webnovel

His Wedding

ELLE

I've been staring at my reflection in the mirror and it made me realized something.. This is not me..

I'm wearing a black high-slit gown with a touch of rhinestones on it. I brushed my hair up, and applied a light make up. I paired up my over-all look with 5 inches black heels.

Muli akong tumitig sa reflection ko, after 2 weeks. Here I am, attending my love's wedding.

"Anak, ready ka na ba?" My mom asked. I looked at her in the mirror and just nodded.

I heard her sighed and hugged me.. I held her hands and caressed it.

"I'm okay Ma. Tatapusin ko lang to, just this wedding, and afterwards, I'll be resigning at doon na ako titira sa rest house natin sa Tagaytay for good." Sabi ko sa kanya.

"Sige, kung yan ang gusto, susuportahan kita, nak.." Tumango at ngumiti lang ako ng tipid sa sinabi ni Mama.

Lumabas na ako ng kwarto ko at ng unit ko after naming mag-usap ni Mama. Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive na papuntang simbahan kung saang gaganapin ang kasal ni Kyle.

Kanina pa tumatawag sina Vanessa saakin pero hindi ko sinasagot ang kanilang mga tawag. Alam kong 10:00am ang start ng cermony, pero 10:50 am na pero papunta palang ako.

After 20 minutes, ay dumating na ako sa church at nagsisimula na yung ceremony. Lumabas na ako sa kotse ko at pumasok na sa loob ng simbahan. Pagpasok ko, pansin kong tinitignan ako ng mga bisitang nakaupo sa pinakadulo ng church na ito marahil ay dahil sa suot ko.

Umupo ako sa pinakadulo, at pinapanood silang dalawa na kasalukuyang ikinakasal, at masasabi kong walang kasing sakit ang nararamdaman ko ngayon na wala akong magawa kundi ang panoorin na ikinakasal ang taong mahal ko at minamahal ako..

"And now I pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride!" Masayang sabi ng pari. Napuno ng hiyawan ang silid ng simbahan, lahat ay masaya nang magtama ang mga labi ng dalawa, well except for me..

Dahil ang sakit. Napakasakit, makita na hinalikan niya ang babaeng yun sa harap ko, pero I can't do anything but to endure the pain and it hurts so bad..

I wiped my tears and clapped for the newly-weds.

They started to have a picture taking. From family picture, then to the principal and secondary sponsors..

Aalis na sana ako sa simbahan para dumiretso sa kotse ko nang bigla akong tawagin ni Patty

"Bakla! Saan ka pupunta? Makipagpicture taking muna tayo sa kanila. Dalii!" Excited na sigaw ni Patty. Biglang napatingin saakin si Kyle.

Bumuntong hininga ako at dumiretso sa harap habang pinagtitinginan ako ng mga tao dito sa loob ng simbahan. Marahil nagtataka ang mga ito kung bakit nakaitim ako kahit na beige at cream color ang motif ng wedding nila..

Tumabi ako kila Vanessa para sa picture taking.

"Ang taray mong umeksena dyan sa suot mo bakla ah! Bet!" Bulong saakin ni Patty habang ngumingiti sa camera.

"Lakas maka-kontrabida ng suot mo! Kaloka ka!" Dagdag pa ni Vanessa. Hindi ko sila pinansin at nung natapos na yung picture taking, nilapitan ko ang dalawang bagong kasal para i-congrats sila.

"Congratulations." Pilit akong ngumiti sa kanila. At first nagdadalawang isip na ngumiti si Michelle saakin pero ngumiti rin siya.

"Salamat.." Sabi niya. Tumingin ako kay Kyle at nginitian siya at tumalikod na para lumabas na sa simbahan..

Habang naglalakad ako paalis ng simbahan, biglang may humawak sa kamay ko dahilan para lumingon ako.

"Ayos ka lang?" Si Vanessa lang pala.

"Y-yeah." Nauutal kong sabi at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Aattend ka pa ba sa reception?" Kinakabahang tanong saakin ni Vanessa. Ngumiti ako nang pilit at hinawakan ang mga kamay niya.

"Kaya ko ang sarili ko, Vanessa. You don't have to worry about me.." Bumuntong hininga siya at tumango saakin..

Naglalakad na kami at pumasok na sa kaniya-kaniyang kotse para magtungo na sa reception.

Habang nagdadrive ako, halos maiyak ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang nanghihina ang mga tuhod ko. Ang sakit pala nun.

"No. Don't dare to cry, Elle! Not now, not here!!" Sabi ko sa sarili ko. Napapikit ako at bumuntong hininga.

Minutes passed bago ako makarating sa venue ng reception..

