Chapter 5 | The Royalties
Nicole Jane's POV
''Okay ka na ba talaga? Pasensya ka na kanina, hah. Hindi man lang kita natulungan.'' Mikan kept on talking beside me with her head bowed down. Magmula kasi ng lumabas kami ng classroom ay hindi na siya tumigil sa pagsasalita kahit hindi ko naman siya kinikibo.
Hindi naman sa galit ako. Ang kaso ay masyado siyang mabait. Hindi lang ako sanay na may kumakausap sa 'kin ng ganito. It felt weird.
''Okay nga lang ako. Besides, I am not expecting any help, because I don't even need it. Kaya ko naman ang mga babaeng 'yon, eh. Kung hindi lang dumating si Kyle ay paniguradong mayroon na silang kinalagyan,'' determinado kong sabi.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad ng bigla akong matigilan nang dahil sa malakas niyang pagtili. Napatingin tuloy sa 'min ang iba pang mga estudyante na naglalakad rin.
Kunot noo ko siyang nilingon. Did I say something wrong?
''Speaking of him! Alam mo ba na nakakakilig kayong dalawa kanina? Lalo na no'ng binuhat ka niya! Parang bagong kasal lang ang eksena n'yo. Kung nakita mo lang sana 'yong mukha ng mga babaeng humarang sa 'yo. Inggit na inggit sila!" Napahawak pa siya sa braso ko.
"Ikaw na talaga! Kabago-bago mo pa lang dito pero naambunan ka na kaagad ng suwerte.'' Hinilig pa niya ang ulo sa balikat ko.
Gusto kong masuka nang dahil sa sinabi niya. Nakakakilig? Suwerte? She must be kidding me.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang tapat ng mga kuwarto namin.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla niya kong kalabitin sa balikat. Bored ko naman siyang tiningnan.
''Sabay tayong kumain ng dinner mamaya, hah? I'll just knock on your door na lang.'' Ngumisi siya sa 'kin. Halatang nang-aasar ang bruha.
Nagkibit balikat lang ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto ko.
Pero muntikan na kong mapasigaw nang bumungad sa 'king paningin ang dalawang prinsesa ng eskuwelahan na 'to. Prente silang nakahiga sa kama ko.
''Are you girls planning to kill me with a heart attack?'' sigaw ko sa kanila pero hindi man lang sila natinag.
Napaupo sila at sabay na humarap sa 'kin. ''Grabe ka naman, Ate! Ikaw na nga 'tong binibisita namin tapos ganyan pa ang reaksyon mo.'' Miley pouted.
I didn't mind her. Hindi tatalab sa 'kin ang paawa effect nila. The biggest question is...
''Paano kayo nakapasok dito?'' Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa.
Reiri pointed the door as she starts to jump up and down on my bed. ''Hindi naka-lock,'' she answered as if it's the most obvious thing in the world.
Natampal ko ang noo ko. Hindi ko nga pala ito na-lock kanina dala ng sobrang pagmamadali.
''Pero kahit na. Hindi porke't prinsesa kayo ay basta-basta na lang kayong papasok dito,'' I said quoting the word 'prinsesa' in the air. Ang hirap pa rin kasing paniwalaan. No one can blame me.
''Alam mo na pala,'' they both said. Tinaasan ko sila ng kilay.
''So, care to tell me how the hell did that happened? Sino ba talaga kayo? Galing ba kayo sa isang royal family mula sa ibang bansa?'' They both glance at each other then sigh.
''Don't worry, Ate. Malalaman mo rin naman ang tungkol sa 'min, eh. But not now.''
I rolled my eyes. Hindi lang pala ang academy na 'to ang puno ng misteryo. Kahit ang mga estudyante pala rito mismo.
Puwes. Kung wala silang balak sabihin sa 'kin ang totoo ay ako na mismo ang bahalang tumuklas no'n.
''I bet you already met my brother, cousin and friends,'' Reiri said then winked at me.
Natigilan ako. Para saan naman ang kindat na 'yon?
''Sino bang kapatid mo sa kanila?'' I asked out even though I already have an idea of who he was.
''Si Kuya Vince.''
Napatango ako. I knew it. Halos magkapareho kasi sila ng aura ni Kyle.
I started to walk towards them, then sat on the edge of my bed. ''Ano nga pa lang ginagawa n'yo rito?''
Akala ko pa naman ay matatahimik na ang mundo ko dahil napahiwalay ako kay Mikan. Pero hindi pa rin pala.
