Chapter 7 | Missing
Nicole Jane's POV
''Whose car are we going to use? Yours or mine?'' I gave Mikan a sideways glance while we're heading out of the dormitory building.
We have no class in our last subject for today. That's why I decided to go out to buy my personal needs and food stocks.
Dahil hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ito, pati na rin ang pinakamalapit na bayan ay sinama ko si Mikan. Imagine the shock on her face when I informed her about it. Kung makaasta akala mo ay ngayon lang ulit siya makakalabas. Samantalang kakaalis lang naman niya no'ng weekends.
''Mine. Don't worry, because I'll serve as your tour guide for today!'' she said excitedly. I just shook my head and continued to walk until we reach the parking lot.
''Well, maybe you can tour me next time. Gusto ko kasing makabalik agad.'' Halata sa mukha niya ang pagtutol pero tumango na lang din siya.
We are about to step into her car when someone called my name. Napalingon ako sa likod ko at nakita si Kira na nakangiti habang papalapit sa 'min.
''Oh, my!'' natatarantang sabi ni Mikan sa tabi ko habang pinapaypayan ang sarili gamit ang dalawang kamay. It looks like she will pass out anytime soon.
''Where are you going?'' Kira asked the moment he reached us. I was about to answer when he turned his attention to Mikan.
''Hello, Ms.Williams,'' he greeted her.
Siniko ko naman si Mikan ng manatili siyang nakatulala. She's too obvious! Kaya hindi na ko magugulat sa oras na malaman kong siya pa ang manliligaw kay Kira.
''H-Hello rin po, Prince K-Kira,'' nauutal niyang sabi sabay tungo.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili. Hindi ko akalain na marunong din pala siyang mahiya.
Tumingin uli sa 'kin si Kira na parang naghihintay ng sagot.
Nagkibit balikat naman ako. ''Mamimili lang kami.''
Biglang nawala 'yong ngiti niya at naging mailap ang kanyang mga mata. Parang mayroon siyang gustong sabihin, ngunit nag-aalinlangan naman siya. He even scratched the back of his neck.
''Well, can I go with you?'' he asked hesitantly.
Bigla namang napaangat ng tingin si Mikan na para bang nakarinig siya ng isang magandang balita. She's a hopeless case.
Saglit akong napaisip. Wala naman sigurong masama kung isasama ko siya.
''Sure. Pero baka ma-bored ka?'' nag-aalala kong tanong kahit na ang totoo ay gusto ko rin talaga na sumama siya.
''No worries. I'll be fine.'' He gave me a reassuring smile. Nakita ko na naman ang matamis niyang ngiti. No wonder that he has a lot of fangirls here. Especially the one whose beside me.
''Let's use my car. Mahirap na kung kayong dalawa lang ang lalabas. Mas mabuti ng may kasama kayo na lalaki.''
Napatango na lang ako dahil may punto naman siya. Mabuti na lang at hindi siya nahawaan ng kasungitan ng best friend niya.
Tahimik kaming sumunod sa kanya at sumakay sa kotse niya. Sa totoo lang ay gusto ko na talagang tawanan si Mikan dahil sa hitsura niya. Bigla pati siyang namutla.
''Okay ka lang ba, Ms. Williams? Namumutla ka kasi, eh.'' Kira looked at her through the rearview mirror.
Parang gusto ko tuloy ibalik 'yong tanong niya sa kanya dahil di hamak na mas maputla naman siya.
''O-Okay lang p-po ako. Wag n'yo na po akong intindihin. S-Salamat.''
Tumaas ang kilay ko. Ang hinhin naman ata niya masyado ngayon. Normal pa ba 'yan o sadyang magaling lang siya umarte?
Ilang saglit na rin kaming nakaupo rito ng mapansin kong hindi pa rin pinapaandar ni Kira 'yong kotse. ''May problema ba?'' I asked worriedly.
He ran his fingers through his hair as he looks at me. ''Okay lang ba kung dito ka umupo sa harap? I hope you don't mind.''
Napatango na lang ako. Magmumukha nga naman siyang driver kapag nagkataon.
Bababa na sana ko ng may bigla akong naisip na kalokohan.
