webnovel

MFIEL AND I

"HMM..." UNGOL ni Maricon. Ramdam pa rin niya ang pamimigat ng ulo pero hindi maitatangging medyo gumaan ang pakiramdam dahil sa mahabang pahinga. Kailan niya ba huling nasubukan iyon? Ah, hindi na yata niya matandaan. Magmula ng guluhin ni Joaquin ay hindi na siya nakatulog ng maayos.

Dahil sa naalala ay biglang nabuhayan ng loob si Maricon. Pinilit niyang imulat ang mga mata para malaman ang mga nangyari. Ang huling alaala niya ay ang isang dumating na anghel. Niyakap siya nito at nawalan nang malay.

"Hmm..." ungol ulit ni Maricon at unti-unting nagmulat. Hindi nagtagal ay bumungad ang kuwarto niya sa bahay nila sa Laguna.

Biglang napabalikwas si Maricon. Doon niya nakita ang anghel na nakatayo sa gilid ng bintana. Humarap ito nang maramdamang gising na siya.

"Did you sleep well?" malumanay nitong tanong.

"O-Oo. Si mommy? A-Ano'ng nangyari? Paano ako napunta rito?" sunud-sunod na tanong ni Maricon.

"Nasa ibaba siya. Hindi siya pumasok dahil hinihintay kang magising. Ako na ang nagpaliwanag ng nangyari. Nagpakita na ako para makausap siya. She deserves to know everything. Nang mawalan ka nang malay, sinubukan kong pasukin ang isip mo at nalaman ko ang personal background mo kaya nandito ka ngayon." paliwanag nito at napabuntong hininga.

"I'm Mfiel. Isa akong fallen angel. Again, gusto kong humingi ng paumanhin dahil nahuli ako. I came as soon as I heard you plead. Nagpaalam pa ako sa mga anghel na titiwalag na dahil hindi ko na matiis na walang gawin. I don't want to watch Hades and his demons destroying you all human." paliwanag nito.

Napayuko si Maricon. Nangilid ang mga luha. "A-alam ng langit ang nangyayari pero ayaw nilang makialam?" masamang loob na tanong niya.

"Ayaw nilang makialam dahil ayaw nilang palalain ni Hades ang sitwasyon." paliwanag nito.

"Kaya aabandonahin nila ako..." anas ni Maricon. May nabubuong galit sa puso niya ng oras na iyon. Nagpatong-patong na ang lahat ng sama ng loob niya. Dahil sa ginawang panloloko ni Baldassare at pagabandona ng langit ay hindi na niya makontrol ang galit na sumisibol sa puso.

"No. He will never abandon us. Kaya nga ako nandito. Isipin mo na lang na ako ang kasangkapang ginamit Niya para magkaroon ka ng kaligtasan. Being a fallen angel didn't mean that I will go out of His way. Ginagawa ko ito para tumulong. It's still God's will." paliwanag nito.

Huminga ito nang malalim saka tinitigan si Maricon. "Huwag kang magagalit o magtatampo. And don't ever questioned His way or His existence. Have faith in Him. All He need is for you to believe him and wait for the right time that everything would be fine. Lahat, may oras at panahon. Kung lahat ay ibibigay niya ng isang bagsakan, paano matututo ang mga tao?" payo nito.

Natahimik na si Maricon. Ang nabubuong galit at tampo sa puso niya ay naalis ng sandaling iyon. Tama ang anghel. All she needed was to pray and ask for mercy. She needed to be patient and wait for His answer.

" After I settle your case, isusunod ko ang dalawang tao na nasa Avernus. Their souls were trapped there." ani Mfiel kapagdaka.

Napakunot ang noo ni Maricon. "D-Dalawang tao? Paano nangyari iyon?"

At ipinaliwanag nito ang tungkol sa ascended demons. Panay ang tango ni Maricon. Nagugulat at namamangha siya sa mga natutuklasan.

Napaisip tuloy si Maricon hanggang sa malungkot na napangiti. "At si Baldassare, demon pa rin siya. Hindi siya ascended demon. Ibig lang sabihin ay h-hindi niya ako minahal," mapait niyang anas.

"Baldassare?" kunot noong tanong ni Mfiel.

Tumango si Maricon at ikinwento ang tungkol kay Baldassare. Wala siyang itinago rito. Magmula noong simula siya nitong bulungan hanggang sa makipaglaban ito sa demon na si Joaquin at kinwento niya.

"Wait. Ang nakita kong nakikipaglaban sa demon kahapon ay tao." takang saad ni Mfiel.

Napamaang si Maricon. "A-Ano'ng ibig mong sabihin? Ang duguang lalaki ba ang tinutukoy mo?" pigil hiningang anas niya.

"Yes. But he's not a regular guy. I can sense his intense spiritual power. He's half demon too." ani Mfiel.

Natulala si Maricon. Hindi niya alam ang mararamdaman. Doon niya naalala na kaya pala hindi nakapag-teleport si Baldassare ay dahil wala na ang demon powers nito. Ag nandoon na lang ay spiritual powers kaya nakikita nito si Joaquin bilang demon. Alam din nitong gamitin iyon dahil kaya nitong mag-cast ng spell at mag-summon ng mga spirits. Ngayon niya ganap na naiintindihan ang lahat hanggang sa napangiti na lang nang mapait.

