ELLA
"Aalis na ako. Wala ng saysay ang usapan na ito." Malamig kong tugon at tumayo na sa swing. Agad na din akong naglakad paalis sa park.
Pero hindi nawala sa isip ko ang sinabi niya bago ako umalis.
'Pinasok mo ang mundong ito. You know you can't escape them.'
MIRA
'Tik tok.'
'Tik tok.'
Kanina pa dismissed ang klase pero nagstay muna kami dito dahil nanghiram ng notes sa amin si Ella dahil nawala siya ng ilang araw.
Nangingibabaw ang katahimikan sa room na talagang ipinagtataka ko.
'Imposibleng manahimik ang mga ito ng walang problema.'
"Hayy." Malalim na buntong hininga ni Ella at nagtuloy tuloy ulit sa pagsusulat.
"Haaayyy." Buntong hininga naman ni Melissa at dumukdok sa mesa niya.
Tinignan ko naman si Myra na halos matulala na sa kawalan at parang walang gana magbasa ng libro ngayon.
Napakunot na talaga ang noo nang makita ko ang kinikilos nila.
'Anong meron?'
"Hoy. Anong meron? Kanina pa lumulutang mga utak ninyo. May tinatago kayo no?" Aniya ko na ikinalaki ng mata nila.
Sabay-sabay pa silang nag iwas ng tingin at itinuloy nalang ang ginagawa nila.
'Mga leche tong mga to. Para akong hangin.'
"Dalian mo jan Ella. Kailangan kitang kausapin." Aniya ko kay Ella na tumango lang matapos kong sabihin yon.
~~~~~~~~~~~
ELLA
"Bakit ka nakipagkita sa kanya?!" Sigaw na tanong ni Mira sa akin. Kitang kita sa mukha ni Mira ang pagkainis at pagkalito dahil sa ginawa ko.
Ikinuwento ko na kasi sa kanya ang pagpunta ng binata sa park at ang pakikipag usap niya sakin.
Hindi naman ako umiimik at nakatingin lang ng deretso sa mata ni Mira na nanunubig na.
Nakita ko ang pangingilid ng luha niya.
"Ella. Natatakot ako."
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Niyakap ko siya at tinapik ang likod niya
"I know. But you know we can't run from them."
Tumango naman siya at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya.
"Sinabi mo na ba sa dalawa ang tungkol jan?"
Napailing naman ako at napabuntong hininga.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin."
Tinapik niya ang balikat ko at nginitian ako.
"We have to face our consequences."
~~~~~~~~~
JEREMY
'It's already 11 in the evening. F*cking sh*t!'
"Bro di pa ba kayo matutulog? Ako na mag aantay kay Ella." Tanong ni Nicholas na pumupungay pungay na ang mata.
"No."
"Hindi."
"Nah."
Napatingin naman kaming apat sa isa't isa. Lahat ay pumupungay pungay na ang mata pero pilit pa ding nilalabanan ang antok.
Tumayo naman ako at tumungo sa kusina. Nag prepare ako ng apat na tasa at tinimplahan yon. Chocolate flavor para sa amin ni Nicholas, strawberry flavor kay Rence, at gatas naman kay Alvin.
"Oh." Ibinaba ko ang tray sa lamesa at umupo na muli sa sofa.
Inabot naman ni Nicholas sa akin ang chocolate ko. Lahat kami ay nananahimik dahil sa pag aalalang bumabalot sa amin.
Napangiti naman ako ng may maisip na kalokohan.
"Laro tayo." Tanong ko sa kanila.
Napatingin naman silang lahat sa akin at para bang ang weird ng sina suggest ko.
"Tss. Para hindi tayo antukin!" Inis na usal ko sa kanila at humigop sa chocolate ko.
Nagtaas naman ng kamay si Nicholas at napasigaw pa.
"Alam ko na! Uno nalang! Ako na kukuha."
Pagkasabi niya non ay agad din siyang tumakbo at umakyat sa taas.
"Tss. Edi ikaw!" Masungit na usal ni Alvin sa kanya.
Sinipa ko naman si Alvin dahil sa inaasal niya. Pinanlakihan ko siya ng mata at sumenyas na manahimik siya.
Nakita ko namang inirapan niya ako.
'Bakla ata to.'
Simula kaninang umaga ay badtrip na siya pagpasok. Ni hindi na nga namin makausap ng matino dahil lahat ay pinipilosopo niya.
Agad na bumalik naman si Nicholas at inilapag sa table ang uno cards.
"Anong gagawin sa mga matatalo?"
~~~~~~~~~~~~~
ELLA
Pikit mata kong binuksan ang gate at tinulak ang higanteng pintuan nila.
Madaling araw na ako nakauwi dahil tumulong ako kila Mira na magbenta ng barbeque.
Madami kasing tao ngayon dahil oras ng uwian ng mga workers.
Kinukusot kusot ko pa ang mata ko habang naglalakad papunta sa kusina. Madilim na sa sala pero nakakakita pa naman ako.
Kumuha ako ng tubig sa ref at sinalinan ang baso ko. Umupo ako sa tapat ng table at ipinikit muna ang mata.
"Psst."
Napadilat ako ng mata sa narinig ko. Tinignan ko ang nasa bandang bintana.
"Psst!"
Lumapit pa ako sa bintana at halos manlaki ang mata ko ng makita siya.
"Ross! Anong ginagawa mo jan?!"
Nakapaa lang siya at ang buhok ay gulo gulo. Yung damit niya ay gutay gutay na din at kaunti nalang ay mukha na siyang ginahasa.
Bigla siyang tumakbo papalapit sa bintana at tinakpan ang bibig ko.
"Please wag kang maingay. Kailangan kong makaalis sa kanila." Bulong nito at halos mangiyak ngiyak na siya dahil sa pamumula ng mukha niya.
Napakunot naman ang noo ko. Pinalo ko ang kamay niya na tumakip sa kamay ko. Inalis naman niya pagkatakip sa akin at nilihis ang tingin.
"May humahabol ba sayo?" Agad akong naging alerto ng tumango siya.
"Pumasok kana dito. Dalian mo." Seryoso kong sabi.
Sumampa naman siya sa bintana at tumalon papasok.
"Wag kang maingay."
Kinuha ko ang isang maliit na kutsilyo sa drawer. Isinarado ko na din ang bintana at hinila siya paakyat.
"U-uy. Para saan yang kutsilyo mo?" Nauutal na tanong ni Ross sa akin.
"This is the reason why I'm living here. To pr–"
"Hoy! Nandito si Alvin!"
Halos mabato ko na ang kutsilyo sa taong sumigaw. Kung hindi ko lang talaga nakilala ang boses ay malamang kanina pa nakabaon to.
Tinignan ko ng masama si Jeremy na sumigaw sa baba.
"Ano bang kalokohan to ha?!" Inis na tanong ko sa kanila.
Halos mapanganga ako ng makita ang itsura ni Jeremy.
"Pfft."