Chapter 47 | The Untold Truth
King Zach's POV
Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa bulwagan ng palasyo at nagpupulong, kasama ang pinuno ng samahan ng mga vampire hunters at protectors. Pati na rin ang mga Parker's.
"So, do you really think that the plan will work? What if we failed? Don't we have any other option?"
Lahat kami ay napatingin kay Nick, ang pinuno ng mga vampire hunters.
I suddenly remember the day when we approached him to ask for help. He's hesitant at first and thinks that it's just a trap for us to kill their kind. They're the Vampire Hunters and there's no exception to them, even the royal family and the purebloods.
I suddenly felt relief when Kyle manages to explain them everything. Though he said that he will not do it to help us, but for the sake of the human's.
And we, on the other hand, understand that.
"No worries. I assure you that it will work."
Napasandal ako sa inuupuan ko at napaisip. Hindi na dapat maulit ang mga nangyari mula sa nakaraan.
"Alam ba ng mga nakababatang royalties ang tungkol sa kabuuan ng propesiya?" Jacob, the leader of the protectors asked. Siya rin ang personal protector ni Kyle.
That question made me stunned. Napaangat ako ng tingin at ang nag-aalalang mga mata ni Cassandra ang sumalubong sa 'kin.
"No. We did make sure that they will not know about it," she answered.
"Yeah. Tinanggal namin ang pahina na may kinalaman sa bagay na 'yon, bago pa man nila makita ang libro ng talaan," Nathalie Parker added.
Tila nakahinga naman nang maluwag si Nick at napatango. "Good. Mas maigi na nga ang bagay na 'yon. Dahil mas makakakilos tayo ng malaya. You know, the generation nowadays is too aggressive," he explained.
Napahilot ako sa sentido. Gusto ko silang paniwalain na gano'n nga.
But there's no point in hiding. Mas mabuti ng alam nila para maging alerto na rin sila.
I stood up. Lahat sila ay nakakunot ang noong napatunghay sa 'kin. "Not anymore." Bakas sa mukha nila ang pagkagulat.
"W-What do you mean?" Cassandra's eyes widened.
"Mayroon ng nakakaalam sa kanila. Nakuha niya ang pilas na pahina ng magpunta siya rito."
Conrad Parker stood up. "What? Who?"
I looked each one of them before I answered.
"Si Kyle."
-----
Nicole Jane's POV
"Nicole, tara na! Nandito na sila Mommy! Sumunod ka na kaagad," Kuya Gino shouted downstairs.
"Patapos na!" sigaw ko pabalik.
Sa huling pagkakataon ay muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa harap ng salamin at ng makuntento sa nakikita ay malapad akong napangiti.
This was the last time that I will gonna wear this uniform. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon.
I curled my hair and put on a light make up. I also wore a pair of black heeled shoes.
Pati na rin ang protection bracelet ng academy at ang kwintas na ibinigay nila Mommy ay sinuot ko rin. Just like when I first entered here.
"Wow, Ate! You're so beautiful!" Miley said and smiled.
"Buti pa kayo magtatapos na. Samantalang kami may isang taon pa." Rei pouted.
Natawa naman ako. Nilapitan ko silang dalawa na parehong nakaupo sa ibabaw ng kama at niyakap. "Wag kayong mag-alala. Pupunta pa rin naman kami rito para dalawin kayo, eh."
That's true. Napag-usapan na rin naman namin 'yon nina Kyle at ng iba pa.
Pagkatapos naming magdramahan ay sinuot ko na ang graduation gown ko at lumabas na kami ng guest room. Nauna silang dalawa bumaba dahil kasama sila sa mga mag-aasikaso ng graduation event ngayon.
Nakaalis na rin kanina ang iba pa. Matagal daw kasi mag-ayos ang mga babae at ayaw nilang maghintay. Siyempre sino pa ba ang magsasabi niyan? Eh, 'di si Vince.
Habang si Steph naman ay sumama na sa kanila. Sasalubungin daw kasi niya ang Papa niya na maagang dumating. Ayaw pa nga sana niya kong iwan. Pero pinagtulakan ko na siya palabas. Gano'n din naman si Kyle. Darating din kasi sina Uncle Zach at Auntie Cass para pangunahan ang event.
