webnovel

Chapter 9 | Caught

Chapter 9 | Caught

Miley's POV

''Wag nga kayong magulo riyan! Mamaya marinig at makita pa tayo nila Daddy, eh,'' mahina kong saway kina Rei at Kuya Hiro.

Kanina pa kasi sila nagbabangayan dito sa tabi ko. I don't know what's the problem this time, but they're so irritating.

Palagi na lang silang ganyan. Hindi magkasundo. Dapat pinaghiwalay talaga silang dalawa, eh.

''Really, Miley? Uso naman ang mag-teleport,'' Kuya Hiro said sarcastically.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Talaga namang sumabat pa. Akala mo naman ay uubra ang gano'n kay Dad.

''Oh. I forgot. Ikaw nga lang pala ang makakagawa no'n sa 'tin.'' Nginisihan niya pa si Rei.

Rei just rolled her eyes at him. Napailing na lang ako. Mukhang magsisimula na naman sila.

''As if you can escape Dad just by doing that.'' Napakamot naman siya sa batok nang dahil sa sinabi ko.

Totoo naman kasi. Knowing Dad? No one can escape from him.

''Yeah, right. Goodluck to you then,'' Rei teased him.

Nag-apir pa kaming dalawa at sabay na natawa. Ang malas lang ni Kuya Hiro dahil kami ang nakasama niya ngayon.

''Pero ang galing mo talaga kanina Miley! I hope I have that kind of ability like yours.'' He pouted.

Napasimangot ako. Para talaga siyang bata. I really wonder how he and Kuya Vince became best of friends. Magkaibang-magkaiba kasi sila ng ugali.

Sabagay, kahit pala sina Kuya Kyle at Kira ay magkaiba rin.

I smirked at him. ''Gano'n talaga. We did have different kinds of special abilities. Hindi rin naman biro 'yong kaya mong gawin, eh.'' I cheered him up.

Well, Kuya Hiro's ability is his super strength and speed. Although we all have that kind of ability, he was extremely powerful compared to us.

Kahit nga ang simpleng pagpitik o pagtabig niya sa 'yo ay masasaktan ka na kaagad. Pero nagagawa naman na niyang kontrolin 'yon ngayon para maiwasan niya ang makasakit ng hindi sinasadya.

Actually, all of us can already control our abilities right now. Sabay-sabay rin kaming nag-training. Puwera na lang kung may mga ability pa kami na nakatago.

''I can't relate to your topic,'' nakasimangot na sabi ni Reiri.

I tapped her shoulder and gave her a reassuring smile. ''Don't worry. Lalabas din ang sa 'yo.''

Napatango na lang siya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya natutuklasan ang special ability niya. We're all looking forward to know what it is as well.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Good thing there was no one else here, aside from us.

Sabagay, bihira naman talaga kung may mapadpad sa bahaging ito ng palasyo.

The three of us were here outside the main library. Kami kasi ang inutusan ni Kuya Kyle para magbantay rito.

Bukod kasi sa kakayahan kong manghipnotismo ay kaya ko ring maghatid ng mensahe gamit lang ang isip ko.

I don't know what's the big deal, though. Ano naman kung makita kami nila Dad? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kami pinagbabawalan na pumunta ng library.

But I know that we're both thinking the same thing here. 'Yong tungkol sa narinig naming usapan nila Dad at Mom dati. Bata pa kami ng mga panahon na 'yon pero hindi ko pa rin 'yon nakakalimutan hanggang ngayon.

Although we didn't fully understand all of it. Pero ang pinakatumatak sa isipan namin ni Kuya ay ang tungkol sa isang tao na nakatadhanang maging parte ng angkan naming mga bampira. That we should do anything just to protect that person, and there was a possibility that it's Ate Nicole.

Pero ang hindi namin maintindihan hanggang ngayon ay kung bakit magiging isa siya sa 'min. Pati kung bakit namin siya kailangang protektahan.

Only I and Kuya Kyle knew about this. Balak kasi naming alamin muna ang lahat bago namin sabihin sa iba.

We almost forget about that. Not until now.

Nanatili lang akong nakahalukipkip dito sa tapat ng pinto ng bigla kong mapansin ang pagtahimik ng dalawang kasama ko.

