webnovel

Chapter 1 | Clarkson Academy

Nicole Jane's POV

''You behave there, okay? Don't worry, we'll always call you,'' Mom said.

I just rolled my eyes and plugged in my earphones. Rinding-rindi na ako sa mga paalala nila.

Magmula no'ng araw na sabihin nila sa 'kin ang tungkol sa 'fiance' ko raw ay wala naman na ulit silang nabanggit pa tungkol do'n. Ni hindi ko na nga nagawa pang makapagsalita ulit no'n dahil bigla na lang silang umalis. Ilang beses ko rin silang kinulit pero wala na talaga silang sinabi. Up until now, I was hoping that it's not really true.

Puwede ba! Ni wala pa nga akong naging seryosong relasyon, or as in naging karelasyon tapos ipakakasal lang nila ako sa kung sino man?

Then out of the blue, they broke another news to me. That I'm going to transfer in the middle of nowhere. Ni hindi man lang nila sinabi sa 'kin kung saan ba 'yon banda at kung ano ba ang pangalan ng school na 'yon. Kung kailan naman huling taon ko na sa high school ay saka pa talaga nila naisipan na ilipat ako. Great.

I looked outside the window. Puro nagtataasang building ang bumungad sa paningin ko. Habang ang mga tao naman sa paligid ay abala sa kanilang mga ginagawa.

May tumatakbo, nakatambay sa kanto, naghihintay na makatawid at ang ilan ay nagkukuwentuhan habang naglalakad.

I let out a deep sighed. We're going until I don't know where. I refused to leave at first. But the moment they had told me that they're going to cut my allowances and left me with nothing, I shut up.

Actually, at first, I didn't believe in them. But damn! They left me in the house for a week without any extra money on my hand! Kaya ko naman ang mamuhay mag-isa, eh. Basta ba may hawak lang akong pera.

Aside from that, what will gonna happen to my social life if I don't have much money, right?

That reason alone leads me to end up with this kind of situation right now. Thanks to my, oh, so loving parents. Note the sarcasm there.

Ilang oras na rin kaming nagbibiyahe. Hindi ko na nga nagawa pang kabisaduhin ang mga pinanggalingan namin dahil masyadong maraming pasikot-sikot.

Hanggang sa biglang napalitan ng mga naglalakihang puno ang dinadaanan namin. Halos kulay berde na ang buong paligid at wala man lang akong matanaw ni isang bahay.

I don't really know this place. Malayo-layo na rin ang huling siyudad na nadaanan namin mula rito. Maybe it will take an hour or more if you will just walk.

''Don't tell me that the school where I'm going to transfer was somewhere in the middle of the forest?'' I unplugged my earphones and asked them in disbelief.

Teka lang muna. Hindi naman ata bagay sa 'kin na mag-aral sa kung saan lang! Prestihiyoso na nga ang school na pinapasukan ko rati, kung saan anak ng mga negosyante ang karamihan sa mga nag-aaral, tapos bigla-bigla na lang nila akong ililipat sa hindi naman kilalang eskuwelahan?

They glance at each other. Pero bago pa man ako makapagtanong ulit ay mayroon na akong natanaw na dalawang naglalakihan at kulay gintong gate.

''Wow,'' I muttered in amusement as we get nearer. Pero hindi ko masyadong pinahalata kina Mom at baka kung ano pa ang sabihin nila.

In fairness, gate pa lang parang mamahalin na. Well, let me see what they got inside.

Nang huminto kami sa mismong tapat nito ay unti-unti itong bumukas mula sa gitna, giving us the way to enter freely.

WELCOME to Clarkson Academy

Ang mga salitang 'yon na nakaukit mula sa ilalim ng isang estatwa na tila mandirigmang nababalutan ng kapa at nakasakay sa isang kabayo, ang unang nakakuha ng pansin ko pagkapasok na pagkapasok pa lang ng kotse namin sa loob.

It sounds familiar. Hindi ko nga lang matandaan kung saan ko ba narinig ang pangalan ng school na 'to.

