webnovel

CHAPTER FOURTEEN

CHAPTER FOURTEEN

LEONA's POV

Dahil sa naipasok rin namin ang van dito sa loob ay ginamit rin namin ito para madaling mapuntahan ang bahay nila Mrs. Hanna, kaso mukhang kabaliktaran ata ang nangyari.

Nung una ay akala ko eh, naliligaw na kami at pakiramdam ko ay nakabalik kami sa manila sa kadahilanang inabot kami ng syam-syam sa pagsunod ng mga instructions ni Mrs. Hanna.

Ngayon ay nakatigil na kami sa tapat ng isang malaking bahay na sa tingin ko ay ilang beses na ata naming nadaanan kakaikot ikot.

"Susme, Eto ho ba ang bahay ninyo Mrs. Hanna?" tanong ni melanie na halatang pagod at hilo narin kakabyahe.

"hmm, oo tama 'yan na nga"

"Ay josko, Parang gusto kong kumanta ng Ikot-ikot by yeng constantino sa sobrang hilo" Sabi ni Dylan, Yung isa sa tatlong sundalo na natira.

Agad na Binatukan s'ya ni jam sa sinabi n'ya.

"Tanga! Hindi si yeng ang kumanta ng ikot-ikot! kundi si nadine!" Sigaw ni Jam kay Dylan na isa rin sa mga tatlong sundalong natira. Marahas na Binatukan ni Jr yung dalawa dahil sa mga sinabi ng mga 'yon.

"Tanghaling tapat, mga lasing ba kayo!? Anong si yeng at si nadine!? Mga gunggong si regine ang kumanta n'on!"

"Ahh, si regine ba?"

"Tangina talino mo talaga Beb, Kaya naman talaga lab kita e!"

Kinaltukan sila ni clyde ng tigiisa.

"Tangina n'yo pareparehas kayong mali, Lumuwag na ba mga turnilyo n'yo sa utak kakaikot na'tin?" napapailing na napangiti ako sa sinabi ni clyde kaya naman ay bumaba na ako ng van na sinundan naman nilang lahat.

"May titirahan na ba kayo dito sa baguio?" Tanong ni Mrs. Hanna

"Wala pa ho" Sagot ko.

"Kung gan'on ay dumito na muna kayo hanggat kelan n'yo gusto, Bayad ko na rin sa pagligtas n'yo sa akin" sabi n'ya.

Pinatuloy n'ya kami sa bahay nila na medyo may kalakihan. Nang makapasok ay sinalubong kami ng isang lalaki na nakalabcoat.

"Hello po, magandang tanghali" Bati namin.

Nginitian n'ya kami at nakita ko ang paggalaw ng mata n'ya na tila ay para bang iniixamine n'ya kami isa isa.

"Ahm, Eto ang asawa ko. S'ya ay si Dr. Emmanuel Jimenez. A psychiatrist and a chemist" Pagpapakilala ni Mrs Hanna sa asawa n'ya.

Napakunot ang noo ko, Emmanuel Jimenez? It's kinda familiar to me, ewan ko lang ha. pero parang nabasa ko na talaga somewhere ang name na 'yan.

"Its nice to meet you all" Bati ni Dr. Emmanuel sa amin.

"Ahm,  Dr. Emmanuel Jimenez? You are a chemist right? If ever lang po, are you familiar with Hailey G. Ocampo?"  I asked.

I saw Mrs Hanna stilled. hmm, What's wrong?

Dr. Emmanuel looked at Mrs. Hanna first before answering.

"No" Dr. Emmanuel Said at pumasok na s'ya sa loob ng bahay.

"Ahm, leona right? Did you know who is Hailey G. Ocampo? What is your relationship with her?" Sunod sunod na tanong ni Mrs. Hanna sa akin.

"Dr. Hailey G. Ocampo.  She is a chemist too, Just like your husband po. And she is my mother, But i've never seen her in my entire life. Sa isang malabong picture ko lang sya nakita" she nodded after listening.

