webnovel

Final Chapter

"GO, ARROWHEAD! Jump over the ditch!" utos ni Quincy sa kabayo ni Yuan.

"It is not a ditch, it's a lake. At `di mo puwedeng gamitin ang ganyan kalaking lake sa horse competitions," wika ni Yuan. Nakaangkas siya sa kabayo nito. But he made sure she would enjoy the horse ride.

"Jump over the volcano's caldera!" aniya saka humalakhak.

"That's crazy. You can't fly."

Nilingon niya ito. "Bakit ka ba kontra nang kontra? Pakiramdam ko, kaya kong lumipad, eh!" Ibinuka niya ang mga kamay. "Now I know why you love this place. You want to be free. And you feel like riding with the wind when you are on a horse."

"You are right. It feels good to be free."

"Yuan, hindi ka ba naiinis na kasama mo ako?" tanong niya habang magkatabi silang nakaupo sa wooden plank ng dock.

"I love spending more time with you, Quincy." Hinawi nito ang kanyang buhok. "With you, I was able to express my emotions I never thought I could. They were usually locked up inside me. I had to be in control all the time. Kapag nag-reveal ako ng emosyon, puwede akong bumagsak."

"Masyado kang maagang naging seryoso sa buhay, `di ba?"

"I started working when I was eighteen. Pinagsasabay ko ang pag-aaral ko at ang trabaho. My dad said I had to since it is my responsibility as a Zheng. `Di ako dapat umasa sa mga naitayo na nila ni Lolo. I must contribute something to the empire. After all, ang magiging pamilya ko rin naman ang mag-e-enjoy roon. Kaya maraming bagay rin akong hindi na-enjoy."

It must be tough. Wala itong inisip kundi kung paano palalaguin ang mga kompanya nito. Nakikita naman niya kung gaano kasipag si Yuan. At walang ibang nakalatag sa harap nito kundi pulos responsibilidad. Kung tutuusin ay mas masuwerte siya kaysa rito. Kahit paano ay nasunod niya ang mga gusto niyang gawin sa buhay. While Yuan's only taste of freedom was inside the riding club.

"Yuan, minsan naman, dapat mag-enjoy ka."

"Anong pag-e-enjoy ba ang dapat kong gawin?"

"Mag-swimming sa lake," aniya saka itinulak ito sa tubig.

Humalakhak siya. "Mukha kang Chinese syokoy."

"Chinese syokoy, huh!" Hinila nito ang mga paa niya. Napatili siya nang bumagsak siya sa tubig. Sa gulat niya ay humalakhak ito. "Hinakot mo na yata ang lahat ng damo sa lake," anito habang tinatanggal ang damo sa buhok niya.

Napatitig siya rito habang nakangiti ito. It was the first time she saw him smile genuinely. He looked younger than his age. Parang hindi ito ang Yuan na businessman na palaging nakakunot ang noo.

"You are the most handsome man on earth when you smile. Sana, lagi ka na lang nakangiti para ma-in love ako sa iyo."

Natigilan ito at nawala ang ngiti. "Natuto ka na yata sa mga notorious playboys. Magaling ka nang mambola."

"At nagpabola ka naman," aniya saka humalakhak.

"Well, you look pretty even if you smell like sulfur."

Iningusan niya ito. "Parang sinabi mong iniluwa lang ako ng bulkan."

Tumawa uli ito. "Come on. I will give you a treat."

"NAKIHIRAM na ako sa naiwang damit ng ex-girlfriend mo sa guest room," walang kangiti-ngiting sabi ni Quincy nang puntahan si Yuan sa sala. Ang suot niya ay isang dress na may balloon skirt na umabot hanggang sa ibabaw ng tuhod niya. Iyon ang design ng dress na gusto niya sa shop ni Jenna Rose. Mula sa lake ay tumuloy sila sa villa ni Yuan para mag-shower. Pareho kasi silang amoy-ibinuga ng bulkan.

"Sinong ex-girlfriend ang sinasabi mo? Sa iyo iyan."

"Akin ito?" Parang bata siyang nagpaikut-ikot. "I love it, Yuan. Teka, paano mo nga pala nalaman kung anong damit ang bagay sa akin?"

"I asked Jenna Rose. Alam pala niya kung anong style ang bagay sa iyo at magugustuhan mo. So I bought the items you will like."

"Ito na ba ang treat mo sa akin? I love it." Bagaman hindi niya nito tinanong kung ano ang gusto niya, nagustuhan pa rin niya. Hindi tulad ng dati na kung ano ang gusto nito, iyon na lang ang masusunod. He was starting to be considerate.

