ng ere pero, ganun ding may binibigkas ito ng mahina (Chants).
.
-----
.
"mukhang napalaban ang Scarlet Guardian sa Tatlong lower Soldiers ng MagicalBeast clans."
.
Nagulat ang Limang Elders sa biglang pag sulpot ng lalake. at nakasuot ito ng Black Suit at Leather shoes at Gloves. May Rayban na black at blonde (American style).
.
Yumuko ang limang Elders na bantay sa naganap na GreatRaid.
.
"at ease, no need formalities. Narito ako para manood. he he he."
Dagdag nito. Para hindi na umimik pa ang lima. Halatang bored ito at ayaw nya ng madaming dada. (less talk more action siguro ito).
.
'naks!!, naparito pa ang representative ng PurpleMoon Continent. Isa sa mga Halimaw sa SageSaint Physical Cultivation'.
Napa-isip si Bavix at ganun din pinagpawisan ang apat ng malaman nilang isang SageSaint ang dumating para lang manood ng labanan ng Saint stages. (parang tao lang na pinapanuod ang dalawang gagamba sa isang laban)
.
Napalingon ang lalakeng iyon sa kanilang ilalim. May Ilang kilometro lang ang layo ay naroon naman sina Ahri at Chris at tila pinapakiramdaman nila ang mga nangyayari na labanan duon sa malayo.
'ohhh, nanatili silang kalmado sa mga sandaling ito. At base sa aura nila, isang genius Girl ng Qi cultivation at isang Physical cultivationist. He he he. May mga gusto parin palang maging katulad ko---'
Natigil ito at naalala ang isang pangalan.
'---Jose Grande?, bisitahin ko kaya sya? '.
.
*Naks Bisitahin?, ano kaya kinalaman ni Tito Jose ni Chris at nasambit nya ang pangalan nito. Past Friends?, enemies? Or Acquaintance? ---- he he. Malalaman din natin yan sa hinaharap*.
.
-----
.
Dumami pa ng dumami ang mga Cracks sa Barrier ni Rhian. Pero nanatili paring hindi tumitigil sa pag chant. (since 20 secs ago).
.
Nawala ang kulay sa mga mata ni Rhian at, tumubo ng mas malaki ang kanyang mga sungay at ganun ding dumagdag sa ka-sexyhan nya. Tila nag mature ang buong katawan. (Hot babe na nasa age 25).
May buntot na Demonic (black pointy tail).
.
Crashh!!! ----(broken Barrier)
.
"nabasag na at mukhang hindi na kailangan pa ang Skill mula kay Big-Bro----".
Sabi ni Jugul kay Ulann.
.
Snap!! -----Bang!!! (heavy hit).
.
Tumilapon si Jugul patungo kay Beatleman. At agad namang naputol ang Chanting ni Beatleman at hindi na natapos ang Skill.
.
"Sh*t na malabkit!!!, "
Galit na bulalas ni Beatleman at nagsilbing preno ni Jugul sa pagkakatilapon nito.
"Ano nangyare akala ko ba nabasag nyo na ang Barrier!!? ".
Pasigaw nitong tanong kay Jugul.
.
Khak!!! (blood spit ni Jugul)
.
"b-big-bro, sya pa ba yung kinakalaban natin kanina?! "
Tila hindi makapaniwala si Jugul, at hindi nya nasagot ang tanong ni Beatleman. Bagkus sya pa mismo napatanung sa hindi inaasahang nangyari.
.
Pumangit ang anyo sa mukha ni Beatleman dahil narin siguro sa pagbabagong anyo ni Rhian. At sa hindi nya maramdaman ang aura nito.
(bat kaya hindi sila na-inlove, ang ganda nya kaya. Long Scarlet hair Demoness, Hot babe pa. ---oppais)
.
"Humanda ka saken!!! ".
Agad namang umabante ng pag-atake si Ulann, at napagalaman nyang wala na ang Barrier sa palibot ni Rhian.
(mukhang hindi nya parin napagtanto na tumilapon si Jugul ng hindi malamang dahilan, kayat napag-isipan nyang free-hit ito para sa kanya).
.
*hayst nako yan kasi Over confidence lalo pa't maling akala---*
.
Lumusob si Ulann, at halos yumanig ang Dimension sa kanyang bilis.
.
Zzzhhhaaaapp----Bamm!!!(heavier hit)
.
(slomotion).