Pababa na rin sana ko ng bigla kong napahinto nang mapansin ko ang nakabukas na pinto sa kuwarto ni Kyle. I don't know why, but I have this feeling that something is pulling me to go inside.
That's why I oblige. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Agad na bumungad sa 'kin ang malinis at maayos niyang kwarto. He was really organize when it comes to his things.
Bukod ro'n ay wala naman akong napansing kakaiba. I think, I'm just wasting my time here. Ako na lang din kasi ang hinihintay.
Paalis na sana ko ng may mahagip ang paningin kong papel na nakausli sa unang drawer ng bedside table niya.
Suddenly, I felt an urge to see what it is. Kaya naman ay tinungo ko 'to at dahan-dahang kinuha. I was about to open the folded paper when someone snatched it harshly from my grip.
"What are you doing here?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang dahil sa lakas ng pagkakasigaw sa 'kin ni Kyle. Halata rin ang galit sa mukha niya dahil namumula na ang kanyang mga mata.
"Sorry. I-I.." wala kong mahanap na salita para sabihin. Ngayon lang niya ko nasigawan ng ganito at nararamdaman kong may mainit na likidong gustong kumawala sa mga mata ko.
I was caught off guard. Why is he acting this way?
Unti-unti namang nawala ang pagkakapula ng mga mata niya at napalitan 'to ng pag-aalala. "Sorry rin. Hindi ko sinasadyang mapagtaasan ka ng boses. Tara na. They're all waiting for us already."
Bago pa man ako makaimik ay nahila na niya ko palabas. Nakita ko pa ang mabilis niyang pagtatago ng nakatuping papel sa bulsa niya.
I looked at the man I love.
Now I wonder, is he hiding something from me?
Maraming tanong ang naglalaro sa 'king isipan pero pinili ko na lang ang manahimik. This day is a special one for all of us. I shouldn't ruin it.
Tatanungin ko na lang siya sa pag-alis namin.
Pagkarating sa function hall ay ayos na ang lahat. Nakita ko sila Mommy at Daddy na nakaupo na sa kani-kanilang mga upuan, kasama sina Kuya at ang Stanford sisters. Pati na rin si Uncle Jacob na Papa ni Steph.
Pero wala pa rin ang parents nina Kira, Hiro at Vince. If I am not mistaken, they're too busy in Romania. At naiintindihan naman ng mga kaibigan ko 'yon. Well, they are mature enough already.
Pero sana kahit gano'n ay nagawa pa rin nilang makapunta sa special na araw na 'to ng mga anak nila.
Naupo na kami sa hilera ng mga upuan sa bandang unahan dahil kasama kami sa awarding. Nandito na rin sina Kira, Hiro, Vince at Steph, na pawang mga nagkukulitan.
"Congratulations sa 'tin!" Kira said when we came near them.
"Yeah. Congratulations!" I beamed at him.
Nang makaupo ay napadako ang tingin ko sa stage at do'n ko lang napansin sina Uncle Zach at Auntie Cass na masayang nag-uusap.
Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang programa. Pero wala ro'n ang atensyon ko. I am still thinking about that paper.
I looked at the man beside me. Katulad ko ay mukhang malalim din ang iniisip niya.
Hanggang sa mapalingon din siya sa 'kin.
Kyle, please, tell me what's bothering you.
Mukhang nabasa naman niya ang tanong sa isip ko dahil bigla siyang nagulat. Pero agad siyang nakabawi. And his look is telling me that...
Just trust me.
Umiwas na ko ng tingin at napabuntong hininga. Kung anuman ang bumabagabag sa kanya ay alam ko na sasabihin din niya sa 'kin ang tungkol do'n kapag handa na siya.
Pagkatapos ng ilan pang seremonyas ay sinimulan ng tawagin ang bawat isa sa 'min para umakyat sa stage. Habang sina Miley at Reiri naman ay abala sa pagkuha ng mga litrato. I am pretty sure that they can manage to handle the academy on their last year.
