webnovel

Chapter 50 | The Final Battle

Chapter 50 | The Final Battle

Third Person's POV

KYLE OBLIGE to what Nicole wants. All of them inside the room almost held their breath by the unexpected sight. While Nicole's parents can't help it but to cry. They knew that this will happen.

But not this soon.

Nang magawa na ni Kyle ang hiling ng dalaga ay halos nagulat naman ang lahat nang may bigla na lang silang narinig na malakas na pagsabog mula sa labas.

"What's happening?" Miley asked while alerting her eyes.

Malakas namang bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan nila at iniluwa no'n si Nick, ang pinuno ng mga Vampire Hunters.

"They're here already. Masyado silang marami." Halata sa mukha nito ang pagkabahala.

The King just nodded as he balled his fist. It seems like their original plan didn't work.

They plan to attack the place where Hans Croven is doing the experiment to the new converted vampires. Matagal na rin nilang alam ang tungkol sa muling pagkabuhay nito.

Two can play this game. Kung mayroon 'tong alam tungkol sa kanila ay gano'n din sila rito.

But they're too late. They didn't able to stop the evolution of the new form of those creatures.

Queen Cassandra turned to Kyle. "Anak, ilayo mo na si Nicole rito. Kami na ang bahala."

Si Nicole naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Medyo nanghihina pa siya dala ng pagkakakagat sa kanya ni Kyle kaya hindi pa siya gaanong makakilos. Kaya naman ay nananatili lang 'tong nakaalalay sa kanya.

But her forehead creased, oblivious of what is really happening.

Habang si Kyle naman ay napatango na lang at walang pagdadalawang isip na binuhat ang dalaga.

"W-Wait! Where are we going?"

Kyle kissed her forehead and whispered. "Just trust me."

Naguguluhan man sa ikinikilos ng minamahal ay napatango na lamang ang dalaga rito.

"Okay. Now is the time. We need to end this war now," King Zach said and they all nodded.

Nagsimula na silang kumilos at kumuha ng mga bagay na makakatulong sa kanila para sa laban na 'yon.

Sa pagkakataong 'yon nga lang ay binabantayan na ng bawat isa ang kani-kanilang mga kilos. Alerting for the possible attack of whoever the traitor is.

"Ako ng bahala kay Rei. I promise that I will protect her," seryosong saad ni Hiro kay Vince ng kunin nito ang kapatid mula sa pagkakahawak niya. Her eyes are still closed.

Vince gave Hiro a murderous look. Gusto sana niyang siya ang magbantay sa kapatid. Nasanay na kasi siya sa gano'n. But it seems that the situation is different now.

"Okay. I trust you. Pero sa oras na may mangyari sa kapatid ko ay alam mo na ang kahihinatnan mo, Collins." May halong pagbabanta ang tinig nito.

Alam niyang nasa paligid lang ang totoong kalaban.

Pero sana lang ay hindi ang matalik na kaibigan 'yon.

Nakipagsukatan naman ng titig si Hiro sa kanya. "I will not let anything or anyone to harm her, I assure you that," Hiro said then lifted Rei up. Kumuha rin siya ng mga dagger para rito.

Pagkatapos magkasundo ng bawat isa sa dapat nilang gawin ay sabay-sabay na silang lumabas at bumungad sa kanila ang kabila't kanang labanan. Maririnig ang putukan ng mga baril mula sa mga protectors at ang mga nagliliparang kutsilyo at pana mula sa mga vampire hunters. Ang iilang royal guards naman ay nakikipagbuno gamit ang kanilang mga espada.

Ang lahat ay hindi makapaniwala dahil naglipana rin ang mga lumilipad na converted vampires na ngayon lang nila nakita sa buong buhay nila.

"What the hell are those creatures?" Kira exclaimed.

Napatungo naman sila nang makita ang isa sa mga lumilipad na converted vampire na papunta sa direksyon nila.

Humahangos na lumapit naman sa kanila si Jacob. "Mahal na hari, nakatanggap po ako ng sulat mula sa mga royal guards ng palasyo. May nangyayari rin daw pong pag-atake ro'n." Mababakasan ng pag-aalala ang mukha nito.

Lahat sila ay natigilan nang dahil sa narinig. Wala silang ibang pagpipilian kung hindi ang mahati sa dalawang grupo. Hindi nila pwedeng hayaan na mapabagsak ang palasyo at hindi rin nila pwedeng hayaan na magkaroon ng kaguluhan dito at may madamay na mga tao.

"Umalis na kayo. Kami na ang bahala sa mga 'to," King Zach said to the royalties while creating a big hole where he can put the converted vampires to transport into another dimension. Alam niyang kakain 'to ng malaking lakas mula sa kanya. But they don't have any other choice.

They all just nodded. Pagkatapos ay lumingon naman 'to kay Jacob. "Sa oras na maubos ko na ang lahat ng mga converted vampires ay pupunta na tayo sa palasyo."

"Masusunod po!" Binigyan ng isang sulyap ni Jacob ang anak na si Steph. He doesn't want to leave her daughter.

But they both have their own responsibilities.

May pag-unawa namang tumango at ngumiti sa kanya ang anak.

Naniniwala ang hari na kung sino man sa mga nakapaligid sa kanila ang traydor ay hinding-hindi 'to magtatagumpay.

They can't outsmart a pureblood. And most especially this group. He needs to trust them in this battle.

"Sasama kami sa palasyo," Nicole's parents said with determination. Pagkatapos ay lumapit sila kay Kyle ng may ngiti sa labi. "We know that you can protect her."

Kyle nodded. Nagsimula na ring mamula ang mga mata nito. "I will."

"I'll go with you. I'm her protector," Steph said to Kyle. Pero umiling lang 'to.

"Ako ng bahala sa kanya. It will be better that way."

Gusto pa sanang magprotesta ni Steph. Pero alam naman niyang wala siyang ibang magagawa sa oras na nakapagdesisyon na ang binata.

Wala silang ibang mapagkakatiwalaan kay Nicole kung hindi si Kyle lang. That's a sure thing.

Habang ang ibang royalties at ang mga kaibigan naman nila ay may nararamdaman pa ring pag-aalinlangan. Lalo pa at hindi na nila alam kung sino pa ang dapat na pagkatiwalaan.

Pero hindi rin nagtagal ay nagkanya-kanya na sila ng direksyon para tapusin ang sinimulan ng kalaban. Kailangan nilang maghiwa-hiwalay. Sa gano'ng paraan ay madali nilang mahuhuli kung sino man ang traydor.

MAGKATULONG NA hinarap nina Vince at Steph ang mga rouges na paatake sa kanila. Good thing that Steph always has her gun with her. Espesyal ang bala ng baril nito na sa oras na tumama sa isang bampira ay unti-unting pahihinain ang sistema nito hanggang sa maging abo 'to.

