Chapter 29 | Surprise Date
"Saan ba tayo pupunta?" kunot noo kong tanong kay Kyle habang binabaybay namin ang daan palabas ng academy.
"You'll see." He smiled and reached for my hand, then squeezed it.
Magsasalita pa sana ko nang bigla kong napahikab. It's just 7am in the morning and I'm still sleepy. Kung bakit naman kasi bigla-bigla na lang siyang pumunta sa dorm kaninang alas-sais para mambulabog at mag-aya umalis. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko pero ang bigat pa rin ng talukap nito.
"Mas mabuti siguro kung matulog ka muna. Medyo mahaba rin kasi ang magiging biyahe natin. I'll just wake you up once we get there."
Napatango na lang ako. Wala rin kasi ako sa mood para makipagtalo pa. May tiwala naman ako sa kanya kahit saan niya pa ko dalhin.
I leaned the side of my head on the window and fell asleep.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Basta nagising na lang ako sa pakiramdam na may tumatapik sa pisngi ko.
"Wake up already, sleepyhead. Nandito na tayo."
I blinked to adjust my sight. Pero nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita kung gaano kalapit ang mukha niya sa 'kin.
"K-Kyle..."
"Hmm? Why, Babe?"
Napalunok ako. Why does his voice sound so husky and sexy?
"Nandito na ba tayo?" Pilit ko siyang nginitian.
Napatango naman siya bago dahan-dahang lumayo.
Sa isang iglap tuloy ay biglang nawala ang antok ko. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at dali-daling tinanggal ang seatbelt ko. Pero nang dahil sa sobrang kaba ay hindi ko 'to mabuksan-buksan.
Napuno ng malakas niyang tawa ang loob ng sasakyan. "You're really cute, Babe. Especially when your blushing and nervous."
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ako na nga riyan." Iiling iling na lumapit ulit siya sa 'kin.
Humalukipkip lang ako at hinayaan siyang tanggalin 'yon.
"There." Nginitian niya ko at napanguso na lang ako sa kanya.
Bababa na sana ko ng bigla naman niya kong pinigilan.
"Wait."
Napamaang na lang ako sa kanya nang mabilis siyang lumabas ng sasakyan at umikot patungo sa puwesto ko.
"Thank you," I muttered when he opened the door and held my hand to assist me to get out of the car. Sa totoo lang ay hindi ako sanay sa inaakto niya ngayon.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at do'n ko lang napagtanto na nasa isang park pala kami. I admit, I didn't expect that he's going to bring me to a place like this. Ang akala ko kasi ay kakain kami sa isang mamahaling restaurant at maglilibot sa mall o kaya ang magmamasid ng isang magandang tanawin.
Nagpahila na lang ako sa kanya nang bigla niya kong hatakin patungo sa iba't ibang stall na nakahilera sa tabi. Nalukot ang mukha ko nang makita ang hindi pamilyar na mga pagkain.
"Ano ang mga 'yan?" bulong ko kay Kyle habang tinuturo ang isang pagkain na tila nakabalot sa isang wrapper at may kung ano sa loob pati na rin ang saging na may stick sa gitna.
He chuckled. "That's what they call turon." Turo niya ro'n sa nakabalot ng wrapper. "And this is a banana cue." Turo naman niya sa saging na may stick.
I pouted. "Are those delicious and safe to eat?"
He laughed out loud that made the other people around us turned to our direction.
"Yeah. Hindi naman kita dadalhin at papakainin dito kung hindi masarap at hindi ligtas kainin ang mga 'yan, eh."
I looked at him in disbelief. Hindi ko inaasahan na ang isang Kyle Ethan Clarkson, na prinsipe ng pinakamalakas na uri ng mga bampira ay kumakain ng mga ganito. I never thought that he's this simple and that made me love him even more.
Gusto kong matawa nang maisip na parang mas tao pa siya kaysa sa 'kin. Saan ka naman kasi nakakita ng bampira na mahilig sa streetfood?
Hindi na lang ako umimik at nagpahila na lang ulit sa kanya. Binilhan niya ko ng banana cue at ng sa pagkakaalala ko ay tinawag niyang kikiam pati fishball. Buko naman ang binili niyang inumin namin.
Grabe. Bampira ba talaga ang isang 'to?
Umupo kami sa isa sa mga bench na nandito at nagsimulang kumain. I can't help but look at him. I was fascinated by the way he ate.
Kinagat ko ang ibabang labi, bago ibinalik ang tingin sa hawak kong banana cue at dahan-dahan 'tong sinubo.
"What can you say?" Kyle asked curiously.
Nagpatuloy lang ako sa pagnguya hanggang sa sunod-sunod na kong napatango at ngumiti. "You're right. Masarap nga."
"I told you."
We ate in silence while swaying our feet. Natawa pa ko sa kanya nang makitang parehong may hawak na pagkain ang dalawang kamay niya.
"Paano mo nga pala nadiskubre ang lugar na 'to? Saka paano ka nagsimulang kumain ng mga ganito?" puno ng kuryosidad kong tanong.
