webnovel

MAKE UP

(ONE SHOT LANG. 499 WORDS)

In love si Dave kay Roselyn, six days ago...

Ngayon...?

Nakilala ni Dave si Roselyn sa bar, kung saan may pera lang ang magagawi at puntahan ng mga celebrity tulad niya. Pangkaraniwan lang ang pagkakakilala nila; nagkabungguan tapos nagkatitigigan, nagkamay matapos magkabigayan ng pangalan, nagkaalukan ng drinks, kuwentuhan hanggang magkabigayan ng number at nagkasundong muling magkita.

Humanga na sa ganda ni Roselyn si Dave sa una nilang pagkikita kahit pa hindi niya naman gaanong napagmasdan ang mukha nito dahil madilim sa bar at kukurap-kurap ang mga ilaw. Para kay Dave, sapat nang sexy ito, malusog ang hinarap at matambok ng likod.

Text-text, tawag-tawag, ang naging routine nilang dalawa. At sa gabi, nagkikita sila sa bar kung saan sila nagkakilala. Hanggang isang araw, na-realized ni Dave na in love na siya sa dalaga. At nag-umpisa 'yon sa una pa lang nilang pagkikita, nang magtama ang kanilang mga mata. Inamin niya 'yon kay Roselyn, at ipinagtapat din ng dalaga na may pagtingin ito sa kanya. Sa madaling salita, naging sila sa apat na araw na pagkakakilala.

Sa ika-limang araw, naganap ang official date nila bilang mag-on. Dinala ni Dave si Roselyn sa mamahaling restaurant. Doon niya unang nakita sa liwanag ang magandang mukha nang dalaga. At agad pumasok sa utak niya na 'wag na itong pakawalan pa. At iyon din ang nasaisip ni Roselyn, ang maging pag-aari siya.

Sa ika-anim na araw, niyaya ni Dave si Roselyn sa kama. Para sa kanya kung mahal siya nito, papayag ito sa gusto niya... At pumayag ito. Kaya hindi magkamayaw si Dave sa pagpuri sa sarili niya habang nakatingin sa sarili niya sa salamin sa restroom ng bar kung nasaan sila. Paglabas niya ng banyo, diretso na sila sa kanilang destinasyon – sa bahay ng dalaga. Si Roselyn mismo ang nag-alok na sa bahay nito nila gawin iyon dahil mag-isa lang naman ito.

Pagpasok pa lang ng pinto, naganap na ang maiinit na eksena hanggang humantong sa kuwarto diretso sa kama.

Abot tainga ang ngiti ni Dave pagkagising niya kinaumagahan. Na napalitan ng labis na pagkabigla nang makita ang katabi niyang babae na nakadantay sa dibdib niya. May pagkasarat ang ilong nito, halos walang kilay sa sobrang nipis at 'di makinis ang mukha.

"S-Sino ka?!" napasigaw si Dave at naitulak ang 'di kilalang babae. At napatayo siya sa kama nang walang saplot.

"Grabe lang? Matapos tayong mag-ano, who you na?" nakangiting sagot ng babaeng pamilyar sa kanya ang boses. Tumayo itong wala ring suot.

"Hayop ka! Hindi ki – " hindi na naituloy pa ni Dave ang sasabihin. Nahilo siya at natumba. Bago siya mawalan ng malay, nakita niya ang syringe na hawak ng babae.

Pagkagising ni Dave, nakatali na siya sa upuan. Nakita niya sa harap niya ang babaeng hindi niya kilala na nagme-makeup sa harap ng salamin. At unti-unting lumitaw sa mukha ng babae ang mukha ng girlfriend niyang si Roselyn.

Tiningnan siya nito sa salamin. "'Di ba, sabi ko sa 'yo noon, mai-in love ka rin sa mukha ko?" nakangising sabi ng dalaga.

Chapitre suivant