Tatlong rouges ang lumapit sa kanya at mabilis siyang dumausdos pailalim sa mga 'to, habang sunod-sunod ang pagpapakawala niya ng mga putok.

Hindi na niya ininda ang mga dugo na tumalsik sa kanya. Halos mabuwal naman siya ng sa pagtangka niyang pagtayo at pag-angat ng tingin ay may dalawa pa palang nakaabang sa kanya.

Muli siyang napahiga at kinuha ang isa pang baril. Sa paglapit ng mga 'to sa kanya ay ipinasok niya ang baril na hawak sa magkabilang kamay sa bibig ng mga 'to. Sabay na kinalabit niya ang gatilyo ng mga 'to, dahilan para sumabog ang ulo ng mga kalaban.

On her back is Vince, who's concentrating to control all the arrows scattered from the sky and make it aim for all of the enemy's around.

Sa sobrang dami ng pana na pinaulan sa kalangitan ng mga vampire hunters ay marami rin sa mga rouges ang namatay.

Ngunit may mga ilan pa rin na nagawang makalapit sa kanila. Mabilis na tumakbo si Vince at sinampahan ang likod ng isang converted vampire na kasama ng mga rouges. In one swift move, he manages to turn its head and beheaded.

Saglit na nagtama ang paningin nila ni Steph. Bahagya pa siyang natigilan nang mapansin na sa kanya nakatutok ang baril nito.

"S-Steph? Don't tell me..." hindi na niya nagawa pang ituloy ang sasabihin nang sunod-sunod 'tong nagpakawala ng putok.

Nakahinga naman siya nang maluwag nang may marinig na tila bumagsak sa kanyang likod. "Akala ko naman..." he shook his head, then chuckled.

Hindi na niya ata kakayanin kung sa pangalawang pagkakataon ay tatraydurin na naman siya ng babaeng minahal.

Steph's face crunched while blowing the top of her gun. "Sa totoo lang ay may hinala na ko sa kung sino."

Vince aura darkened. "I think, we have the same one in mind."

SUNOD-SUNOD ang ginagawang pag-atake ni Hiro sa bawat rouges na naglalaway pa sa harap niya, habang pinoprotektahan ang walang malay pa rin na si Reiri na nakalapag sa lupa sa likod niya. He should not let her to be captured or be harmed by the enemy. Bukod sa 'yon ang ipinangako niya sa kapatid nito ay hindi niya rin mapapayagan na mangyari 'yon.

Hindi rin naman ligtas na iwan niya 'to sa vacation house at kahit pa sa secret room. He will never know what might happen.

Pero masyadong marami ang kalaban. Hindi hamak na mas marami kumpara sa nakaraan nilang mga nakalaban. He really wonders who their master is right now.

"Shit!" Ten rouges was about to attack him. Kaya naman ay tumalon siya at umikot sa ere, bago sabay-sabay na sinipa ang mga 'to. Nang dahil sa lakas ng pwersa niya ay tumilapon ang mga 'to sa iba pang mga pasugod.

Pero natigilan siya nang mapansin ang nagkalat na dagger sa paligid. He turned his back and saw Reiri giving him a weak smile. Unti-unti 'tong bumabangon.

"Sorry. Am I too late?" She chuckled.

Hiro winked at her. "You just woke up in time."

Magkatalikod na silang nagtutulungan ngayon. Reiri throw three daggers and it turned around on the three rouges, aiming directly to their hearts. She trained herself to use different weapons and she grew up having a fetish into daggers.

Nang mapataob niya ang tatlong rouges ay agad ring bumalik ang mga daggers sa direksyon niya. Mabilis niya 'tong nasalo at inipit sa pagitan ng mga daliri. She's now ready to throw it away for another round.

Hiro pulled Rei down when he saw a converted vampire that was about to land at their direction. Dali-dali niya 'tong hinabol at sinampahan.

With all the strength he have, he pulled both of its wings and took its heart from the back.

Inihanda na niya ang sarili sa pagbagsak ng maging abo 'to. At dahil sa lakas ng pwersa na dulot nito ay nag-crack ang lupang kinabagsakan nito.

"Well, what can you say?" Hiro wiggled his brows at Rei.

Pero bago pa man makasagot ang dalaga ay unti-unti 'tong napaupo.

"Rei!" Mabilis siyang dinaluhan ni Hiro. "May vision ka na naman ba?"

A tear fell from Rei's eyes. Hindi niya inaasahan na sa lahat ng pinagkatiwalaan nila ay ito pa pala ang tatraydor sa kanila.

"I-I already saw it. N-Nakita ko na kung sino ang traydor sa 'tin." Nanginginig ang boses nito sa magkakahalong emosyon.

"Sino?" Napahigpit ang hawak ni Hiro sa magkabilang balikat ni Rei.

Pero bago pa man 'to makasagot ay may kung anong nahulog malapit sa direksyon nila at naglikha ng malaking pagsabog.

"Rei!" Mabilis na nailayo ni Hiro si Rei. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa dalaga na para bang mawawala 'to sa kanya.

Napatingin sa itaas si Hiro at nakita ang papalayong converted vampire. Ito marahil ang nagbagsak ng bomba sa direksyon nila.

Habang si Rei naman ay nagsisimula ng mamula ang mga mata. It is unusual of her. Dahil kahit kailan ay hindi pa niya naipakita ang ganitong anyo sa kahit na sino.

Umalis siya sa pagkakayakap ni Hiro at mataman 'tong tinitigan. "Kailangan nating mahabol sina Kuya Kyle."

MAGKAHAWAK KAMAY na tinungo nina Miley at Kira ang tabing dagat. Miley took her knife and throw it away in the wind. Tuloy-tuloy 'tong umikot sa ere at dahil dito ay sabay-sabay na napabagsak ang limang fledglings na nakapalibot sa kanila.

Sa sobrang bilis naman kumilos ni Kira ay nagmistulang hangin na 'to sa paningin ng mga kalaban. Hindi nila 'to magawang atakihin dahil hindi nila nasusundan ang bawat kilos nito.

Hanggang sa magkakasunod na ulo ang bumagsak nang dahil sa pagpupugot na ginagawa niya at ang kanyang kamay ay punong-puno na rin ng dugo mula rito at sa mga pusong dinudukot niya.

Pawang namumula na ang kanilang mga mata at nakalabas na ang kanilang mga pangil. Bihira lang din sila mag-anyo ng ganito katulad ni Reiri at 'yon ay sa tuwing galit na galit na sila.

