webnovel

CHAPTER TEN (FINALE of Book 2)

"Ngayon ka kinakabahan? Pamibihira. Hindi ka kinabahan ng ganito sa kompetisyon samantalang ngayon, halatadong ninenerbyos ka. Kulang na lamang manginig ang baba mo." Natatawang kantyaw ni Raz kay Violeta. Maging ang kanyang ate Venus at ina ay natawa na rin.

Nasa loob sila ng bridal car. Si Raz ang nagmaneho at pasahero sila nito. ito rin ang kanyang maid-of-honor. Nagboluntaryo itong magmaneho para huwag daw masira ang porma niya. Kasal nila ni Cenon ng araw na iyon. Isang simpleng wedding dress ang suot niya at belo. Ang make up niya ay simple din maging ang ayos ng kanyang buhok.

Matapos mag-propose ni Cenon ng kasal ay agad itong namanhikan kasama ang buong pamilya nito. Napagkasunduang ganapin iyon makalipas ang tatlong buwan. Salamat sa kanyang ina, ate at ina ni Cenon. Mas excited pa yata ang tatlo dahil madalas manguna sa mga lakad nila. Gayunman, sila pa rin ang huling salita nito.

Napagkasunduan nila ni Cenon na pagkatapos ng kasal ay muli siyang sasabak sa karera. Isang taon ang inilaan niya sa kanyang pangarap at sinuportahan naman siya nito. sa ngayon ay inuna muna nila ang kasal at napagkasunduan nilang mag-honeymoon sa Paris. kinabukasan sila tutulak papunta doon at nasasabik na siya.

Ang negosyo ng kanyang ama ay nasa maayos pa ring estado. Kapag may oras sila ni Cenon ay nagpupunta sila doon para personal iyong tingnan. Tuluyan na ring nakulong sina Mr Chui at ang grupo nito. sa loob ng halos isang taon ay nahatulan ito gawa na rin ng patong-patong na kaso ng mga ito. sa Pilipinas pa rin nakulong si Mr. Chui at naayon iyon sa English international law.

Si Wency naman ay nabalitaan nilang naging maayos na rin. Muli, kinausap ni Cenon ang pamilya ni Winona at sa pagkakataong iyon ay kasama na siya nito maging ang mga magulang nito. Kapwa humingi ng patawad ang pamilya ni Cenon at nagawa na rin silang patawarin ng pamilya ni Winona.

Walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan ng araw na iyon. And she knew, if her father was there, he would love Cenon. A caring, kind and loving man. Napangiti siya sa naisip. Naisip niya kung papaano ito bumawi—bagay na sinabi niyang hindi na nito kailangan pang gawin dahil ganap na niya itong naunawaan sa lahat.

Gayunman, hindi ito nagpaawat. He always bought her flowers. Lalo pa siya nitong inasikaso. Kahit saan race ay pumupunta ito basta hindi ito abala. Kapag hindi maiiwasan ay naiintindihan na niya at hindi na siya nagtatanim pa ng sama ng loob.

Hindi pa rin ito tapos sa training nito. Matagal-tagal pa ang bubunuin nito at suportado niya rin ito. Pinagdadasal din niya na huwag itong masyadong mahirapan katulad din ng madalas nitong gawin para sa kanya.

And she finally accepts that Winona was part of Cenon's past. Nararamdaman naman niya at nakikita niya sa kilos ni Cenon na balewala na ang babae dito. Kung may pagkakataon man na nagpaguusapan nila ang babae, nakikita niyang hindi na talaga ganoon ang nadarama nito sa babae. She's part of Cenon's life after all and she couldn't changed that.

Sa kabilang dako, ang commercial naman nila ay natapos ng umere matapos ang anim na buwang palugid noon at malaki ang pasasalamat niya sa Refreshed Asia dahil hanggang ngayon ay sponsor niya ang mga ito sa lahat ng kompetisyon. Kaya hindi siya nagdalawang isip na imbitahan ang mga big bosses na sina Romeo Laxamana, ang Vice President; Rolly Laxamana, and Presidente at si Mr. Paul Polintan na siyang head ng Marketing Department. Maging ang mga kapwa endorser ay nandoon din.

"Kinakabahan talaga ako. I don't know!"

Gusto na niyang sabunutan ang sarili. Mixed emotions perhaps. Masaya siya na kinakabahan na gusto ng apurahin ang lahat! She was getting crazy really!

"Tara na nga at wakasan na natin 'yang kaba mo. You are just so excited. Ikaw ba naman ang makasal sa isang lalaking tulad ni Cenon?"

Napangiti siya. malaki rin ang pasasalamat iya kay Raz. Kung sa iba lang, baka nakalbo na ito dahil hindi nito pinayagang palapitin si Cenon sa kanya noon. Pero siya ay naiintindihan ito. she was just concern to her dreams and condition. Hindi niya minasama ang pakikialam nito. after all, she was her bestfriend. Hindi siya nito ipapahamak.

Tumalima na sila at agad silang sinabihan ng wedding coordinator na pumwesto. It was a church wedding. Nang tumugtog ang wedding march ay nagrigodon ang puso niya. halos hindi siya makahinga.

Nagsimula na silang maglakad. There again, butterflies in her stomache. Parang lumulutan na siya sa matinding antisipasyon hanggang sa makita niya si Cenon na matyagang naghihintay sa kanya sa tapat ng altar.

And then she smiled. Widely. He smiled too. Lovingly. She chuckeled. Kilig na kilig. Doon na naglaho ang matinding kaba niya at napalitan iyon ng labis na ligaya. At batid niyang hinding-hindi mauubos ang kilig na iyon kahit magkaapo pa sila nito sa tuhod.

"Your so beautiful, honey." Anas nito ng sandaling mahawakan nito ang kamay niya.

Pinaghugpong niya ang mga kamay nila at ngumiti dito. "You too. Kaya bagay na bagay tayo."

Ngumiti ito at tinitigan siya. And her heart melted… slowly… gradually… she fell in love with him again…

Chapitre suivant