webnovel

Chapter 21

HUMAHANGOS si Grego papunta sa ospital kung saan isinugod si Rin sa ospital. Nang makauwi siya ay hindi niya nadatnan doon si Rin at sinabi ng mga kapitbahay nito na isinugod daw ang asawa sa ospital kasama ang isang babaeng kamukhang-kamukha raw nito.

Eve!

Napahigpit ang hawak niya sa steering wheel. Kung alam niya lang na mangyayari ito ay sana hindi na siya umalis sa bahay kanina. He should've stayed! Naiinis siya sa sarili. Kung sana ay maaga siyang bumalik ay sana naagapan niya ang nangyaring kaguluhan sa bahay.

Nang makarating siya sa ospital ay mabilis pa sa alas kwatrong nagpunta siya sa Nurse's station.

"Miss, nasaan ang asawa ko?"

"Nasa Emergency Room siya." Isang baritonong tinig ang sumagot sa kaniya mula sa likuran. It was Cholo.

"Nasaan si—" hindi na niya naituloy ang mga sasabihin nang bigla siyang suntukin ni Cholo.

"Kasalanan mo kung bakit nasa Emergency Room si Rin! Kasalanan mo at ng baliw mong asawa! Kayo ang pumunta-punta dito para guluhin ang buhay ni Rin! Ang lakas ng loob niyo!" Dinuro siya nito. "Umalis ka dito! Isama mo ang asawa mong baliw at umalis na kayo dito!" Cholo's eyes were full of anger. "Alam ko eh. Alam kong walang mapapala sa'yo ang kaibigan ko sa simula pa lang pero hinayaan kitang mapalapit sa kaniya. Dunistansya ako pero putanginang 'yan! Kung alam kong ikaw ang magiging dahilan kung bakit siya inooperahan ngayon ay sana sinipa kita paalis ng bayan namin!"

He understands Cholo. Siya naman talaga ang dahilan kung bakit nasa kritikal na0 kalagayan ngayon si Pauline. Kung sana ay hinayaan na lang niya si Pauline na mamuhay ng tahimik sa San Rafael edi sana hindi nangyari ang mga bagay na ito. Kung sana ay hindi niya pinilit ang sarili na makasama ulit ang asawa e di sana hindi na nalaman pa ni Eve na buhay si Pauline. It was all his fault.

"Umalis ka dito. Napapahamak lang ang kaibigan ko nang dahil sa'yo!"

"Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo." Umiling siya. "Hindi ako aalis dito. Ipinangako ko sa kaniya na hindi ko siya iiwan. Tutuparin ko 'yon."

Saglit silang nagkatitigan ni Cholo. Bawat isa sa kanila ay may ipinaglalaban at walang balak magpatalo.

"Isipin mo na lang, Grego. Paano si Rin kapag nalaman ng mga taong nakikipagrelasyon ka sa kambal ng ex-wife mo? Pagpepyestahan siya ng media lalo na't nagbabalak kang maging senador sa susunod na eleksyon? Mainit ang mga mata sa'yo ng mga tao. Paano na lang si Rin? Paano na lang siya!? Ni hindi niya nga maalala kung sino siya tapos darating ka at bibigyan pa siya ng problemang iisipin?"

"Then we will figure something out! Ilalayo ko siya rito–"

"Paano naman siya? Sigurado ka bang gusto niyang mawalay sa Nanang Marta niya? Sa amin?" Cholo took a step closer to him. "Matapos ang aksidente na nangyari kay Rin ay kami na ang nakasama niya. Pinrotektahan siya ng mga mamamayan ng San Rafael at minahal na parang isang tunay na kapamilya. Sinasabi ko sa'yo, Mr. Perez, hindi gugustuhin ni Rin na malayo sa amin."

May punto ito. Pauline always loved to be in a quiet place like San Rafael. Malayo sa syudad. And being with her means that he'll take her away from those things.

Siguro nga tama si Cholo. Maybe it is good to stay away from her.

Pero ang tanong, kakayanin niya ba?

"Pakiusap, Grego. Alang-alang kay Rin. Umalis ka muna dito. Iwan mo muna siya. Hindi ka makabubuti para sa kaniya sa ngayon."

He was about to defend himself when he saw tons of reporters and journalists behind Cholo. Ready'ng-ready ang mga camera at recorder ng mga ito at tila may hinahanap. Mabuti na lang at hinarang ang mga ito ng mga nurses kaya hindi kaagad nakapasok ang mga ito.

"Ngayon alam mo na kung ano ang tinutukoy ko?" Cholo heaved a sigh. "Tahimik na ang buhay ni Rin dito. Huwag mo nang guluhin pa."

Mabigat sa loob na tinapunan niya ng tingin ang Emergency Room kung saan naroon si Rin. Mabilis siyang tumakbo papunta sa exit bago pa siya tuluyang makita ng mga reporter.

