webnovel

Conciliate

KYLE

"Yes or no lang, Elle. Sasama ka ba saakin or hindi?" Seryoso tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga naman siya bago ako sagutin

"No, hinding-hindi ako sasama sayo, never. So please... Kyle..." Matigas niyang sabi saakin, tsaka pumasok sa kanyang kotse at pinaandar ito nang mabilis.

"Bakit ba ang tigas-tigas mo saakin, Elle? Bakit ayaw mong lumaban kasama ko?" Bulong ko sa hangin at pumasok na sa kotse ko..

Wala nang magandang nangyayari sa buhay ko magmula nang mag-away kami ni Dad. Hindi na rin kami nagpapansinan o nagkikibuan man lang.

"SH.T!" Sigaw ko habang pinapaandar ko ang kotse ko.

"WHY DO I HAVE TO LIVE IN THIS KIND OF LIFE?!!" Galit na sigaw ko.

Inihinto ko ang kotse ko sa isang resto bar malapit sa unit namin ni Elle.. Ayoko munang umuwi sa unit ko dahil for sure, problema na naman ang dulot ko doon.

Pumasok ako sa loob ng resto bar at dumiretso sa bar.

"Give me your strongest beer.." utos ko doon sa bartender. Inabot rin naman niya saakin at agad ko itong ininom.

"Isa pa nga!" Sigaw ko doom sa bartender. Parang nataranta naman siya sa biglaang pagsigaw ko kaya agad-agad niya itong binigay saakin.

I'm on my 4th glass of beer nang biglang umupo sa tabi ko.

"Ang problema, sinusolusyunan yan. Hindi sagot ang pag-inom at pagpapakalasing para solusyunan ang problema." Napatingin naman ako sa nagsalita.

"What brings you here?" Medyo tipsy na ako habang tinitignan ko siya. He just shrugged his shoulders and ordered a drink..

"Paano mo nakayanan ang lahat nang ito? Paano mo nagawang mabuhay na hindi kasama ang babaeng mahal na mahal mo??" Seryosong tanong ko sa kanya. He looked at me first at tsaka niya ininom ang hawak niyang glass of wine.

"Naalala mo yung kinwento ko sayo tungkol doon sa mga gawa kong paintings?" Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya.

"Hiniling ko na mabuhay ka lang, na maging maayos ka lang, kayo nang mama mo, sapat na saakin yun. Kahit hindi na ako ang kasama ng mama mo sa pagpapalaki sayo, ayos lang kasi lagi naman kitang tinitignan mula sa malayo." Sabi niya ay muling uminom ng wine.

"Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap tanggapin?" May halong sakit at galit sa tono ng boses ko dahilan para tapikin niya ako sa balikat.

"Bakit mahirap? Kasi mahal mo. Hindi mo matanggap kasi hindi siya ang babaeng pakakasalan mo.. Hayy. Pareho tayong biktima ng maling panahon.." Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Maling panahon?" naguguluhang tanong ko sa kanya

"Maling panahon, like you found true love at the wrong time.. Kasi kahit anong pilit mong lumaban, kahit ano pang gawin mo, kung ang tadhana na mismo yung nagsasabing hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa ay wala ka nang magagawa doon." Patango-tango lang ako sa sinasabi niya pero deep inside, halos ikamatay ko yung sakit..

"I'm sorry." Napatingin naman ako sa kanya.

"Sorry, for what?" Tanong ko sa kanya at muling uminom ng alak

"Sorry kasi hindi kita pinaglaban dati, kayo nang mama mo. Wala eh, walang-wala kami dati, tapos nagkasakit pa ang tatay ko kaya lalo akong nawalan ng choice.." Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya ang mga iyan.

"Walang araw na hindi ko pinagsisisihan ang nagawa ko, at halos gabi-gabi rin akong hindi pinapatulog ng konsensya ko dahil sa pag-abandona ko sainyo ng mama mo. Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataong bumalik sa dati, gagawin ko yun para maitama lahat nang kamalian ko. Pero..." Bumuntong hininga ulit si Papa at tumingin saakin.

"Pero hindi ko na maibabalik pa ang dati, Kyle.. Nangyari na ang dapat mangyari, siguro hanggang doon na lang talaga kami ng Mama mo." Malungkot niyang sabi saakin.

"Pa, Minahal mo ba talaga si Mama?" Hindi ko alam kung bakit tinanong ko yan sa kanya.

"I loved your mom so much to the point na gagawin ko ang lahat para sa kanya, kahit pa ang layuan siya. Yun na ata ang pinakamabigat na parusang ipinako saakin.." Naguluhan naman ako sa kanyang sinabi

"Parusa? Bakit parusa, Pa?" Oo Papa na ang tawag ko sa kanya. He's my real father right? Napatingin saakin si Papa at ngumiti nang mapakla.

"Illegal ang relasyon namin ng Mama mo dati. Lahat tutol sa relasyon namin. Dahil nga sa lahat ay tutol sa relasyon namin, we tried to keep our relationship a secret one.. Tipong patago kami kung magkita at patago kami kung magdate.. Pero ang nakakatawa dito, dahil sa pagtatagong iyon, nabuo ka. Nabuo ka in the middle of our chaotic world, but by love..." At tinap ni Papa ang ulo ko.

"Kung hindi man ito ang tamang oras para sa inyo ni Elle, who knows baka sa ibang paraan kayo magkakatuluyan." Sabi ni Papa at ngumiti saakin.

"Salamat, Pa. At kahit hindi pa man kayo humihingi ng tawad saakin, pinapatawad ko na po kayo.." I said and smiled at him.. He also smiled and tap my back and he stood up.

"I have to go, ikaw ba?" Tanong niya saakin. Medyo napaparami na rin ang inom ko kaya tumayo na rin ako.

"Pa, punta ka sa wedding ko ah?" May halong kirot sa boses ko.

"I don't think na gugustuhin akong makita ng Mama mo, Kyle." Malungkot niyang sabi saakin.

"It's my wedding, Pa. Kaya wala silang pakialam kung sino ang iimbitahin ko, basta umattend ka, Pa ah. Inaasahan kita doon.." I said bitterly.

Huminga ng malalim si Papa at tumango. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at ako naman ay pumasok na sa condo namin.

Pagkarating ko sa unit ko, nadatnan kong nasa sala si Dad at may binabasa.

"Bakit ngayon ka lang?! Saan ka na naman galing?! At lasing ka ba?!" Sunud-sunod niyang tanong saakin dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Why do you even care, Dad?!" I asked him in a sarcastic way.

"Ano? Papagalitan mo na naman ba ako?! Ginagawa mo naman akong bata, DAD. Ikakasal na nga ako diba? So hayaan mo munang enjoyin ko yung singleness ko.." Sabi ko at tinalikuran na siya.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at nilock ito.

Kinuha ko ang picture frame namin ni Elle. Kuha ito nung nagbakasyon kami sa isla kasama sila Patty.

Hinaplos ko ang mukha niyang nakangiti sa litratong ito at biglang pumatak ang mga luha ko.

"Bakit hindi na lang ikaw, Elle. Bakit hindi pwedeng ikaw?" I whispered..

Dahil tanggapin ko man o hindi, ito na talaga ang nakatadhana para saakin.

And that hurts so much!

Chapitre suivant