webnovel

Dilim Ng Alaala (3)

~KASAGUTAN~

"M-Mara?" hirap na sambit ni Roy dahil sa pagkakasakal sa kanya ng dalaga nang makilala niya ito. Hindi siya makapaniwala. Wala siya sa isang masamang panaginip. At tuluyan na niyang naaalala ang lahat. At kilalang-kilala na niya ang babaeng duguang ginagambala siya. Bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari noong gabi ng aksidente – nasagot na ang kanyang mga katanungan.

Si Mara ay girlfriend ng isa sa mga kaibigan niya na si Luis. Maganda si Mara at mabait. Lahat ng katangiang hinahanap ni Roy sa isang babae ay nakita niya sa dalaga. Sa unang pagkikita pa lamang nila, nagkagusto na ni Roy si Mara Ngunit huli na, dahil labis na nagmamahalan sina Mara at Luis.

Hindi sumuko si Roy. Naging stalker siya ng dalaga. At minsan kapag may iba siyang kasamang babae, iniisip niyang si Mara ang kanyang kasama. Tuluyan siyang naging obsessed dito. At nang malaman niyang malapit na itong ikasal sa kaibigan, nag-utos siya ng mga tao upang ipadukot ito. At dinala ito sa bahay nila sa Batangas at ikinulong sa kuwarto niya roon.

~~~

"ROY, PAKIUSAP, PAKAWALAN mo na ako. Bakit mo ba ginagawa 'to?" umiiyak na pagmamakaawa ni Mara.

"Mahal kita, Mara. Mahal na mahal. Ikaw lang ang babaeng minahal ko. Hindi ako mabubuhay nang wala ka." panunuyo ni Roy habang pilit yumayakap sa nagpupumiglas na dalaga. "Sa bahay na 'to tayo titira. 'Di ba, gustong-gusto mo ang tabing-dagat?"

"Pero si Luis ang mahal ko! Ikakasal na kami, Roy."

"Pakakasalan din kita! Sa 'kin ka magpakasal, Mara. Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Mayaman kami. Mas mayaman sa Luis na 'yon. May utang pa nga ang pamilya nila sa 'min, eh. Mara, mahal na mahal kita! Hindi ako mabubuhay nang wala ka. Maniwala ka." At pilit niyang hinalikan sa labi ang iniibig na dalaga.

Ngunit pilit iniiwas ni Mara ang sarili sa mapusok na binata. At nang mabigyan ito ng pagkakataon, sinampal nito Roy. Nanlisik ang mga mata ni Roy sa pagsampal sa kanya, at paulit-ulit niya itong ginantihan ng malakas na sampal.

"Matagal ko nang pinagpapantasyahan ang mga labi mo, Mara. Sa ayaw at sa gusto mo, akin ka lang! Mamamatay ka muna bago ka maangkin ng iba! Sa 'kin lang ang katawan mo! Ako lang ang iibigin mo!" sigaw na pahayag ni Roy habang sakal-sakal sa leeg ang luhaan at takot na takot na si Mara, na napatango-tango na lamang. Minarkahan na niya ang pagkatao nito para maging pag-aari niya.

Hawak ang forty-five caliber na baril, pinilit ni Roy angkinin ang katawan ni Mara. Pikit-matang lumuluha na pinaubaya ng dalaga ang sarili sa kanya. Inisip nitong pagbigyan siya upang 'di niya ito saktan. At natakot itong ituloy niya ang bantang papatayin ito at ang buo nitong pamilya maging si Luis.

"Napakasaya ko, Mara. Napakasarap mo. Virgin ka pa pala? Sinadya mo ba 'yon para sa 'kin?" nakangiti't may pananabik na usal ni Roy nang maangkin ang pagkababae ni Mara. Nakatulala lang ang dalaga na walang patid ang pagpatak ng luha. "Sabihin mong masaya ka, Mara." Pakiusap niya at hinalik-halikan ang leeg nito.

Hindi ito umiimik. Luhaan pa rin ito at tulalang nakatitig lang sa kisame.

Uminit ang ulo ni Roy nang hindi ito kumibo sa muli niya pang pakiusap rito at sa 'di nito pagganti sa mapusok niyang mga halik. "Sabihin mong masaya ka! Sabihin mong nagustuhan mo! Sabihin mong gusto mong ulitin! Sabihin mong nanabik ka sa halik ko!" sigaw niya kay Mara at paulit-ulit niya itong sinampal at mahigpit pang sinakal.

Humagulhol ang dalaga sa sakit at takot. "Masaya ako. Nagustuhan ko... Gusto kong ulitin natin... nanabik ako... nanabik ako sa halik mo..." Iyak nito.

"Sabihin mong mahal mo ako," mala-demonyong bulong ni Roy habang dinidila-dilaan ang pisngi at labi ni Mara.

"M-Mahal kita..." hagulhol nito. Naisip ng dalaga ang lalaking mahal nito – at nagdarasal itong humihingi ng tulong.

"Talaga? Mahal din kita, Mara," masayang tugon ni Roy at tuwang-tuwang mahigpit na niyakap ang dalaga.

PAGSAPIT NG GABI, muling inangkin ni Roy si Mara. Ibinigay naman ng buong-buo ng dalaga ang sarili sa hayuk sa laman na binata. Inisip nitong pagbigyan muli si Roy at kunin ang kanyang loob. At kapag nabigyan ng pagkakataon ay tatakasan nito ang hibang na si Roy.

Nang makatulog na si Roy, dahan-dahang bumangon si Mara upang tumakas. Inisip nitong pukpukin siya sa ulo habang natutulog, ngunit wala itong nakitang bagay na puwedeng gamitin. Inisip din nitong kunin ang baril niya, ngunit nasa ilalim ito ng kanyang unan. Kaya naman dali-dali at maingat na lamang itong bumaba ng hagdan upang tumakas. Ngunit 'di pa man ito tuluyang nakakababa ng hagdan, nagising si Roy at agad hinanap ang bihag na dalaga.