.
Inunat lang ni Rhian ang kanyang kaliwang kamay at sumalubong ito sa mukha ni Ulann. Isang malutong na Sapak sa pisngi.
(halos mayupi ang kalahating facial muscles nito--ouch!! At ganun din mga nagtalsikang ngipin).
.
Sa isang iglap ay bumaon sa bundok 2km away sa timog, at hindi tumigil, tumagos ito at bumaon ulit sa ilang mga bundok sa magkakasunod na tempo, (5 mountains total).
.
"Ulann!!!, Rrraaaagghhh!! ---"
Nagalit nang husto si Jugul at halos lumabas na ang dugo sa mga butas ng kanyang ulo. (7 orifices )
.
Rrruuummmbbbblleee!!!! ---(after images)
.
Umulan ng madaming Concentrated poison scythes sa kalangitan na tumakip sa 1km radius sa palibot ni Rhian. At walang humpay si Jugul sa pag buhos ng kanyang Qi Energy sa mga atakeng iyon.
.
'tsk!, sa natitirang sadali ng Passive ko. Titiyakin kong walang matitira sa inyong tatlo! '.
Sabi sa isipan ni Rhian at inilabas nya ang kanyang sandata. Sa isang kumpay ng kanang kamay.
.
Whaaamm!!---(pressure)
.
Lumabas mula sa kanyang StorageRing ang isang Lance. Na tila may bigat na 100,000kg. At halatang kaya itong buhatin ni Chris na gamit ang kanyang buong lakas.
.
Sa Lance na ito ay halatang tila gawa sa kakaibang uri ng Metal at Ores. (Rare ingredients para sa paggawa).
.
'isang High Grade Ancestor Weapon! '.
Inilabas na ni BeatleMan ang kanyang sandata na 4ft longsword, at may aura ito na nasa Middle Grade Ancestor weapon
.
Kahit isang Level or Grade lang ang gap ng dalawang sandata ay para na itong hinalintulad sa langit at lupa.
.
*sa mga gamers jan, alam nyo na meaning nun. Ha ha ha. Kung yung item mo +1 lang may additional stats pa, eh kapag +2 syempre mas malaki nanaman yung additional stats. Oh diba astig. --- MMORPG games ideas*.
.
Nanginginig ang katawan ni Ulann sa pagbangon nito at nasa Full body Beast form na sya at may laking 5 meters. (parang mantis na may baluting katawang tao. Yung ulo parang helmet lang ni Ultraman).
.
"Rrraaaagghhh!!!, Oras na para sa Blood Imploader!!! ".
Sigaw nito sa malayo. At narinig ito ni Rhian.
.
'ano naman plinaplano nila at kailangan pang isigaw?! '.
Nakaramdam ng kaba konti si Rhian pero hindi narin sya magtatagal at kailangan na nyang tapusin ang tatlo bago pa magka-aberya at dumating ang isang Deity Ng mga MagicalBeast or baka may humarang sa hindi inaasahang sasagabal sa laban na iyon.
.
Nangyari lang ito sa loob lamang ng 30secs. Simula nang magbagong anyo si Rhian.
.
Gayong Full body Transform na sina Jugul at Ulann, hindi narin nagpahuli pa si Beatleman, na sa laki ng transformation nyang 6 meters. (parang beatle helmet na may baluting katawang tao, at may beatle armored wing hide at wings. Ang paa ay parang paa narin ng isang Beatle may tusok tusok).
.
*ok lang kahit sariling imagination basta Beatle mutation form. He he he may bitbit nga lang na Long sword*.
.
Masasabing naglalakihan ang mga katawan ng tatlo. at may mga tila nagbibigatan na mga baluti/Scales/etc etc. (imagine nalang he he he). Pero dumoble ang bilis nila at ganun ding maaaring mas lumakas nanaman mga atake nila.
.
Sabay ang tatlo sa paglusob kay Rhian na parang iisa ang kanilang iniisp at sigurado ang kanilang mga combination at patterns. Kaso----
.
Wung!! --- blagan!! ---Bang!!!(Rapid exchanges of heavy attacks).
.
Maka basag eardrums, maka wasak bundok na mga palitan ng atake ang sa ngayon ay nagaganap sa lugar na iyon.