Hindi ko naman naiwasan ang mapanganga sa naglalakihang mga building na gawa sa bato. Ang kulay ng mga ito ay white at brown. Sliding ang mga bintana at ang mga hallway ay mayroong mga pillar.

I can say that this place is more like a vintage style of a palace rather than an academy. Because the structure and the design of each one of it is so classy and elegant. It looks like a place of a royal family.

Idagdag mo pa ang napakaraming bantay sa labas na nahagip ng paningin ko bago kami tuluyang makapasok. Mukhang napakahigpit din ng seguridad rito.

Wala pa akong nakikita na mga estudyante. Masyado pa rin naman kasing maaga kaya siguro nasa kanya-kanyang dorm room pa sila.

Dad had stopped the car in front of the, I assumed the main building, then we all stepped out. Tiningala ko ito at bumungad sa 'king paningin ang malaking orasan sa tuktok nito.

Napayakap naman ako sa sarili ko nang biglang umihip ang malakas at malamig na hangin. Dahil dito ay hindi mo rin gaanong mararamdaman ang init sa lugar na 'to. Kahit ang kalangitan ay medyo makulimlim.

Sabagay, mataas na lugar na kasi 'to. Dagdagan mo pa ng mga naglalakihang mga puno na nakapaligid rito.

Pero bakit kahit anong ganda at tahimik ng school na 'to ay pakiramdam ko mayroong mali? I don't know why, but this school was kinda creepy. Minsan kasi ay nakakatakot din ang isang bagay na masyadong perpekto sa panlabas. Dahil hindi mo nakikita ang kung anumang nakatago sa loob nito.

Akmang tatanungin ko na sila Dad ng mamataan ko ang isang medyo may edad ng lalaki na papalapit sa 'min. Nakasuot siya ng sombrero at black suit na may puting polo sa loob. Singkit ang kanyang mga mata at mayroon ng kaunting balbas sa kanyang baba. Matangkad siya ngunit medyo may kapayatan.

Napakurap ako. I may be sounded weird, but I can sense that his aura was somewhat strange.

He is smiling as he approached us. Pero hindi ko alam kung bakit ako biglang kinilabutan sa paraan ng pagtingin niya sa 'min. Lalo na ng dumako ang tingin niya sa 'kin.

Ang isa ko pang napansin sa kanya ay ang kulay ng kanyang balat. Hindi ko masasabing maputi ito. Sa totoo lang ay may kaputlaan ito.

Sabagay, mukhang hindi naman talaga masyadong mainit sa lugar na 'to kaya siguro hindi sila gaanong naaarawan.

''Good day! Mr. and Mrs. Parker,'' he greeted my parents in a cold deep voice then turned to me. Epekto rin ba ng klima ang pagiging ganyan kalamig ng boses niya?

''Same to you, young lady.'' Matiim siyang tumitig sa 'kin.

There is something in the way he looks at me that made me smile at him. Kahit wala naman talaga akong balak na ngumiti sa kanya.

''Kayo na po ang bahala sa kanya. Alam namin na mas mababantayan n'yo siya rito. Please let us know if anything happens,'' seryosong saad ni Dad na ipinagtaka ko.

What did he mean by that? Kaya ba nila ako ipapatapon sa malayong lugar na 'to ay dahil sawa na silang alagaan ako?

''We will.'' Then the middle-aged man bowed down at my parents.

Napamaang ako. Oo nga at may lahi kaming Korean pero sa ninuno pa namin 'yon sa side ni Dad. Napakagalang naman ata niya masyado.

"Thank you." Mukhang nakahinga nang maluwag si Dad bago siya lumingon at naglakad palapit sa 'kin. The moment he stopped in front of me, he fished out something in his pocket. I stared at it and found out that it's a necklace. Kulay ginto ito at mayroong pendant na crescent moon.

He motioned me to turn around, so I did. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang paglapat ng isang malamig na metal sa leeg ko.

Naguguluhan akong humarap sa kanila. Pero nagulat na lang ako nang sabay nila akong salubungin ng yakap.