He shrugged. "I love to travel around. At isa ang lugar na 'to sa mga napuntahan ko na nagustuhan ko. I feel so relax every time I'm in here. Lalo na kapag nakakakita ako ng mga batang naglalaro at naghahabulan na para bang wala silang problema." Napasandal siya at napaayos ng upo.
"Napagtanto kong masaya rin palang makita ang mga taong nag-eenjoy sa mga simpleng bagay. Sometimes, it made me wish that I have been just like them too. No complications and expectations to reach. Kahit pa hindi ko naman talaga gustong makihalubilo sa mga tao no'n." He looked at me, then smiled.
"Pasensya ka na kung hindi gano'n ka-romantic ang first official date natin, ah. Gusto ko lang din kasi na maranasan mo rin ang saya at kalayaan na nararanasan ko tuwing nandito ako."
Nginitian ko rin siya. "Aaminin ko na hindi ko inaasahan na maging ganito ang first official date natin. Pero gusto kong malaman mo na kahit saan pa tayo pumunta at ano pa ang kainin natin ay masaya ko basta ikaw ang kasama ko."
We hold hands and intertwined our fingers. A deafening silence came after that. Pareho lang kaming nakatitig sa mga batang naglalaro sa harap namin ngayon.
Hindi ko maiwasan ang mapaisip nang dahil sa sinabi niya. Siguro kung mabibigyan lang siya ng pagkakataon ay pipiliin niya ang magkaroon ng tahimik at simpleng pamumuhay. Pero dahil hindi nga gano'n ang nangyari ay wala siyang ibang magagawa, kung hindi ang tuparin at sundin ang mga tungkulin at responsibilidad niya sa kanilang lahi bilang tagapagmana.
"What the—"
Napalingon ako kay Kyle nang bigla siyang nagsalita.
"Sorry po, Kuya! Hindi ko po sinasadya!" mangiyak-ngiyak na sabi ng isang batang babae habang nakatingin sa damit ni Kyle. Napatingin din ako ro'n at napansin ko ang bahid ng juice na tumapon do'n.
My heart fluttered when Kyle patted the little girl's head. "It's okay, young lady. Nagulat lang ako. Here, I got something for you." He took out some candies inside his pocket and handed it to the kid.
The little girl's eyes twinkled. "Thank you po!"
"You're welcome. Sige na balik ka na sa mga magulang mo. Baka hinahanap ka na nila."
The little girl nodded, then waved a goodbye to us before turning her heels.
"I didn't know that you're fond of kids. As far as I can remember, which you recently told me a while ago as well, you don't want to have any interactions with humans," nakangiti kong sabi sa kanya habang pinupunasan ng tissue ang damit niya.
"Well, yeah. But I didn't say that I hate them." Tumayo na siya at inilahad ang kamay sa harap ko. "Tara na. Baka hinihintay ka na nila."
Naguguluhan akong napatitig sa kanya. "Hah? Nino?"
For the second time on this day, he just said, "You'll see."
-----
His car stopped in front of a church that made me confused. "What are we doing here? You're not allowed to go inside," I stated as if he wasn't aware of that.
"Yeah. Pero ikaw lang naman ang papasok sa loob, eh. I'll just wait for you here. So you better go now. They're waiting."
"Pero—"
"Just trust me."
I sighed and pushed the car door open. The cold air welcomed me and I can't help to embrace myself.
I looked back at him and he just gave me an assuring smile. I just nod at him, then started to walk towards the church. It's been a while since I got here.
Hindi ko alam kung bakit sa bawat hakbang na ginagawa ko ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Na habang papalapit ako rito ay nakakaramdam ako ng magkahalong kaba at excitement.
Napahinto ako sa paglalakad nang marating ko na ang bukana ng simbahan. Halos tahimik ang buong paligid. Ang tanging maririnig mo lang ay ang malakas na pag-ihip ng hangin at ang paglagaslas ng mga dahon. Wala ring gaanong tao rito, bukod sa dalawang pamilyar na imaheng nakaupo sa unahan.
"Mom? Dad?" Those words slipped out of my mouth as a whisper. But it seems like they heard me as they both turned their heads to my direction.
"Finally, sweetie! You're here. Come join us," malakas na tawag sa 'kin ni Mom.
Dali-dali naman akong lumapit sa kanila at mahigpit na niyakap namin ang bawat isa. "I missed you, Mom and Dad," tila batang sambit ko sa kanila. Pakiramdam ko ay maiiyak ako pero pilit ko lang 'tong pinigilan.
"We missed you too, sweetie. Pasensya ka na kung ngayon lang kami nakapagpakita ulit, hah."
Bumitiw na kami sa yakap at mataman nila kong tiningnan.
"Ayos lang po. Naiintindihan ko naman po na sobrang abala kayo sa pagpapatakbo ng negosyo. Pero bakit hindi n'yo man lang po sinabi sa 'kin na dadating pala kayo ngayon?" nagtatampo kong tanong sa kanila.
"It's Kyle's plan. Ang totoo niyan ay wala pa talaga kaming plano na umuwi ngayon. But he convinced us. Kahit sumaglit lang daw kami ngayong weekend dahil miss na miss mo na raw kami. Siyempre gano'n din naman kami ng Daddy mo. That's why we quickly booked a flight after his phone call," Mom explained.