''Reiri, will you please stop?'' I glared at her. Pakiramdam ko kasi ay masisira na ang kama ko nang dahil sa ginagawa niya. Ang lakas pa naman ng puwersa niya. Payat naman ang katawan ng batang 'to pero ewan ko ba.
Reiri finally stop jumping. Dahan-dahan siyang umupo uli. ''Sorry na! Nalaman kasi namin 'yong nangyari sa 'yo. So we had decided to come over just to check if you're alright.'' She suddenly became serious when she eyed my right arm that have a band-aid right now.
''Oh, yeah. As you can see I'm still alive. Kaya wag kayong OA. It's just a scratch.'' Natawa na lang ako. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit parang napakalaking issue sa kanila no'ng nangyari.
Mataman akong tinitigan ni Miley kaya agad akong nag-iwas ng tingin. There is something different from the way she looks. Tila mahihipnotismo ako sa kanyang tingin.
''Ate, you don't have an idea how a simple scratch will turn out to a big one,'' she said in a cold voice.
Napakunot noo naman ako. Bakit pakiramdam ko ay may mas malalim pa siyang gustong ipakahulugan sa sinabi niya?
Ay, ewan! Ang bilis nila magbago ng mood. ''Whatever. You two better go. I want to take some rest. Ayoko ng may maingay at magulo sa paligid.'' Pagtataboy ko pa sa kanila. Because seriously, they're creeping me out already.
Nagulat naman ako nang bigla silang lumapit sa 'kin. Miley hugs me from my side while Reiri hold my hand. Pilit ko namang inilalayo ang sarili ko sa kanila.
They're so damn cold for crying out loud! Tapos ang putla-putla pa nila. Para tuloy silang may mga sakit, eh.
''You know what, you're really different, Ate. That's why we like you, eh!'' Napaharap naman ako sa kanila.
''What do you mean by different?''
They both smiled. ''Kasi hindi ka man lang na-i-intimidate sa 'min kahit na alam mo ng prinsesa kami kung ituring dito. 'Yong iba kasi ay natatakot na lapitan at kausapin kami. Pilit naman kaming lumalapit at nakikihalubilo sa kanila, eh. Pero sa tuwing ginagawa namin 'yon ay awtomatiko naman silang lumalayo. That's why we don't have other friends. Ikaw pa lang.'' Para silang mga inaway na bata at nagsusumbong sa 'kin. Bahagya ring lumungkot ang kanilang mga mukha.
Napatango na lang ako. Sabagay, kanina pa nga lang sa hallway ay nakita ko na kung gaano ginagalang at kinatatakutan ng mga estudyante rito sina Kyle. Kaya malamang ay gano'n din sila sa dalawang 'to.
I know how difficult and sad it is, because I've been through that situation, too.
Siguro sa paningin ng iba ay suwerteng maituturing kapag mayaman at may kapangyarihan ka sa lipunan. Pero balewala naman ang lahat ng 'yon kung hindi ka masaya at malaya. 'Yon ang mga bagay na hindi magagawang tumbasan ng kahit magkanong halaga.
''Wala ka rin bang naging friends sa dati mong school?'' Miley asked the moment her brown eyes finally met mine. Pareho sila ng mata ng Kuya niya.
''Yeah. I may not be a princess or what. But the people there were also intimidated by me. Obvious naman siguro kung bakit,'' balewala kong sabi.
''Samantalang 'yong iba naman ay gusto lang akong kaibiganin ng dahil sa yaman na mayroon kami at para maging popular na rin. Kaya naging mahirap na para sa 'kin ang magtiwala pa."
Tumayo ako at tinungo ang cabinet para kumuha ng mga gamit. ''I'll take a shower. Just lock the door when you leave.''
It took them some seconds before they speak. Parang nag-aalangan pa silang magsalita. ''Sige, Ate. Alis na rin kami. See you!'' Tinanguan ko na lang sila. Alam ko namang naintindihan nila kung bakit biglang nagbago ang mood ko.
Papasok na sana ko ng banyo ng bigla uli silang magsalita. ''Gusto lang din pala naming sabihin na mapapagkatiwalaan mo kami. Pati gano'n din ang nararamdaman namin sa 'yo.''
I froze on my spot. Talking about trust and friendship. It's not really my thing.
I was about to face them when suddenly, a wind blows.
Napamaang na lang ako nang sa paglingon ko ay wala na sila sa kinauupuan nila kanina. Samantalang ni hindi ko naman narinig ang mga yabag nila paalis pati na rin ang pagbukas-sara ng pinto.