Nang matapos ay sunod namang tinawag ang mga may parangal. Ang mga kasama sa Rank 10.
"For the 8th rank, Mr. Hiro Collins."
Ngingisi-ngisi at kakaway-kaway pa siyang tumayo nang tawagin ang pangalan niya. Nagsigawan tuloy ang mga kababaihan sa paligid. Hindi naman nakaligtas sa 'kin ang biglang pagsimangot ni Rei.
This man is such a pain in the ass. Subukan lang talaga niyang saktan si Rei at makikita niya ang katapat niya!
Umakyat na siya sa stage at malawak ang ngiting nakipagkamay sa hari at reyna. I can't help but to look around. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman na magtatapos ang ilan sa eskuwelahan na 'to ng hindi nila nalalaman ang misteryosong nakapaloob dito.
Lalong lalo na ang katotohanan na may iilan silang mga alaalang nabura sa tuwing may hindi magandang insidenteng nangyayari rito sa loob, na kagagawan ng mga bampirang estudyante na hindi makapagpigil sa uhaw nila.
Tutol ako no'ng una sa pagpasok ko rito at sa kaalamang ipinagkasundo ako ng mga magulang ko na ipakasal sa isang nilalang ng hindi ko nalalaman at hindi ko naman kilala.
Pero ngayon ay masasabi kong ang pagpasok ko sa CA ang isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Though I experience too many bad things as well, still, I learned a lot of lessons from it.
Pakiramdam ko ay para na naman akong maiiyak ng maalalang kasabay rin namin dapat siya rito.
I came back to my senses when I heard Kira's name announced. "For the 6th rank, Mr. Kira Hemmington."
I smiled. Masasabing kong proud ako dahil kung nasa anong pwesto man kami ngayon ay hindi dahil sa kapangyarihan na mayroon kami. Kung hindi dahil talagang nagsumikap at nag-aral kami.
Nasa ikalimang puwesto naman si Steph at nasa ikatlo si Vince. Hanggang sa sunod ko ng narinig ang pangalan ko bilang nasa ikalawang puwesto at salutatorian sa buong year level namin.
"Congratulations," I heard Kyle said. Simula ng nangyari kanina ay ngayon na lang ulit siya nagsalita.
I looked at him. "You too."
Pagkaakyat ko sa stage ay kasabay kong naglakad si Mommy na abot tainga ang ngiti. Malugod ko namang tinanggap ang aking medalya at diploma. Ang nakangiting mukha nina Uncle Zach at Auntie Cass naman ang bumungad sa 'kin.
"Congratulations, hija. You made it," bati sa 'kin ni Auntie Cass ng makipagkamay ako sa kanya.
"Salamat po."
Binati rin ako ni Uncle Zach at pareho kami ni Mommy na nagpasalamat sa kanya.
Pagkatapos no'n ay humilera na ko sa tabi ni Steph. Isang pangalan na lang ang hinihintay namin.
"And last but not the least, for the 1st rank and class valedictorian for this school year, it is none other than Mr. Kyle Ethan Clarkson."
Napuno ng masigabong palakpakan ang buong paligid. At halos lahat ng mga estudyante ay napatayo ng marinig ang pangalan niya.
Isang nakangising Kyle Ethan Clarkson ang umakyat sa stage. And I know that right at this moment, the people around us can't help but to be amazed by this changed guy in front of them.
Nakakamangha rin kung paanong mula sa dark aura niya kanina ay napalitan agad 'to ng pagiging maaliwalas ngayon.
I looked at his parents whose proudly staring at their son. Kita ko rin ang saya sa mga mukha nila, lalo na sa kanilang mga mata.
Natahimik naman ang lahat nang magsimula siyang magsalita. "Before I start, I just want to take this opportunity to thank you all for choosing and believing to this academy. Today, we're all gathering to celebrate another milestone and achievements that we have reached. It is not an easy ride. Too many U-turns, obstacles, accidents and bumps that has been happening and we experienced. And yet, we manage to finish the drive and reach the end of the way."