Napatango ako. So it's Kyle's plans. His actions are really unpredictable.
Ilang minuto pa kaming nag-usap. Pagkatapos no'n ay taimtim kaming nagdasal, bago tuluyang lumabas ng simbahan. Agad kaming pinagbuksan ng pinto ni Kyle pagkakita niya sa 'min.
Habang nasa biyahe kami ay panay lang ang kwentuhan ng mga magulang ko at ni Kyle. Ako naman ay nakangiti lang na nakamasid sa kanila.
Pagkalipas ng ilang buwan, sa wakas ay makakauwi na ko sa bahay. Sa Lunes pa naman ng umaga ang flight nina Mama kaya mananatili muna ko sa bahay buong weekend. Napag-alaman ko rin na bukod sa negosyo ay may training din pala silang ginagawa sa ibang bansa kasama ang mga estudyante nilang protectors.
Pagkarating sa bahay ay nauna ng bumaba ang mga magulang ko at nagpaalam na kay Kyle.
"Hindi ka ba papasok?" tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya. "Pero babalik din ako mamayang gabi. Sa ngayon ay gusto kong masulit mo muna ang oras kasama ang mga magulang mo."
"Okay. Salamat Kyle, hah," I said sincerely.
"Anything for my princess." He cupped both of my cheek and kissed my forehead.
Nang makapagpaalam na rin ako sa kanya ay dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay namin. Awtomatiko naman akong napangiti, habang inililibot ng paningin ko ang paligid. The homey feeling felt so good.
Dumiretso ako sa kitchen at doon ay naabutan ko sila Mommy na naghahanda na para magluto.
"So, what's our menu for today?" nakahalumbaba kong tanong sa kanila nang makaupo ako sa stool ng kitchen island.
Saglit akong nilingon ni Mom. "Your favorite." She winked. Natawa naman si Dad kaya hinalikan siya nito sa noo.
Habang pinagmamasdan ko ang mga magulang ko ay saka ko lang napagtanto kung gaano ako kaswerte. I have a loving parent. Pero dahil masyado pang sarado ang isip ko no'n ay hindi ko man lang ito napansin.
Nang matapos sila sa pagluluto ay sabay-sabay na kaming kumain, na bihira lang mangyari no'n. Panay lang ang kwentuhan namin hanggang sa mapagdesisyunan nilang mag-movie marathon naman kami. Pagdating naman ng hapon ay nag-training kami sa likod ng bahay namin. May malawak kasing espasyo ro'n.
"Thank you for this day, Mom and Dad. And sorry for being such a pain in an ass."
Halos maiyak ako nang sabay nila kong niyakap ng mahigpit.
"Don't say that, sweetie. We are the one who needs to say sorry for you. Alam namin na malaki rin ang pagkukulang namin sa 'yo. But we'll do everything we can to make it up for you," Mom said as she caressed my hair.
I smiled and closed my eyes. Life is indeed beautiful and I have a lot of reasons to live.
-----
"What the hell? Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot diyan? Subukan mo naman kayang gumamit ng pinto sa susunod." Napailing na lang ako kay Kyle.
Ngumisi lang siya bago tumalon mula sa bintana. Inilabas niya ang nakatagong kamay mula sa likod at tumambad ang isang dosena ng mapulang rosas sa harap ko. "Flowers for you."
Napakurap ako bago ko 'to tinanggap. "Thanks."
Pero napataas ako ng kilay nang mapansin na nakatago rin 'yong isa niya pang kamay.
Unti-unti naman niya 'tong inilabas at bumungad sa 'kin ang dalawang DVD. "We're going to watch a movie for this night. Alam kong magugustuhan mo 'to."
My eyes twinkled with excitement. It's Breaking Dawn Part 1 and Part 2. Hindi ko pa kasi napapanood ang mga pelikulang 'to.
Ilang sandali pa ay magkatabi na kaming nanonood, habang nakaupo sa kama ko. My head was resting on his shoulder while his arms was wrapped in mine. Medyo pagod na rin kasi ako dahil sa kulitan at bonding namin nila Mommy kanina.
Pagkatapos naming manood ay saktong naghikab ako. Napaangat ako ng tingin sa wall clock at napansing pasado alas-dose na pala ng gabi.
"You better sleep now, Babe. Maaga kang gumising kanina at hatinggabi na rin." Masuyong hinaplos ni Kyle ang buhok ko.
Dahan-dahan akong tumango. "Okay. Thank you for this day, Babe. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya."
"I'm glad that I made my princess happy. Sige aalis na ko. Para makapagpahinga ka na rin."
"Sige. You better go now too."
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagtitigan. Hanggang sa namalayan ko na lang ang mga labi niyang nakadampi sa labi ko.
"I love you," he muttered after the kiss.
I look at his eyes directly. "I love you too."
Ilang sandali pa ay mabilis na naglaho na siya sa harap ko. Humiga na rin ako at pumikit ng may ngiti sa mga labi.
This was indeed a tiring, but a happy day.