"WHAT?! NAISANLA na ni daddy pati ang lote natin sa San Juan? When was that?" gigil na tanong ni Elixir Imperio sa kapatid na si Elliot. Apat na taon ang tanda niya rito at katatapos lang nito sa pagaaral. Ito ang kasama ngayon ng daddy nila sa mansion.
Retirado na ang ama niya bilang Civil Engineer sa BR Manasala Builders sa kung saan din siya nagta-trabaho bilang inhinyero. Isang malaking firm iyon na may project sa iba't ibang panig ng mundo. Ang main office ng BR Manansala Builders ay sa Makati. Sa ngayon, nasa Sta. Rita ang project niya kaya nandoon siya ng oras na iyon. Nirekomenda siya ng ama apat na taon ng nakararaan matapos siyang makapasa ng board exam para maging license engineer.
Apat na taon na siya sa kumpanya at nakapagipon na rin siya. Nakapagpa-tayo na rin siya ng sariling bahay sa isang subdivision. Hindi rin niya problema ang nobya dahil nage-enjoy siya sa pagiging single. He was dating but it wasn't serious. Hindi pa niya nakikilala ang babaeng gugustuhin niyang magseryoso kaya sa edad na beinte singko ay naglalaro pa rin siya.
Ayos na sana ang lahat kundi dahil sa ama nilang nalulong sa karera. Kahit sabihin pang nagtayo ito ng maliit na negosyo ay nagiging tambay pa rin ito sa Sta. Ana. Mas lamang ang pagtatagal nito doon. Noon ay hinahayaan lamang nila ito dahil sa pagaakalang naglilibang lamang ito. Maagang namayapa ang kanilang ina kaya tatlo na lamang sila nito. Kaya nauunawaan niyang naghahanap ito ng mapaglilibangan.
Pinalampas niya ang pagsanla nito sa isang lupain nila sa Batangas. Mahigit limang ektarya iyon at ang rason nito, nais nitong ipahiram iyon at paikutin ang pera. Iyon ang itinayo nitong negosyo, isang maliit na lending para sa mga pulis. Naisip niyang maigi naman ang ideya nito kaya umayon na rin siya.
Pero sunod na naisanla nito ang dalawang malalaking lupain nila doon at ang rason nito, nais nitong palakihin pa ang negosyo. Kahit nag-alangan na siya ay nagtiwala siya sa sinabi ng ama. Aware pa rin siya na nagpupunta pa rin ito sa Sta. Ana at para sa kanya, imposibleng doon nito uubusin ang napakalaking halaga. At isa pa, nakita rin niyang gumaganda ang takbo ng naisip nitong negosyo. Nakapunta na rin siya sa opisina nito sa Zaragoza para ipagmalaki iyon sa kanya. Sa huli ay naalis ang pagaalinlangan niya sa dibdib at muling nagtiwala dito.
Pero ngayon ay sumosobra na ito. Pang-apat na lote na nila ang naisasanla nito. Hindi naman sa nagdadamot siya pero may plano sana siya sa loteng iyon. Bumubuwelo pa lang siyang sabihin na i-develop nila ang mahigit sampung ektarya para gawing subdivision pero naunahan na siya nito.
"Come on, Elliot. Tell me what's happening there. Hindi ba, mahigpit kong bilin na sabihin mo sa akin ang lahat ng galaw ni dad? Bakit ngayon mo lang ito itinatawag? God…" desperadong hinagod niya ang buhok at napabuga ng hangin. Saglit siyang lumayo para marinig itong maigi. Kasalukuyan siyang nasa site sa Laguna at panay kalampagan ng maso ang naririnig niya.
Tumikhim ang kapatid niya na tila halatadong kinakabahan. "S-Sorry kuya pero sabi rin kasi ni daddy, huwag ko ng sabihin sa'yo 'to. Pero hindi na ako makatiis. Narinig ko na nakuha na niya 'yung checque sa banko noong isang araw. Parang may babae siya. Noong minsan, narinig ko siyang may kausap siya sa telepono at ibibigay daw niya 'yung pera. 'Cherry' ang pangalan at sa tono kasi ni dad, parang… alam mo na? Parang natutuwa siya sa babae…"
Nagtiim ang bagang niya at lalong naginit ang ulo. There's nothing wrong if his dad found a new woman. Pero hindi siya makakapayag na peperahan na lamang ang ama niya! He knew that his father was so kind. Hindi lang iilang beses itong muntikang mapahamak sa kabaitan nito kaya lalo siyang nagaalala.
