webnovel

Reel Feelings

ELLE

Pangalawang araw ko na dito sa rest house. At isa lang ang napagtanto ko....

Lagi kong tinatakbuhan ang problema. Malaki man ito o maliit.

Hindi ko rin alam kung bakit. Marami akong kakilala na kaya nilang harapin ang mga problema nila sa buhay, pero ako?Madali akong mafrustrate and I hate that..

Tahimik ang buhay ko ngayon, oo aminado ako doon. Pero hindi ko pa rin mapunan ang kakulangan saakin.

Kung dati masaya akong pag gumigising sa umaga, ngayon naman, parang ang bigat sa pakiramdam.. Parang ang hirap bumangon at kahit anong pilit kong maging masaya, there's something in me that says, I'm really not happy..

I sigh at bumangon na para maligo, magbihis at mag-ayos ng kaunti. Pag labas ko pa lang sa kwarto ko, nakita ko na agad sina Claire, Clay, Kuya Arnold at Paulo na naglalaro sa may poolside. Napansin ata nila ang presensya ko kaya napatigil sila sa kanilang paglalaro.

"Gising na po pala kayo, Ms. Elle. Nagugutom na po ba kayo? May pagkain na po, ipaghahain ko lang po kayo." She was about to stand up, but I stop her at lumapit sa kanila.

"No need, Claire. Okay lang tsaka hindi pa naman talaga ako gutom eh.. Anong nilalaro ninyo?" Tanong ko sa kanila dahil lahat silang apat naka-indian seat.

"Naglalaro po kami ng spin the battle po." Sabi ni Clay.

"Bottle? Like bote?" Umiling naman sila sa sinabi ko.

"Battle po, as in pipili po kayo ng isa saamin na makakalaban ninyo if ever na hindi niyo nagawa ang ipapagawa namin sa inyo. Pero, itong bote pa rin ang gagamitin natin para malaman kung sino yung maglalaro." Mukhang na-gets ko na rin naman ang mechanics ng laro.

"Sasali po kayo, Ms. Elle?" Tanong ni Kuya Arnold. Tumango ako at umupo sa tabi ni Paulo.

"Ayan! Lima na tayo! Sisimulan na ulit natin ah?" Excited na sabi ni Claire at pinaikot niya na ang bote hanggang sa tumigil ito at tumapat kay Kuya Arnold.

"Ano ba naman yan! Ako ulit!" Sabi niya at nagkamot ng ulo.

"Truth or dare, Kuya Arnold." Tanong sa kanya ni Clay sabay pisil doon sa nakaintertwined niyang kamay.

"Truth." Simpleng sagot naman ni Kuya Arnold. Bigla namang ngumiti nang nakakaloko si Clay.

"Nililigawan mo ba si Claire? Yung totoo ah?" Nagulat naman ako sa tanong ni Clay, tsaka ko tinignan si Claire na sobrang namumula yung mukha.

"Ano na?" tanong ulit ni Clay. Huminga ng malalim so Kuya Arnold bago magsalita.

"Oo. Nililigawan ko na si Claire.." Bigla akong napatakip ng kamay sa bibig ko. Lalo namang namula yung mukha ni Claire at nagkakantyawan na ang mga lalaki.

"Sabi na nga ba eh! Tama talaga hinala ko!" Proud na sabi ni Paulo.

"Next na!" Biglang sigaw ni Claire at inikot niyang muli ang bote hanggang sa tumapat ito..... Saakin?

"Sinong magtatanong kay Ms. Elle?" Nahihiyang tanong ni Clay.

"Ako na." Napatingin naman ako kay Paulo.

"Game." I energetically said. I intertwined my two hands gaya ng ginawa nila kanina.

"Ms. Elle, truth or dare?" Tanong niya saakin at pinisil ako ng kaunti.

Kung sina Patty pa to, alam kong walang magandang maidudulot ang mga yun pag nag-dare ako, pero still, kinakabahan pa rin ako sa mga ipapaggawa nila saakin.

