webnovel

I'll Fight for You

Shanaia Aira's Point of View

" Ano kamo Gelo? Ulitin mo nga."

" Ipaglaban ang karapatan mo at bawiin mo ako. "

" Bawiin ka? Ako pa talaga Gelo ang gagawa ng move? Sa ating dalawa ako pa? Hindi ba masaya ka kamo kay Roxanne? Bakit ngayon gusto mong ipaglaban ko ang karapatan ko at bawiin kita sa kanya? "

Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa akin na para bang isa akong Math equation na gusto niyang i-solve.

" Bakit Aira? Was there ever a time na lumaban ka para sa karapatan mo? May pagkakataon din ba noong tayo pa na binawi mo ako? " napamaang ako sa tanong niya.

" Teka lang. Bakit napunta sa akin ang diskusyon? Hindi ba dapat ikaw ang gumagawa ng paraan para makuha mo yang gusto mong mangyari? Hindi ako lumalaban dahil hindi ko alam kung may kasiguruhan ba ang ipinaglalaban ko at dahil dun hindi ko na rin sinusubukang bawiin ka. You said you're happy now so bakit ko pa aalisin sayo yun? "

" Ganon, kung saan ako masaya? Pero paano ka? "

" Gelo ako yung nagkamali, iniwan kita. Pinipilit kong i-justify yang paghahanap mo ng iba. Kasi kasalanan ko naman. Kasi ako yung nang-iwan. "

" Aira hanggang kailan mo sisisihin ang sarili mo? Ako ang nagkamali kasi naging mahina ako. Kaya ko namang hiwalayan si Roxanne kahit pa malaki ang utang na loob ko sa kanya. Oo mahal ko siya pero may mali sa relasyon namin at pwede ko yung ipaintindi sa kanya. Gusto kong mabuo ang pamilya natin pero gusto ko Aira, lumaban ka naman. Ipakita mo naman na lumalaban ka hindi yung magbibigay ka na lang basta kasi gusto mo matahimik na, na matapos na. "

" Bakit parang lumalabas na kasalanan ko pa yung pagsasakripisyo na ginawa ko?" tanong ko. Medyo nairita ako sa tinatakbo ng usapan namin.

" Wala akong sinasabing kasalanan mo. Yun mismo ang pinupunto ko, puro ka na lang sakripisyo, hindi ka marunong lumaban. Noong girlfriend pa lang kita, kahit minamaldita ka na ng mga babaeng nali-link sa akin, ni minsan hindi ka lumaban gayong ikaw ang may karapatan dahil girlfriend kita, pero dahil ayaw mong mai-involve sa mga intriga sa showbiz, hinayaan kita kasi ayaw mo. Yung kay Gwyneth, yun ang pinaka masakit pero pinili mong mag - sakripisyo, iniwan mo ako, hinayaan mo akong makisama kay Gwyneth. Ginawa ko naman dahil yon ang gusto mo. Hindi ka lumalaban, hindi mo rin ako binabawi, hinahayaan mo ako kahit nasasaktan ka na. Kahit kailan ba naisip mo kung okay lang ba sa akin yon? Naisip mo ba yung kung paano ako kung wala ka? Nagtiis din ako, maraming beses. Hindi iilang beses kong tinangkang wakasan ang buhay ko nung umalis ka. Hindi ko alam kung paano kong pupulutin ang sarili ko dahil durog na durog ako. Dumating si Roxanne sa buhay ko na halos ubos na ubos na ako. Ikaw ang buhay at kamatayan ko Aira, sana this time lumaban ka naman, bawiin mo naman ako, hindi yung palagi mo na lang akong parang ipinamimigay kahit nasasaktan ka. Nasasaktan din naman ako. " umiiyak na siya habang nagsasalita, kahit nasa couch siya at nasa kama ako, alam ko dahil gumagaralgal ang tinig niya. Ako naman ay kanina pa tahimik na umiiyak dahil dun sa mga narinig ko.

" Kahit minsan hindi mo napapansin na labag na sa loob ko yung mga ginagawa ko. Hindi kita isinuko noon Aira pero bumitaw ka dahil gusto mo matahimik na lang. Hinahayaan kita kasi alam ko doon ka lang mapapanatag."