Nakatitig lang kaming lahat sa kanya. Everything falls into place. Sana lang talaga ay makapagsimula na kaming lahat ng panibagong buhay sa paglabas namin ng academy.
"But it doesn't end there. Because it is only the start of the new beginning in a another path. And I know that we will still experience what we have gone through before. But the difference is, we are far stronger by that time." He roamed his eyes around and smiled.
"I know too well that before we leave our Alma matter, we have already learned a lot. Not just in academics. But on how to become a better being, student, friend and colleague that each one of us can rely on. A kind of learning that will never gonna take away with us." He sighed. "I am not going to make this any longer. So, let's all cheers to that and congratulations, graduates. We made it. You made it. I made it."
"We made it!" malakas na sigaw ng mga estudyante bago punuin ng isang masigabong palakpakan ulit ang buong function hall.
Ilang minuto pa ang nagdaan bago tuluyang natapos ang event.
"Kuya! Ate!"
Napalingon kami kina Miley at Reiri na maluha-luhang tumatakbo palapit sa 'min.
"Congratulations!" They both said as soon as they reached us.
"Salamat!" Nag-group hug kami bago pa magkaiyakan.
"Oo nga pala. May sasabihin pala ko. Lalo na po sa inyo," Kira said when we pulled out of the hug. He's now facing Uncle Zach and Auntie Cass seriously.
Gano'n din naman ang 'to sa kanila. So as Kyle.
He looked at Miley and nodded. They held hands. Kasabay no'n ang malakas na pagsinghap mula sa mga kasama namin. Habang ang mga magulang naman nina Miley at Kyle ay napababa lang ng tingin sa magkahawak nilang kamay.
I smiled. Such a brave move, huh?
Kira took a deep breath. I almost laugh at the sight. He looks like he will pass away any minute from now.
"King, Queen, I just want to take this opportunity to confess to you that..." saglit siyang napalingon kay Miley bago muling ibinaling ang tingin sa mahal na Hari. "Miley and I are already together."
Nabalot kami ng katahimikan. Ni hindi ko magawang kumurap dahil ayokong may kahit isang segundo akong mapalampas sa mga mangyayari.
Mayamaya pa ay halos mabingi naman kami sa lakas ng pagkakatili ni Rei. "What? Is this real? Is this real? Ho—" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil tinakpan na ni Hiro ang bibig niya.
"Keep your mouth shut first! Hayaan mo munang makapagsalita ang hari," saway nito sa kanya. Rei just glared at him.
Seryoso lang ang hari at reyna kaya halos pigil ang hininga ni Kira sa magiging sagot o reaksyon ng mga 'to.
Ilang saglit pa ay nagkatinginan silang dalawa at sabay na napangiti, bago tuluyang nagsalita si Uncle Zach.
"Sa totoo lang ay hindi naman na kami nagulat sa bagay na 'yan. Bata pa lang kayo ay nakita na naming pwede kayo humantong sa ganito. It just takes time for the two of you to realize it. And don't worry, because your relationship had our blessings already before it can be started. Wala na kaming iba pang gugustuhin para sa anak namin kung hindi ikaw, Kira. Just promise us not to hurt our princess or else..." may pagbabanta sa boses nito.
Natatawa naman siyang hinampas sa balikat ng reyna.
Mabilis namang napatango si Kira. "Opo, mahal na hari. Hinding-hindi ko po siya sasaktan," Kira said while raising his right hand.
The King patted his head. "Well then, from now on, you may now call me Uncle Zach."
Kira's face brightened. At kita ko rin na halos maluha na naman si Miley nang dahil sa sobrang saya.
Bigla namang nilingon ni Kira si Kyle na matalik niyang kaibigan dahil tahimik lang 'to. "Kyle? How about you?" Alanganin siyang ngumiti at napakamot pa sa batok.
Kyle shook his head while making his way to them. "It's better to be you than anyone else," he said and they do their fist bump.
Napangiti ako. Kira is a good catch. Siya na ata ang pinakamabait na bampirang nakilala ko. And I believe that Miley is in good hands.
Nagkakatuwaan na kami ng si Hiro naman ang biglang nagsalita. "Ako rin may sasabihin!"