''Kahit ano pa ang mangyari ay wag na wag mong tatanggalin 'yan, hah,'' paalala ni Dad. Hindi ako nakaimik at napakunot ang noo ko.

''Always remember how much we love you, darling.'' Halata ang lungkot sa boses ni Mom.

Kumurap ako upang pigilan ang nagbabantang pagbagsak ng mga luha sa 'king mga mata. I can't believe that they're actually hugging me right now.

It's also the first time that I heard them said that they love me. Hindi ko tuloy mawari kung ano ba ang dapat na maramdaman ko.

I may be a troublesome girl and rebellious daughter. But that doesn't mean that I don't love them at all. Because the truth is, I really, really do.

Pero dahil lumaki at nasanay ako na palagi silang wala ay medyo nabaon ko ang pakiramdam na 'yon sa kanila. But just by hearing those words from them, it suddenly creates a soft spot in me.

''Please, always take care. Saka kahit na ano pa ang mangyari at malaman mo ay palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin. We only want what is the best for you,'' naluluhang sabi ni Mom ng humiwalay na sila sa yakap.

Napatango na lang ako bago nag-iwas ng tingin. Hindi ko pa rin kasi alam ang mga tamang salita na dapat kong sabihin sa kanila.

Dad patted my head. ''I know that you hate us. But one day, you'll realize why we did those things to you. Darating din ang panahon na ikaw mismo ang makakaalam ng totoo.''

Sa totoo lang ay kanina pa ako naguguluhan sa mga sinasabi nila. Pero minabuti ko na lang na tumahimik at wag ng magtanong pa.

Pagkatapos naming magpaalam sa bawat isa ay inabot na nila sa isa pang lumapit na staff ang mga gamit ko. They both kissed me on my forehead before they left. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa hindi ko na matanaw ang sasakyan nila.

Binalingan ko naman ang medyo may edad ng lalaki na nakatayo pa rin sa harap ko ngayon.

''Welcome to Clarkson Academy, Ms. Nicole.'' Then he bowed down again.

Tumaas ang kilay ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Parang feeling close lang ang dating.

But my forehead furrowed when I noticed my own car heading in our direction.

Yes. I have my own car already. Actually, birthday gift 'yon sa 'kin ng parents ko no'ng nag-debut ako.

Huminto ito sa mismong tapat ko at bumaba ang kung sino man na nag-drive nito para lapitan ako.

''Pinadala nga po pala 'to ng parents n'yo para magamit kung sakali man na maisipan n'yo pong pumunta ng siyudad tuwing weekends,'' paliwanag niya kahit hindi ko pa man din tinatanong. Sa tantiya ko ay halos hindi kami nagkakalayo ng edad ng lalaking 'to. Maputla rin ang kulay ng kanyang balat ngunit mayroon siyang mamula-mulang mga labi.

Napailing ako. Pansin ko nga rin ang mga nagkalat na kotse sa bawat parking lot na nandito. Hindi ka nga naman talaga makakababa sa siyudad kung wala kang sariling sasakyan.

Alangan namang lakarin ko ang papunta do'n. Kung bakit naman kasi nasa alanganing lokasyon ang academy na 'to.

''Thanks.'' He bowed down, then got in my car again to park it somewhere. Muli naman akong humarap sa kausap ng parents ko kanina nang bigla siyang nagsalita.

''Ako nga po pala si Ernesto Lin. Ayos lang po ba sa inyo kung ilibot ko muna kayo sa buong lugar? Ang ibang staff na po namin ang bahalang mag-akyat ng mga gamit mo sa magiging kwarto mo.''

Napaisip ako bago napatitig sa kanya. Para kasing bigla na lang siyang naging nakakatakot sa paningin ko kahit nakangiti naman siya.

Ngunit sa bandang huli ay sumang-ayon na lang ako sa suhestiyon niya. ''Sure.''

Pinuntahan namin ang bawat building na nandito. Pati na rin ang open field, gymnasium, dining hall, swimming pool, library, music room at kung saan-saan pa. I was even amazed at their garden which have different kinds of flowers. Madami ring lugar na puwedeng pagtambayan dito, if ever you want to have some peace of mind or to relax.

Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang kagubatan dito mismo sa loob. Mahigpit niya kasing ibinilin sa 'kin na wag na wag daw akong papasok do'n.

Dahil hindi ko naman ugaling sumunod sa kung ano-anong klase ng rules, at mahilig din ako sa thrill at adventure ay hindi ako makapapayag na hindi mapasok ang lugar na 'yon. I know that there is something behind those bunches of tall trees.

''Kung ako po sa inyo ay hindi ko na tatangkain pa na pumasok do'n. You don't have any idea on what you will see inside.'' Natigilan ako at manghang napatingin sa kanya.

Mind reader ba siya?

Umiling naman siya. ''I'm not a mind reader. Obvious lang po masyado kung ano ang iniisip n'yo,'' he explained that made my jaw dropped.

Gano'n ba talaga ako kadaling basahin?

Nasa malalim pa rin akong pag-iisip hanggang sa maglakad kami patungo sa magiging kuwarto ko. Napansin ko na dalawa ang dormitory building dito. Noong una ay akala ko na hiwalay lang talaga ang sa lalaki at babae. Pero napag-alaman kong hindi pala.

Parehong nahahati ang dalawang dorm ng isang grand staircase na mayroon pang red carpet. Ang kuwarto ng mga babae ay nasa bandang kanan, habang ang kuwarto naman ng mga lalaki ay nasa kaliwa. Pareho rin itong may lounge area kung saan ay puwede kaming manood ng tv at tumambay, ayon na rin kay Mr. Lin.

Ang lubos na ipinagtataka ko lang ay kung ano ba ang pinagkaiba ng dalawa kung pareho namang magkasama ang mga lalaki at babae sa iisang dormitory. Well, bukod sa kulay ng mga buildings. Purong puti kasi ang kulay ng sa 'min habang ang kabila naman ay kulay tsokolate.

Hindi ko tuloy maiwasan ang maghinala. Baka naman may special treatment 'yong mga nasa kabila?

Umakyat na kami at nagtuloy-tuloy sa may third floor. Napahinto lang ako sa paglalakad nang bigla rin siyang huminto sa tapat ng isang pinto. Ito na siguro ang magiging kwarto ko.

''This is your room, Miss. Nasa loob na rin po ang mga gamit at susi ng kotse n'yo. Even your uniforms and list of schedules were on your bed already.''

Napatango na lang ako. In fairness naman sa serbisyo nila, hands-on sila pagdating sa pangangailangan ng mga estudyante rito.

He handed me my keys. I bid my thanks to him and I was about to open the door when he held me in my arm to stop me.

Mabilis kong binawi ang braso ko. Hindi dahil sa nagulat ako. Kung hindi dahil sa sobrang lamig ng kamay niya. Ang weird talaga.

''Bakit po ang lamig ng kamay n'yo?'' Napatayo naman siya bigla ng tuwid.

''Normal na po sa 'min ang panlamigan sa lugar na 'to.'' Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako. May point naman siya ro'n.

Pero natigilan ako nang mapansin kong seryoso na siyang nakatingin sa 'kin. Ang bilis naman niyang magbago ng mood.

''Mayroon lang po sana akong gustong ibigay sa inyo.'' His cold voice made me shiver. Ngayon ko lang napagtanto na kasing lamig ng boses niya ang kamay niya.

He gave me a bracelet that I hesitantly accepted. Kulay silver ito na mayroong dalawang pangil na pendant.

''That will serve as your protection so you must wear it always. Katulad ng kuwintas na suot n'yo po ngayon ay wag na wag n'yo rin pong tatanggalin 'yan. Magsisilbi po ang mga 'yan na pagkakakilanlan n'yo." Napaatras ako nang mahimigan ang tila pagbabanta sa boses niya.

I looked down at the bracelet that he gave me. What's up with these accessories that they're giving me and it seems that both of it were so important?

Kasabay ng pagtingala ko ay ang malakas na pag-ihip ng hangin.

Then the man in front of me is now gone.

Chapitre suivant