Dahil nagmula ang ama niya sa kumpanyang iyon, nakarating din sa kanya ang ilang balita rito. Masyado raw itong mabait. Hindi lang iilang beses na inuutakan ito sa trabaho na itinatawa na lamang nito. Lalong nakadagdag sa pagaalala niya ang ideyang iyon.
"Ano pa ang narinig mo?" mariing tanong niya.
"S-sabi ni dad… magusap daw sila pagkatapos ng karera. Kuya, parang doon nagta-trabaho 'yung babae sa Sta. Ana…"
"I'll clear this once and for all at kapag nalaman kong niloloko niya si dad. I'll make it sure, she'll pay!"
God! Baka mamaya, panay ang sulsol ng kunsinumang babaeng iyon para itaya ng itaya ng ama niya ang pera. He couldn't accept that. Huminga siya ng malalim at pilit na huminahon. Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya at inayos ang lahat ng trabaho doon. Pabalik na siya sa sasakyan ng mag-ring ang cellphone niya.
Napaungol siya ng makitang si Denise ang caller. Isa rin itong engineer pero magkaiba sila ng project. Kasabay rin niya itong napasok sa kumpanya. She was one of his playmates. Game ito sa walang commitment.
"Babe, my place tonight or your place?" bungad nito sa malambing na tinig. Dinig pa niya ang kalampagan sa background at mukhang nandoon pa ito sa project nito.
Napahagod siya sa buhok. "Not now, Denise. I'll call when I'm free, okay?"
"No problem. It makes me miss you more…" anito saka nagpakawala ng malambing na hagikgik.
Napailing siya. Hindi siya naapektuhan noon dahil mas nakalalamang ang problema niya. Tinapos na niya ang tawag at ang ama ang hinarap. Agad niya itong tinawagan sa cellphone nito. Gusto na niyang magwala ng limang beses pa iyong nag-ring bago siya sinagot nito!
"Dad! I've been calling you for more than thirty minutes!" hindi napigilang reklamo niya rito saka huminga ng malalim.
Humalakhak lamang ito. Dinig din niya ang sigawan sa background nito. Ibig sabihin ay nandoon pa rin ito sa Sta. Ana!
"Anak, nage-enjoy lang naman ako. Napakainit naman agad ng ulo mo. Ang mabuti pa, sunduin mo ako at nangalay ang paa ko kakaupo. Hindi na ako makakapagmaneho nito." Anito saka muling natawa. "Puntahan mo ako at nang makita mo si Cherry. Ang ganda, Elixir at… nakakaaliw, ang galing mangabayo!"
Lihim siyang napamura. Sari't samung mga imahe ang sumagi sa isip niya. Hindi niya mapigilang maging maberde dahil sa tono nitong tila natutuwa talaga. Right there and then, he would never miss that moment. Hindi na niya palalampasin pa ang kahibangan ng ama. Kailangan niyang makilalang maigi ang babae at kapag nakita niyang pinagloloko nito ang ama ay humanda ito!
"O, KAILAN naman ang labas ng commercial ninyo?" untag ng kuya Colin ni Cherry. Pangalawang nakatatandang kapatid niya ito. Ang kuya Cadi niya na siyang pangatlong nakatatandang kapatid niya ay kabababa lamang ng kabayo at hinihintay din ang sasabihin niyang balita.
Napangisi siya at pabirong sinuntok ito sa balikat. Kahit sobrang tangkad nito ay walang kaso sa kanya. Aba, one of the boys kaya siya kaya okay lang na umasta siyang ganoon sa mga kapatid. "May shooting pa. Kaka-pirma ko pa lang ng kontrata… Excited?"
Natawa na rin ang mga ito at napakamot ng ulo. Napangiti siya sa mga ito. Gayunman, kahit kapiling niya ang mga ito ay nami-miss pa rin niya ang kuya Calvin niyang maingay. Kakaalis lamang nito papuntang Greece para maging tagapagalaga rin ng kabayo.