How the hell did they go out?
-----
''Talaga bang halos sabay-sabay kumain ang mga estudyante rito?'' tanong ko kay Mikan nang mapansin ko na marami kaming kasabay papuntang dining hall.
''Hindi naman. Nakasanayan na lang din siguro.'' She shrugged.
Pagkapasok namin sa loob ay sinalubong kaagad ako ng mga nakakatakot na tingin mula sa mga estudyanteng naroroon. Pero siyempre hindi ako natatakot. As if I care.
Pumila na kami para agad na makabili ng pagkain. Pinili naman naming umupo sa pinagpuwestuhan namin kahapon.
''Sa wakas ay makakakain na rin ako,'' I said while holding my stomach.
Bahagya namang natawa si Mikan. ''Bakit naman?''
Napabuntong hininga ako. "Hindi kasi ako kumain ng dinner kagabi pati na rin ng breakfast kanina dala ng pagmamadali. Pagkatapos ay naudlot din ang dapat ay pagkain ko ng lunch kanina. Hindi na rin ako kumain pagkalabas ko ng clinic dahil nawalan naman ako ng gana. Kaya gano'n na lang ang pagwawala ng tiyan ko ngayon nang dahil sa sobrang gutom!'' naiirita kong sabi sa kanya.
Gusto kong kaawaan ang sarili ko. Ngayon ko lang kasi naranasan ang magutuman ng ganito. Akala ko nga ay mamamatay na ko.
She's about to speak again when we suddenly heard the door of the dining hall opened. Malakas ang nilikha nitong ingay, dahilan para mapatingin ang halos lahat dito.
Napailing na lang ako nang mapansin ko ang mga kababaihan sa paligid na parang mga kinikilig na ewan. 'Yong iba naman ay talagang nag-ayos at nagpaganda pa.
Ano bang mayroon? Nandito kasi kami sa pinakadulo at pinakasulok kaya hindi ko pa nakikita kung sino ang mga bagong dating. Ang tagal pang magsipasok. Grand entrance lang ang drama nila?
But my questions have been answered when the six of them started to walk inside. Mindless of the glances, stares and attention that most of the people around were given to them.
Napamaang ako. Ngayon ko lang sila nakitang magkakasama. They look like a group of models. No. It's more like a Greek gods and goddesses that have walked down the earth.
Ah, basta! Lahat na ata ng magagandang deskripsyon ay nasa kanila na. But just on the physical side. Nevermind the attitude.
They're all gorgeous and stunning as expected. Their looks were definitely an eye-catcher. To the point that it made the crowd go wild.
Sinusundan ko lang sila ng tingin. Nauunang maglakad sina Miley at Reiri. Masayang nag-uusap ang dalawa.
Kasunod naman nila sina Kyle at Vincent. Sa likod naman ng mga ito ay sina Kira at Hiro. Their hands were buried in their pockets. Nakangising kumakaway si Hiro sa bawat babaeng nadadaanan niya. Si Kira naman ay tipid lamang na nginingitian ang mga bumabati sa kanya.
Samantalang 'yong dalawang magpinsan ay dedma lang. Mapaghahalataan mo talaga kung sino ang chick boy ng grupo.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa 'kin kung bakit isang prinsesa at prinsipe kung ituring sila rito. But I will let it pass right now.
Baby steps, Nicole.
Umupo sila sa puwesto na dapat ay uupuan ko kahapon. Malayo naman ang distansya ko sa kanila. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman kong parang may kakaiba sa mga aura nila
It's outstanding, unbreakable and powerful.
''Hay! Sa wakas at nakumpleto rin sila! Ang gaganda at guwapo nila, no? Alam mo bang pangarap ko na maging kaibigan sila? O kaya kahit ang makausap ko man lang ba. That will be enough. Kaya lang nahihiya ako, eh.'' Mikan sighed dreamily.
Napailing na lang ako sa kanya. Ano kayang magiging reaksyon niya sa oras na malaman niyang nakakausap at 'kaibigan' ko na sila? It'll surely drive her crazy.
Nagsimula na ko sa pagkain. Pero napaangat ako ng tingin nang mapansin kong hindi pa rin niya nababawasan ang laman ng plato niya.
Napaismid na lang ako nang makita na nakatulala pala ang bruha. Ang lakas naman ng tama ng babaeng 'to.
Sinundan ko ng tingin 'yong tinitingnan niya. Lihim naman akong napangiti nang may mapagtanto.
