webnovel

HELLO, MY FRIEND

"Oh, my God..." anas ni Maricon habang nakasilip sa peephole. Kita niya mula roon si Joaquin. He was wearing his usual get up. Checkered polo, slacks and leather shoes. Mayroon itong dalang pagkain. Kung pagbabasehan ni Maricon ang eksenang iyon, iyon ang araw kung kailan madalas siya nitong pasyalan!

Napatingin si Maricon sa kalendaryo. Kumabog ang puso niya nang makumpirmang bumalik siya anim na buwan nang nakararaan! Natutop niya ang bibig at natanong ang sarili. Ano ang nangyari? Bakit nagkaganoon?

"A-Ang spell... ito ba ang nangyari matapos sabihin ni Baldassare iyon?" pigil hiningang tanong ni Maricon sa sarili.

"Yes."

Napasinghap si Maricon at napalingon sa likuran. Kumabog ang puso ni Maricon nang makita si Mfiel. Ganoon pa rin ang itsura nito. Mukhang galing sa digmaan. Marumi at may mga galos. Ganito ang itsura nito noong huli silang magkita at nakaharap si Hades.

"M-Mfiel! Nasaan si Baldassare?" pigil hiningang tanong niya.

Matiim siya nitong tinitigan bago sumagot. "In hell. He used a time travel spell. Dahil doon ay bumalik sa dati ang lahat. Inaasahan ko na ganito ang mangyayari dahil noong nagusap kami sa studyroom ni Inconnu, sinabi niya ang isang spell na nabasa niya sa black scroll. Nagalala kami dahil first time niya itong gagamitin. But it seems he did it perfectly. Dahil kung hindi ay wala tayong lahat sa ganitong sitwasyon."

Naiyak si Maricon. Parang nabiyak ang puso niya. "Ibinalik niya sa dati ang lahat... i-ibig sabihin ay naibalik siya sa impyerno..." luhaang anas niya.

Hinawakan ni Mfiel ang balikat niya. "Don't be sad. Kasama ito sa plano. Bakit hindi mo harapin muna si Joaquin? Pagkakataon mo na ito para makausap siya ng mas maayos."

"Walang idea si Joaquin sa mga nangyari?" maang na tanong ni Maricon.

"Wala. Tayo lang ang nakakaalam ng mga nangyari. Kasama iyon sa ginawa ni Baldassare. Makakalimutan ng lahat maliban sa'yo ang mga nangyari. He didn't want you to forget about him. Kasama iyon sa ipinaliwanag niya sa amin tungkol sa limitasyon ng incantation na ginamit niya." paliwanag nito.

Napatango si Maricon at huminga nang malalim. Nang maulit ang pagkatok ay hinarap na iyon ni Maricon. Umalis muna si Mfiel para bigyan sila nang pagkakataong makausap ni Joaquin.

"Alam ko na busy ka sa pagsusulat. Kaya nagdala na ako ng lunch mo para hindi ka na magluto." anito at inakay na siya papasok hanggang kusina.

Hindi mapigilang maluha ni Maricon habang pinanonood ang kaibigan. He looked excited. And her heart broke for him...

"Bakit? Ayaw mo ng pagkain?" takang tanong nito nang mapansing umiiyak na si Maricon.

Hindi makasagot si Maricon. Nalulunod siya sa emosyon. Natagpuan na lang niya ang sariling yakap ang kaibigan at humahagulgol sa dibdib nito.

"I'm sorry..." luhaang hingi niya nang paumanhin. Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap. She didn't want to let him go. Ayaw na kasi niyang maulit ang mga nangyari. Pakiramdam niya, oras na pinakawalan niya ito ay mawawala na ito.

Napabuntong hininga si Joaquin. "Tahan na. Huwag ka nang umiyak. Ano ba'ng problema?" malumanay nitong tanong.

At hindi na napigilan ni Maricon ang sarili. Sinabi niya ang lahat pati na rin ang sumpang nakabalot dati sa pamilya nila na naging dahilan kung bakit niya ito tinanggihan noong una. Wala siyang itinago dahil gusto niyang maintindihan nito ang mga puwedeng mangyari kung mas bibigyan nito ng timbang ang pagkabigo sa pag-ibig.

Natigilan si Joaquin at natahimik. Mukhang nahulog sa malalim na pagiisip. Kinabahan tuloy si Maricon.

Hinawakan niya ang kamay ni Joaquin. "Please, nakikiusap ako. Huwag na sana nating hayaang maulit ang lahat..." worried na saad ni Maricon.

Napabuntong hininga si Joaquin. "Napapagod ka na sa mga sinusulat mo. Magpahinga ka na muna. Babalik na lang ako at—"

Luhaang nagkadailing si Maricon at tinitigan si Joaquin. "Please, maniwala ka. Hindi ako nagsisinungaling. Alam kong masakit ang mga sinabi ko. Kahit wala na ang sumpa, h-hindi pa rin kita puwedeng mahalin. Patawarin mo ako..." napaiyak nang malakas si Maricon.

"Maricon..."

"Mahal kita pero bilang kaibigan. At bilang kaibigan ay hindi ko gugustuhing gumawa ka ng isang bagay na ikapapahamak mo. Isipin mo si tita Jocelyn. Isipin mo ang mga taong nagmamahal sa'yo. Lahat tayo, dumadanas ng kabiguan, lungkot at galit. Pero huwag nating gawing sagot ang pagtakas para magkaroon tayo ng katahimikan. Ang totoong katahimikan ay makukuha lang sa pagtanggap. Acceptance, Joaquin. Kailangan mong tanggapin sa sarili na may mga bagay na hindi puwedeng kuhanin. Sa ganoong paraan ay puwede ka nang makausad. Please, nagmamakaawa ako. Iyon ang itanim mo sa isip mo..." luhaang pagmamakaawa ni Maricon at napaluhod.

Agad siyang inalalayan ni Joaquin. Hindi siya magkagulapay sa paghagulgol kaya binuhat na siya nito at dinala sa kuwarto. Panay ang buntong hininga habang yakap siya.

"Tahan na." alo nito. Mababa na ang tono.

"Joaquin..." luhaang anas ni Maricon.

Napabuntong hininga ito at napatingin sa malayo. "A-alam mo bang matagal ko nang gustong magtapat? Kaya lang, naduduwag ako dahil ayokong marinig ang rejection mo. Natatakot akong marinig ito. Aaminin ko, sobrang sakit. Nangyari na ang kinatatakutan ko. You rejected me."

"I'm so sorry..." impit niyang anas.

Malungkot na umiling si Joaquin. "Wala kang dapat ihingi nang tawad dahil naging totoo ka lang sa damdamin mo. Base sa mga kwento mo, naiintindihan ko na rin." anito at malungkot siyang nginitian. "Huwag kang magalala. Hindi ko hahayaang mauulit ang lahat. Paga-aralan kong tanggapin ang kabiguang ito."

Napahagulgol na lang si Maricon at niyakap ang kaibigan. Ramdam niya ang sincerity nito at katapatan na tuluyang tumunaw sa takot niya. Finally, Joaquin realized everything and she was happy. Iyon na sana ang simula nang pagbabago ng lahat.

Chapitre suivant