Maybe Cholo was right. Kailangan niyang bumalik muna sa Poblacion at mag-lay low. Kailangang maging private ang tungkol sa kakambal ng asawa at sa nangyaring insidente. Ayaw niyang maging dahilan ng stress at confusion ng asawa.

Masakit man ay kakayanin niya. He loves to sacrifice as long as he can make his beloved safe, kahit ang kapalit pa no'n ay ang pangungulilang mararamdaman niyang muli.

He immediately called Mr. Patrimonio's number. "Hello, Mr. Patrimonio. I want you to keep an eye on my wife. Siguraduhin mong magiging ligtas si Pauline. Asikasuhin mo na rin ang mga kasong isasampa kay Evangeline Pablo. Basta kahit anong mangyari, huwag mong ipapaalam sa asawa ko kung sino talaga siya."

PAULINE woke up in an unfamiliar white room. Masakit ang lahat ng parte ng katawan niya pero mas nananakit ang ulo niya. It must've been the concussion. Sigurado siyang may panibago na naman siyang sugat sa ulo dahil sa nangyari.

Naaalala na niya ang lahat. She was Pauline Samonte. May anak na siya at asawa. Naaalala na niya iyon ngayon. Pero kung kailan naman nakakaalala na siya saka naman dumating ang problemang ganito.

Pumasok si Cholo sa hospital room kung nasaan siya naroroon at umupo sa upuan nasa tabi ng kama niya. Nakayuko ito at hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"N-Nasaan si Grego?" Luminga-linga siya sa paligid at hinanap ang asawa at halos umiyak siya nang hindi ito makita roon. She missed her husband so much.

Cholo heaved a sigh. Umayos ito ng upo. "Umalis si Grego. Umuwi na doon sa lugar nila. Mas makabubuti iyon sa'yo ngayon lalo na't masama ang magiging resulta ng mga nangyari sa iyo sa imahe niya bilang isang candidate for senator. At isa pa, magkakaroon ng matinding eskandalo at madadamay ka."

Umiling siya. No! No! Hindi siya iniwan ni Grego. Lalayo lang ito sa eskandalo, oo, pero hindi siya nito iiwan. Nangako ito sa kaniya. Tutuparin nito iyon.

"Babalik naman siya di'ba? Sabihin mo sa'kin, Cholo. Hindi niya ako iiwan di'ba?" She asked, hoping that Cholo would agree to her. Pero halos gumuho ang mundo niya nang umiling ito.

She wanted to cry. "Bakit gano'n, Cholo? Ang gusto ko lang naman ay makita siya at mayakap pero bakit lagi na lang kaming pinaghihiwalay? Sa tuwing akala ko ay okay na ang lahat saka naman darating itong problema," she can't help but to sob habang sapo-sapo ang mga mata. "K-kahit isang yakap man lang sana, Cholo. G-gusto ko siyang yakapin. Ilang taon kaming nawalay sa isa't-isa at isang yakap lang ay okay na ako..." puno ng hinanakit na tanong niya kay Cholo. "...kahit isa lang sa ngayon," she placed her hand on her chest hoping to ease the pain and sadness that lingers there.

"Rin! Huwag kang makulit, please? Ano ba ang pinagsasasabi mo?! Makabubuti sa'yo kung lalayo si Grego!"

"Hindi!" Marahas siyang humiling. "Paano mo nasasabi 'yan?! Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi mo?!" Mas lalo siyang humikbi. "Hindi ko kakayanin na mawalay ulit ang mag-ama ko sa akin, Cholo. Hindi ko hahayaan 'yon!"

Natigilan si Cholo. Bakas sa mukha ang matinding confusion sa mga pinagsasasabi niya "Anong ibig mong sabihin?"

She sobbed. "I was saying that… that… I am Pauline Samonte-Perez. G-Grego's wife."

Napanganga si Cholo sa sinabi niya. Bakas sa mukha ang matinding shock.

"We're married for how many years, Cholo. May anak na kaming dalawa. She's so beautiful." Naluha siya. Erin grew up without her kaya masakit iyon para sa kaniya. Pero ang mas masakit doon ay ang tatlong taon na nasayang. Kung alam niya lang na nakauwi na pala siya sa totoo niyang tahanan edi sana hindi na siya bumalik pa sa San Rafael. She should've stayed. Sana ay nakasama at nakapiling niya ng mas matagal ang anak.

Ikinuwento niya kay Cholo ang lahat. Lahat ng mga alaalang akala niya ay tuluyan nang mababaon sa limot. Nang mai-kwento niya ang lahat maging ang naging kaganapan sa bahay kasama ang kakambal niya ay naikuyom ni Cholo ang kamao.

"Ang lakas naman ng loob ng babaeng iyon na sabihan kang magnanakaw. Eh siya nga itong nagnakaw ng pera niyong mag-asawa!" Cholo's jaw clenched. "I'm sorry, Rin. Sana ay hindi ko pinaalis ang asawa mo. H-hindi ko naman kasi alam eh. Ang buong akala ko ay asawa niya 'yung nandoon sa ER."