They were about to attack the bunch of fledglings coming their way again. When in an instant, all of them became an ash. Natigilan sina Kira at Miley dahil tila may umaatake rito na hindi nila nakikita.

And they almost jump in surprise when someone appeared in front of them out of nowhere.

Their eyes widened in disbelief. They didn't expect to see her here.

"Mikan," they both whispered.

Nang mapabagsak na ni Mikan ang lahat ng kalaban ay humarap 'to sa kanila. Confirming their conclusion.

Mikan smiled weakly at them. "I am sorry." Ang mga salitang 'yon ang agad na lumabas sa bibig nito.

"Mikan! What are you doing here? At paanong nagagawa mo silang kalabanin ng hindi ka namin nakikita?" Miley asked her confused.

Itinaas nito ang kaliwang braso kung saan ay may bracelet na nakasuot dito.

"Kuya Dave gave this to me before. He said that this can help me a lot. It can make you invisible. That's why I have able to escape from him."

"To who? Tell us, Mikan! May natira pa bang alagad si Marcus sa nakaraang laban? Sino ang namumuno sa mga umaatake sa 'min ngayon?" Kira asked while gripping her shoulders tightly.

Napailing si Mikan. "Bago 'yon ay may kailangan muna kayong malaman. There is a traitor in your group. Hindi niyo dapat siya pinagkatiwalaan," dire-diretso nitong sabi, habang nagpapalinga-linga sa paligid na para bang may hinahanap.

"Who?"

"Si-" bago pa man niya maituloy ang sasabihin ay unti-unti siyang bumagsak sa lupa, kasabay ang pag-ubo niya ng dugo.

"Mikan!" Mabilis siyang dinaluhan ni Miley, habang unti-unti namang napaangat ng tingin si Kira sa kung sino ang gumawa no'n.

"Victoria." Napatiim bagang si Kira nang makita kung sino ang nasa harap niya.

Victoria Seige. Ang black witch na sa pagkakaalam nila ay may malaking inggit kay Sapphire Almed, na namuno sa buong angkan ng mga 'to.

"Ikaw ang-"

"Right. Ako nga. Ako ang tumulong kay Marcus no'n." Victoria smirked.

"Mikan! Hold on!"

Nabaling ang atensyon ni Kira kina Miley. Umiiyak na 'to at nanlumo siya nang makitang nakapikit na si Mikan. May saksak 'to sa likod at alam niyang malalim ang tama nito.

"She deserves it. Masyado kasi siyang madaldal at pakielamera. Wala silang pinagkaiba ng kapatid niya."

Before Kira could even react, Victoria vanished in the wind.

Naikuyom nito ang kamao at dali-dali niyang dinaluhan ang dalawa.

"Mikan, tell me. Sino ang traydor?"

Muling may lumabas na dugo sa bibig ni Mikan. She opened her mouth and speak, but no words came out of it.

"Damn! What's happening to her?" Kira shout in frustration.

"Mikan is under a dark spell. Victoria muted her." Nanginginig ang mga kamay ni Miley nang dahil sa sobrang galit.

Oo at nagkaroon ng sama ng loob si Miley kay Mikan no'n. But it doesn't change the fact that she has been part of their group too.

Binuhat ni Kira ang nakapikit pa rin na si Mikan. Alam niyang buhay pa 'to dahil sa mabigat na paghinga nito.

"Let's go find them. Kailangan natin mabalaan sina Kyle."

KYLE IS running in full vampire speed. Sa isip niya ay hindi dapat makita at maabutan ni Hans si Nicole. Lalo na ngayon.

This is not part of the plan. Hindi niya inaasahan ang kagustuhan ni Nicole na maging isa ulit sa kanila.

Because if he can remember it correctly, Nicole previously wants to be just a human with a normal life. Lalo pa at may nakaatang na malaking responsibilidad rito no'n bilang pureblood princess mula sa angkan ng pinakamalakas na purebloods. Kaya ngayon na muli 'tong nabuhay bilang isang tao ay hindi na niya inisip ang posibilidad na baka gustuhin muli nito ang maging isang bampira.

"Kyle? Saan ba tayo pupunta? We should help them," Nicole whispered, but he still manages to hear her words.

"Don't worry. I just need you to bring there."

But Kyle cursed through his mind when a number of rouges blocked their way.

Saglit siyang napahinto at pinakiramdaman ang paligid. Seconds later, a fire started to scatter around them, burning each one of the rouges.

Nang matupok na ang lahat ng kalaban sa paligid ay nagpatuloy na siya sa pagtakbo.

Pero muli siyang napahinto nang madaanan niya ang mga 'to. Sa buong pagtakbo niya ay sila lamang ang nakasalubong niya. The royalties is nowhere in sight.

He can felt that Nicole's body tensed with what she saw.

"Kuya! Athena!" Nicole shouted.

"What happened here?" Kyle asked the moment he reached them.

HALOS LAHAT ng nakakasalubong ni Athena ay bumabagsak sa lupa dahil sa pagpapatulog niya sa mga 'to. She will chant a spell afterwards and in an instant, all of the fledglings became an ash. Habang si Gino naman ay pinapaulanan ang mga 'to ng bala hanggang sa maging abo. Katulad ng baril niya ang kay Steph. It is a kind of gun especially made to use by the protectors.

Pero napatigil sila sa paglalakad nang mapansin na tila nakatingin lamang sa nangyayaring labanan si Althea. At ang mas ipinagtataka pa nila ay ni hindi man lang 'to sinusugod ng mga kalaban.

"Althea!" Athena called out her sister when she came near her. Dahan-dahan namang napaangat ang tingin nito sa direksyon niya.

At hindi niya inaasahan ang ngisi na nakita sa mga labi nito.

"Althea, ano—" hindi na niya nagawa pang tapusin ang sasabihin ng sa isang iglap ay nasa harap na niya ito at sinasakal siya.

Sa hindi kalayuan naman ay napahinto si Gino at saglit na napatingin sa direksyon nila. Gulat na gulat ito at halos mabitiwan ang hawak na baril nang dahil sa nakikita.

"Shit!" He was about to run towards their direction when a bunch of fledglings blocks his way this time. "Damn!" Naiinis na siya dahil sa tila hindi maubos-ubos na bilang ng mga 'to.

Habang si Athena naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.

"A-Althea... Ikaw ang..." a tear escaped from her eyes.

"Oo ako nga. Ako ang traydor. Nagulat ka ba, mahal kong kapatid?" Althea is now grinning from ear to ear. Habang ang mga mata nito ay matalim na nakatingin sa kanya.

"B-Bakit?" Hindi na nagawa pang pigilan ni Athena ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Sa grupo nila ay ito ang pinakahuling kasamahan na pagdududahan niya. Kaya naman ay gulong-gulo ang isip niya sa kung bakit ito nagawa ng kapatid. Wala siyang maisip na rason kung bakit nagawa nitong kalabanin sila.