Huminga ulit ako ng malalim bago lumabas sa kotse ko at pumasok na sa loob ng hotel.

As always, kung hindi mo alam na fixed marriage lang ang lahat nang ito, ay magtataka ka kung bakit halos lahat ng bisita dito ay formal na formal. Mula sa kanilang mga suot hanggang sa the way they act and move..

I searched for Vanessa and Patty at nakita kong kumakaway saakin si Patty at nagtungo ako doon sa table na nakareserved exclusively for co-workers ni Kyle.

Umupo naman ako sa pagitan nina Patty at Vanessa.

"Saan ka ba nanggaling? Bat ang tagal mo?" Bulong ni Patty saakin.

"NagCR pa kasi ako." Palusot ko. Mabuti naman at hindi na muli pang nagtanong si Patty saakin.

Habang busy ako sa paggamit ng phone ko, ay biglang namatay ang mga ilaw and it turned out to be a dim lights only..

"And now, let's all welcome, our newly-wedded couple, Mr. Kyle and Mrs. Michelle Villafuente!!" Parang natusukan ako ng libo-libong karayom dahil sa narinig ko.

Napuno ng palakpakan ang buong silid nang maglakad ang dalawang bagong kasal.

Ngumingiti si Kyle as he waved sa mga bagong business partners ng kanyang tatay pero naglaho yun nang magtama ang mga tingin namin sa isa't-isa..

Agad siyang umiwas nang tingin at inilahad ang kanyang kamay para umalalay sa misis niya paakyat sa stage..

Nagumpisa na ang party, mula sa prayer at message ng both parents.

Nagulat kami nang biglang tumingin sa mesa namin ang emcee at biglang nagsalita.

"Why not, we ask one representative sa mga katrabaho ng ating groom para ibigay ang kanyang message sa mag-asawa? What do you think guys?!" Tanong ng emcee. Agad namang sumang-ayon sa suggestion niya ang mga tao dito.

"So, sino ang magbibigay ng kanyang message on behalf of the company?" Tanong ulit ng Emcee.

I was about to say something sa kanila nang bigla kong marinig ang pangalan ko.

"Ms. Elle Lavender. Please come here infront.." Tawag saakin ng emcee. I glared at my friends but they only shrugged their shoulders at me na nangangahulugang wala silang kinalaman dito.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at naglakad na patungo sa stage..

"Ohh! Look at her, very bold and daring to wear that kind of dress! I love the attitude!" Manghang sabi saakin ng emcee habang inaabot ang mic saakin.

Tumingin ako sa harap ng mga tao, na kasalukuyang tinitignan ako at bumubulong sa tabi nila.. At tumingin sa dalawang nasa harap ko.

"Good afternoon to each one of you. On behalf of Mr. Albert and other staffs of the company, I would like to say congratulations to the newly-wedded couple." Pagsisimula ko sa aking message.

"My message for the both of you, is to love each other. Kasi yan ang pinakaimportante sa isang relasyon. Magbigayan ang bawat isa sa inyo, at agad na pag-usapan at solusyunan ang problemang darating, maliit man ito o malaki. " Lumunok muna ako bago ituloy ang pagsasalita.

"Kyle, nawa'y mahalin mo ang asawa mo as equal as you love your parents. Intindihin mo siya pag may mga oras na nalilito't naguguluhan siya sa mga bagay-bagay, mahalin mo pa rin siya kahit na may mga panahong hindi siya kamahal-mahal, at put God at the center of your relationship dahil yun ang magpapakatatag sa relasyon ninyo.." Napatigil ako at tinignan si Michelle na pilit na ngumingiti saakin.

"And to Michelle, sana mahalin mo rin si Kyle more than anyone can do.. That's all." Sabi ko at binigay ang mic sa emcee at agad na bumaba.

"What an emotional message coming from you, Ms. Elle!"

Rinig kong sabi ng emcee but I never dared to look back.

"Excuse me." Sabi ko habang dumadaan ako, palabas ng venue.

Agad akong pumasok sa loob ng CR at ikinulong ang sarili sa isa sa mga cubicles doon at tuluyang umagos ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

Napaluhod ako sa may pinto nitong cubicle at tinakpan ang bibig ko ng aking kamay para pigilan ang paghikbi nito.

Ang sakit.. Sobrang sakit.

Akala ko kaya ko siyang makita na ikinakasal sa iba.

Yun pala, mali ako.

Nagkamali ako.

Dahil halos ikamatay ko ang sakit habang tinitignan ko siya.

na..

Ikinakasal sa iba..

Sa harap ko.

mismo..

Chapitre suivant