That made us turn to his direction. Bigla naman niyang inakbayan si Rei na ikinamula ng huli.
"A-Ano bang ginagawa m-mo?" Pilit na inaalis ni Reiri ang kamay ni Hiro sa balikat niya.
But he didn't budge.
I crossed my arms and rested my head on Kuya Gino's shoulder. This is such a great scene.
"So, a confession, huh?" I heard he whispered and I just chuckled.
Napaisip tuloy ako. Ito kayang Kuya ko kailan kaya may aaminin?
I looked up to him. Just to see him staring at Athena, whose keep on giggling by the scene. I guess, they still need to spend a lot of time to know each other.
Nang mabaling naman ang tingin ko kay Vince ay halos hindi maipinta ang mukha niya.
"Vince, alam kong may usapan ta---" hindi na nagawa pang tapusin ni Hiro ang sinasabi niya dahil sa malakas na suntok na natamo niya mula sa matalik na kaibigan.
Rei gasped. Agad niyang dinaluhan si Hiro at masamang tumingin kay Vince.
"Kuya!"
We are all shocked. Pero wala ni isa sa 'min ang nagtangkang pumigil sa kanila. Napailing na lang ang mga magulang ni Kyle. Habang ang mga magulang ko naman ay napahilot na lang sa sentido nila.
"You deserve it. Sinabihan na kita. Wag ang kapatid ko," Vince said in a dangerous tone.
Rei looked at him in disbelief. "So it's true that you talk to him to stay away from me and made me hate him?"
Vince glared at her. "I just did that for your own sake. I know Hiro too well. He's no good for you."
"Ouch! That hurts a lot man!" Hiro faked a pained expression while his hand is placed on his chest. Tila balewala lang sa kanya ang ginawang pagsuntok ng kaibigan. Sabagay ay sobrang lakas nga rin pala niya. Literal na malakas.
"Pero Kuya!" Rei stomped her foot. Magsasalita pa sana siya ng unahan siya ni Hiro. This time, he is serious. Diretso rin siyang nakatingin sa mga mata ni Vince.
"Well, I am not going to say this to ask for your approval or something. I just want all of you to know, most especially you, that I will court Rei no matter what and make you see that I am no longer that playboy Hiro you know," he said in a sincere voice.
Nanlalaki ang mga matang nilingon siya ni Rei. "L-Liligawan mo ako?" she said in an almost audible whisper.
"Good luck then. Because I am gonna make sure that it will not going to be an easy one for you." Vince smirked.
Bago pa man magkainitan ang dalawa ay pumagitna na si Auntie Cass. "Enough of that! For now, let's go already. Naghihintay na ang sasakyang gagamitin natin."
Oo nga pala. Didiretso na kami sa pagbabakasyunan namin ngayon. Nakaimpake na rin naman ang mga gamit namin kagabi pa.
Pero hindi ko alam kung bakit magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Napatingin ako kay Kyle. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ko o talagang matiim na nakatitig si Kyle at Uncle Zach sa isa't isa. Para silang nag-uusap sa pamamagitan lang ng tingin. Pero agad na nag-iwas ng tingin si Kyle at lumapit sa 'kin.
"Let's go." Kyle held my hand.
Our eyes met. And I am really confused because he is giving me a look as if I will be gone.
-----
Someone's POV
"It's such a nice scene, huh? Well, they may be powerful. But when it comes to love, they became weak."
Napangisi ako nang bigla niyang hawiin mula sa tubig ang imahe ng kaganapan sa academy ngayon gamit ang kanyang kamay. Ang laki na talaga ng ipinagbago niya.
"I will make sure that this will be the last time that they will become that happy."
Nagkibit balikat ako. "If you say so. Huwag kang mag-alala dahil malapit na tayong makasama sa bakasyon nila. That would be the bloody vacation they will ever experience."
Hindi na siya umimik. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya.
I smirked, then glance at the window. Who would have thought that there is a chance for the history repeat itself?
I just can't wait for it to happen. And this time, I'll make sure that the clan of the Purebloods will be wiped out in this world.