Himala. Anong masamang hangin kaya ang nalanghap nila?

I turned to look at them. ''Hey, what's the matter?'' kunot noong tanong ko sa kanila.

They look so nervous. Para silang nakakita ng multo na hindi ko maintindihan. Seriously, they're creeping me out.

Pansin ko na nakatingin sila pareho sa likod ko. So I turned my back just to be stunned too.

''Dad.'' I bit my lower lip and did the peace sign. Seryoso kasi siyang nakatingin sa 'min. Particularly at me.

Lagot! Mission failed.

-----

Kyle Ethan's POV

I was busy browsing through the shelves here since I don't know how long. Pero hindi ko pa rin kasi magawang mahanap 'yong libro na kailangan ko.

Walang kasiguraduhan na rito ko nga mahahanap ang mga impormasyon na kailangan ko. But there's no harm in trying.

''Masyadong marami ang mga libro rito. Wag n'yo sabihing titingnan talaga natin isa-isa 'to?'' angal ni Vince. Nakaupo na siya sa ibabaw ng isang pahabang mesa habang nagbubuklat-buklat ng libro.

Bakit ba nakalimutan kong tamad nga palang magbasa ang isang 'to? Dapat pala si Hiro na lang ang sinama ko rito, eh.

Nandito kami ngayon sa main library ng palasyo. I know that Dad will surely sense that we're here. Kaya hangga't maaari sana ay gusto kong mahanap agad ang pakay namin dito para mabilis din kaming makaalis.

Ayoko kasi na maabutan niya kami rito. Nasisiguro kong tatadtarin lang niya kami ng tanong. Alam na alam kasi nila na hindi namin gusto ang tumambay rito. That's why we also had our own mansion inside the academy.

Mataman kong sinusuri ang bawat libro na nakikita ko. Pero halos alam ko naman na ang lahat ng nilalaman nito.

I know that they're hiding something from us. Saka mukhang wala naman silang balak na sabihin sa 'min ang tungkol sa bagay na 'yon.

That's why I'll be the one to make a move.

''Parang wala namang libro rito tungkol sa mga tao o kahit na anong puwede nating ikonekta roon,'' Kira muttered while leaning his back against the wall with a book on his hand. Nakakunot pa ang noo niya.

Ako naman ay malayang nililibot ang buong library. Wala kasi ang bantay ngayon dito dahil nagawan na ng paraan ni Miley kanina.

''You know what Kyle, why don't we just ask Uncle Zach? I know that he can surely help us,'' Vince suggested.

I gave him a bored look. Hindi pa sabihing tinatamad lang siya. Mga palusot din ng pinsan kong 'to, eh.

I know that he's trying to read my mind. But I feel sorry for him because I can easily block him.

Kira looked at me too. ''Oo nga naman. Kung mayroon mang makakapagpaliwanag sa 'tin ng lahat bukod sa mga librong 'to ay sila 'yon. Wala pa naman din akong nababasa na hindi ko alam dito. Lahat ay may kinalaman sa lahi natin at mga nakaraang labanan,'' he said while flicking the pages.

I shook my head at them. ''Believe me. If they really know something, they won't tell us.''

Vince raised a brow at me. ''Why did you say so?''

They're now both giving me a scrutinizing look.

I shrugged. ''I just know.''

Tinalikuran ko na sila at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang dulong bahagi nito.

Pero kusa akong natigilan nang may bigla akong maalala.

Narinig ko nga pala sila Dad at Mom na nag-uusap dati at may nabanggit si Dad na isang secret room dito mismo sa may loob ng library.

All of the confidential files were there. Isa pa ay wala raw ibang makakapasok do'n kung hindi sila lang.

Pero saan naman kaya 'yon banda rito?

I looked around the area. Wala naman akong makita na iba pang pinto rito.

Then an idea suddenly hit me. There's a possibility that it's hidden behind the shelves.

Karamihan sa mga shelf dito ay nakadikit sa pader. Kaya mukhang kailangan naming iurong isa-isa ang mga 'to. Well, Vince can do it so easily.

I was about to call the two of them when I suddenly heard her voice.

Kuya, Dad was here. We're caught. I'm so sorry. You already know where to find us.