I opened the door on Mikan's side instead and pushed her out. ''Ikaw na lang pala ro'n sa harap. Para solo ko 'tong likod.'' I smirked and winked at her.
Sinara ko kaagad 'yong pinto ng hindi na siya makapagprotesta pa. I'm already giving her a favor here. Minsan lang ako maging ganito kaya sulitin na niya.
Nang maayos na ang lahat ay nakaalis na rin kami sa wakas. We almost reach the main gate when suddenly, Kyle appeared from nowhere.
Teka. Saan siya nanggaling? Bumagsak ba siya mula sa puno? Masyadong mabilis ang mga pangyayari at nakita ko na lang siya bigla na nakaharang sa dadaanan namin.
''Wait. I'm just going to talk to him.'' We just nodded at Kira as he stepped out.
Ang hilig talaga umeksena ng lalaking 'to!
Mataman lang akong nakangitin sa kanila habang seryoso silang nag-uusap. Inirapan ko naman si Kyle nang bigla siyang mapatingin sa direksyon ko. Ang sama pati ng tingin niya. Ano na naman ba ang ginawa ko sa kanya?
Kung tutuusin ay ngayon ko lang naman ulit sila nakita. Dahil hindi sila pumasok sa lahat ng klase namin ngayong araw.
Ang hayahay masyado ng buhay nila. Kahit nga sina Miley at Reiri ay hindi rin nangulit.
Ilang minuto pa ang lumipas at sabay na silang naglakad patungo rito. Wait. Don't tell me...
''Anong ginagawa mo rito?'' Sinamaan ko siya ng tingin nang bigla siyang tumabi sa 'kin. Kung alam ko lang na bigla siyang susulpot at sasama, di sana ay ako na lang ang umupo sa harap.
He just gave me a bored look, then leaned his back and closed his eyes.
Naiinis na umayos na lang ako ng upo. Bahala siya sa buhay niya!
Ang buong akala ko ay mahihirapan kaming makalabas dahil sa higpit ng seguridad rito. Pero ng makita ng mga guwardiya sina Kyle at Kira ng ibaba nila ang mga bintana ay napatungo pa ang mga ito bago pinadaan ang sasakyan.
Hindi ko naiwasan ang mapaismid. Perks of being a son of the owner of this academy.
Ngunit natigilan ako ng sa paglabas namin ng gate ay may nakita ako na tila kumikinang at nakapalibot sa buong academy. Para 'tong isang shield.
Ipinilig ko ang ulo ko bago muling tumingin sa labas. Guni-guni ko lang siguro 'yon.
Silence filled the car throughout the ride. Thank God. This trip was supposed to be just Mikan and me. Then next minute this is how we end up. So cliche.
Pagkahinto ni Kira ng kotse sa tapat ng pinakamalapit na supermarket dito sa bayan ay agad kaming bumaba ni Mikan. Inabot din kami ng halos isang oras sa biyahe dahil malayo talaga sa kabayanan ang academy.
I peeked over the car window when the two of them remained still. ''Hindi ba kayo sasama sa loob?''
Tipid na ngumiti si Kira sa 'kin. ''Nope. We'll just wait here. Wag kang mag-alala dahil hindi naman namin kayo iiwanan.'' He chuckled.
''Okay. Sandali lang naman kami.'' Patalikod na sana ko ng bigla namang nagsalita si Kyle.
''If ever something bad happens, just call my name and I'll be there.''
Napanganga ako nang dahil sa sinabi niya. Habang si Kira naman ay napatingin lang sa kanya na parang hindi makapaniwala.
Wait. Parang lyrics ata sa kanta 'yon, eh. Ano na naman bang sumanib sa kanya at nagkakaganyan siya?
His eyes were closed when he said those words. Hindi ko tuloy alam kung nananaginip lang ba siya o ano.
''Whatever!'' Tumalikod na ko at agad hinila si Mikan papasok ng supermarket. Mababaliw lang ako kung kakausapin ko pa siya.
Pero napatigil ako sa paglalakad nang biglang huminto si Mikan. Naiinis na nilingon ko siya. ''What now?''
