webnovel

DEVIL'S KISS

"I don't want to see you cry. I just couldn't bear it. It's breaking my heart. Ang mga ngiti mo ang nagbibigay liwanag sa akin. Kaya kapag napalitan iyon ng luha, sa tingin mo ba ay matutuwa ako? Sa tingin mo ay hindi ako masasaktan? Sa lahat ng tao, ako ang pinakaunang masasaktan para sa'yo. Ako ang unang malulungkot, magagalit at maiinis. Kaya huwag kang magtaka kung bakit ayokong nakikitang umiiyak ka. Dahil sa tuwing nangyayari iyon ay hindi rin maganda ang nararamdaman ko..."

Napangiti si Maricon matapos basahin ang sinabi ng hero niya sa heroine sa nobelang isinusulat. Dahil sa huling usapan nila Maricon at Baldassare limang araw ng nakararaan ay mas lalo siyang na-inspire. Kung dati ay si Paul Wesley ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya, ngayon ay hindi na. Si Baldassare ang iniisip niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Pakiramdam kasi niya ay iyon ang mga gustong sabihin ni Baldassare na hanggang ngayon ay hindi nito magawang sabihin.

Kapag nagagawi ang usapan nila sa ganoon ay umiiwas ito—bagay na kinaaliwan ni Maricon. Hindi pa rin kasi kumportable si Baldassare na pinaguusapan ang ganoong bagay.

Huminga nang malalim si Maricon at nakangiting ipinagpatuloy ang ginagawa. Medyo malayo pa siya sa wakas pero okay lang. Kapag ganoong inspirado ay hindi siya basta tumitigil. Kaya makalipas ang maraming oras ay natapos din niya iyon. Dahil madaling araw na ay minabuti niyang matulog muna. Wala si Baldassare. Kapag nakikita siya nitong busy ay hindi siya nito ginugulo.

Natulog na si Maricon. Nagising na lang siya kinabukasan dahil sa amoy ng kape. Pagmulat ng mga mata ay nakita niya ang isang umuusok na tasa sa side table. Napangiti siya at kinilig. Pambihira. Hindi pa siya nagmumumog, kung kiligin siya ay bonggang-bongga. Napailing si Maricon sa sarili.

"Baldassare?" nakangiting tawag niya at hinanap ito. Lalo siyang napangiti ng makitang nakaupo ito sa tapat ng laptop niya.

Pero nanlaki ang mga mata ni Maricon nang mapansing binabasa nito ang sinulat! Napabalikwas si Maricon at agad isinara ang laptop!

"What?" gulat na tanong ni Baldassare.

Namula ang mukha ni Maricon. Pagdating dito ay nahihiya siyang ipakita ang masterpiece niya. "W-Wala."

"I saw how you describe your hero. Kamukha ko. Ako ang inspiration mo?" nakangising tanong ni Baldassare.

Namula na pati leeg ni Maricon. Hindi tuloy niya alam kung paano ito paliliwanagan. Alangan namang umamin siya? Eh, 'di mas lalo siya nitong inasar?

"H-Hindi. Ano ka ba? Huwag mo nang pakialam ito." angil niya at kinuha na ang laptop.

Natawa tuloy si Baldassare. Ang pogi talaga nito. Napa-hay na lang ang puso niya. Iba talaga ang awra nito kapag ngumingiti. Gumagaan ang pakiramdam niya. Kung para kay Baldassare ay isang liwanag ang ngiti niya sa gitna ng dilim. Para kay Maricon ay nagsisilbing good vibes ang ngiti ni Baldassare. Gumagaan ang loob niya.

"Drink your coffee. Mayroon ka na ring tanghalian sa mesa. Kumain ka na para hindi malipasan ng gutom," ani Baldassare kapagdaka.

And Maricon was indeed touch. Hindi na niya napansing nakangiti na lang siya kay Baldassare habang tumatakbo sa isip ang salitang natutuwa siya na nandoon ito ngayon. His presence made her feel that she's not alone.

And she was grateful. Kahit galit ito noon o nagtatampo, hindi ito nagtagal na nawala. Kahit nagtatampo ay nandoon pa rin ito. He was mad but it doesn't mean he didn't care...

"Why are you staring at me like that?" seryosong tanong ni Baldassare.

"Galit ka pa rin ba?" malayong sagot ni Maricon. Naalala niyang hindi pa rin sila clear sa topic na iyon. Ni hindi pa rin nito tinatanggap ang sorry niya.

"Mad about what?" takang tanong nito.

"Tungkol sa mga sinabi ko noon," aniya at pinaalala ang tungkol sa pagalis ng sumpa niya. Napabuntong hininga si Maricon. "I'm sorry, okay?"

"Fine. Ang sabi mo noon ay hindi ka ulit hihiling ng ganoon. Ayos na sa akin iyon," kibit balikat na sagot ni Baldassare.

Natuwa si Maricon. Dahil doon ay nasugod niya ito nang yakap. Nanigas si Baldassare. Mukhang hindi inaasahan ang ginawa niya.

At si Maricon ay hindi ring inaasahang masarap sa pakiramdam ang mayakap si Baldassare. He possessed a warm body. Mayroong katigasan na sakto lang para maiparamdam na habang yakap siya ay kaya siya nitong protektahan sa kung anumang sakit at panganib. He was like armor, a shield that ready to cover her and protect her.

Sayang lang dahil kailangang lumayo agad ni Maricon. Nag-ring kasi ang cellphone niya at sinagot iyon. Si Miss Guerrero ang tumawag. Ibinalita nito na approve na agad ang manuscript niya.

Napasigaw na lang sa saya si Maricon dahil sa masasayang pangyayaring iyon sa buhay niya. Okay na talaga sila ni Baldassare. Wala pang isang buwan ay approve na ang ipinasa niya. Sino'ng hindi mapapasigaw sa saya?

"Why? What happened?" takang tanong ni Baldassare.

Tuwang ipinaliwanag ni Maricon ang lahat. Siya naman ang nagulat sa sunod na nangyari. Si Baldassare naman ay yumakap nang mahigpit sa kanya!

"I'm happy for you," pigil hiningang saad nito. Taas baba ang dibdib. He was obviously overwhelmed and happy for her too.

"B-Baldassare..."

"You deserve a kiss," anas nito.

"Huh?" gulat na anas ni Maricon. Hindi niya alam kung tama ba ang dinig niya o mali. Kiss? Hahalikan ba siya nito?

And Baldassare answered her thought. He gave her sweet and light kiss. It was light but it sends a thousand tingling feeling inside. It was sweet but it managed her to forget everything. She immediately forgets that she was a human kissing a gorgeous demon...

Chapitre suivant