"Speaking of that bitch, where is she? Is her baby okay?" Concerned na tanong ni Pau sa binata.

Tumango si Cholo. "Yes. Her baby is fine. Ita-transfer na rin siya sa mental ospital kapag naging okay na siya. She's clinically diagnosed with Major Depression at nangangailangan siya ng espesyal na treatment. Pero ang mas alalahanin mo ay ang kalagayan mo dito sa ospital. Limang araw ka nang natutulog."

"Okay na ako. Nga pala, nasaan si Nanang?"

"Umuwi muna siya at nag-impake ng damit mo. Inaasikaso niya rin yung mga pulis na nag-iimbestiga sa nangyari."

Tumango siya. "I see. So hindi pa nakakabisita dito si Grego ni isang beses?"

Umiling si Cholo.

Pakiramdam niya ay nanikip ang dibdib niya. Nagtatampo siya dahil hindi man lang siya nagawang bisitahin ng asawa sa ospital. Gusto niya ulit humikbi pero hindi na iyon natuloy nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Isang lalakeng nasa mid-40's ang pumasok at nginitian siya. She smiled back.

"Hi, Mrs. Perez. I am Dante Patrimonio. Inutusan ako ni Mayor Perez na bantayan ka at gawin ang lahat ng iuutos mo."

"Nasaan na siya? Gusto kong pumunta sa kaniya."

"Sabi niya daw po huwag mo daw po muna siyang pupuntahan o tatawagan kahit ano pang mangyari, lalo na't maraming media ang nakabantay sa paligid. Hangga't maaari daw ay gawin nating private ang issue na ito."

Tumango siya. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit hindi pa siya nadadalaw ng asawa. "I see." She cleared her throat. "Nasampahan niyo na ba ng kaso 'yung kakambal ko?"

"Iyon po ang pag-uusapan natin ngayon, Mrs. Per-- este, Rin..." Mr. Patrimonio cleared his throat. "...Tatanungin ko po kung ano ang mga kasong gusto niyong isampa kay Ms. Evangeline Pablo.."

Buo na ang pasya niya na kasuhan ang kakambal ng patong-patong na kaso pero naaawa siya sa kalagayan nito. Her sister is pregnant at clinically diagnosed pa ito with major depression at balita niya pa ay madalas itong atakehin ng anxiety dahil sa sexual abuse na nangyari rito.

"Pwede bang asikasuhin mo na lang ang mga kailangan niya? Just make sure that she'll get the help that she needs."

"Pero kabilin-bilinan po ni Mayor na sasampahan ng kaso si Ms. Pablo—"

"Sino ang susundin mo sa aming dalawa, Mr. Patrimonio? Siya o ako? Sabihin mo sa kanyang puntahan niya ako kung hindi siya sang-ayon sa desisyon ko."

"Pero Rin–este Pauline, sigurado ka ba sa desisyon mo? Muntik ka nang patayin ng babaeng iyon," ani Cholo.

"Pero hindi pa naman ako patay, hindi ba?" She smiled and wiped the tears away from her cheeks. "Mag-iingat na lang ako sa kanya sa susunod. She needs me right now. Nagawa niya lang ang mga bagay na iyon dahil sa matinding abuse na pinagdaanan niya. Sinisi niya sa akin ang lahat dahil pakiramdam niya ay napaka-unfair ng mundo sa aming dalawa." She smiled. "You see, Cholo. We have the exact same face but our fate was opposite. She lived in hell all her life and I lived in luxury since I can't remember when. Siguro nga sasabihan nila akong tanga sa gagawin ko pero gusto ko lang talagang bigyan siya ng pangalawang pagkakataon."

Binalingan ni Mr. Patrimonio si Cholo. "Tinawag mo siyang Pauline? Ibig sabihin…" Mr. Patrimonio diverted his gaze at her. "… nakakaalala ka na?"

She smiled. "Yes, Dante. Naaalala ko na ang lahat. Naaalala na rin kita. You worked for us for how many years." Nginitian niya ito.

"Ma'am Pauline, sigurado akong matutuwa ang asawa niyo kapag nalaman niyang—"

"No. Huwag mo munang sasabihin sa kaniyang nakakaalala na ako." Isang pilyang ideya ang nabuo sa isip niya. "Magtutuos pa kaming dalawa. I'll deal with him myself."

Cholo and Dante knotted their foreheads at her, tila nagtataka ang mga ito sa kanyang sinabi.

_____

This will be my last update until September 13. Makukumpleto na rin siya sa wakas! Yaaayyyy! Magdiwang! And also, magkakaroon ako ng special chapter after epilogue kaya prepare. Hehehe. May mga misteryong mabubuksan. At sisiguraduhin kong hindi kayo mabibitin sa 13. Bubusugin ko kayo sa--- ehem ehem. Rated Espidyi.

Sa mga pupunta sa MIBF, pm niyo lang ako sa facebook @Bella kung gusto niyo ako ma-meet in person. I'll be there po.

-Bella Vanilla

Chapitre suivant