''Bakit parang close ka na ata sa kanila?'' nagtataka niyang tanong.
I rolled my eyes impatiently. ''Can I just explain it later? We have a lot of time to talk about that.''
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at nauna na kong pumasok sa loob. Sabi ko na nga ba at darating ang araw na magtatanong ang babaeng 'to.
Inabala ko ang sarili sa pag-iikot at pamimili ng kung anu-ano. Habang si Mikan naman ay wala pa ring tigil sa kakakulit at kadadaldal sa 'kin habang namimili rin. Kapag ako talaga ay hindi nakapagpigil ay masisigawan ko na talaga siya.
Binilisan ko na ang pamimili dahil pagabi na rin at baka naiinip na 'yong dalawa sa labas.
''Paano nga kasi nangyari na kaibigan mo na sila?'' Kasalukuyan na kaming nakapila ngayon para magbayad at wala pa rin siyang tigil sa katatanong. Sana pala ay palagi na lang namin kasama si Kira para maging tahimik ang mundo ko.
Naiinis na tiningnan ko siya. ''How many times do I have to tell you that they're not my friends?'' She's about to speak again when suddenly, all of the lights have turned off. Sa isang iglap ay napuno ng sigawan ang paligid.
Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Mikan sa braso ko.
''What's happening?'' Bakas sa boses niya ang takot. Mas lalo pa kasing lumakas ang mga sigawan hanggang sa may naririnig na rin akong mga umiiyak.
''Wala man lang ba silang generator dito?'' Maglalakad na sana ko ng bigla namang umihip nang malakas ang hangin.
Mayamaya pa ay nakarinig kami ng tila mga nagbabagsakan na gamit, dahilan para mas gumulo ang paligid. Kung sinu-sino na nga ang bumabangga sa 'kin ngayon.
Masyadong madilim ang paligid pero hindi ko alam kung bakit nakikita ko kung paanong isa-isang nawawala ang mga tao rito na para bang may mga kumukuha sa kanila.
Tinakpan ko naman ang tainga ko nang bigla akong makarinig ng samot saring mga boses. Na para bang naririnig ko ang mga sinasabi ng bawat isa na nandito. Ang sakit nito sa tainga at halos mabingi ako nang dahil sa dami ng boses na naririnig ko.
Shit! What the hell is happening to me?
''Kumapit ka lang sa 'kin, okay? Wag kang lalayo,'' matatag kong sabi kay Mikan ng sa wakas ay maging normal na ulit ang pakiramdam ko. Kahit pa ang totoo ay nagsisimula na rin akong kabahan ng dahil sa mga nakikita at naririnig ko.
Then something echoed in my mind.
''If ever something bad happens, just call my name and I'll be there.''
Hindi ko alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko nang maalala ko 'yong sinabi niya. Somehow, I felt protected.
With that thought in mind, I whispered his name.
"Kyle..."
-----
Kyle Ethan's POV
''Ano bang pumasok sa isip mo at naisipan mong samahan ang mga 'yon na lumabas ng academy?'' I asked Kira with my eyes still closed. Kahit hindi ko nakikita ay ramdam kong napatingin siya sa 'kin.
''Nothing. I just want to see how humans live. Alam mo naman na gusto ko ring mapalapit sa mga tao, right? Although humans naman ang mga protectors natin. Still, iba pa rin kapag nandito tayo sa mismong mundo nila.'' Napabuntong-hininga na lang ako.
Hindi lang kasi sina Miley at Reiri ang may gustong makisalamuha sa mga tao. Kahit sina Kira at Hiro ay gano'n din. I don't really understand why.
''Pero alam n'yo namang mapanganib, 'di ba? Paano na lang kung bigla nilang malaman kung ano talaga tayo? Hindi lang 'yon, paano na lang kung makita tayo ng mga kauri nating gustong pumatay sa 'tin?''
We're not allowed to go outside, unless it's necessary. Sa ngayon kasi ay ang academy ang pinakaligtas na lugar para sa 'min dahil sa ward na nakapalibot at nagpoprotekta rito. Tanging kaming mga vampires lang naman ang nakakakita nito.