"Nagtatanong ka kung bakit?" Tumawa ito ng malademonyo na para bang isang malaking kalokohan ang narinig na tanong mula sa kanya.

Nanlilisik ang mga mata nitong tumuon sa kanya. "Mula pagkabata natin ay palagi na lang ikaw! Ikaw ang magaling, ang maganda, ang matalino, pagkatapos ay mabilis mo pang natututunan ang lahat ng spells at higit sa lahat ay ikaw na lang ang minamahal! Dahilan para wala ng matira para sa 'kin!" Mas lalong humigpit ang pagkakasakal nito sa kapatid. Athena finds it hard to breath.

Then Althea suddenly slapped her hard. Halos mabingi si Athena nang dahil sa lakas at ginawang ito ng kapatid.

Hindi niya inaasahan na mayroon pala 'tong kinikimkim na galit sa kanya.

"At nang dahil sa mga Clarkson ay namatay ang mga magulang natin! Namatay sila sa isang laban na hindi naman dapat tayo kasali!"

Totoo 'yon. Their parents died in protecting the Clarkson's. Pero kahit kailan ay hindi niya nagawang magalit o magtanim ng sama ng loob sa mga 'to. Dahil desisyon ng mga magulang nila na tulungan ang mga 'to.

"At ngayon, pati ba naman ang lalaking nagustuhan ko ay aagawin mo rin? Hindi ka pa nakuntento sa kung anong mayroon ka. Pati ba naman si Gino ay ikaw rin ang gusto?" Althea took a knife from her waist and was about to aim it to her when she felt a bullet shot on her leg.

Nang dahil dito ay nabitiwan ni Althea ang kapatid. Napatingin siya sa binting tinamaan ng bala at may umaagos ng dugo mula ro'n. She chanted a spell for it to be healed.

"Athena!" Mabilis na dinaluhan ni Gino si Athena na halos hirap pa ring makahinga.

Althea glared at the two of them. Buong buhay niya ay ginawa niya ang lahat para siya naman ang mapansin at mahalin. Naging mabait na witch, anak at kapatid siya. Pero sa kabila ng lahat ng 'yon ay tila wala pa rin 'tong silbi.

That experience turned her to be a monster. At wala siyang ibang sinisisi kung hindi ang kapatid at ang mga Clarkson.

"Kung hindi ka rin naman mapupunta sa 'kin ay sisiguraduhin kong hindi rin kayo magiging masaya. Pero bago ko kayo tapusin, let me tell you a story first."

Tumayo si Althea at nagpaikot-ikot pabilog sa kanila, habang iwinawasiwas ang hawak na kutsilyo. Tila hindi naman nito iniinda ang sugat na natamo na unti-unti na rin namang naghihilom nang dahil sa spell na ginamit niya.

"No'ng gabi na dapat magkikita kayo sa cottage ay hindi si Athena ang nakasama at nakatabi mo, Gino. Kung hindi ako." Napahalakhak 'to na tila nababaliw.

Napakunot noo si Gino habang inaalala ang mga nangyari. "What are you talking about?"

Si Athena naman ay tila naguguluhan. Hindi nga siya nakapunta ng gabing 'yon dahil bigla niyang nakalimutan ang usapan nila. That's the reason why she said sorry to him a while ago.

"I pretended to be Athena. Ginaya ko ang mukha niya. At habang nag-iinuman kami ay may inilagay akong kaunting spell sa inumin niya. Alam ko na hindi tuluyang gagana ang kapangyarihan ko sa kanya. Kaya saglit lang niya 'tong nakalimutan. Pero sapat na ang ilang oras na 'yon para magawa ko ang gusto ko. Then, boom! Something happened to us. You know what, it is one of the memorable night of my life." Napaupo si Althea para maging magka-level ang mukha nila ni Gino, bago marahang hinaplos ang pisngi nito.

But Gino harshly swatted her hand away. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Kaya pala. Kaya pala tila iba ang kinikilos nito ng gabing 'yon dahil hindi pala ang babaeng mahal niya ang nakasama ng panahon na 'yon!

"Well, I guess, this is goodbye." A ball of fire started to form in Althea's hands and was about to throw it away to the man he loves and to her sister.

Pero nagulat siya nang mawala ito pagkabato niya. Doon niya lang napansin ang maliit na barrier na nakapalibot sa dalawa. At nanghihinang nakatayo mula sa loob ang kapatid.

Alam niya na kahit papaano ay umabot pa rin sa mga ito ang impact ng ginawa niya. Pruweba ro'n ang pagkakabagsak ni Gino sa sahig at ang maliliit na sugat sa iba't ibang parte ng katawan ni Athena.

She was about to throw another ball of fire when she felt their presence from afar.

She cast a spell and Athena did the same. She was trying to break the barrier and an evil smile formed on her lips when she succeeded. Ngayon niya napapatunayan sa kapatid na nahigitan na niya 'to.

Tumalsik 'to malapit sa kinaroroonan ni Gino na ngayon ay sobrang nanghihina na rin.

Nang maramdaman na malapit na sa direksyon nila sina Kyle ay agad niyang dinaluhan ang kapatid at nagpakawala ng isang pekeng luha.

Naguguluhang nagkatinginan sina Athena at Gino. They were both thinking about what will be Althea's next move.

"Kuya! Athena!" Nicole shouted the moment she saw her brother lying on the ground.

"What happened here?" Kyle asked.

Nagpatuloy naman ang pag-agos ng pekeng luha ni Althea mula sa kanyang mga mata. Nagpababa si Nicole at nanghihinang dinaluhan ang Kuya nito.

"Si... Si Steph! She did this to them. She is the traitor! Vince is after her right now!" Althea screamed while sobbing. Halata sa mukha nito ang magkahalong galit at pag-aalala.

Saglit na natigilan ang dalawa. Tila bombang sumabog sa harap nila ang sinabi nito.

Althea mentally smirked. She never thought that she can be a good actress.

Gino and Athena want to shook their head and object. Pero tila may kung anong pumipigil sa kanila para gawin ito.

And right at that moment, Athena knew that Althea was using a dark spell. At hindi nito magagawa ang bagay na 'yon ng wala ang tulong ng isang black witch.

Damn! Her sister is using one of the forbidden spell. Whatever she does, she can't uncast the spell.

"Y-Yes. She is telling the truth. Umalis na kayo N-Nicole. H-Hindi dapat nila kayo maabutan. Isama n'yo si Althea. W-We can manage it here." Pati si Gino ay hindi makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. He is under control of something. Kabaliktaran ng gusto niyang sabihin ang nasasabi niya.