I let out a deep sighed. I knew it.

Okay. We'll be there in a minute.

That's Miley. She has the ability to communicate with us through her mind.

Lumakad na ko pabalik kina Vince at Kira. ''Let's go. Dad is waiting for us."

Wala pang ilang segundo ay nasa tapat na ko ni Dad. Nakita ko naman sina Miley sa isang tabi na pawang mga nakatungo.

I looked at my Dad. He's smiling to me. A playful one. ''It's so nice to see you, son. So, what's with the sudden visit?'' Amusement was evident in his voice.

By the looks of it, it seems like he already knows the answer to his own question.

-----

Nicole Jane's POV

''Sa wakas ay natapos din.'' I stretch both of my arms, then slightly scratch my nape.

Nangalay ang batok at kamay ko sa ilang oras na pagkakasubsob ko sa mesa at pagsusulat para lang matapos ang mga takdang aralin namin. Pakiramdam ko ay halos natuyo rin ang utak ko.

Kung hindi lang siguro ako ginabi masyado ng uwi, malamang ay kanina ko pa natapos ang mga essay na 'to. I really hate doing this shit.

I glance at the wall clock. It's almost 12 am already.

Kaya pala halos pumikit na ang mga mata ko habang nagsusulat. Hindi pa naman ako sanay ng nagpupuyat. Paniguradong sasakit ang ulo ko nito pagkagising kinabukasan.

Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at tumayo. Then I turned off the lights and jumped on my bed.

Makakapag-relax na rin ako sa wakas. Masyadong nakakapagod ang araw na 'to.

Papikit na sana ko ng bigla akong makarinig ng pagkatok mula sa labas ng pinto.

Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng kaba. Sino naman kaya ang pupunta rito ng alanganing oras?

Sa pagkakaalam ko ay bawal na ang mga pakalat-kalat na estudyante sa labas pagsapit ng 10pm. Puwera na lang kung mayroong events mismo ang academy. May mga guwardiya rin na gabi-gabing nag-iikot para masiguro na nasa kanya-kanyang dormitoryo at kuwarto na ang lahat.

I was contemplating my thoughts when I heard a knock again. Damn it! Gusto ko na talagang matulog!

Hindi ko alam kung tatayo ba ko o hahayaan ko na lang kung sino man ang nasa labas. But in the end, my curiosity urged me to go and open the door.

Tumayo ako at muling binuksan ang ilaw. Dahan-dahan kong tinungo ang pintuan at bahagyang binuksan ito.

I peaked over and saw nothing. Mas niluwangan ko pa ang pagkakabukas ng pinto at nilibot ang paningin ko sa paligid.

But there's no one out here.

I shrugged. Siguro ay isa sa mga pasaway na estudyante lang 'yon na walang magawa sa buhay at ako ang napagtripan.

I was about to close the door when I noticed a folded paper on the floor. As in papel lang siya at hindi nakalagay sa sobre o sa kahit na ano.

Kunot noo kong kinuha ito. Ano naman kaya 'to? Love letter? Hindi kaya may secret admirer ako?

Nailing na lang ako at natawa. Talaga nga atang antok na ko at kung anu-ano na lang ang iniisip ko.

Balewala kong binuksan 'yong papel. Siguraduhin lang ng kung sino mang nag-iwan nito rito na may katuturan ang pambubulabog niya sa 'kin.

Pero mas lalong kumunot ang noo ko nang dahil sa nabasa ko.

I know who you really are. So be careful of your actions because I'm watching you. Don't be caught or else, you're dead.

It's written in a bold letter. Para bang bawat salitang nakasulat dito ay hindi ko dapat palampasin dahil mahalaga.

Wait. Who the hell did write, then sent me this and what did he mean by it? Is it a threat or something?

Ang akala ko pa naman ay tapos na ang mga kakaibang nangyari sa araw na ito.

Pero mukhang hindi pa pala.

What the hell is really happening? Mayroon bang may galit sa 'kin dito?

-----

A/N: Hi! How's the story so far? I would love to hear your thoughts <3

If you are my reader and one of my so called 'snowies', you may like my fb page and join my fb group: Snowqueencel Stories

I'm looking forward to know you, snowies ❄

Chapitre suivant