"I am glad you like it. Pero hindi iyan ang treat ko sa iyo."

"Ano?" tanong niya.

"Humiga ka sa fainting couch."

Nagtataka man ay sumunod siya rito. Nasa glass-walled porch ang fainting couch na parang may indoor garden. Hindi matapus-tapos ang kaba niya. Yuan, hindi pa ako handa rito. I am not ready to make love with you yet. Puwede bang kapag kasal na tayo, saka na natin ito gawin?

Sa halip na isang halik ang nakuha niya o isang haplos, naramdaman na lang niyang sinusuklayan siya nito. He won't make love to her.

"Actually, I've been dying to do this the first time I saw your hair. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi kita nakilala," wika nito. "I never thought you have such long and beautiful hair."

"Lagi mo kasing ini-instruct sa hairdresser na itali ang buhok ko."

"I don't know. If you lay down your hair, I see it as a sign of rebellion. And tying it up means I am in control. Ganoon lang siguro ang pakiramdam ko. You look more tame when your hair is tied up. And it pleases me."

"Pero gusto mo pa rin ngayon ang buhok ko, `di ba?"

"Yes. This time, I see your independent side. I love to see you wild and free. It makes me feel so light."

She closed her eyes and savored the simple treat. With Yuan brushing her hair, it felt so intimate, as intimate as kissing and touching. In a way, he recognized her freedom and her own identity. Hindi na sarado ang isip nito. And she was starting to like him more and more.

No. I love him. Dati nang mahal ko siya. Pero mas mahal ko na siya ngayon. She had learned to love Yuan despite weaknesses and shortcomings. And she loved him more because he accepted the new her.

And her heart was bursting. She couldn't hide anymore what she felt.

Bumangon siya. "Yuan, ikaw naman dito sa couch."

"Susuklayan mo rin ako?"

"Hindi. Basta dumapa ka!"

"What will you do with me?" he mumbled.

"I will write something on your back. `Tapos, sabihin mo kung ano ang isinulat ko."

Nag-thumbs-up ito at isinubsob na ang mukha sa couch. Malapad ang ngiti niya nang isulat ang letrang I. "I," usal nito.

Nag-drawing siya ng heart at inihuli ang letrang "U." Siguro naman ay alam na nito kung ano ang nararamdaman niya para dito.

Bumangon ito. "Ano iyon? I heart you?"

"Ano?" bulalas niya saka tumayo. Gusto niyang magpuyos sa galit. She was expecting he would return the favor. Na sasabihin din nitong mahal siya nito dahil siya ang nag-initiate. "Diyan ka na! Nakakainis ka!"

"Iyon ang isinulat mo, `di ba? I heart you," anitong mukhang seryoso. Ni hindi man lang nito maintindihan ang significance ng isinulat niya.

"I hate you, Yuan. Nakakainis ka!" Pagkatapos ay saka siya lumabas ng bahay nito.

"Quincy, wait!" Hinabol siya nito at niyakap mula sa likuran. "I love you, too."

Maang na napatingin siya rito. "Napipilitan ka lang yatang magsabi,eh."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. I love you, Quincy!" sigaw nito. "Gusto mo bang ipagsigawan ko pa sa labas?"

"Hindi na. Okay na iyon," aniya at niyakap ito. She was so astounded to speak. "Tiyakin mo lang na mahal mo ako."

Huminga ito nang malalim. "Kaya nga parang ayoko pang sabihin sa iyo, kasi mukhang hindi ka naman naniniwala. You are the one who makes me happy, Quincy. Ikaw lang ang nakakapagpatawa sa akin. At ikaw lang din ang hinayaan kong makaalam ng mga weakness ko. You have the power to break my heart."

"Hindi ka ba nate-threaten na hindi na ako ang babaeng gusto mo?"

"Forget about it. It is only an illusion. Mas gusto ko kung ano ka ngayon. Because that is the real you and I have to accept it. Just don't break my heart."

"Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan?"

"I surely won't break yours. That is a promise."

Then he sealed that promise with a kiss. "I heart you, Yuan."

Na-in love ba kayo sa kwento nina Yuan at Quincy? Comment na. Don't forget to comment, vote, and rate this story

Mas mahaba ito sa new edition so abangan n'yo na lang ang release.

And visit us at My Precious Treasures and www.shopee.ph/sofiaphr to get copies of my books and Stallion merchandise.

Sofia_PHRcreators' thoughts
Chapitre suivant