webnovel

Chapter 20 Photoshoot

Paguwi nila Wei ay magaling na ito pero malaki ang pinagbago niya. Nakalimutan niya na sobrang close siya sa pinsan na si Maximo, hindi na lang ito pinansin ni Maximo at mas hinigpitan na lang si Wei. Isa pa dahil sa dami ng gamot na ginamit sa kanya ay medyo nagkaroon ng epekto sa utak niya.

"Boss, nawala ulit ng mga tauhan natin si Wei." si Zebby. "Pero nakabantay pa rin sila kay Ella."

"It's Ok Zeb, nakauwi na siya. Pagnakakuha kayo ng evidence laban kay Ella, send your people to have their vacations." Maximo.

Nasa office sila ngayon inaasikaso ang mga papeles para walang makakapigil at maging legal ang operation nila sa University.

Nasa canteen at masayang kumakain mag-isa si Wei. Wala na siyang pasok pero wala siyang gana umuwi. 'aah namiss ko ang lasa ng silvanas paano kaya gumawa non? may natira pa kayang Golden Sea Dragon na tinago si Orion? kamusta na kaya iyong mga alaga ko doon? kailangan bilisan...'

"A little cake for your thoughts?" pagputol ng isang lalaki sa iniisip ni Wei. Agad namang kinuha ni Wei ang cake.

"Akin na itong cake. Iniisip ko lang naman kung may magbibigay ba ng pagkain sa akin o wala." pagsisinungaling nito.

"King, hindi mo ba napapansin?"

"About What?"

Inubos muna ni Wei ang cake bago sumagot. "May gusto sa iyo ang pinsan ko. Thanks and Bye." Tumayo ito at umalis. Speechless naman si Sebastien sa sinabi ni Wei. 'How can I court her if she thinks that her cousin likes me?'

"Dahil busog na ako pwede ko na siguro simulan ang mission ko." Wala naman talaga siyang balak na maghiganti o pagbayarin ang pamilya niya sa pagsisinungaling, gusto niya lamang na tumagal muna sa kanila. Dahil kung seseryusuhin niya ang mga nangyayari sa kanya ay baka buong buhay niya palagi na lang siya namumula. Hindi siya nahihiya kay Orion pero kinakabahan siya pagkasama niya ito. Ang kaba niya ay hindi para sa sarili kundi para kay Orion.

'Tamad akong maglakad o magskate!!! Kaya maka sakay na nga lang ng jeep. Hindi muna ako uuwi gusto ko muna mag joyride.' Nakasuot si Wei ng itim na polo shirt at naka short nakasuot din siya ng sombrero. Enjoy na enjoy niya ang hangin ng tumigil ang jeep at may sumakay na babaeng blonde. Noong una ok lang sa kanya ang nangyayari habang sinasampal siya ng buhok ng katabi hanggang sa halos kainin niya na ang buhok neto. Dahil sa inis pasimpleng itinaas niya ang kamay para humawak sa hawakan ng jeep at medyo tumama ang siko niya sa ulo Ng katabi. Hindi siya ng sorry 'ano ako santa?! no way!' Parang matigas din ang ulo ng katabing babae at napansin ng isa niya pang katabi ang nangyayari pero hindi siya nito tinulungan. 'Sarili ko lang talaga ang pwedeng tumulong sa akin.'

"Excuse lang Miss ha! Hindi ka nagpo-photoshoot ng isang shampoo! paki ayos ng buhok please! Sasabunutan na talaga kita paghindi mo aayusin yang buhok mo!" at hindi niya na napigilan ang sarili dahil masakit ang mata niya dahil natusok ito ng buhok.

Nabigla naman ang iba pang pasahero sa jeep. Wala namang pakialam si Wei sa kanila kaya hindi niya pinansin ang mga kakaibang mga tingin nila. Nahiya naman ang babaeng blonde.