"Sige na, Pasok na kayo" Mrs. Hanna said at pumasok na kami.

Nang pumasok kami ay pinakita n'ya muna samin ang mga kwarto na maari naming tulugan. Kami ni Melanie, Dani, ate jane at ako ay nagdesisyon na isang kwarto nalang kuhanin at gan'on din sila clyde, isang kwarto lang din ang kinuha nila.

Hinakot nila clyde at ni aries ang mga gamit namin at nilagay ito sa mga kwarto, Napagusapan rin namin na maligo muna bago sumama kay Mrs. Hanna sa alok n'ya na mamasyal sa labas.

Natapos na silang lahat maligo at ako na ngayon ang naliligo. Hininaan ko bigla ang tinig ng may marinig na naguusap sa baba.

" grenanuel! No yung sagi nung gata? Na nak daw zia ni li?  Ih got erd na nabe ni pa lo na abo daw si li?" Huwuut? Ano daww? hindi ko masyadong maintindihan yung mga sinasabi nila dahil nga nasa banyo ako.

Wala na akong narinig matapos yung hindi gaanong malinaw na narinig ko. Mukhang end of the discussion na sila.

Tama na ang pakikichismis leona, Magfocus kana lang sa paghihilod.

HANNA's POV

Nagmamadaling naglakad ako papuntang secret lab nitong bahay at naabutan ko si emmanuel na nagchicheck ng ilang carriers na pinakuha nya.

"EMMANUEL! ANO YUNG SINASABI NUNG BATA SA LABAS NA ANAK DAW S'YA NI HAILEY? EMMANUEL WE BOTH HEARD NA NANGGALING MISMO KAY PAULO ANG PANGALAN NA BINANGGIT KANINA NG BATANG 'YON! WE BOTH KNOW NA ILANG BESES AKONG PINIPILIT NI PAULO NA MANIWALA SA KANYA NA AKO SI HAILEY ANG ASAWA N'YA! AT KUNG TOTOO MAN ANG MGA 'YON, WHY DOES I CANT REMEMBER ANY?" sigaw ko.

Gulong-gulo na talaga ang isip ko magmula nung narinig ko ang pangalan na 'yan.

I need to find out all of the answers on my questions.

Nung nakaraang linggo nagising ako sa isang hospital sa manila at sabi nila na coma daw ako for 4 months. Tapos nakilala ko si General Paulo, Na pinadakip ni Emmanuel para makuha ang anak nito na sa tingin naming dalawa ay ang magiging cure sa viruZ na kumakalat.

At mas lalo pang gumulo ang utak ko ng makakita ng isang picture ng isang kambal na lalaki sa ilalim ng kakalinis lang na kwarto, tapos yung kasama nila leona na batang lalaki na B2 daw ang pangalan ay kamukha ng kambal sa litrato.

At ngayon, nadagdagan ang kaguluhan sa utak ko ng malamang nanay ni leona si hailey. Na nitong nakaraan lang ay sinabi ni paulo na ako daw si hailey na asawa n'ya.

"Sagutin mo nga ako emmanuel, Are you hypnotising me?" He can't blame me kung maiisip ko talaga na ginagamit n'ya sakin ang panghihipnotismo n'ya.

He is a psychiatrist! at napanood ko na s'ya minsan ng magkaroon s'ya ng big client at pinadelete nito ang ibang memorya ng asawa n'ya para makalimutan na nangbababae s'ya, at hindi imposibleng gawin nya sakin 'yon, Lalo na kung may tinatago s'ya na ayaw n'yang malaman ko.

"Yes, I am. And I'm gonna do it again, Now." he said at biglang itinusok sa leeg ko ang laman ng isang syringe na hawak n'ya.

"H-hayop ka" sabi ko habang paunti-unting nauubos ang lakas ko hanggang sa bumagsak ako sa sahig.

Chapitre suivant