webnovel

Chapter Twenty-Nine

5 minutes!! I still have 5mins. to look for her sa napalaking airport. I have to stop her. I need her!! I love her!!

Nakapasok na ako sa loob. Kailangan ko syang mahanap!! Inikot ko na lahat.. Celine please wag ka muna aalis. Please.

Tinawag na ang lahat ng passengers ng papuntang States. No Celine. Please!!

Mabilis akong tumakbo papunta sa mga passengers.

"Sir passport po at ticket nyo?"

"Ah may kailangan lang akong habulin. Papasukin nyo ko please. Hindi sya pwedeng umalis!"

"Sorry sir pero hindi po kayo pwedeng pumasok!"

"Celine!!! Celine!!!!"sigaw ko. Yun lang ang tangi kong magagawa dahil hindi ako pwedeng pumasok.

"Celine wag kang umalis!!! Please!!! Celine!! Kung naririnig mo ko!!! Please!! Wag mo kong iwan!! Celine!! Mahal na mahak kita!!!!"

Pero parang hindi nya ako naririnig. Nahuli na ako. Wala na sya. Nakasakay na sya.

Wag mong hayaan na mawala ang kaligayahan mo anak. Mahal ka nya at alam kong mahal mo sya. Ngayon na ang alis nya papunta sa America.

Hinayaan kong mawala ang taong bumuo sa buhay at pagkatao ko. Ang tanging kaligayahan ko. Ang tanging minahal ko.

Huli na ang lahat.

"Mahal na mahal kita Celine.!" Sabi ko habang dahandahan na akong napaupo. Wala na nga sigurong pagasa para samin dalawa. Wala na.

"Mahal na mahal din kita,Xander!"

Natigilan ako sa narinig ko.

Boses yun ni Celine. Boses nya yun at hindi ako maaaring magkamali.

"Mahal pa din kita!"

Napatingin ako sa harapan ko.

Sa hindi kalayuan,

Nakita ko ang babaeng may hawak na maleta

Nakatingin sakin at umiiyak

Hindi ako maaaring magkamali

Nasa harapan ko ngayon ang babaeng mahal ko.

Unti-unti syang naglakad papalapit sakin at ako naman ay napatayo.

"Celine?" Hindi ko na hinintay pang sya ang lumapit dahil tumakbo na ako palapit sa kanya. Agad ko syang niyakap. Ang yakap na to. Napakatagal kong inasam. Napakahabang panahon kong hindi naraasan to.

Hinawakan ko sya sa pisngi at tinitigan mabuti.

"Ikaw ba yan? Celine? Celine!"

Hindi ako makapaniwala. Nasa harap ko ngayon ang babaeng may hawak ng buhay at puso ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Naririnig ko ang paghikbi nya at ramdam ko ang bawat pagpatak ng luha nya sa balikat ko.

Humarap ako sa kanya at marahan kong pinunasan ang luha nya.

"Please don't cry. "

"I'm sorry, I'm so sorry!"

"No, no you don't have to say sorry. Celine. Celine i love you. Akala ko mawawala ka na"

"I can't. I can't Xander. I really can't afford to lose you.!"

At hinalikan nya ako. Ang yakap at halik na matagal ko ng hinintay na maramdaman muli.

"Mahal kita Celine. Mahal na mahal kita.!"

"Mahal din kita Xander.!"

Tama si dad at Leo. Mahal pa nya ako.

Hindi ko na hahayaan pang mawala sya. Lumuhod na ako sa harap nya at kinuha ko ang singsing na binigay ko sa kanya.

"Celine, mahal na mahal kita. Will you be my girlfriend again?"

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya at isinuot ko na sa kanya ang singsing na binigay ko sa kanya. Dahil para sakin ang sabihin na mahal na mahal pa din nya ako ay katumbas ng isang bagong relasyon.

Ngumiti sya sakin pero alam kong kulang ang ngiti na yun. Kaya inilabas ko na ang singsing na dapat ay ibibigay ko sa kanya

"Now that you're mine again. Please Celine. Answer me yes. Will you be my wife, my life and my heart? Please, marry me"

Ang sunod-sunod nyang pagtango ay ang naging sagot nya. Isinuot ko na ang singsing sa kanya at agad akong tumayo para yakapin sya at halikan.

Masaya, at parang nabuhay akong muli. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Buo na ulit ang pagkatao ko.

Chapitre suivant