Hindi niya ikinahihiyang kabayo ang naging buhay nilang mag-anak. Sa pagiging hinete sila napagtapos ng ama. Sinolo nito ang lahat matapos mamatay ang ina niya. Bukod pa roon ay naging tagapag-alaga rin ito ng kabayo sa Rancho Villegas, isang rancho sa Batangas at ang nagma-may-ari noon ay inilalaban ang mga alagang kabayo sa Sta. Ana.
Halos doon na daw lumaki ang ama niya sa Rancho Villegas. Mula sa lolo niya, naisalin din dito ang pagiging tagapag-alaga. Doon din daw nito nakilala ang kanilang ina na dating kawaksi doon. Namatay ang kanyang ina matapos siyang ipanganak dahil sinumpong daw ito ng high blood habang iniluluwal siya. Kaya laki siyang walang babaeng namumulatan sa tabi.
Bata pa lang ay nahilig na rin siya sa kabayo at natuto na rin. Ginabayan siya ng ama hanggang sa maging hinete. Kung tutuusin, ayaw ng ama niyang mapasok silang magkakapatid sa pagiging hinete kaya lahat sila ay nagtapos sa kolehiyo. Ang tatlong kuya niya ay pawang graduate ng Business Administration ngunit mas piniling maging hinete. Siya naman ay pinag-aral ng Accountancy. Gusto daw nitong mag-trabaho siya sa banko pero ayaw niya.
Naku, magme-make-up, heels at skirt? Huwag na uy! Minsan lang siya nag-make up at iniyakan niya iyon: noong JS prom. Pakiramdam niya ay nagmukha siyang panda bear at tinawanan siya ng mga kaklase.
Magmula noon ay kinikilabutan na siya sa tuwing nakakakita ng make up kit at kung anu-anong pampaganda. At least sa Sta. Ana Racing Track, hindi uso ang ganoon. Riding gear naman ang gamit niya at kumpleto siya noon. Courtesy ng boss niya at galing pa ang mga iyon sa ibang bansa kaya maganda ang kalidad.
Gayunman, dahil sa kagustuhan ng ama na gamitin niya napagaralan ay napilitan siyang maghanap ng trabaho. Boardpasser naman siya kaya natanggap agad siya sa isang auditing firm ngunit hindi pa siya nagtatagal doon ay nagkasakit ang ama niya. Katatapos lang nitong matanggalan ng bato sa gallbladder at nangangailangan ng pahinga. Sa pagkawala nito, kailangan ni Sir Arturo ng papalit sa kanyang ama. Agad namula ang hasang niya at nagboluntaryo. Gayunman, mahigpit iyong tinutulan ng kanyang ama.
Pero sadyang gusto siyang kuhanin ni Sir Arturo kaya ito ang nakiusap sa kanyang ama. Kaedad niya ito na siyang anak at namamahala ng rancho. Sa huli, dahil sa hiya na rin ng ama niya rito ay pumayag itong maging hinete siya. Gayunman, binilinan siya nito ng todo para sa kanyang pagiingat.
Kaya hayun siya, ilang buwan ng nagiging hinete. Nang magsimula siya roon ay agad na natawag ang pansin ng ilang tao lalo na't tila sinuwerte sila. Laging nanalo ang bawat kabayong sinasakyan niya hanggang sa mapabilang siyang guest sa Balitang K para sa episode ng mga itong 'Girl Power'. Tampok ang walong kababaihang kabilang sa larangang panlalaki.
Magmula noon ay lumaki pa ang taya sa kabayong sinasakyan niya na iilang beses lamang natalo. At dahil doon, binigyan siya ng malaking pera ni Sir Arturo bilang bonus. Sadyang natutuwa rin ito sa kanya kaya kahit papaano ay mayroon na rin siyang ipon.
Natawang ginulo ng kuya Cadi ang buhok niya. "Oo! Masama ba? Baka p'wede kaming extra d'yan, ehem…" anito saka papoging hinagod ang buhok. "P'wede rin ako,"
Napahalakhak siya. Napakasimpleng magisip ng mga kuya niya. Tulad niya'y mahal din ng mga ito ang pagiging hinete. Sabi nga nila, mas iba ang thrill doon kaysa ang nakakulong sa opisina. Nauunawaan niya ang mga ito dahil ganoon din siya. Pakiramdam niya, magkakasakit siya kapag hindi ganoon katindi ang aksyon.
