webnovel

THE TINY VOICE

"WHAT ARE you waiting for? Naghihintay ka pa na tumawag siya para pigilan ka?" tanong ni Baldassare kay Joaquin. Naiyak ang lalaki at natutop ang ulo habang hawak sa kanang kamay ang caliber 45. Kahit isang civilian, mayroong baril si Joaquin. Lisensyado naman iyon.

But that was least of his concern. Naiinip na si Baldassare. Ilang araw na niya itong sinusulsulan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpapakamatay. Nakagawa na nga ito ng suicide note. Handa na talaga pero mukhang may hinihintay pa kaya hindi magawang kalabitin ang gatilyo.

Iyon ang misyon ni Baldassare sa loob nang maraming buwan: ang maghanap ng mga kaluluwang ipapasok sa impyerno. Gustong patunayan ni Baldassare kay Hades na iba siya kina Demetineirre at Inconnu. Tingin niya ay mas malupit siya sa mga ito. Katunayan na ilang buhay ang kinuha niya sa loob ng ilang buwan lang. He was so sure the suicide rate just increased.

Isang taon na ang nakakalipas magmula nang maging tao si Inconnu at naisara na ang gates of hell. Magmula noon ay nakitaan na niya ng ibayong paghihigpit si Hades. Dinoble nito ang dami ng mga demons na nagbabantay sa bawat sulok ng impyerno. Dahil sa pagkawala ng dalawang matinik nitong mandirigma na sina Demetineirre at Inconnu, lahat ng demons na gustong maupo bilang hari ay nagdiwang.

Tingin marahil nila ay napilayan na si Hades pero pinatunayan ni Baldassare na mali sila. He proved them that being the last legendary devil was enough. Para saan pang naging anak siya na Asmodeus kundi siya magiging ganoon kautak, kagilas at kagaling?

Asmodeus was a demon of wrath, banished by the angel named Raphael because of his evil deeds. Tumakas sa underworld ang tatay niya para maghanap ng aanakang babae. Asmodeus wanted to have a son. He wants an heir who will follow his evil actions. Dahil sa kaguluhan sa impyerno, alam ni Asmodeus na hindi magtatagal ang buhay nito kahit pa napakahusay na.

Sa mundo ng mga mortal ay nakilala ni Asmodeus si Licca. Licca was a powerful shaman. Her power leads him to her. Ramdam ni Asmodeus ang matinding spiritual power nito na sobrang nakapanghalina. Dahil doon ay pinuwersa ni Asmodeus itong makuha at inanakan. Sa gabi ng pagsilang, muli itong binalikan ni Asmodeus.

Nakuha ni Asmodeus ang bata—si Baldassare. Asmodeus was ecstatic knowing that Baldassare's power was overwhelming and he knew it was all because he was half-demon and he inherited his mother's spiritual powers. Kahit pa maging mortal na lang si Baldassare ay mayroon pa rin siyang kapangyarihan. Dahil doon ay mas lalo siyang ginustong dalhin ng ama sa impyerno. Sigurado itong nakakahihigit siya sa kahit na sinong demon. Kahit half-demon, half-human ay naidala pa rin siya sa impyerno. Salamat dahil sagana ang spiritual powers niya at nakayanan iyon.

But Asmodeus didn't felt contented. Gusto pa nitong balikan si Licca para mabigyan ulit ng anak na kasing lakas ni Baldassare. Kaya makalipas ang ilang buwan, tumakas ulit si Asmodeus at binalikan ang babae. Sa pagkakataong iyon, hindi na nakayanan ni Licca. Namatay ito habang nakikipagtalik. Doon na rin nasukol ni Raphael si Asmodeus at pinatay.

From there, Baldassare grew up alone and mocked by other demons. Dahil isa siyang half-demon, wagas siyang iniinsulto at pinagtatawanan. Dahil doon ay inaral niyang gamitin ang kapangyarihan. Hades helped him too. He trained him well until he was completely polished.