"Truth." Biglang sabi ko. Bigla namang ngumiti si Paulo na mukhang inaasahan niya nang sasabihin ko iyon.

"Bakit ka talaga nandito, Ms. Elle? Yung totoo po ah?" Seryosong tanong saakin ni Paulo.

"Para magbakasyon." Simpleng sagot ko dahilan para umiling si Paulo.

"Kabaligtaran ang sinasabi ng inyong mga mata, Ms. Elle. Pakiwari ko'y hindi yun ang dahilan kung bakit kayo nandito. " I sighed as a sign of giving up..

"Fine. Hindi talaga ako nandito para magbakasyon, ang totoo niyan, gusto kong takasan ang problema ko doon sa pinagtatrabuhan ko. Doon sa siyudad. Ganito kasi palagi eh, lagi kong tinatakbuhan ang problema, maliit man ito o malaki." Prenteng nakikinig lang sila saakin kaya itinuloy ko na lang rin.

"Pero ano nga bang klaseng problema yun, Ms. Elle at tinatakbuhan ninyo?" Curious na tanong ni Claire saakin.

"Problema sa isang tao kaya ako nandito, Claire. It's not na may ginawang masama saakin yung tao or the other way around, pero naguguluhan ako sa mga sinabi niya.." Muli akong nagbuntong-hininga.

"Sa hindi inaasahang pangyayari, ay nahulog saakin ang isang lalaki. Kaibigan ko ang lalaking yun, lagi niya akong pinapasaya pag malungkot ako, lagi niya akong sinasamahan sa tuwing nag-iisa ako, at pinipilit niyang ipaintindi saakin ang mga bagay-bagay na hindi ko maintindihan. " Tumigil ako dahil nagbabadya nang pumatak ang mga luha ko. Diretso lang ang tingin ko habang nagsasalita.

"Una pa lang, sinabihan ko na siya na huwag mahulog saakin dahil ayokong paasahin siya sa wala, ayokong mahalin siya dahil lang sa mahal niya ako, at ayokong isipin na ginagawa ko lang siyang rebound o di kaya panakip-butas para tuluyang buo-in yung nasira saakin. Ayoko nang ganoon, kasi para saakin..." Pinunasan ko agad ang luhang pumatak sa mga mata ko at pilit na ngumiti sa kanila.

"Para saakin, you can never go wrong between love and like.. We, people tend to love someone merely because of how they dress, talk, or move, but people failed to recognize the difference between attraction over admiration.." Makahulugan kong sagot sa kanila.

"Wala akong naintindihan sa mga sinabi niyo, Ms. Elle. Pero isa lang ang masasabi ko, malungkot kayo. Kahit magpanggap kayo na masaya kayo dito, hindi pa rin maikukubli sa inyong mga mata ang kalungkutan na inyong nadarama..." Sabi naman ni Kuya Arnold saakin.

"Siguro nga, malungkot ako.. Malungkot dahil nasaktan ko ang taong walang ibang ginawa kundi ang tulungan at walang ibang pinakita saakin kung hindi ang kabutihan ng kanyang puso..Ako yung masama eh, naging masama ako sa kanya." Muli akong nagbuntong hininga.

"Hindi naman po sigurong ganoon Ms. Elle. Naniniwala po akong may mas malalim na rason kayo kung bakit ninyo nagawa iyon.. Hindi po ba? At tsaka wala namang tao ang gustong manakit ng mabait at mabuting kaibigan diba?" Claire tried to light up the atmosphere but she failed when Paulo said something..

"Naguguluhan lang si Ms. Elle sa mga nangyayari. Hindi bakasyon ang kailangan mo, kundi ang tanggapin ang katotohanan, Ms. Elle. Dahil sa oras na tanggapin mo ang katotohanan, mas gagaan ang pakiramdam mo.." Tsaka ako binigyan ni Paulo ng seryosong tingin.

Hindi ako nakapagsalita.

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

At lalong sumakit ang ulo ko...

Ano nga ba ang totoo? Ano nga bang 'katotohanan' ang dapat kong harapin?

Chapitre suivant