webnovel

Finding Elle

KYLE

Nasa loob na ako ng kotse ko ngayon at pinaandar na ito. I already called Mr. Albert and ask for a Special Personal Leave, luckily, grinant niya naman ito.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Vanessa. Mabuti naman at sinagot niya agad.

"Hello" Wala sa mood niyang sagot.

"Vanessa! I need your help!" Sigaw ko sa kanya. Narinig ko naman na napa-Ouch siya

"Ano ba! Bat ka sumisigaw?! At anong help yang sinasabi mo!" Sabi ko nga bad mood siya.

"Si Elle.. " Sabi ko sa kanya.

"What about Elle?!" Tanong niya saakin.

"I know alam niyo kung nasaan sa Tagaytay ang rest house nila Elle. Please, sabihin mo saakin kung saan yun, Vanessa.." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Diba kasal ka na?! Ano pang magaga--" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. "Our marriage is illegall. Long story so please tell me, Vanessa. Saan yung rest house nila Elle?!" Seryosong tanong ko sa kanya.

I heard her sighed and muling nagsalita..

Napangiti ako dahil sa sinabi niya at pinasalamatan siya at binaba ko ang tawag.

Mas binilisan ko ang pagdrive ko.

Wait for me, Elle. Wait for me..

--

ELLE

"Hmmmmm. Hmmmm.." I started humming as I held one of the flowers here in the garden. Such a stress reliever..

Hindi ko inaakala na ganito pala karami ang mga bulaklak dito sa garden. It's my first time na pumunta dito sa garden kasi..

"Hmmmm.. Hmmm. Lalalala" Pakanta-kanta ko habang hinahawakan ko ang sunflower.

"Buti pa ang sunflower, blooming. Pero yung taong kumakanta, hindi." Napanlingon naman ako sa likod ko dahil sa biglang may biglang nagsalita.

"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala!" Hinihingal na sabi niya saakin.

"Hindi ba sinabi sayo ni Claire na pupunta ako ngayon sa Garden?" Tanong ko sa kanya at itinuon muli ang atensyon sa mga bulaklak.

"Hmmm. Hindi ko nakita si Claire tsaka okay na lang rin akala ko kasi napano ka na eh." Sabi niya. Hindi ako manhid para hindi mapansin ang kinikilos ni Paulo. Isang buwan na ako dito sa Tagaytay, tanga na lang siguro ang hindi pa makakapansin sa kinikilos niya.

"Ano namang pwedeng mangyari saakin aber? Safe naman itong rest house diba?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Wala naman. Hayaan mo na nga lang yun.. Kumain ka na ba?" Biglang tanong niya saakin. Lumipat ako nang ibang lugar, ngayon naman ay nasa daisies ako..

"Busog pa ako eh. Kakakain ko lang kanina." Sabi ko sa kanya.

"No wonder ang laki na ng bilbil mo! Hahahaha!" Sabay tawa niya dahilan para irapan ko siya.

"Che! Tigilan mo nga ako, Paulo. Wala akong bilbil noh! Ang sexy ko kaya!" Proud kong sabi sa kanya..

"Tss. Oo na! Ikaw na flat ang tiyan!" Pikon talaga to kahit kailan. Pero masasabi kong dahil sa lalaking to, hindi ko na masyadong naiisip ang nangyari isang buwan na ang nakakalipas.. Parang hindi ko na masyadong nararamdaman yung sakit and thanks to these people..

"Naman! Hindi ako nakakabilbil noh." Sabi ko at naglakad na papuntang playground.

Umupo ako sa may swing pagkarating ko doon sa playground.

Pero kapansin-pansin saakin ang mga kinikilos ni Paulo. Parang hindi siya mapakali na hindi ko maexplain.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"A-ah?! W-wala naman.. Hayyss!" Frustrated niyang sabi. Mukhang alam ko na kung bakit nagkakaganito to.

Hindi ko na siya kinibo pa, pero maya-maya lang ay narinig ko na bumuntong hininga siya.

"E-elle." Here we go, Elle!

"Yes?" Sagot ko naman sa kanya.

"A-ano.. ano kasi... sh.t ano ba umayos ka nga!" Rinig kong bulong niya.

"Ano yun?" Tanong ko ulit sa kanya.

"I-i.... l-l... haysss!!" He hissed. Actually, gets ko na kung anong gusto niyang sabihin saakin kaso I want him to confirm it baka naga-assume lang ako pag nagkakataon!

"You what?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya at tumingin saakin ng seryoso.

"I love you, Elle.." Nagulat ako. Kahit pala alam mo na kung anong sasabihin niya, pag sa kanya pala mismo nanggaling yun, magugulat ka pa rin pala.

Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay pa kung anong susunod niyang sasabihin.

"Una palang, nang makita kita dito, na-love at first sight ako sa Elle. Pero nahihiya akong aminin sayo dahil sino nga lang ba ako diba? But still, naglakas-loob pa rin akong aminin sayo ang lahat nang ito..."He looked at me seriously. I sighed at tumingin rin sa kanya.

"Bakit naman? Bakit mo ikinakahiya ang nararamdaman mo? Dahil ano? Dahil anak ako ni Danilo Lavender ganoon ba yun? Hindi basehan ang estado ng buhay pagdating sa Love, Paulo. Kasi kapag naramdaman mo ang pagmamahal na yun, lahat wala nang halaga." Paliwanag ko sa kanya.

"Mabait ka, sobrang bait mong tao.. You deserve someone better, yung kaya ring suklian yung pagmamahal mo para saakin, Paulo.. Hind--" Hindi niya ako pinatapos na magsalita.

"So, still him, huh? Siya pa rin pala hanggang ngayon.." Sabi niya na mukhang disappointed.

"I did everything that I can to make you happy and to help you ease the pain kahit kaunti, pero..." He smiled at me bitterly. I suddenly felt guilt sa nangyayari ngayon. Pero hindi natin kontrolado ang lahat nang mangyayari eh.

"Pero hanggang ngayon pala, siya pa rin. Hindi mo pa rin pala siya nakakalimutan, Elle..." Sabi niya haban tumatango saakin.

"I'm sorry, Paulo..." Malungkot kong sabi sa kanya.

"You don't have to.. I understand.." He smiled but halatang pilit yun. Ngiti lang ang ginawa kong pagtugon sa kanya. I don't want to say anything kasi sa halip na pagaanin ko ang loob niya, mas lalo ko lang siya sasaktan.

Napatingala ako sa langit..

Ang ganda ng view.

Ang asul ng kalangitan,

Ang ganda ng mga ulap.

Pero..

Lahat nang yun napawi dahil...

May mabait na tao ang nasasaktan ngayon dahil saakin.

Bakit nga ba hindi natin mapasunod ang puso natin na mahalin ang isang tao na mahal tayo?

Bakit patuloy pa rin nating minamahal ang isang tao na kahit na parte na ito nang ating nakaraan?

Bumuntong hininga ako at maya-maya pa'y naramdaman ko ang mainit na likido na dumadaloy ngayon sa magkabilang pisngi ko.

How can I even move on from you, Kyle Villafuente?

Chapitre suivant