webnovel

Mawawala

>Veon's POV<

Nandito na kami sa Manila at malapit na kami sa airport. NAIA ang pinili namin dahil isa sa parents ng classmates namin, dito nagtatrabaho. Isa siyang pilot at napag-isipan namin na dito na lang pupunta. May ibang airport pa, pero wala kaming access since may access naman ang tatay ng isang classmate namin sa NAIA airport. Kaso medyo malayu-layo pa kami bago marating ang NAIA airport. Kailangan pa namin ng isang oras bago pa kami makarating sa airport.

Tumatakbo na kami sa kalsada dahil nasira ang mga kotse na gamit namin. Mas maraming zombies dito sa Manila dahil mas malaki ang population. Panay normal zombies ang mae-encounter namin pero maya-maya may mga tank na lalabas sa harapan namin at arang witch zombie na umiiyak sa gilid-gilid. Dahil sa mga style nila, hindi na kami maloloko.

Hinawakan ko ang kamay ni Sheloah. "Sheloah! Bilisan mo!" sabi ko sa kanya at agad ko siyang hinila. Umaatake siya ng zombie pero dahil sa dami nila hindi na namin sila mapatay ng sunud-sunod.

Marami sa grupo namin ang nawala. Ang mga kaibigan namin, ang mga classmates namin. Pati ang mga kasama ni Geof, wala. Unti-unti na kaming nababawasan. Maraming nasaktan, maraming na-injure. Ang tanging natitira na lang sa amin over 70+ people ay 20+. Injured si Tyler. Ang tanging umaatake na lang ay ako, si Sheloah, Shannara at Kreiss. Pero unti na lang, hindi na namin kaya dahil sa dami ng zombies na nasa paligid namin.

Hinila ni Kreiss si Shannara. "Shan, let's go!" sigaw niya at agad naman sumunod si Shannara pero binabaril niya yung mga zombies na nasa likuran namin. Nasa gitna namin si Tyler at ang tatay ng classmate namin na pilot sa NAIA airport. Kahit injured si Tyler, tumutulong pa rin siya sa pakikipaglaban. Nasa gitna rin si Isobel. Siya ang tanging healer namin sa grupo. Siya ang isa sa mga taong pinoprotektahan namin. Mabilis kasi siyang kumilos pagdating s pag-heal ng kakampi namin. Masyado kasi siyang advanced at hindi madaling magpanic.

Si Kreiss ang main attacker sa tabi ng pilot. Mabilis kasi siyang kumilos. Doon siya sa left and right ng pilot umaatake. Ako naman ang umaatake sa harap para dire-diretso kming maglakad papunta sa airport. Si Sheload naman ang kasama ko sa pag-atake sa harap. Si Shannara naman, sa bandang likuran namin. Ang mga humahabol sa amin ang mg inaatake niya. Tapos tinutulungan siya ni Kreiss. Si Geof...

Hindi namin akalain na siya rin, mawawala.

Minsan-minsan, titigil kami sa isang sulok para magpahinga pag walang masyadong zombies. Minsan, aatake si Shannara at si Kreiss para magpahinga kami dahil kami mostly ni Sheloah ang maraming inaatake sa harapan. Kami kasi ang lead para dire-diretso lang ang pagtakbo namin papunta sa destination namin. Para hindi kami patigil-tigil sa ginagawa namin.

"Guys, pahinga na muna tayo sa alley doon! Pagod na tumakbo si tito." sabi ni Isobel at itinuro niya yung alley na nasa harapan, east ng daanan namin.

"Tumakbo na kayo. Kami na ni Kreiss ng bahala dito." sabi ni Shannara at pareho sila ni Kreiss ang tumigil sa gitna ng daan para atakihin yung zombies na nasa likuran namin. "Pupunta kami dito once it's okay." dagdag sabi pa niya at nag-nod kami at tumakbo kami papunta sa alley.

Pero habang papunta kami, agad may zombie na tumalon sa harapan ni Sheloah at kinalmot ang braso niya. "Argh!" sigaw ni Sheloah at agad siyang tinignan ni Isobel.

"Sheloah! Okay ka lang? Guys, malapit na tayo. Tigil tayo doon para magpahinga saglit at ie-examine ko pa ang sugat ni Sheloah." sabi ni Isobel sa aming tatlo at nag-nod kami at mas binilisan naming tumakbo papunta sa alley para magpahinga. Hihintayin namin si Kreiss at Sheloah bago kami mag-proceed papunta sa NAIA.

Nakapunta na kami sa alley at agad kaming umupo sa sahig nang nakapasok kami sa alley. Lahat kami mabibigat at mabibilis ang paghinga dahil sa pagmamadali namin. Pero si Isobel talaga, kahit napapagod siya, hindi siya nagpapahinga hangga't okay ang lahat para sa kanya. Nilapitan naming lahat si Sheloah. Pati yung isang parent ng classmate namin, nag-aalala para sa kanya.

"Hija, huwag kang mag-panic." sabi ng parent sa kanya at hinawakan niya ang kamay niya. "Hinga ka ng malalim at ilabas mo. Slowly lang." dagdag sabi pa niya at ginawa naman ni Sheloah pero hindi niya tinitingnan ang mild injury niya.

Tiningnan ng mas mabuti ni Isobel ang sugat niya. Tinanggal niya ng mabilisan ang sleeves at nagulat siya dahil medyo malalim ang sugat ni Sheloah. 3 inches na tatlo ang linya sa braso niya. Ang width ng opening ng each line ay isang centimeter. Agad napaluha si Sheloah dahil sa takot at agad ko siyang inakbayan.

Chapitre suivant