Baldassare fought a lot of battles. Used his power, summon every single monster. He never got tired showing those bullies that he could do that too, that he was a demon too. Kaya lahat ng iutos ni Hades ay agad niyang ginagawa at tinatapos. Pinakita niyang hindi ito nagkamali sa pagte-train sa kanya. Pinakita niyang mas malupit pa siya sa mga purong demon. Pinakita niyang wala siyang puso. Kung mayroon man, itim na itim iyon. Kasing itim ng budhi niya. Ni hindi siya kumukurap para pumatay ng demon o magsulsol sa mga tao na magpakamatay. Sa huli, hindi naging maramot si Hades na paulanan siya ng acknowledgement at puri. Dahil doon ay sumumpa pa siya ng katapatan sa nagiisang nilalang na naniniwala sa kanya.

Kaya ang misyong iyon ay gagawin niya ng walang pagdadalawang isip. Sa ngayon ay nagagawa naman niya. At well, naiinip na rin siya. Joaquin's hesitation was pissing him off. Big time. Kung puwede lang siya na ang kumalabit sa gatilyo, ginawa na niya.

But he can't do that. He was forbid to lay a single finger on any human. Puwede niyang sulsulan pero hindi puwedeng siya ang gumawa. Magiging murder iyon at hindi mapupunta ang kaluluwa sa impyerno. Hades needs a demon to make it warriors. Patuloy ang digmaan para sa puwesto nito. Hindi na siya magtataka dahil sa kasakiman ng kapwa demonyo. Inborn na sa kanila ang kasuwapangan.

"What? Kalabitin mo na. Magpakamatay ka na..." anas niyang sulsol sa nangangatog na lalaki. Baldassare just continued whisphering inside Joaquin's head. Hindi siya nito nakikita kundi naririnig lang sa loob ng isip.

Naiyak ito at napasabunot sa sarili habang hawak ang baril. "M-Maricon... please..." luhaan nitong bulong. Parang mababaliw na sa sobrang sama ng loob.

Joaquin has a fragile heart. Matagal na itong mayroong gusto kay Maricon. Dahil sa hiya, hindi naligawan ni Joaquin agad ang babae. Inabot ng taon bago ito nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat. At nakakalungkot na naging matapat agad si Maricon. And obviously, hindi iyon kinaya ni Joaquin. Kaya hayun ito, mukhang mas gusto nitong mamatay kaysa ang tanggapin ang kabiguan.

"Hindi siya darating para pigilan ka. Wala siyang pakialam... magkakaroon siya nang pakialam oras na mamatay ka..." anas niya.

Napasinghap si Joaquin hanggang sa bumukas ang matinding hinanakit sa mukha. Oh, his resentment. It was too intense, he could almost tastes his bitterness.

"M-Maricon..." luhaan nitong anas at sa nanginginig na kamay ay itinutok nito ang baril sa sentido. Nagsipatakan ang mga pawis, luha at uhog nito. Damn. He looked stupid. Mamatay na nga, ang dungis pa. Napailing na lang si Baldassare.

"I... love... you..." nanginginig pero malungkot na anas ni Joaquin bago tuluyang kinalabit ang gatilyo.

Pumailanlang sa buong kabahayan ang tunog ng putok ng baril. Bumagsak ang katawanan ni Joaquin sa kama at tumagas ang masaganang dugo sa ulo nito. Muntik nang mapasuntok sa ere si Baldassare dahil sa wakas, naituloy din ni Joaquin ang plano. Ilang sandali pa ay nakita niyang bumangon ang kaluluwa nito at napasigaw ito nang makita siya.

Ah, hindi na nagulat si Baldassare. Normal na iyon. Sa tuwing namamatay ang mga taong sinusulsulan at humiwalay na ang kaluluwa sa katawan, nagagawa na siyang makita ng mga iyon.

At nagsisigaw sila sa takot. Bakit naman hindi? They just saw a monster with red eyes, yellowish fangs and six horns. His skin was reddish tan. Mahahaba ang kamay, daliri at kuko. Ganoon din ang paa niya. Sino ang hindi matatakot sa isang demonyong gaya niya?

Chapitre suivant