webnovel

Adjuration

ELLE

Nagising ako dahil sa pamilyar na pabango na nababalot sa buong kwarto. Bigla akong nakaramdam ng matinding pananakit ng ulo pero biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kyle.

"Good morning, inumin mo muna ito.." Sabi niya sabay abot ng isang tasang tea. "Salamat." Tugon ko sa kanya. Kinuha ko ang tasa mula sa kanya at ininom ito.

"Hindi sagot ang pag-inom ng alak sa problema ng tao, Elle." Tinignan ko naman siya bigla dahil sa sinabi niya.

"Huh?", "Last night, you were so drunk. And it seems, you are in a conflict with your father, am I right?" Nagulat ako sa sinabi niya "Paano ---"

"Paano ko nalaman? Well, nagiging honest ang isang tao pag lasing, and last night since lasing ka na, nasabi mo yung tungkol sa inyo ng papa mo.." I sighed. What's the purpose of lying nga naman diba? Wherein fact, nasabi ko na rin naman pala sa kanya kagabi.

"Well, lahat ng yun, totoo. Bata pa lang ako, alam ko na magiging ganito ang kalalabasan nito. My father is highly respected by his colleagues and his business partners. And bilang nag-iisang anak niya, wala siyang ibang hangad saakin kundi ang maging carbon copy niya sa lahat ng bagay." Nakatingin lang siya saakin.

"Minsan nga iniiisip ko kung ako pa ba ang nagmamay-ari ng buhay kong ito, gayon lahat ng gusto ni papa para saakin, dapat kong sundin yun. Kahit hindi ako masaya, ginagawa ko pa rin.." Tuloy kong sabi.

"Until dumating si Nick sa buhay ko. Doon parang nagkaroon ng direksyon ang buhay ko, pero nung nalaman ni papa ang tungkol saamin, sinabihan niya ako na layuan ko si Nick. Wala raw magandang maidudulot si Nick sa buhay ko. Pero mahal na mahal ko si Nick dati to the point that I disobeyed my father.." Muli akong nagbuntong hininga

"Pinaglaban ko si Nick dahil akala ko, siya na talaga pero dahil nga sa naghiwalay kami, ayun.. Walang humpay na insulto ang inabot ko kay Papa. Parang pinapamukha talaga ni Papa saakin na mali ako, na siya ang tama. Parang wala na akong ibang ginawang tama sa paningin niya.." Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Elle..." Tawag niya saakin. Tumingin naman ako sa kanya.

"Your father loves you..." Sabi niya. Umiling ako. "No. Hindi niya ako mahal, ang mahal niya lang is yung rep--"

"No, Elle. Hindi mo naiintindihan...May kanya-kanyang paraan ng pagmamahal ang bawat tatay sa mundo, may soft, at may tough love. Yung tatay mo, tough love ang pinapakita niya sayo. Siguro iniisip mo ang mga bagay na yan sa tatay mo, pero minsan ba inisip mo na kaya lang yun ginagawa ng tatay mo is para sa kapakanan mo? Na kaya ka niya pinaghihigpitan dahil babae ka, at nag-iisa ka nilang anak." Sabi niya saakin. Mas lalo naman akong umiyak sa sinabi niya

"You have the time and the opportunity to give up everything, pero hindi mo ginawa kasi you want to prove sa tatay mo na hindi ka failure sa kanya.. Na hindi ka kahihiyan.. " Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko..

"Elle.. Sabihin man ng tatay mo o hindi, I know, proud na proud siya sayo.. Proud siya na naging anak ka niya.. I'm very sure of that.." Bigla akong humagulgol.. Naramdaman ko naman ang yakap niya saakin..

"It's never too late to say sorry, Elle. Gawin mo na to, habang may panahon ka pa.." Sabi niya saakin. Tumango naman ako sa sinabi niya at hinintay na kumalma ang sarili ko..

"Salamat Kyle. Lagi ka na lang andyan tuwing may nangyayari saakin tulad nito." He smiled naman sa sinabi ko.. " You're welcome, Elle..No worries, ako pa ba?!"

"So paano.. Balik na ako sa unit ko ah? Siguradong nag-aalala na sina Mama saakin.." Sabi ko sa kanya at tumayo.

"Sigurado ka na ba? Pwede kitang samahan pabalik sa unit mo." Sabi niya. Umiling naman ako at ngumiti para mapanatag siya.. "Kaya ko na Kyle.. Salamat ulit sa tulong mo." Hinatid niya ako sa pinto at tumango siya saakin.

Kinakabahan man ay pinindot ko pa rin ang doorbell ng unit ko.. Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at nakita ko si mama.

"Anak.." Tawag niya saakin at niyakap ako ng mahigpit. Ginantihan ko rin siya ng yakap. Isang mahigpit na yakap.

"I'm sorry, Ma.. I'm so sorry." Biglang iyak ko. Di nagtagal, dumating si Papa. Tinitignan niya lang ako.

"Pa... I'm sorry. I'm so sorry! I'm sorry dahil hindi ako yung anak na gusto mo---" Pero naputol ito dahil agad akong niyakap ni Papa.

"Anak... I'm sorry kung pinaghihigpitan kita.. I'm sorry dahil hinayaan kong maramdaman mo ang bagay na yan, I'm sorry dahil pinilit ko yung mga bagay na ayaw mo. Nak, Patawarin mo ako.." Nagulat ako dahil yumuyugyog ang balikat ni Papa. Umiiyak siya? Niyakap ko rin siya at niyuyugyog ang likod.

"Okay lang po, Pa. Alam ko naman na iniisip niyo lang po ang kapakanan ko.. Kalimutan na lang po natin ang nangyari.." Sabi ko sa kanya. Biglang humarap si papa saakin at di nga ako nagkakamali, umiiyak siya. Pinunasan niya naman ito at ngumiti saakin.

"No.. Hindi yun okay.. Kinontrol ko yung buhay mo. Wala kang freewill para gawin yung mga bagay na nagpapasaya sayo, wala kang ginawa kundi ang sumunod sa lahat ng mga gusto ko para sa buhay mo nak, hindi kita binigyan ng pagkakataong pumili kung anong klaseng buhay ang gusto mo... I'm so sorry, Anak.." Muli niyang sabi saakin..

"From now on, I will let you do the things that makes you happy, anak.. I'll let you live your own life, without manipulating you, but supporting you instead.." He said to me while smiling..

"Pa..." Biglang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung anong irereact, o kung anong sasabihin ko.. It's my first time to hear those words from papa..

"You have my support, nak.." Sabi niya at niyakap ulit ako.

"Salamat pa.." I whispered habang umiiyak.. Hindi ko mawari ang pakiramdam... Basta ang alam ko lang, masaya ako.. Masayang-masaya ako..

Kasi.. Sa wakas, narinig ko mula kay papa ang matagal ko nang gustong marinig...

Yun ay ang susuportahan niya ako bilang kanyang anak...

Chapitre suivant