webnovel

Chapter Twenty-Two

Higit isang linggo ng walang malay si Celine at higit isang linggo na din akong palaging palihim na dumadalaw sa hospital sa tulong ni Carla. Pero halos limang araw na akong hindi nakakadalaw pa sa hospital. Lagi daw kasing nandon ang yaya ni Celine at halos hindi na umaalis. Pagdating naman ng gabi ay nandon ang daddy nito. Naiinip na ako. Habang tumatagal nararamdaman ko ang pagliit ng mundo ko dahil hindi ko nakikita si Celine. Ang hirap ng ganito. Hindi ko na kaya pang tiisin kaya pupunta ako sa hospital ngayon. Pero pagdating ko sa floor ng room nya wala kahit isang bantay don. Wala kahit isang bakas na may tao don kaya pumasok na ako. Nagulat na lang ako dahil wala kahit isang tao don. Kahit si Celine ay wala din don. Kaya nagmadali akong pumunta sa nurse station para malaman.

"Nurse nasan na yun pasyente sa room 502?"

"Ah si ma'am Celine po? Nadischarge na po sya 2days ago pa po. Hindi nyo po ba alam?"

Nadischarge na sya? Pero walang sinasabi sakin si Carla. Hindi na ako nagtagal at mabilis akong pumunta sa bahay nila Celine. Alam kong nandon na sya dahil hindi sya papayagan ng dad nya na sa condo pumunta.

"Sir bawal po kayong pumasok dito.!"

Sabi sakin ng isang guard na nakabantay sa gate ng bahay nila.

"I'm Celine's fiancé. Papasukin nyo ako!"

"Sir pinagbilinan po kami ni daddy nya na wag kayong papasukin dito. Sumusunod lang po kami sa utos. Kaya mabuti pa po ay umalis na po kayo!" Pero nagpumilit pa din akong pumasok. Napahinto lang ako ng paluin nya ako ng baril sa likod ko.

"Sinabi ng hindi kayo pwedeng pumasok dito eh! Umalis na kayo!" At saka nya sinara ang gate. Nakita ko si Carla na nakatayo sa labas at nakatingin sakin.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na gising na sya?"

"Xander sinabihan kasi ako ng daddy nya na wag na wag kong sasabihin sayo."

"May usapan tayo diba? Akala ko ba tutulungan mo ako!?"

"Oo alam ko pero nahuli ako ni uncle at kahit ako ay muntik ng pagbawalan pero pinigilan lang sya ni Celine nung saktong nagising sya.!"

"Pero bakit hindi mo sinabi sakin na gising na sya!?"

"Si Celine ang nakiusap sakin na wag kong sabihin sayo.!"

Pinakiusapan sya na wag sabihin sakin? Ayaw na ba nya akong makita at makausap?

"Xander, ayaw ka nyang makita at makausap. Hindi nya matanggap ang ginawa mo--"

"Pero alam mong hindi ko ginusto yun"

"Pero hindi yun ang nasa isip nya. Xander ng malaman nyang nawala ang baby nya hindi nya matanggap yun at mas lalo syang nagalit sayo. Xander ayaw ka nyang makausap. Hayaan mo na lang sya"

"Hayaan? Carla naman. Alam mo kung gaano ko kagustong makausap sya. Alam mo yun!"

"Alam ko pero Xander. Masakit kay Celine ang nangyari. Please. Hayaan mo na lang muna sya. Hayaan mo na lang muna syang makarecover sa nangyari. Sa ngayon umalis ka na lang muna.!" Saka sya pumasok na sa loob. Ayaw nya akong makausap? Bakit? Hindi lang naman sya ang nasaktan. Oo kasalanan ko pero nagsisi naman ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ko sya nakakausap. Gagawin ko ang lahat para mapatawad nya ako.

Ilang beses ko din sinubukan na puntahan sya sa bahay nila pero mahigpit ang mga bantay nila. Hanggang sa nakita ko sya sa skul. Kuhanan na ngayon ng lahat ng cards and diploma namin at nandito sya ngayon. Agad ko syang nilapitan at hinawakan sa kamay. Halata ang pagkagulat nya ng makita nya ako.

"Celine magusap naman tayo.!"sabi ko pero iwinaksi nya ang kamay ko.

"Celine please let me explain. Please magusap naman tayo!" Agad syang tumalikod pero hinabol ko sya.