Hindi na siya sumagot pa. I think I already know why.
My eyes flew open. ''Did you feel it?'' I roamed my eyes around.
''Yeah. Kaya kailangan na natin silang puntahan bago pa may mangyari na kung ano.'' I nod at him and we both stepped out of the car.
Hindi ko alam ang eksaktong bilang nila. But they're too many.
The fledgelings. The lowest class vampires and an ex-human form. Nagkalat sila ngayon sa paligid.
''Ang lakas naman ng loob nilang sumugod rito. Hindi ba sila aware na protektado pa rin natin ang lugar na 'to? Unless they have a high class vampires with them.'' Napatigil ako sa paglalakad nang biglang huminto si Kira at napalingon sa kung saan.
''Aristocrat vampire,'' bulong niya pero rinig ko naman.
So they're with an aristocrat or noble vampire. Gano'ng uri kasi ng bampira si Kira kaya mas alam niya ang amoy ng mga ito.
Kung puwede lang sana naming gamitin ang kakayahan namin ay kanina pa namin ginawa. Pero masyadong maraming tao sa paligid.
I roamed my eyes once again. Nakita kong nagsimula na ring kumilos ang mga nagkalat na protectors sa paligid. They may be humans, but their instinct for this kind of situation is undeniably amazing.
Habang papalapit kami sa supermarket ay mas naririnig ko ang malakas na sigawan ng mga tao mula sa loob. We don't have any other choice because the doors were locked from the inside. Sabay kaming naglaho at napunta sa loob.
''How will we able to find them? Napansin ko kasi kanina na pareho nilang suot ang bracelet at mahihirapan tayong amuyin kung nasaan sila. Idagdag mo pa na nagkakagulo na 'yong mga tao,'' Kira whispered.
Madilim ang paligid. Pero dahil ang isa sa mga kakayahan namin ay ang pagkakaroon ng matalas na paningin ay hindi kami nahirapang makita kung ano ang nangyayari.
Napakunot noo ako nang mapansin na may mga tao na bigla na lang nawawala. Na tila ba mayroong kumukuha na kung ano o sino sa kanila.
''I'll find them. You already know what to do.''
Mahigpit kaming pinagbawalan na wag makikielam sa mga ganitong klase ng gulo at hayaan na lang ang mga nakatalagang protectors ang kumilos dahil baka mapahamak pa kami. But I think the case now is an exception.
I was about to walk when I suddenly heard her familiar voice whispered.
''Kyle...''
It's her. It's Nicole.
Agad akong naglaho upang puntahan ang pinanggalingan nito.
-----
Nicole Jane's POV
Para akong napako sa kinatatayuan ko nang bigla kong maramdaman na may yumakap sa 'kin. I was about to push away whoever it is, when the lights have finally turned on.
Napaangat ako ng tingin para tingnan kung sino ang pangahas na yumakap sa 'kin. But my jaw dropped upon seeing his face. ''Kyle? How...''
Naguguluhan akong napatitig sa kanya. How did he found me?
''I heard you called my name,'' he said in a husky voice that made me shiver.
Paano niya narinig? Nasa malapit lang ba siya kanina?
''Nicole! Look around!'' Napatingin naman ako kay Mikan nang bigla siyang magsalita. Gulat na gulat 'yong mukha niya.
Napalingap na rin ako sa paligid. Ang daming nagbagsakan na mga estante at sirang kagamitan. All I can hear were the sobs and cries of some people around.
''Ang anak ko!''
''Someone had taken my wife away.''
''Mommy! Where are you?''
Lahat sila ay pawang may mga hinahanap at tila nawalan ng mga kasama.
Natigilan ako. Mismong mga mata ko kasi ang nakakita kung paano nangyari ang lahat ng 'yon.
But how come that almost half of the people around here were gone and missing in a span of five minutes? Sino ba 'yong mga kumuha sa kanila at bakit nila kailangan gawin 'yon?
There were so many questions that were running in my mind right now. But the biggest question of them all is...
Am I ready on the possible answers that I will get? Well, for now, I think I'm not.
Mukhang hindi lang ang academy at mga estudyante nito ang puno ng misteryo.