Masasabing mahirap ang laban lalo na kapag 3 versus 1, pero sa katunayan meron pang isang kasama si Rhian at ito ay ang kanyang Bloody Mary na tila napaka Gentle man nitong tignan ay may kaakibat itong Deadly Combination Attacks gamit ang mala latigo nitong buhok na tila may sariling buhay at ganun ding panangga ang mga palad nito sa ano mang atakeng lalapit kay Rhian.
.
Liparin na ang mga malalaking mga bato, mga gubat na tila newly shaved dahil sa ilang matatalim na wind Residue mula sa mga atake. At ganun ding mga kalapit na ulap ay matagal ng naapula.
.
Mula sa kinalulugaran nina Chris may isang matalim na wind gust na mabilis na papalapit sa kanila.
.
Agad gumalaw ang lalaking naka black office suit at agad lumitaw sa harapan nina Chris para puksain ang hangin na iyon.
.
Whisshh! -----(scattered wind)
.
Halatang nakailag na si Ahri sa tyempong dumating ang hangin. Pero napansin nyang hindi manlang gumalaw si Chris sa kinatatayuan nito, at lalong napalingon sya sa lalakeng walang taglay na aura sa katawan nito.
.
"Guys, hindi naman sa curiosity kung sasabihin, pero dapat kanina pa kayo lumayo sa lugar na ito, at sadyang mapanganib ang makasaki sa laban ng Saint stages."
Friendly naman sya para sabihan pa sina Chris. Masasabing makatao parin sya kahit nasa pinnacle existence na sya sa mundo.
.
Yumuko konti si Chris at ganun din si Ahri sa lalaking iyon.
.
"marami pong salamat sa pagliligtas samin, Panginoon".
Kalmadong pagpapasalamat ni Chris. At tumatak naman sa mukha ng lalakeng iyon ang pagkamangha. Ganun ding nabaling ang kanyang tingin kay Ahri at wala syang naramdamang kakaiba sa pagpintig ng puso ng dalawang ito. Alam nyang wala silang kinatatakutan or masasabing self control. (kung ibang tao yun tiyak namang hihimatayin na sila sa kaba dahil parang teleportation na ang ginawa ng lalake sa kanilang harapan)
.
'masasabing hindi nila alam na Nasa Deity stage ako---mas ok na iyon. he he he. Baka mamatay pa sila sa takot'.
Ngumiti ito at agad lumingon sa Kanluran.
"bweno, mukhang nalalapit ng matapos ang maingay na labanan mula sa malayo".
Nanatili nalang itong nakatayo duon at sinamahan sina Chris sa pag subaybay
.
'Isa syang SageSaint, pero Masasabing nasa Deity Realm/Stage na sya. Ano plano mo?'.
Mental message ni Ahri kay Chris.
.
'pfft!, tsk. Wala akong plano. pero mag-iiwan ako ng impression sa kanya. At tiyak makakatulong ito sa hinaharap'.
Tila may kakaiba nanamang balak si Chris.
.
-----
.
May mga sugat sa mga malabaluting katawan ang tatlong MagicalBeast na kalaban. Habang si Rhian ay nanatili paring kalmado.
.
Sa isang wave ng kanang kamay ni Rhian ay naalis ang mga Poison sa kanyang katawan. At hindi ito nakapasok sa kanyang kutis. (yung kutis nyang kay ganda at nagmumukhang lambot, hindi pa kayang tablan ng Corrosive poisons?!! ---dyosa ata ito).
.
"humanda kayo at ako naman ang aatake! ".
Matalim na tumingin si Rhian sa tatlong nakatayo sa himpapawid na parang mga kampon ni Satanas.
.
Lumutang mula sa kanang kamay ni Rhian ang kanyang Lance at napalibutan ito BalefulAura. (Sinister/Aghast etc etc. Intent)
At sa isang iglap ay tumagos ang lance sa tyan ni Jugul.
.
Gayung hindi nila inaasahan ang taglay na bilis ng Atakeng iyon. Bago pa man sila maka-imik ulit ay papalapit nanaman ang isang Lance at target nito si Ulann. At hiblang buhok nyang nailagan iyon bago pa man tumama sa kanyang leeg.
.
'Bilis at Gamitin nyo ang BeastCore essence nyo! '
Mental message ni Beatleman sa dalawa.
.
Nagtinginan ang dalawa at agad tumatak ang pagkabahala sa kanilang mga mukha.