''Ikaw, hah. Hindi mo man lang sinabi sa 'kin na may pagnanasa ka pala kay Kira.'' Her eyes widened as she turned to me.
''A-Anong sinasabi m-mo? W-Wala, ah!'' she said stuttering and defensively.
Napatango na lang ako. ''Okay. Kaya pala namumula ang mukha mo riyan.'' I teased her, but she just glared at me.
Oh, wait. First time niyang gawin 'yon!
Nagpatuloy lang ako sa pang-aasar sa kanya dahil natutuwa ako sa reaksyon at sa pamumula ng mukha niya. She looks so funny! Bullying is really my forte.
Muli akong napatingin sa kinauupuan ng mga royalties sa school na 'to. Miley caught my gaze and waved at me. Same with Reiri. Napatingin din tuloy sa 'kin 'yong apat na prinsipe.
But Hiro and Kira were the only one who smiled at me. 'Yong dalawa pa ay poker face lang. No wonder that they're cousins.
Tumango lang ako sa kanila at muling nagpatuloy sa pagkain. Wala naman silang ginagawa at pawang nag-uusap lang.
Nang matapos ay agad kaming umalis. Pangalawang araw pa lang ng pasukan pero ang dami agad naming assignments. Kaya hangga't maaari ay gusto kong matapos agad ang mga ito.
''Mauna ka na pala, Mikan. Pupunta lang ako saglit sa library. May libro lang akong hahanapin.'' She nod at me and wave a goodbye.
Pagkaalis niya ay mabilis akong tumakbo patungo sa library. Bumaba ang tingin ko sa suot na relong pambisig.
Kinse minutos bago mag-alas syete. Bukas pa kasi ang library hanggang alas syete ng gabi. Sana lang ay umabot pa ko.
Pagkarating ko roon ay agad akong binati ng nagbabantay. Sa tantiya ko ay nasa trenta ayos na siya. Hanggang beywang ang kulot niyang buhok.
Tipid ko lamang siyang tinanguan. Ang creepy kasi ng tingin niya sa 'kin.
Dumiretso ako sa pinakadulong aisle kung saan nakalagay ang librong kailangan ko.
Napabuntong hininga ako nang makitang nasa bandang taas pa ito nakalagay. ''Kung bakit naman kasi ang tangkad ko!'' Paghihimutok ko habang nakatingala. May hagdan naman na puwedeng gamitin pero mahirap na at baka bigla akong lumagapak sa sahig.
Tumingkayad ako at pilit na inabot ang libro. Pero nagulat na lang ako nang hindi ko pa man din ito nahahawakan ay kusa na itong nahulog sa 'kin. Mabuti na lang at agad ko itong nasalo.
Paano kaya 'to nahulog? Samantalang ang ayos naman ng pagkakalagay nito.
Tumalikod na ko para umalis. Ngunit muntik na kong mapasigaw nang makita ko si Vincent na nakatayo sa di kalayuan.
Trip ba talaga nilang gulatin ako ngayon?
He eyed the book that I was holding then smirked at me. Magtatanong pa sana ko ng bigla na lang siyang naglakad paalis. Weirdo!
Hahabulin ko sana siya pero kinilabutan ako nang biglang humangin ng malakas at sa isang iglap ay hindi ko na siya nakita.
Ang bilis naman ata niya masyado.
Pagkaiwan ko ng library card sa nagbabantay ay agad na rin akong umalis. Ang dilim na pati ng hallway, eh. Tanging ang mga ilaw lang sa maliliit na poste ang nagsisilbing liwanag sa paligid.
Pagkalabas ko ng administration building ay natigilan ako nang makita si Mikan na nakaupo sa isa sa mga bench doon at mayroong kausap sa cellphone nito.
Akala ko ba ay nauna na siya?
''Mikan?'' mahinang tawag ko sa kanya. Ibinaba muna niya ang phone na hawak bago napaangat ng tingin sa 'kin.
''Kanina ka pa ba riyan?''
Napailing naman ako. ''Kalalabas ko lang. Ayos ka lang ba?'' Tila bigla kasi siyang namutla.
She smiled at me. ''Oo naman. Tinatamad kasi ako sa kuwarto kaya naisipan ko na maglakad-lakad muna, nang may biglang tumawag naman sa 'kin. Kaya rito ko na lang naisipan tumigil at baka makita kita. Para sabay na rin tayo bumalik.''
Gusto ko pa sana siyang tanungin dahil parang may kakaiba sa kanya. Pero hinayaan ko na lang.
''Okay. Let's go.''