I wiped my tears. Nakikinig lang ako sa kanya. Sa tagal naming magkasama, ngayon ko lang narinig sa kanya lahat ng ito. Akala ko okay lang sa kanya ang lahat dahil palagi naman siyang masaya noong magkasama kami. Akala ko okay lang sa kanya yung sinasabi ko na pakisamahan na lang niya yung mga babaeng nali-link noon sa kanya, hindi ko alam na parang pinamimigay ko na pala siya noon, na parang okay lang kasi alam kong sa akin naman siya uuwi. Mali pala ako.

Kahit lalaki siya, hindi ko naisip na kailangan din niya ng assurance.

" Sinabi mo kasi na masaya ka na kay Roxanne. You even thanked me, kaya kahit masakit tinanggap ko na lang." sabi ko sa kanya.

" Oo masaya ako. Mahal ko naman siya. Pero hindi kasing lalim nung pagmamahal ko sayo. Nasabi ko lang sayo yun dahil galit ako, nasaktan ako. Pero hanggang ngayon Aira, ikaw pa rin talaga. Hindi ko kayang magalit sayo ng matagal. O baka hindi naman talaga ako nagalit, nagtatampo lang. Hindi ka napalitan ni Roxanne dito sa puso ko,ikaw lang talaga. " napatingin ako sa kanya. Pilit kong ina-absorb ang lahat ng sinabi niya.

Napahagulgol na lang ako ng mag-sink in sa akin lahat.

" Gelo sorry. I'm so sorry." mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Niyakap din niya ako habang pareho kaming umiiyak.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakaupo lang sa couch at magkayakap.

" Let's fix this together, okay?"

" Sigurado ka ba na kaya mo siyang saktan?"

" Wala akong pananagutan sa kanya, pero sayo meron. Ayoko ng masaktan ka, aayusin natin to. Para sa mga bata at sa pamilya natin. Kakausapin ko na si Roxanne kapag dumating na siya.Ipapaliwanag ko sa kanya ng maayos at pipilitin ko na maghiwalay din kami ng maayos. " tumango ako pero mayroong tumatakbo sa isip ko.

Paano kung hindi pumayag si Roxanne na makipag-hiwalay sa kanya?

Kailangan ko na bang kumilos at lumaban para sa karapatan ko at bawiin siya?

Natulog kami na magkatabi sa kama ko pero magkayakap lang kami. Hinalikan niya ako sa ulo nung matutulog na kami.

The next morning sabay kaming lumabas sa kwarto ko. Yung tingin ng mga dinatnan namin sa dining room ay mga pasimpleng nang-aasar.

" Ehem! mukhang okay na yung iba dyan. Nagkaayos na ba?" pang-aasar ng matriarko ng mga Guererro, si lolo Franz.

" Lolo, mukha naman pong ' sinadya' ang pagkakatulog ni Gilbert sa guest room, samantalang sa kabilang bakod lang naman yung bahay nila." narinig ko ang pagtawa ng mga kasalo namin sa hapag.

" Apo it's about time na ayusin na ninyo ni Gelo ang mga gusot ninyo. Kinausap na niya ako kagabi, gusto na talaga niya kayong mabuo bilang pamilya. Kung iniisip mo yung nobya niya, kausapin ito ng maayos, mukha namang mabait at may prinsipyo sa buhay. Hindi naman niya siguro magugustuhan ang magiging papel niya sa buhay ni Gelo kung hindi siya pumayag di ba? " tumango ako sa sinabi ni lolo Franz. Kung nagpaalam na pala si Gelo sa kanila, siguro hindi na kailangang magpakipot pa.

Pareho kaming may mali sa nangyari. Hindi na ito kwestiyon kung sino ang magpapakipot o kung sino ang magpapatawad. May mga bata ng involved kaya dapat harapin namin ito bilang matured na mga tao. Ngayon ko nakikita na may mga mali rin pala akong nagawa sa buhay. Sa kagustuhan ko na magkaroon ng privacy ang buhay namin, mas nagkakaroon pala kami ng problema. Nasasaktan ko na pala siya hindi ko pa alam.

Buong akala ko ako yung nagsasakripisyo. Ang mas nagsasakripisyo pala ay yung taong itinutulak mo para gawin yung mga bagay na hindi niya gusto. Napipilitan lang dahil mahal ka.

May mali ako. Nasaktan ko siya. At hindi pa naman siguro huli ang lahat para magsimula kaming muli, in a clean slate.

This time, lalaban na ako at babawiin ko kung ano ang talagang akin.

Chapitre suivant