'alam kong matatamaan ang inyong future talents sa pag-Cultivate pero mas importanteng mabuhay kayo sa ngayon at mag sakripisyo ng Beast core essence kesa mamatay kayo sa kamay nya! '.
Tila naliwanagan naman ang dalawa at agad nilang sinunod ang sinabi ni Beatleman. Umilaw ang kanilang Cores sa kanilang mga puso.
.
Unti unting tumaas ang kanilang lakas at nagtulak sa kanilang makatapak sa Deity/SageSaint stage level 1. Nagkaroon ng bloody crack ang kanilang core kapalit ng kasiguraduhang manalo sa laban.
Pero ang hindi inaasahang mangyari ay bigla nalang naganap.
.
Swwwiiiiirrrrllll------Blam!! (piercing hit)
.
Nanlaki ang mga mata ng tatlo dahil, naramdaman na nila ang aura na nagmumula kay Rhian. (si Rhian ay nasa Deity stage level 1 din pala, kaya hindi nila maramdaman ang kanyang aura kanina)
.
Nabutasan parin ang kaliwang balikat ni Ulann, at ang nakapag tataka ay papaanong ilang ulit na bumato si Rhian ng Lance ng hindi lumilipat sa kanyang pwesto.
.
'heto ang hidden effect ng Lance ko, isang Distance/Dimensional swap. At tanging Deity Stage lang ang makaka activate---'.
Bumato ng paulit ulit si Rhian sa tatlong kalaban, na halos butas butas na ang kanilang katawan sa mga atakeng iyon. Mangilan-ilan lang ay nakakasangga pa sila gamit ang kanilang mga sandata. At prinoprotektahan lang nila ang ulo at ang kanilang puso/cores.
.
Lumipas ang tatlong paghinga ay----Unti unting nawawalan ng kulay ang Bloody Mary.
.
"ha ha ha ha!!, huling sandali mo na pala yan eh!!! , halatang may limit ang lakas mong taglay. Pero para saamin---hindi pa nagagamit ang aming alas laban sayo! "
Tila nasisiraang bait na sigaw ni Beatleman kay Rhian.
.
Nangyari ang lahat ng ito sa loob lamang ng 5 minuto. (limang minuto pero madaming palitan na yun ng mga Atake!!, that speed!! )
.
*Speed ba kamo?!, he he he. Hintayin natin ang WorldWar at mga pag litaw ng mga Hidden Cultivators sa bawat panig ng ibat ibang Forces. Iba pa ang mga Deity/Sage Saint stages. Ah syah nga pala para hindi kayo malito. ---- ang SageSaint ay Nasa Deity Realm basic Cultivation Stage. Pero sa mababang mundong iyon masasabing ang SageSaint ay ang pinaka mataas na stage para sa kanilang pananaw----*.
.
Pinagpawisan si Rhian, at halatang alam na ng kanyang mga kalaban na malapit na syang maubusan ng oras sa kanyang taglay na lakas. Pero wala syang nagawa sa kanila dahil sa malabaluti nilang katawan. (damn, yung effort mong lumakas ka pero, pinagtulungan ka ng tatlong tigasin----tsk. Tanks are tanks).
.
*Gamer feels like----ahayst!!. Hugot muna*.
.
Pinalibutan nila si Rhian sa isang Triangle formation.
.
Zzzhhaaapp!!! ----(Binded/Stun).
.
Sa bilis ng tatlo ay hindi naka-iwas si Rhian. At ngayong nawala na ang anyo ng BloodyMary ay ganun ding bumalik sya sa normal nyang katawan/anyo/lakas.
(ouch!! ----its the end).
.
-----
.
"hayst. Mukhang may mamamatay nanamang DemonSpiritualist----".
Mahinang sabi ng lalakeng nasa malapit nina Chris.
.
Mukhang wala syang planong iligtas si Rhian. (pero alam naman natin na Nag H-Hunt ang ilang DemonSpiritualist para mabawasan ang kalaban ng mga tao.)
.
*hindi alam ng mga tao na ganun ang Goals ng ilang DemonSpiritualist. Pano kasi meron din Rebellions na nagaganap sa loob ng DemonSpiritualist. kagaya din sa mga tao, Merong mga Evil Cultivators. At marahil ganun din sa panig ng mga MagicalBeast. Kumbaga internal conflicts. Tapos nalalapit na ang itinakdang WorldWar. Sounds familiar here on earth diba? *.
.
----(next Part 3)-----