Habang binubuksan ng takot na takot na dalaga ang pinto palabas ng bahay, narinig nito ang galit na pagtawag ni Roy. "Mara! Saan ka pupunta?! Lalabas kang 'yan lang ang suot mo?! Nababaliw ka na ba?!"

Hindi pinansin ni Mara ang pagsigaw niya. Ang nasa isip lang nito ay makalabas sa impiyernong bahay na iyon. Nang mabuksan nito ang pinto, agad itong lumabas ng bahay. Hindi na nito inisip pa na tanging bra at panty lamang ang kanyang saplot. Basta ang mahalaga para kay Mara ay makatakas at mailigtas ang buhay sa kamay ng baliw na binata.

Agad namang bumalik sa kuwarto niya si Roy nang makalabas na si Mara para kunin ang kanyang baril. At dali-dali niyang sinundan ang dalaga.

Dahil sa walang mga dumadaang sasakyan at walang mga bahay na malapit sa lugar na iyon, tumakbo si Mara papuntang kagubatan upang magtago. At dahil naman sa mabilis na pagkilos ni Roy, nakita niya kung saan tumungo ang dalaga kaya nasundan niya ito. Naghabulan silang dalawa at nagbigay si Roy ng warning shot upang tumigil si Mara. Ngunit lalo lamang binilisan nito ang pagtakbo kahit pa masakit na ang mga paa nito dahil sa wala itong sapin paa. Mabilis na mabilis na tumakbo si Mara at nawala ito sa paningin ni Roy.

Nang may makitang bahay si Mara, agad nitong tinungo – nakakita siya ng pag-asa. Bagama't walang ilaw ang lumang bahay ay nagbakasali pa rin ito na may tao roon na puwedeng tumulong. Kaya naman nagsisigaw ito. "Tulong! Tulungan niyo ako!" umiiyak na paulit-ulit na sigaw ni Mara.

Ngunit walang taong sumagot. Kaya naman pinasya na nitong pumasok sa dalawang palapag na lumang bahay. At nang makapasok ay napahagulhol na lamang ang dalaga nang malamang abandunado na at walang tao sa bahay na pinasukan. Nang may makita itong matigas na kahoy na puwedeng magamit upang maipagtanggol ang sarili, agad nitong kinuha at nagtago sa isa sa mga kuwarto ng bahay.

Nasundan ni Roy sa lumang bahay si Mara. Nang nasa loob na siya ng bahay, agad niya itong hinanap. "Mara! Lumabas ka na! 'Wag mo na akong pahirapan pa! 'Wag mong painitin ang ulo ko!" galit na sigaw niya nang 'di ito nagpakita sa kanya. "Isa! Dalawa! Tatlo! Mara! Lumabas ka na!" pagbibigay niya ng ultimatum sa dalaga.

Hindi pa rin lumabas si Mara kaya lalong uminit ang ulo niya. At sunod-sunod na nagpaputok siya ng baril sa kabuuan ng bahay dahil sa galit.

Isang malakas na kalabog ang narinig ni Roy mula sa isang kuwarto ng lumang bahay. At nang puntahan niya ito, dahil sa liwanag na nagmumula sa bilog na buwan, nakita niyang nakahandusay sa sahig ang duguang si Mara. Tumagos ang bala sa kahoy na dingding kung saan nagtatago ito at tinamaan ito sa likod. Hindi makapaniwala si Roy sa tumambad sa kanya.

Agad niyakap ni Roy ang duguang dalaga. "M-Mara? Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako. Gumising ka. Gumising ka. Pakiusap – " iyak niya habang pilit na ginigisingn ito. "Mara! Mara! Maraaaa! Mara, mahal na mahal kita! 'Wag mo akong iiwan! Gumising ka! Mahal na mahal kita... Ba't ka kasi nagtago?" at napahagulhol na siya.

Dumilat si Mara – napangiti si Roy. Bago ito tuluyang bawian ng buhay, napagbantaan pa nito ang buhay niya. "Magbabayad ka. Hindi kita patatahimikin. Papatayin kita!" madiing usal ni Mara bago ito namatay habang nasa bisig ni Roy.

Nakaramdam si Roy ng matinding takot sa sinambit ng dalaga. Tumayo siya at tinadtad pa ng bala ang wala nang buhay na katawan ni Mara habang nagsisisigaw. Bagama't tuliro, naisip pa rin ni Roy na ilibing ang katawan ng dalaga. Habang inililibing niya ang katawan nito sa likod ng bahay ay unti-unting nagdilim nang matakpan ng makapal na ulap ang bilog na buwan at bumuhos ang napakalakas na ulan. Nagsisigaw si Roy at mistulan siyang nawala sa kanyang sarili.

Tumakbo siyang wala sa katinuan pabalik ng bahay. At nang marating niya ang bahay, agad siyang sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot ito pabalik ng Maynila. Habang wala sa sariling nagmamaneho siya, nakita niya sa kanyang tabi ang duguang si Mara. Nawalan siya ng control sa manubela at bumangga sa kasalubong na kotse.

At sa paggising ni Roy ay wala na siyang maalala sa mga nangyari. At 'di na niya matandaan pa ang ginawa niya kay Mara. Maging mismong si Mara ay nawala sa kanyang alaala.

~~~

Chapitre suivant