Sunod-sunod ang iling na ginawa ni Nicole. Hindi niya magagawang iwan ang Kuya niya ro'n.

"Take my hand," madiing utos ni Kyle sa kanya.

Ayaw sana 'tong kunin ni Nicole pero nang marinig niya ang nagsusumamong boses ng Kuya niya ay mabilis niyang inabot ang kamay ni Kyle na nakalahad sa kanya.

She doesn't want to leave them behind. Pero hindi rin niya palalampasin ang nangyari rito.

She will surely kill the master mind of this war whoever it is.

"We are running out of time. Kailangan na nating makaalis dito bago pa nila kayo maabutan. I can open a portal where you can hide," Althea said and Kyle nodded.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Althea habang dahan-dahang binibitiwan ang kapatid na tila isang mabigat na desisyon ang iwan niya ito.

Lihim na nginisihan niya ang mga ito. And before she turned her back at them, she filled the whole area with barrier, so that no one can go before them.

Nanlulumong sinundan ng tingin ni Athena ang tatlo hanggang sa mawala ito sa kanilang paningin.

Ramdam din niya ang pagkawala ng epekto ng dark spell dahil wala na ang kumokontrol dito.

Dali-dali siyang tumayo. She chanted a spell and tried to break the barrier with all her strength. Pero napaatras na lang siya nang maramdaman na tila napaso siya sa pagkakadikit dito.

"A-Athena..." natigilan si Athena at do'n lang niya naalala si Gino. Mabilis niya itong pinuntahan at inalalayan makatayo.

"We need to go after them," Gino said in an audible whisper.

Athena sighed heavily. "Masyadong matibay ang barrier. Even a spell can't break it. Only someone with too much power can break it."

With that, they were about to lose hope. Pero unti-unting nabuhayan ng pag-asa si Athena nang matanaw ang mga royalties na tumatakbo sa direksyon nila.

"Si Althea. She's the traitor!" Steph said and Athena just nodded. Muling may tumulong luha sa kanyang mga mata.

"Yes. And she's with Kyle and Nicole right now. We need to go after them. But the barrier..." she trailed off and took a glance at the barrier.

"Don't worry. We can manage." Saglit na ibinaba ni Kira si Mikan at humilera kasama sina Steph, Vince, Miley, Rei at Hiro sa tapat ng barrier.

"Too much power," Gino said and reached for Athena's hand.

Napangiti naman ito. "Well, I guess, having three purebloods, two royal bloods, two protectors and a witch here is beyond too much."

Nakihilera na rin silang dalawa. They all looked to each other and do the needful. Eight different kind of powers, strength and weapons has been combined and the strong force created a big impact.

HINDI ALAM ni Nicole kung saan sila pupunta. Nandito na sila sa tabing dagat at tumatakbo. Nasa bandang dulo na sila ng isla at malayo na mula sa mga kasamahan nila.

Mahigpit na nakahawak sa kamay niya si Kyle. Habang nauuna naman si Althea.

The scene is familiar to her. Then suddenly, something struck her. Ito ang isa sa mga eksena na napapanaginipan niya bago ang graduation nila.

"We shouldn't run. We have to face them," sigaw ni Nicole kay Kyle.

Napailing naman ito. "No! I won't let them take you away from me again. Don't worry, I'll just make sure that you are safe before I face them," mariing sabi nito at mahihimigan ang pagbabanta sa bawat salitang binigkas kaya hindi na siya muling umimik pa.

Isa pa ay wala na rin naman siyang lakas para tumutol pa. Kahit pa gulong-gulo na siya sa mga nangyayari.

Natigilan naman si Nicole nang may maramdaman na tila tumusok sa tagiliran niya. Dahil do'n ay biglang nanghina ang tuhod niya. She just can't run any longer. Nanlabo rin ang paningin niya.

"Nicole! Shit!" Mabilis siyang dinaluhan ni Kyle at nanlilisik ang nga matang tinanggal nito ang kutsilyo na nakatusok sa tagiliran ng dalaga.

"Where the hell does this come from?"

Halos mabingi naman sila sa lakas ng impact ng kung anong sumabog. Napaangat sila ng tingin at para bang galing 'yon sa pinag-iwanan nila kina Athena.

"Converted vampire," Althea said and who is now fighting with the converted vampire who throw the knife to Nicole. Nagpakawala siya ng malakas na enerhiya mula sa kanyang mga kamay at binaon ito direkta sa puso ng kalaban.

Nang dahil sa sinabi niya ay mas nakuha ni Althea ang atensyon ni Kyle. Alam niyang nasira na ng kapatid at ng mga royalties ang barrier na ginawa niya. Kaya kailangan na niyang magmadali.

Nang matalo na ang kalaban at unti-unti ng humilom ang sugat ni Nicole ay muli 'tong binuhat ni Kyle. Mas tinalasan na niya ang pakiramdam sa pagkakataong 'to at nagsimula na ulit silang tumakbo.

Si Nicole naman ay hindi mapalagay sa kanyang nararamdaman. Tila ba may kakaibang epekto ang kutsilyong tinusok sa kanya kahit na ba naghilom na ang sugat niya. Ramdam niya na may kung anong kumakalat sa buong katawan niya.

Napatigil naman sa pagtakbo si Kyle nang huminto rin si Althea. Nasa bukana na sila ng kagubatan.

"We're here," Althea announced.

Pilit inaaninag ni Nicole ang ginagawa nito, na kasalukuyan namang nagbubukas ng portal.

"Let's go," Althea said.

Pero hindi natinag si Kyle sa kinatatayuan nito na ipinagtaka ni Althea.

"Kyle? Let's go! Kailangan na natin mailayo si Nicole rito." Althea walked near them with a worried expression.

Kyle shook his head. Kahit si Nicole ay kanina pa naguguluhan sa mga ikinikilos nito. Alam niya na marami 'tong hindi sinasabi sa kanya. And she hates it.

"Hindi ko akalain na sa lahat ng pinagkatiwalaan namin ay ikaw pa pala ang tatraydor sa 'min."

Parehong natigilan sina Nicole at Althea nang dahil sa sinabi nito.

"Kyle!" Nicole shouts at him. Naguguluhan na talaga siya. Sino ba talaga ang totoong traydor?

Everyone is a suspect. Kahit sila ni Kyle ay hindi exempted ro'n.

Hindi lang niya lubos akalain na aabot sila sa sitwasyon na magtuturuan ang bawat isa.

"What? Hindi ba't sinabi na nga namin sa inyo na si Steph ang traydor? Why are you accusing me things I didn't know," maluha-luhang tugon ni Althea. Pero sa loob-loob nito ay nanggagalaiti na siya dahil hindi niya nagawang papasukin sa portal ang dalawa.