Mas nakakaramdam siya ng kakaibang fulfillment kahit minsan ay natatalo sila. Ibang-iba ang adrenaline. Buhay na buhay siya habang nakikipagunahan at mayroong nagsisigawan. At alam niya na nandoon talaga ang buhay niya…
"Ang galing talaga ng manok ko,"
Napangiti siya ng marinig ang pamilyar na tinig. Agad siyang napaharap at lalo siyang natawa ng umasta pa si Mang Kanor—ang suki niya—na sumuntok sa ere. Tuwang-tuwa talaga ito sa pagkakapanalo nila.
"Magandang hapon po," aniya saka ito mahinang tinapik ito sa braso. "Mukhang malaki ang panalo niyo, ah,"
Napamulagat siya ng abutan siya nito ng lilibuhin. Agad niyang ibinalik iyon pero umiling ito. "Balato mo talaga 'yan kaya tanggapin mo na…" anito saka siya nginitian.
Napangiti na rin siya. Mabait ito sa kanya at nakikita rin niya ang ama rito. Naging malapit siya rito ng kotongan ito doon at ipagtanggol niya. Sa ngayon, wala na ang mga taong lumalapit-lapit dito para hingan ng pantaya.
Noon daw kasi ay wala itong kaalam-alam sa ganoong sistema. Nagtanong-tanong ito at panay mapagsamantala ang nalapitan nito. Narinig niya ang mga ito sa bukana ng CR ng panlalaki at agad niyang sinita. Dahil kilala siya roon ay agad na lumayas ang mga ito at hindi na nagpakita. Aba, magsumbong lang siya sa dalawang kuya niya ay siguradong malulumpo ang mga ito. Malalaking tao ang mga kuya niya. Imposibleng hindi titiklop ang tuhod ng mga ito.
Dahil doon ay naging malapit sila dito at naging suki niya. Tinatayaan nito ang bawat kabayong sinasakyan niya. Nakakakwentuhan rin niya ito matapos ang karera kasama ang mga kuya niya. Kaya ng maglahad ito ng business proposal tungkol sa lending—dahil nalaman nitong nakatapos siya ng accountancy—at napagaralan iyon ay pumayag siya. Ang kikitain niya sa pagiging product endorser ng Sweet Booster ay doon niya i-invest. Naisip niyang mas maigi na bukod sa pagiging hinete ay mayroon pa silang ibang pagkakakitaan. Pero never niyang iiwanan ang pagiging hinete. Sumpa man.
Matapos ang paglabas niya sa Balitang K ay sumunod siyang nilapitan ng Refreshed Asia. Isang kilalang food and beverages sa buong Asya iyon at ang opisina nito ay sa RPJ Towers sa Makati. Silang walo raw na lumabas sa Balitang K ay nais kuhanin bilang product endorser.
Ayon kay Mr. Polintan, bilang mga babaeng sangkot sa mga ganoong uri ng career ang tumpak na maging modelo ng Sweet Booster Energy Drink. May hatak daw sila sa kababaihan at sa masa. Nalula siya sa proposal at matapos timbangin ang lahat ay pumayag na siya. Pumirma na siya ng kontrata ilang linggo ng nakararaan. Dalawang linggo mula sa araw na iyon ay sisimulan ang shooting na doon mismo sa Sta. Ana gaganapin.
Agad niya iyong ibinalita kay Mang Kanor at tuwang kinamayan siya nito. "Handa na rin ang pera."
Naawa siya rito. Alam niyang retirado na ito at ang ilang lupain nito ay naisanla na nito para sa lending. Nagsanla na naman ito para sa itatayong branch nito doon. Kunsabagay, mababawi rin nila agad iyon dahil bukod sa kanila, mayroon naman talaga itong financer. Kailangan lang talaga nitong magpaluwal ng pera dahil ang financer nito ay maglalabas lamang kapag naipadala na ang mga papeles ng mga kliyente. Kailangan din nito ng mapagkakatiwalaang taong titingin sa branch nito doon.
Sanlaan ng ATM iyon ng mga pulis. Ayon dito, magandang pasok ng loans doon dahil gobyerno ang nagpapasok ng mga sahod doon. Ang mga staff nila ang magwi-withdraw noon at ang excess ay kundi pi-pick-up-in sa opisina ay ihuhulog na lamang sa ibang account na ibibigay ng mga ito.
