webnovel

CHAPTER FIVE

CHAPTER FIVE

MELANIE's POV

Dinala nila kami sa isang lab, ewan ko basta sa pagkakaalam ko lab 'to.

Sa pagpasok sa loob ay kinamusta na agad ng masang-sang at halo halong amoy ang ilong ko.

May ilang sundalo dito sa loob at nung maipasok na kami ni kuya sa pinakaloob ay doon tumambad sa amin ang napakadaming doctor na pare-parehas abala sa pagtetest sa mga tao na nasa human sized glassed capsule.

Pero may isang taong nakaagaw ng pansin ko, Nakahalf naked sya kaya kitang kita ang malapandesal nyang abs at ang kakinisan nito mula ulo hanggang paa.

At kahit nakapikit ay kitang kita ang pagkakaroon nito ng gwapong pagmumukha ngunit mababakasan mo ito ng paghihirap dahil sa kasalukuyan nitong dinadanas na sakit.

"Aries" bulong ko habang tuloy-tuloy na umaagos ang luha.

Dahil sa nakatitig ako kay aries ay hindi ko namamalayang nasa tapat na pala ako ng isang maliit na kulungan.

tinanggal nila ang puting tela na nakapalibot sa maliit na kulungan at tumambad sa amin ni kuya ang mahigit sa benteng katao na binabakasan ng takot sa mukha.

Ang ilan sa kanila'y may edad at ang iba'y kasing edad ko lamang at ang nakakaawa, bakit may kasamang sanggol at bata?

Oo, alam ko maldita ako pero hindi naman aabot ang ugali ko na pati bata ay idadamay ko. Mga demonyo sila! Mga walang awa!

"Hoy kayo! Mga punyeta kayo! Hindi kayo nababagay mabuhay! Mga demonyo!" Sigaw ko sa mga doctor na nageeksperimento.

"ipasok na yan" itinulak ako ng isang sundalo papasok sa kulungan atsaka muli itong kinandado.

"Teka, Saan nyo dadalhin ang kuya ko? ipasok nyo rin sya dito! Hoy! Ano ba! Kuya!!" sigaw ko ng kaladkarin si kuya papunta sa isa pang kulungan na nababalutan naman ng itim na tela.

Nang tanggalin ang itim na tela ay kumawala ang masangsang na amoy at ganon na lang nanglaki ang mata ko ng makita kung ano ang laman ng kulungan na yon.

kamukha sila nung babaeng nangagat kay mama, pero magkakaiba ang dating nila o yung physical na itsura nila.

Yung isa may tatlong dila, Yung isa naman nahahati ang bibig sa apat tapos feeling ko nangangain yon ng buo. tapos yuck. nakakadiri silang tignan kase ang ibat ibang parte ng katawan nila ay naaagnas na.

"wait wait wait, dont tell me ipapasok nyo dyan ang kuya ko?" tanong ko at nginisihan lang ako nung sundalo.

"H-HELL NO! MGA GAGO KAYO! SIRA NA BA MGA ULO NYO!? PUTANG*NA MGA TAO PABA KAYO?" sigaw ko.

"Wag kana po magpakapagod kakasigaw ate, Ipunin mo nalang po ang lakas mo kase sa atin po sila kukuha ng ilalagay doon sa kabila" sabi ng isang batang babae at nagsimulang umiyak.

Humagulgol ako ng iyak at nagtakip ng mukha ng unti-unting buksan ang kulungan sa kabila at ipasok doon si kuya.

Mas napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang malakas na paghiyaw ni kuya at natulala nalang ako ng may marinig akong pagpunit ng laman.

Mga hayop sila, mga wala silang puso! Napakaswerte ni leona at makakaligtas sya sa tatay nya hindi kagaya namin, at ni aries.

Muling tumulo ang luha ko ng mapansing sumisigaw rin si aries sa sakit sa loob ng capsule. Hindi naman namin naririnig ang sigaw nya eh obvious namin dahil sa nakapikit sya ng mariin at nakabuka rin ng malaki ang bibig nya na animo ay humihiyaw.

LEONA's POV

Magdadalawang araw na akong gising at nakatulala dito sa kwarto ko sa private hospital na 'to.

Hindi ko parin lubusang maisip kung ano ang gagawin ni daddy kay aries.

Nang makarinig ako ng yabag ng paa ay pumikit ako at umaktong tulog.

Rinig kong bumukas ang pinto at may mga pumasok.

Huhulaan ko, Si daddy to kasama nanaman ang alipores nya o yung kanang kamay nya lang na si clyde.

"Anak, May maganda akong balita sayo. Naiganti na kita sa dambuhalang nanakit sayo nung nakaraang araw. Ginawa ko syang pagkain sa mga alaga natin, Haha nakakatuwa diba?" WTF? Anong alaga tinutukoy nito? Nababaliw naba ang daddy ko?

Naramdaman kong masusuka ako sa mga narinig ko kay daddy pero pinigilan ko kase nga tulog nga dapat.

"At alam mo ba anak, Tinutuloy namin ang eksperimento ng mommy mo. Sayang lang kase wala na sya pero dahil kay aries, mukhang makukumpleto na namin ang nasimulan ng mommy mo" pinigilan kong kumunot ang noo ko sa narinig ko.

eksperimento? Pinageeksperimentuhan nila daddy si aries? WTF?

"Your mom died because of this project, Kaya ang gusto ko. Mananatili kang labas sa proyektong 'to para ligtas ka kahit ano mang mangyari, I love you my daughter"

"Sir, Handa na po ang kotse sir" rinig ko ang boses ni clyde.

"sige, tara na. Magiwan ng dalawang bantay sa labas ng kwarto ng anak ko, wag kayong magpapapasok ng kung sino-sino"

"Yes, Sir"

nang marinig kong nakalabas na sila at wala ng tao ay agad kong nilock ang pinto at sumilip sa bintana.

Hmm, Eksperimento? Proyekto? Kailangan kong malaman kung saan nageeksperimento sila dad.

Paniguradong doon ko makikita si aries.

Kailangan kong makaalis dito.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto.

"Pakiayos ang discharge paper ko, gusto ko ng umuwi sa bahay" utos ko sa dalawang nagbabantay.

"Pero ma'am-"

"Hep hep hep, Walang pero pero hijo. Sundin mo nalang ako" sabi ko at sinarado ang pinto saka ngumisi.

Hindi ko na pala kailangan tumakas, Im free to leave this weird hospital.

Nang maayos nila ang discharge paper ko ay nagpahatid ako sa bahay at dumiretso ako sa kwarto ni daddy.

Pinihit ko ang door knob.

"Holy cow, Kamalas-malasan"

Nakalock ang kwarto ni daddy.

Tumakbo ako at dumiretso sa mini library at naghanap ng files na pwedeng mapakinabangan.

and there may nahugot akong newspaper na nakaipit sa pagitan ng mga libro.

I saw the Top headline.

"Dr.Hailey G. Ocampo Died At Project Z"

Mom?

Chapitre suivant