And the fact that Kyle caught her.

Kyle shook his head. "You can't fool a Clarkson, Althea," may diin nitong sabi. "Sa totoo lang ay matagal na kong may napapansin sa 'yo." He paused and waited for her reaction.

Pero magaling talaga magtago at magpanggap ng emosyon si Althea.

"W-What do you mean?" Althea let a tear fall from her left eye.

Kyle's aura darkened. His eyes are now burning in red and his fangs are in its full length.

"The way you look at Athena. It's different. Hindi mo siguro napapansin. Pero sa tuwing magkakasama tayo ay nahahalata ko 'yon. Para kang may galit at inggit sa kanya na hindi ko maintindihan. Bukod ro'n ay madalas ka ring biglang nawawala. When everyone is already asleep, or you think it is, I usually caught you going out. Lalo na no'ng nag-overnight kayo sa mansyon bago ang graduation. And guess what? Hindi lang pala ko ang nakapansin no'n."

Ramdam ni Nicole ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Kyle. At kahit nanghihina ay pilit pa rin niyang iniintindi ang mga sinabi nito.

"Because that night, Steph and Vince caught you as well. Hindi ko lang sigurado kung may iba na rin ba silang nahalata sa 'yo. Pero nakita ko na sinundan ka nila no'n. Kaya hinayaan ko na lang."

Nicole is trying to remember what happened the night. At ngayon lang niya naalala na naalimpungatan nga pala siya no'ng panahon na 'yon at nakita niya ang papaalis na pigura nina Vince at Steph.

Althea smirked. "You know what, you are indeed a Clarkson."

Kyle smirked at her as well. "I really am. Kaya lang naman ako sumama sa 'yo rito ay para tuluyang makumpirma ang hinala ko. And you don't fail me."

Nagsukatan sila ng tinging dalawa. Kyle was then about to turn and walked away when someone suddenly appear in front of them.

"Hanggang diyan na lang kayo."

Ramdam ni Nicole ang pagbigat ng hininga ni Kyle nang may biglang sumulpot sa harap nila.

Pilit nitong inaaninag ang mukha ng kung sino man na nakaharang sa kanila. Pero tanging ang ngisi lang sa mga labi nito ang nakikita niya.

"Hans Croven," Kyle whispered.

Nicole gasped upon hearing that name. For the very first time this day, anger consumed her heart.

"Carl Thompson. Oh. Or should I say, Kyle Ethan Clarkson now." Hans grinned.

Mula sa binuksang portal ni Althea ay lumabas ang limang converted vampires. Pero iba ang hitsura ng mga ito sa mga naunang sumugod sa kanila kanina. Dahil tila kalahating lobo at bampira ang nasa harap nila ngayon.

Bigla ring lumitaw sa tabi ni Althea si Victoria. Of course Kyle knew her. Hindi na siya nagtataka na kumampi ito sa kalaban dahil isa rin 'tong tuso pagdating sa kapangyarihan.

Tila isang army ang nasa harap ngayon ni Kyle. Pero hindi siya pwede magpatinag. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para lang maprotektahan ang babaeng minamahal.

"Kuya!"

"Kyle!"

Tila nabuhayan naman ng pag-asa si Kyle nang dahil sa narinig.

They are here. Magsisimula na ang tunay na laban.

SA ISANG banda ay sabay-sabay na humilera sina Miley at ang iba pa. Sakto lang ang dating nila dahil tila hindi pa nagsisimulang maglaban ang mga ito. Masama ang tinging ipinupukol nila sa mga ito, lalo na kay Althea na nakangisi sa kanila ngayon. Gone is the sweet and bubbly Althea they know.

Nagsimula na ring humaba at tumulis ang mga kuko ni Kyle. Dahan-dahan naman nitong inilapag si Nicole sa kanyang likod.

"Just sit back and relax, babe. I can handle this."

Gusto pa sana tumutol ni Nicole. Pero tila may nararamdaman na siyang kakaiba sa sarili niya kaya natahimik na lang siya.

Iba ito kumpara sa naramdaman niya kanina.

Alam niya na sa loob lamang ng ilang minuto ay magagawa na rin niyang tulungan si Kyle. That thought made her smile.

Kyle's eyes are now bloody as hell. Nag-uumbukan na rin ang mga ugat nito dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman.

"Let's end this battle now, Hans. And this time, it will be sure."

Tumango naman ang nakatatandang Croven na hindi mababakasan ng pagkatakot.

"Let's see."

Hindi nagtagal ay nagsimula ng magtakbuhan ang dalawang panig patungo sa direksyon ng bawat isa.

Gino was about to help Athena, who goes directly to her sister. Pero binigyan siya nito ng isang makahulugang tingin at agad naman niyang naunawaan ang gustong iparating nito.

He nodded and before he turned away, he kissed her forehead. "I love you."

Tila biglang nanumbalik ang lahat ng lakas ni Athena nang dahil sa narinig at ginawa nito. "I love you too."

Mas lalo namang lumaki ang galit na nararamdaman ni Althea sa kapatid nang dahil sa nasaksihan niya. Maybe it's their tactic.

But hell, she won't let her emotions to be an obstacle to her plans right now. Hindi siya umabot sa kung nasaan siya ngayon para lang mabalewala ang lahat ng mga pinaghirapan niya.

Athena faced her sister. She started to concentrate and form an aura of an electric ball on her palm.

While Althea is doing the same, a ball of fire is now starting to grow on her hand, ready to be thrown away any moment.

This fight is between the two princesses of the white witch clan. Althea leaves Athena with no choice. Isa lang sa kanila ang dapat na matira sa gabing 'to.

They both smirked to each other and started their duel.

Gino then runs towards Miley, Kira and Mikan's direction. They are fighting Victoria, the black witch.

"Mikan, just stay still. Wag ka ng lumaban. Your wound just might get worse," Gino shouted to wherever Mikan is.

Hindi niya to nakikita dahil ginagamit nito ang suot na bracelet. Pero alam niya na patuloy pa rin 'tong lumalaban dahil may mga balang tumatama kay Victoria mula sa kung saan. Pero kahit gano'n ay malala pa rin ang tama nito. Mawawalan na ng silbi ang bracelet kapag tuluyan itong nanghina.

But he didn't receive a response. Kaya naman ay napailing na lang siya at kinuha ang baril na nakasabit sa bewang niya. Iilan na lang din ang bala niya kaya kailangan niya 'tong magamit ng tama.

This is a four versus one fight. Pero alam nilang hindi rin magiging gano'n kadali ang laban na ito dahil isang black witch na maraming alam tungkol sa mga dark and forbidden spells ang kalaban nila.