"Anong tinitingin-tingin niyo? Oh bakit mali ba ako? Yung iba nga jan makaupo akala mo sila lang ang pasahero akupado ang buong upuan na nilagyan ng dalang bag wala namang bayad!" si Wei na naghahanap pa ng away. "Hay naku! mahiya naman kayo pareho lang tayong mga pasahero ang lapad pa ng space ayaw umusod! tsk tsk tsk! Manong ito bayad ko at bababa na lang ako nakakahiya talaga ang mga tao!" sabi nito at binigay sa konduktor ang isang libong piso. "Hindi ko tinatapon itong pera, pero bayad ko ito dahil mukang mapupuno lang ang jeep pero kulang parin ang pasahero niyo." sabi nito at bumaba na dahil sobrang sikip na sa loob, pero tumitigil pa rin ang jeep sa mga taong nagaabang sa daanan.

"Saan na ba ako?" sa nakikita niya sa paligid nasa isang eskinita siya papunta sa isang mall.

"Hi Miss, naghahanap kaba ng trabaho? Halika may orientation kami siguradong matatanggap ka!" sabi ng isang lalaki na naka suit akala mo abugado.

"Talaga?! magkano bayad?"

"One thousand five hundred lang po makaka-start ka na po agad!"

"Ah ganon ba? Sige sayo na yan. Sinong siraulo jan na naghahanap ng trabaho para mag-apply tapos kailangan magbayad para ma tanggap!!! Kailangan nga magka income diba?" nanahimik naman ang lalaki kaya tuloy na ulit ang lakad ni Wei. 'Anong akala niya madali akong lokohin? Nabasa ko na kaya ang mga ganyang modus at napanood ko na rin yan sa balita. Hindi ako maglalakas ng loob na mamasyal sa ganitong lugar kung hindi ako nakapag research!'

"Tuloy ang adventure ko ngayon! Magsisimula ako sa mga food stall sa itaas pababa. Kailangan ma evaluate ko ang lasa ng mga pagkain sa loob ng Mall ngayong araw! Mga alaga ko sa tyan! Fighting!!!" at pumasok na siya sa loob ng elevator papunta sa top floor ng Mall.

Naka twenty five lang na stalls ang napuntahan ni Wei ng mapansin na sobrang dilim na sa labas. "Ma'am pasensya na po magsasara na kami. Binalot na lang po namin ang iba mo pa pong order, Salamat po sa pagpili ng aming store balik po kayo uli." sabi ng isang crew sa kanya at inabot ang mga naka-takeout na pagkain. Napilitan naman si Wei na umalis. 'Sige na nga pagpatuloy ko na lang to next time.'

"Paano kaya ako uuwi sa amin? Ay Teka may susi pala ako dito ng kotse ni Johnny kaso saan kaya yung kotse niya?!" tanong niya sa sarili ng maalala ang binigay sa kanya ng pinsan. Nalungkot naman siya ng maalala na nandoon pa rin sa hotel ng pinsan ang sasakyan. 'Matawagan na nga lang si Maj.'

Tinawagan niya ang kaibigan pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. 'Ah... baka sa kung saang bar na naman siguro sila. Si Puppy na lang siguro, kaso baka may date sila ni Gwen. Tama kay Chimp na lang!'

Hindi din siya masusundo ni Chimp dahil may kausap itong isang importanteng client. Wala sa isip niya ang pinsan na si Chiki/Miaka dahil wala itong sasakyan at nakaasa lang sa binibigay na pera ng kakambal. Ayaw niya din isturbohin si Sebastien dahil baka magalit sa kanya ang pinsan. Hindi naman sila sobrang close ni Zebby para magpasundo dito. 'Last option na talaga! Kahit sobrang sakit sa aking mahinang puso ay kailangan kong tatagan ang sarili!'

Ng nakaconnect na ang call ay walang nagsalita sa kabilang linya. Kahit siya ay nagaalangan pang magsalita at dahil sa nahihiya din siya ay halos di niya masabi ang gustong sabihin. "Ahem... Hello... Ano...

Hello...

Kuya Rhino pwede po magpasundo?" kinakabahan niyang tanong. Naubos ang dala niyang cash sa mga kinain kaya wala na siyang pera pauwi. Naiwan niya rin ang atm card.

"Saan ka?"

"Nasa ***mall po kuya." "Ok just wait and don't go anywhere." Ng wala ng narinig si Wei sa kabilang linya ay in-end niya na ang call.

Hindi naman siya naghintay ng matagal at dumating ang isang Lamborghini, bumukas ang pinto nito at nakita ni Wei ang nakangiting pinsan.

Chapitre suivant