webnovel

Legal Rights

Shanaia Aira's Point of View

NATAGALAN ako sa rounds ko sa third floor dahil may mga pasyenteng maselan ang kalagayan na kailangang pagtuonan ng pansin. Matapos doon ay umakyat muna ako sa top floor para mag snack, medyo napagod din kasi ako kaya medyo gutom na rin.

Pagdating ko sa mga kainan umorder lang ako ng kape at sandwich. Nang makuha ko ang order ay naghanap na ako ng mauupuan. Nang makahanap ay umupo na ako upang mayamot lang.

Kapag talaga ang araw mo ay naumpisahan ng swerte, magiging sunod-sunod na yon. Akalain mong makita ko sa kabilang table yung ayaw kong makita kasama yung girlfriend nya na kung makapulupot eh parang sawa. Ang init-init eh wala ng espasyo man lang na itinira, sobrang clingy at nagagawa na niya ngayon in public ha? Ang swerte ko nga naman, kung swerte ngang matatawag to. Kaloka!

Napansin kong napatingin si he who must not be named sa akin. Palihim ko syang inirapan. Bahala ka dyan!

" Hi dra. Aira. Pwedeng maki-share." si nurse Trina yung nagsalita kaya tumango ako. Umupo naman siya sa harap ko.

" Ngayon lang ako nakapag-break doktora. Ang daming pasyente ngayon." sabi nya habang hinahalo yung kape nya.

" Oo nga kaya medyo natagalan din ako sa third floor. " sagot ko.

Hindi pa ako natatagalan ng magsalita ang operator sa paging system.

PAGING DRA. AIRA MONTERO PLEASE PROCEED TO THE LOBBY, YOU HAVE A VISITOR HERE.

DRA. AIRA MONTERO TO THE LOBBY PLEASE.

" Naku doktora may bisita ka hindi ka pa halos nakakakain. Pwede naman pong sabihin sa operator na paakyatin na lang dito sa food court." sabi ni Trina.

" Pwede?"

" Opo doktora. Ayan lang sa labas yung operator. Sige ako na po." bago pa ako makatutol ay mabilis na syang tumayo at lumabas. Nasa labas lang kasi nitong food court ang room ng paging system.

Mabilis lang na nakabalik si nurse Trina.

" Nasabi ko na po. Yung mga anak pala ninyo yung nasa lobby. May anak ka na po pala doc, hindi halata." sabi niya. Nasabik naman ako sa narinig. Nandito na pala sila. Kaya lang bigla rin akong natigilan at napasulyap ka kabilang table. Naku! baka problema ito pag nagkataon.

Ilang minuto pa ang lumipas ng marinig ko na ang mga boses ng makukulit kong mga anak.

" Mommy!" halos sabay pa nilang bulalas. Napatingin tuloy yung mga kumakain sa kanila kabilang na rin yung dalawang parang sawa kung maglingkisan. Napansin kong dumilim yung itsura nung ex ko.

Kumaway ako sa kanila. Naka-karga si Yella kay Jaytee at si Shan naman ay nakakapit sa isang kamay niya.

Agad na yumakap si Shan sa akin ng makalapit. Hinalikan niya pa yung buong mukha ko. Si Yella naman ay nagpababa kay Jaytee ay lumapit na rin sa akin at nag-kiss. Humalik din si Jaytee sa pisngi ko.

" We missed you mom." sabi ni Yella.

" Dada sit down. Si nurse Trina nga pala. Trina si Jaytee ang husband ko at ito yung kambal ko si Yella at Shan." pakilala ko sa kanila kay Trina.

" Nice meeting you po sir. Doktora ang gwapo po pala ng husband nyo kamukha po ni Tom Cruise, yung younger version po ha. Tapos ang cute po ng kambal nyo. " sabi nya. Natawa naman si Jaytee sa compliment niya.

Tumayo ako para ibili sila ng pagkain sa isang stall.

Maya-maya lang nagpaalam na rin si Trina dahil saglit lang daw ang binigay sa kanyang oras para mag-snack.

" Ang aga ninyo. Sinong naghatid sa inyo dito? " tanong ko kay Jaytee nung kami na lang ang nasa table. Nasa harapan namin yung kambal. Busy sa pagkain ng burger na binili ko.

" Maaga kaming umalis dun tapos si Mang Simon ang driver. Tapos pagdating namin dyan kila lolo, pinasamahan kami dun sa isang kasambahay nila. Umuwi na rin si Mang Simon sa Dasma, ikaw na ang maghahatid sa amin pauwi. "

" Haha. obligado pala akong umuwi ng maaga ngayon. Paano yung isang buntis don, iniwan mo? " nangiti si Jaytee sa tanong ko, parang may ningning pa yung mga mata nya. Excited na talagang magkaroon ng sariling anak.

" Okay lang daw basta't dalhan ko daw siya nung kakanin na nabibili dito. Tanong ko daw kay tita Laine, alam na daw yun. "

" Asus, eh di makunat din yung anak nya, parang yung ama." natawa siya sa sinabi ko kaya inakbayan nya ako at hinalikan sa gilid ng ulo. Hobby na talaga nya yan kapag binibiro ko.

Nang bigla kaming makarinig ng nabasag na kung ano kaya sabay kaming napatingin ni Jaytee doon. Gulat syang napatingin sa akin.

" Oo, sila yung nag-sshooting dun sa lobby. Kinompronta nya ako kahapon dun sa parking lot. Kung ano-anong maling paratang ang ipinukol niya sa akin. Masasakit na salita at ipinamukha pa niya sa akin kung gaano siya kasaya ngayon. He's different now Dada. Gone is the old Gelo I knew. " sabi ko.

Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon sa mukha ni Jaytee. Galit at pagka-disgusto ang naroon. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa ilalim ng mesa. Nakakuyom ito na halatang nagtitimpi ng galit. Wala man kaming romantic na relasyon pero matalik kaming magkaibigan. He cares for me lalo na nung maipanganak ko na ang kambal.

" Calm down please. Okay lang ako."

" Paano mong nakakaya yung ganyang eksena ha Aira? Look at them, masyadong PDA! Nasasaktan ka na pero parang pinipigaan pa niya ng kalamansi yang sugat mo sa puso.How I wish malaman na nya ang totoo para siya naman ang masaktan sa sobrang panghihinayang sayo. You are way, way better than his current girlfriend pero kung ipangalandakan niya sa publiko parang gusto niyang manliit ka sa tingin mo sa sarili mo. Tama ba ako? Alam kong yan na ang pakiramdam mo. Tingin mo, yan ka lang. Tingin mo dahil ikaw yung may kasalanan, ayos lang yung gawin sayo yang ganyan. " pabulong pero may diin yung pagsasalita niya. Alam kong nagagalit lang siya para sa akin.

" Dada please. Okay nga lang ako. " pangungumbinse ko pa. Mabait kasi to pero iba rin pag nagalit.

" No you're not. Kilala kita. For God sake Aira! Know your worth. You are almost perfect, inside and out. Doktor ka. Matalino. Pero parang wala kang halaga kung tratuhin ka. Bakit siya lang ba ang nasaktan sa nangyari? Ang mali sa kanya nag-conclude agad siya, hindi niya inalam ang totoo. Paano yan? Kung alam lang ng mga bata na siya ang tatay nila tapos makita nilang ganyan, ano kaya ang mararamdaman nila? Iniisip nyang ikaw ang naunang nagtaksil pero dapat ba ganyan ang iganti nya? Nasa Pilipinas kayo, legal ang kasal ninyo kaya pwede kang maghabol. Hindi ka niya pwedeng akusahan ng kung ano-ano dahil sa inyong dalawa siya yung pwedeng kasuhan ng infidelity dahil walang divorce dito. " tumagal ang tingin ko kay Jaytee.

Tama ang lahat ng sinabi niya at may punto siya. Dahil sa iniisip kong ako ang may kasalanan sa nangyari sa amin ni Gelo, hinahayaan ko lang na saktan niya ako ng ganito. Nawawala yung worth ko bilang tao sa pag-aakusa niya sa akin ng kung ano-ano na wala namang basehan. Alam ko naman na sa aming dalawa, siya yung talagang nagtataksil ngayon dahil legally married kami at may girlfriend na siya habang nasa loob pa rin kami ng matrimonya ng kasal. Pero yung ginawa niya sa akin kahapon parang lumalabas pa na ako yung nagtaksil talaga kaya niya nagawa yun.

Tama si Jaytee. Hinahayaan ko lang dahil iniisip ko na ako yung may kasalanan. Pero higit pa roon hinahayaan ko lang na masaktan niya ako kasi mahal ko siya.

" Ano tama ako no?" tumango lang ako.

" Kung papayagan mo lang ako, sasabihin ko sa kanya ang totoo."

" No! Please don't do that. Hayaan mong siya mismo ang makatuklas. Kahit man lang sa ganoong paraan, makakurot ako sa kanya." napangiti si Jaytee.

" Tama ka dyan. Para mas lalong lumaki ang pagsisisi at panghihinayang niya. That way para ka na ring nakakurot sa kanya ng pinong-pino. " sabi niya at natawa na lang kami pareho.

Matapos kumain ay niyaya ko na silang bumaba. Mabuti naman wala na yung dalawang PDA sa pwesto nila. Bumalik na siguro dun sa shooting.

Pagdating namin sa ground floor ay tumuloy na kami sa station namin. Nadaanan pa namin yung shooting sa garden pero hindi na ako nag-abalang tumingin pa. Maiinis na naman si Jaytee sa akin sa pagiging martyr at masokista ko.

Nagpaalam muna ako sa head namin na si Dra. Aguilar na mag-uundertime. Nakita naman niya yung bisita ko kaya pinayagan din ako. Natuwa pa nga sa kambal kaya binigyan niya ng tig isang malaking bar ng Toblerone.

Umuwi kami sa bahay nila lolo Franz at nag stay pa sila Jaytee at ang kambal hanggang kinabukasan pa. Hindi na nila ako pinuntahan sa ospital dahil sinama sila nila tito Nhel sa pamamasyal kasama si Guilly. Sumama rin si Jaytee sa kanila para mamili naman ng pinabibili ni Feli na kakanin at ilan ding pasalubong para sa kanilang bahay at kila mommy na rin.

Pagdating ko ng ospital ay walang shooting doon. Ayon sa mga kasama ko, nasa ibang lugar daw sila dahil iba ang eksenang kukunan. Outdoor scene. At doon sa mga bahay malapit sa bukid ang location nila na malapit lang din dito sa ospital.

Medyo nakahinga ako ng maluwag. Ayaw ko talagang nakikita si he who must not be named at yung girlfriend niyang sawa. Para kasing naaawa ako at nanliliit sa sarili ko. Tama si Jaytee, may karapatan pa rin ako kahit iniisip nya na ako yung nagkasala. Dapat ko raw ipaglaban yung karapatan ko sabi pa niya nung mag-usap kami kagabi.

Ang tanong kaya ko bang lumaban? Mukhang mahal na mahal niya yung girlfriend niya at masaya na raw siya.

Karapatan lang naman ang ipaglalaban mo, para sa mga bata.

Tama naman. Para sa kambal.

Pero paano ko ba uumpisahan??

Chapitre suivant