Kira is using his teleportation ability to get Victoria. Pero tila isa 'tong abo na bigla na lang nawawala. Nagkalat ang ilusyon nito at alam nilang tahimik lang 'tong nanonood sa paligid.

"Mukhang pinapagod niya lang tayo. We need to captive the real her," Miley shouted while fighting with the other illusions.

Pero natigil sila nang biglang may humagis na kutsilyo sa kung saan. Doon biglang lumitaw si Mikan at nakatusok na ang kutsilyo sa bandang puso nito.

"No!" Miley shouted.

Sa isang iglap ay nasa harapan na nila si Victoria na malademonyong humahalakhak. Lalapitan din dapat sila nina Kira at Gino pero napahinto ang dalawa ng tingnan sila nang matiim ni Victoria.

"Ah!" Kira and Gino shouted in unison. Pakiramdam nila ay tila tinatangay ang mga katawan nila sa ibang lugar.

Miley was stunned for a moment. Hindi siya maaaring magkamali. Victoria is using a forbidden spell.

Banishing.

It can cast someone out and forbids it in returning back.

And she won't let that to happen.

Miley stood up and concentrate. She's trying to control Victoria's mind. That's why Victoria got distracted.

Utak sa utak ang labanan.

Because Victoria is now using an audible inundation. She is distracting Miley's mind with voices.

Pero dahil din do'n ay tuluyan ng nawala sa konsentrasyon si Victoria sa pagpapatuloy ng spell niya kina Kira, kaya agad na nakatakas ang mga ito at dali-daling pumunta sa direksyon niya para umatake.

Kaya lang bago pa man nila magawang makalapit ay kusa ng sinaksak ni Victoria ang sarili. Miley overpowers her.

"You don't mess with a Clarkson," Miley said while watching Victoria dying slowly.

Magkakasama namang hinarap nina Steph, Vince, Rei at Hiro ang limang converted vampires. Alam nila na higit ang lakas nito kumpara sa mga unang sumalubong sa kanila dahil sa aura at hitsura nito.

Steph keeps on shooting. Pero ng dahil sa liksi ng kalaban kumilos ay wala ni isang bala ang tumatama rito. Paubos na rin ang bala niya. Mabuti na lang at may nadala rin siyang daggers at kutsilyo.

Hiro keeps on chasing for the two converted vampires. Naabutan niya ang isa at malakas itong hinagis sa isa pa, dahilan para pareho itong bumagsak sa lupa.

An aura is now forming around his fist. He runs using his vampire speed and throw the balls directly to their heart. Dahil sa sobrang lakas nito ay tumagos ito sa isa pa.

Vince is trying to control and lift up the converted vampire in front of him. But it's too strong that it manages to fight with it.

Pero hindi nagpatalo si Vince. By using his mind, he controls all the rocks around him and throw it away to the enemy.

Pero hindi lang 'yon basta-basta na mga bato. Dahil napapalibutan ito ng kakaibang klase ng aura na sa oras na tumama sa 'yo ay mapaparalisa ka hanggang sa unti-unti ka ng mawalan ng malay.

The enemy kept on running, avoiding all the rocks that has been following him. Pero wala na itong nagawa nang mapalibutan na ng mga naglalakihang bato. Vince grab the chance and throw it all away to him, crushing his every fibre.

Nagkalasog-lasog ang katawan nito hanggang sa unti-unting naging abo.

Sa kabilang dako ay nagagawa namang iwasan ni Rei ang bawat pag-atake sa kanya ng kalaban, dahil sa nakikita niya agad kung saan siya nito aatakihin.

Ngayon lang gumana ang ganitong abilidad niya. Madalas kasi ay pasulpot-sulpot lang ang vision niya at hindi ganito na patuloy niyang nakikita ang mangyayari sa nagiging laban niya.

Sa muling pag-atake ng kalaban ay napayuko siya at iwinasiwas ang paa sa tuhod nito, dahilan para mawalan ito ng balanse. Pagkatapos ay mabilis siyang umikot sa likod nito at sinampahan.

"Die now," she said and with a fast move, she managed to turn around its head with her right hand and grabbed its heart with her left.

"Easy." She smirked.

While Kyle keeps on throwing a ball of fire to Hans. Pero tila balewala lamang nitong iniiwasan ang bawat pag-atake niya.

Natigilan naman siya nang bigla niyang maramdaman ang hininga nito sa leeg niya.

"Ito lang ba ang kaya mong gawin, Clarkson? Huwag mo naman sana akong biguin," Hans said while shooking his head. Hinawakan siya nito sa magkabilang kamay at tila laruan na inihagis sa kung saan.

Tumama ang likod ni Kyle sa isang puno. Dahan-dahan naman siyang tumayo at ngumisi. "Warm up pa lang 'yon."

Hindi na nabigla si Hans ng sa isang iglap ay si Kyle naman ang nasa likod niya. Mahigpit nitong ipinulupot ang kamay sa kanyang leeg.

"Sisiguraduhin kong hindi na muli tayo magkikita sa hinaharap, dahil tatapusin ko na ang lahat ngayon." Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Hans. Hindi man niya nakita ang buong pangyayari no'n ay hindi pa rin ito makakalampas sa paniningil niya sa ginawa nito sa kanilang pamilya.

"Huwag kang magsalita ng tapos at baka bumaliktad ang sitwasyon." Marahas na inalis ni Hans ang kamay ni Kyle at tila isang magaan na bagay niya nitong ibinalibag.

Hindi agad nagawang makatayo ni Kyle dahil bigla naman siyang sinipa ni Hans na parang bola.

Malayo ang narating ni Kyle dahil sa lakas ng pagkakasipa sa kanya. He looked around. Everyone is busy fighting.

Hindi naman niya ininda ang sakit na nararamdaman. Tumayo siya at tumingin sa direksyon ng dagat. He gathered all his strength to make it go up, with the wind twirling around on it.

Nanlilisik ang kanyang mga mata, habang iwinawasiwas ang kamay papunta sa direksyon ni Hans. Tila isa itong ipo-ipo sa patuloy nitong pagbulusok patungo sa kalaban.

Pero naikuyom na lang ni Kyle ang kamao nang makitang balewala lang dito ang kanyang itinira. Doon din niya napansin ang napakalaking barrier na nakaharang kay Hans at hinihigop nito ang kapangyarihan niya hanggang sa unti-unting nawala.

He didn't see it coming. Napapaisip siya kung paanong nagkaroon ng gano'ng klase ng pananggala ang kalaban.

Kung patuloy lang na gano'n ang mangyayari ay mababalewala lang ang lahat ng ititira niya rito.