"Mayroon na akong nakitang puwesto sa bayan, bossing. Secured ang area kaya wala tayong magiging problema sa nakawan," singit ng Kuya Colin niya. Interesado ito sa proposal. Isa ito sa nagudyok sa kanyang kuhanin iyon at tutulong daw ito.
Napatango si Mang Kanor. Halatadong natuwa ito at muli siyang kinamayan hanggang sa napakunot na lamang ang noo nito. "Ang titigas na ng kamay mo, iha. Parang kamay na ng lalaki, ah," puna nito saka pa pinisil-pisil na tila inaarok pa kung gaano iyon katigas.
Napangiwi siya. "Alam niyo na… nangalyo na kakahawak sa renda,"
"Dad,"
Napalingon silang lahat sa baritonong tinig na iyon at nahigit niya ang hininga. Wala pa siyang nakikitang ganoon kaguwapo! Kamukha nito si Josh Harnet pero pinoy version. Maiitim ang buhok nitong malinis ang pagkakagupit. Matangos ang ilong nito at mapupula ang mga labing tila kay lambot. May kaitiman ito. Ang nagpatindi sa karakter nito ay ang mga mata nitong maiitim at nateternuhan ng may kakapalang kilay. Matatalino iyong tumingin. May kaitiman ito pero hindi iyon naging kabawasan sa kaguwapuhan nito bagkus, nakadagdag pa iyon ng tibay sa karakter nito.
Nang maglakad ito palapit sa kanila ay tila inipit ang kanyang baga. Hindi na siya humihinga sa tindi ng epekto nito sa kanya. Marami na siyang nakitang guwapo pero dito lamang siya naapektuhan ng todo. Damang-dama niya ang naguumapaw nitong presensya.
"O, heto na pala ang anak ko. Mas guwapo sa akin, ano? Nagpasundo ako dahil nangalay ang paa ko kakaupo at hindi na ako makakapagmaneho nito," untag ni Mang Kanor sa kanya.
Napakurap-kurap siya at lihim na kinalma ang sarili. Buong buhay niya, hindi pa siya napatanga sa isang lalaki. Manhid nga raw siya, ayon sa mga kuya niya dahil no reaction siya sa mga nakikitang guwapo sa Sta. Ana. Kaya napakabanyaga ng nararamdaman niyang iyon. Nagiririgodon ang puso niya lalo na't dama niya ang pagtitig nito sa kanya!
"Anak, si Cherry. Ang paborito kong hinete," proud na pakilala ni Mang Kanor sa kanya.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Napalunok siya dahil pakiramdam niya, inaakit siya nito. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa naisip. "I'm Elixir,"
Tunog states side! Tili ng utak niya! Halatadong propesyunal ito base sa porma nito. Naka-longsleeves na asul ito. Nakatiklop iyon hanggang siko nito at halos hapit sa katawan nito kaya halatado ang katawan nitong alaga sa ehersisyo. Naka-slacks din ito, halatadong galing pa sa trabaho.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay ni Elixir. Para siyang tinamaan ng kidlat. May katigasan din ang palad nito, nagbibigay impresyong isa itong tunay na lalaking sanay sa mabibigat na trabaho. Nang pisilin nito ang palad niya ay tumayo ang balahibo niya sa katawan.
Lalo na ng matiim siya nitong titigan. Naiilang siya. Parang mayroon itong iniisip na hindi niya maintindihan. Nagkaroon tuloy ng mga paru-paru sa kanyang sikmura dahil sa titig nito.
"Hinete?" takang tanong nito at doon na tuluyang lumambot ang mukha nito. Napalitan iyon ng pagtataka, tila hindi ito makapaniwala. Lalo siyang nailang ng hagurin siya nito ng tingin. Agad siyang naapektuhan dahil nabasa niya ang paghanga doon.
"Oo, hinete. Wala sa itsura, ano? Ang ganda ng batang ito," buong pagmamalaking saad ni Mang Kanor.
Napakamot siya ng ulo. Hindi siya sanay na sinasabihan ng maganda! Lalo na't nakaharap ang isang Elixir. Baka mag-blushed siya kahit hindi siya marunong!
"Yeah, you're right dad. She's beautiful that's why I was so shocked…" anito saka takang napatingin sa ama. "I mean, dad… look at her. Hindi siya bagay dito. Ang ganda niya para maburo lang dito," anito saka siya tinitigan ng mataman.
Nahimatay ang puso niya sa sinabi nito!