"Celine magusap tayo please. Nagmamakaawa ko sayo!"

"Bitawan mo ko!!" Sigaw nya sakin kaya narinig sya ng mga guard na kasama nya. Agad lumapit ang mga yun sakin at pinigilan ako.

"Please Celine magusap tayo!!!" Pero hindi pa din nya ako pinakinggan. Sumakay na ulit sya sa kotse at umalis. Bakit!? Bakit ba ayaw nya akong kausapin? Bakit ayaw nya akong pakinggan at hayaan magpaliwanag!? Pero hindi ako susuko.

Araw araw akong nagpupunta sa labas ng bahay nila,nagmamakaawa para pagbigyan nya ako. Para kausapin nya ako. Higit isang linggo. Higit isang linggo na akong nagpapabalik balik sa kanila para kausapin nya ako pero paano nya nakakayang tiisin ako ng ganito!?

"Sir umalis ka na! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi nga kayo pwedeng pumasok e!!" Sabi ng guard habang pinipigilan akong pumasok. Hindi ko na kaya. Hindi ko na matiis pa.

"Papasukin mo ko,gusto ko lang syang makausap!! Celine!!!! Celine!!! Magusap naman tayo!!! Celine!!"

Nang akmang itutulak ako ng guard palabas ay may isang babae ang lumapit.

"Bitawan mo na sya.!"

"Ma'am,"

"Ok lang. Pagbibigyan ko lang sya. Kailangan na din namin magusap.!"

Naglakad sya papunta sa garden nila at sinundan ko sya.

"Celine"

Niyakap ko sya ng mahigpit.

"I miss you Celine. I miss you so much.!" Hinawakan ko sya sa dalawang pisngi nya at tiningnan sa mata. Pero wala akong makita kahit na anong reaksyon sa mga mata nya. Ni hindi ko maramdaman na namiss nya ako at masaya syang makita akong muli..

"Celine--"

"Xander isinosole ko na to sayo!" At inilagay nya sa palad ko ang unang singsing na binigay ko sa kanya pati na din ang kwintas na binigay ko sa kanya.

"Pe-pero ba-bakit Celine?"

"Xander tapos na tayo."

Tama ba ang narinig ko? Sinabi ba talaga nya ang salitang tapos na kami?

"Celine anong ibig mong sabihin?"

"Ito na ang huling paguusap natin. Tapos na tayo Xander.!"

"Celine i know galit ka sakin hayaan mo muna akong magpaliwanag sa lahat ng nangyari--"

"Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag. Wala ng dapat pang ipaliwanag. Malinaw na ang lahat. "

"Celine oo aaminin ko!! Aaminin ko na may nangyari samin dalawa dati pero hindi pa tayo ok noon! Blinakmail nya lang ako Celine. Please Celine!"

Hindi ko na napigilan pa ang umiyak. Hindi ko kaya.

"Xander umalis ka na. Tapos na tayo!" Hindi na nya ako pinakinggan. Umalis na sya at naiwan na akong magisa. Tama ba ang narinig ko!? Nakipaghiwalay ba talaga sya sakin? No! No hindi kami maghihiwalay. Agad akong tumakho papunta sa loob ng bahay nila.

"Celine, sabihin mong hindi totoo na nakikipaghiwalay ka sakin. Please sabihin mong hindi ka nakipaghiwalay sakin!"

Nakatayo lang sya sa may hagdanan ng bahay nila habang nakatingin sakin.

"Please Celine tell me you're not breaking up on me. Please."

"Xander umalis ka na!"

"No Celine. Please tell me. Tell me you're not breaking up on me. Please. Celine. Hindi ko kayang mawala ka sakin. Please. Hindi ko kaya pati ikaw mawala sakin. Celine please."

Umiiyak na din sya habang nakatingin sakin.

Naghihintay ako ng sagot pero tinalikuran na nya ako at pumasok na sa kwarto nya. Aakyat sana ako para habulin sya pero pinigilan na ako ng mga guards at pilit na akong pinalabas.

Hindi. Hindi pa kami hiwalay. Alam kong galit lang sya sakin kaya nya nasabi yun. Hindi ako papayag. Hindi ko kaya. Nawala na sakin ang baby namin at hindi ko na kakayanin kung pati sya mawawala sakin. Gagawin ko ang lahat wag lang syang mawala sakin.

Chapitre suivant