He is thinking of an alternative plan when he felt something different around him. Naramdaman din ito ng iba pa at natigilan sila sa kani-kanilang mga laban nang dahil sa kakaibang lakas ng aura na umiikot sa paligid.

Na kahit si Hans ay nagawang mapaatras nang bahagya.

Lahat sila ay unti-unting napatingin sa direksyon kung saan iniwan ni Kyle si Nicole. Then there they all saw her slowly standing.

Maputla na ang kulay ng balat nito. Maging ang kulay ng buhok nito ay nag-iba. It turned to color ash gray and it became more lively.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ni Kyle nang dahil sa nakikita. His princess is really back.

The pureblood princess is indeed back.

Nicole suddenly felt much so power right now, compared to what she felt when Eclipse came. Sa sobrang lakas nito maging siya ay hindi sigurado kung makakaya niya ba itong kontrolin.

Dahan-dahan siyang napaangat ng tingin. She can feel that her fangs are now in full length, while her eyes already turned to red. Pakiramdam niya ay ngayon pa lang siya tuluyang nakabalik.

And she love the feeling of it.

Nagsimula na siyang maglakad. Ang lahat ay pigil ang hininga at nakatutok sa bawat pagkilos niya.

Tumigil siya sa tabi ni Kyle na nakangiting nakatingin sa kanya. They both looked and nodded to each other. Tila nagkakaintindihan na ang kanilang mga tingin.

Sabay silang tumakbo sa magkabilang direksyon papunta kay Hans. They both threw a dagger towards his direction. But the momemt it touched the barrier, it just returned back to them.

Nagawa naman nila itong iwasan at mabilis na inipit sa pagitan ng kanilang mga daliri.

Kyle looked at Nicole's direction. Napangisi na lang siya nang mabasa ang nasa isip nito.

Alam niyang manghihina siya sa gagawin. Pero kailangan niyang gamitin ng isang bagsakan ang buong kapangyarihan niya at hinihiling niya na sana ay magtagumpay ito.

Kyle stopped for a moment as he summoned the four elements. He formed a ball of fire, a large wave of water, a group of rocks and a twirling wind. He swayed his hand and in an instant, the elements goes to four directions.

But it only aims to him, Hans Croven.

Samantala, nabahala naman si Hans sa kanyang nakikita. Oo at kayang higupin ng barrier na gawa niya ang kahit na anong tatama sa kanya.

Pero sa oras na masobrahan ito ay hindi imposible na masira ito. But he won't let Nicole and Kyle know it.

Si Nicole naman ay bahagyang napaupo at inilapat ang kanyang mga kamay sa lupa, habang naghihintay ng pagkakataon.

Napangisi siya ng sa pagsabay-sabay na atake ng apat na elemento ay tuluyan ng nasira ang barrier nito.

Si Kyle naman ay nanghihinang napaupo. Lahat ng sobra ay may limitasyon. Napatingin siya kay Nicole.

Malaki ang tiwala niya rito.

Hindi naman nagpasindak si Hans nang dahil sa nangyari. Mabilis siyang tumungo kay Nicole at nagpakawala ng sunod-sunod na suntok.

Habang si Nicole naman ay tila balewala lang na iniiwasan ang mga ito. Mabilis ang kanyang mga mata at agad na hinuli ang kamay nito.

But Hans managed to slip his hand off her grip. Mabilis siyang umikot at sinipa si Nicole na bahagya lang napaatras.

"Is that all you got?" Nicole smirked and this time, she is the one throwing the punches.

Nagpatuloy lang ang labanan nila. Halos pantay lang kung titingnan ang estado nila at pareho pang nakangisi. Hindi mo sila makikitaan ng pagkapagod at pagkahingal.

Nagpakawala ng kulay itim na bolang apoy si Hans at itinapon ito kay Nicole. Mabilis naman itong nakaiwas pero hindi niya inaasahan na babalik ito sa direksyon niya kaya napasigaw na lang siya nang maramdaman ang pagtama nito sa likod niya kaya bumagsak siya sa lupa.

"Nicole!" Kyle was about to run towards her, but she signaled him to stop.

Dahan-dahan niyang inilapat ang kamay sa lupa. Hans took the opportunity to attack her again. When suddenly, a loud crack filled the whole area.

Natigilan ang lahat. They all looked around.

"Ate stop the time for them," Miley said with amusement in her eyes.

Ibinuka naman ni Nicole ang palad. Mayamaya pa ay tila may hanging unti-unting naipon dito.

And the moment she throws it around, Hans and its ally instantly vanished from the wind.

Unti-unting napaupo sa sahig si Athena. Hindi na niya nagawa pang pigilan ang pagtulo ng mga luha niya.

Mabilis naman siyang dinaluhan ni Gino at mahigpit na niyakap. "It's okay, love. Everything will be fine now."

Kyle runs towards Nicole's direction as well. "You are really back."

Tinanguan naman siya nito at mahigpit silang nagyakap.

It is now over. Totally over.

"Ate..."

Napahiwalay naman sila sa isa't isa nang marinig niya ang pagtawag ni Mikan sa kanya.

Napalingon siya rito. Pero hindi ito sa kanya nakatingin kaya sinundan niya ang tinitingnan nito.

She gasped and covered her mouth with her right hand in disbelief. Ngayon lang niya napansin na nando'n pala si Mikan.

"She's... She's dead," Miley informed in between her sobs.

Napaluhod naman si Nicole at hindi na niya napigilan pa ang pag-iyak. She held Mikan's hand and lifted it on her cheek.

Then suddenly, something hit her.

"Help her, please."

Tila bomba na sumabog sa kanya ang nga salitang 'yon ni Dave sa panaginip niya.

Ngayon niya lang lubos na naintindihan ang gusto nitong sabihin.

He want her to help his sister.

"I can still save her," Nicole said while wiping her tears away. Natahimik naman ang lahat at nagkatinginan.

Agad na napailing si Kyle. Alam niya ang tumatakbo sa isip ng kasintahan.

"You can't right now. You just been converted."

Nakagat ni Nicole ang ibabang labi. Hindi pa nga pala pwede. Hindi rin pwede si Kyle dahil ilang buwan pa ang kailangang lumipas bago ulit ito makakapag-convert.

But she almost held her breath when Miley stepped in.

"Miley?" she asked out.

She smiled at her. "I'll do it."

Agad na nataranta si Rei. "Wait! Are you sure?"

Napatango naman ito sa kanya. "Yes."

Nagkatinginan muli silang lahat, bago napatango. Kahit si Kira ay nakasuporta lamang sa kung ano ang gagawin niya.

Dahan-dahang yumuko si Miley sa leeg ni Mikan at muling lumabas ang kanyang mga pangil.

Chapitre suivant