Naging ascended demon man si Baldassare ay hindi pa rin iyon dahilan para kalimutan niya ang ginawa nitong pagbilog sa ulo niya. He betrayed her! Hindi niya matanggap na pinagisipan siya nitong gawing alay. Inuto siya nito sa loob ng ilang buwan! At siya namang utu-uto, kinilig pa! Damn him!

"Bumalik ako doon pagkahatid sa'yo rito para ayusin ang lahat. Mahalagang hindi malaman ng mga tao iyon para hindi magkaroon ng panic. Maayos na ang condo mo na parang walang nangyari. Lahat ng taong nakakaalam ay binura ko sa memory nila ang nangyari. Kayo lang ng mommy mo ang nakakaalam ng totoo. Nagbaon din ako ng batong mayroong seal sa apat na sulok ng compound para hindi ka ma-trace." malumanay na paliwanag ni Mfiel.

"N-Nasaan na si Baldassare at ang demon?" pigil hiningang anas ni Maricon. Kahit galit, hindi pa rin niya mapigilang alamin ang nangyari.

"Wala akong nadatnan. Wala rin akong idea kung saan na sila nagpunta." seryosong sagot ni Mfiel at tinitigan si Maricon. "Kailangan nating magingat. Hades is tenacious. He always get what he wants. Gagawin niya ang lahat para makuha ka." babala nito.

Napalunok si Maricon. Kinilabutan siya at natakot para sa sarili. Gayunman, naisip pa rin niya si Baldassare. Gusto na niyang magalit sa sarili dahil nasa panganib na siya at galit dito, nakukuha pa rin niyang isipin ito.

And she realized that she loves him that much. Kahit galit, nanaig pa rin ang damdamin niya. But sad to say, she have to control it. Sa tindi ng mga nangyari ay hindi tamang basta na lang niya itong patawarin kahit nandoon pa ang damdamin niya.

Napabuntong hininga si Maricon sa naisip.

***

"Anak, okay ka lang ba?" alalang tanong ni Maita kay Maricon. Tumango na lang si Maricon at tipid na ngumiti. Halos hindi kasi niya nagalaw ang agahan na hinanda nito. Worried pa rin kasi siya dahil alam niyang anytime ay darating ang mga demon ni Hades para kunin siya. Gaya nang sinabi ni Mfiel, makapangyarihan si Hades. Mababalewala lang ang seal dito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila lumalabas ng bahay. Bukod sa seal ay dinasalan din silang mag-ina ni Mfiel para mabalutan ng protection grace. Para raw iyong isang invisible cloak pangharang sa mga demon. Gayunman, dahil kailangan nila nang ibayong pagiingat ay nanatili lang sila sa loob ng bahay na mayroong seal.

Kinikilabutan si Maita sa mga nalaman at sa huli ay pinayuhan siya nitong magdasal. Alam na rin nito ang tungkol kay Baldassare. Aminadong ayaw nito ang lalaki. Hindi niya ito masisisi dahil na rin sa naging hidden agenda nito at pinagmulan. Sino ba naman gugusto sa isang dating demon?

Ah, Baldassare. Naalala ulit ito ni Maricon. Everytime he thought of him, her heart twinge in pain and agony. Doon niya napatunayan kung gaano kalalim ang damdamin kay Baldassare. Sobra. Ni hindi na nga niya ito nakikita bilang demon. Para kay Maricon ay isa itong lalaking dapat na mahalin. And the love she has for Baldassare broke her bit by bit. Masakit na mahalin ang isang kagaya nito manlilinlang.

"Okay lang naman ho ako." simpleng sagot ni Maricon.

Napabuntong hininga si Maita. "Magdasal lang tayo. Magiging maayos din ang lahat," anito at hinawakan ang kamay niya saka pinisil. Pinaramdam na nakasuporta ito.

"Maricon," tawag ni Mfiel.

Napaharap siya sa bagong dating na anghel. Nagpaalam itong aalis para magikot sa labas. Tipid siyang ngumiti. "Kumusta ang lakad mo?"

Huminga ito nang malalim bago sumagot. "Wala akong naramdamang demon at hindi ko nagugustuhan ang pananahimik nila. Pakiramdam ko, delubyo ang darating." seryosong saad ni Mfiel.

Kinabahan si Maricon. "A-Ano'ng gagawin natin?"

Tinitigan siya ni Mfiel. "I will never let that happen. Trust me,"

Pareho silang napahinga nang malalim. Hindi na nagtanong si Maricon. Ngayon pa ba siya magdududa? Ginawa ni Mfiel ang lahat para maging ligtas siya. Si Baldassare? Ano'ng ginawa nito? Binilog lang ang ulo niya!

Napabuga na lang ng hangin siMaricon sa naisip. Muli, bumangon ang galit niya para sa lalaki.

Chapitre suivant