webnovel

Chapter 68

My Demon [Ch. 68]

 

Tanging si Tita Juliet lang ang nagpapaingay sa buong pasilyo. Ang tahimik naming tatlo. Hindi nagsasalita si Jia, lalo na si Demon. Kung magsalubong man kami ng tingin ni Jia, magngingitian kami. Ganun lang.

Dumating ang tatlong katulong na may dalang desserts. Sinabi kong busog pa ako, but Tita Juliet insited na kumain ako. Desserts na naman daw.

May chocolate mousse, mango float, chicken salad, tapos yung iba hindi ko na alam ang tawag. Basta nasa chocolate mousse ang spotlight ng mga mata ko.

Chocolate mousse ang kinuha ni Tita Juliet, na agad namang hinila ni Demon at nilapit sa tapat ko.

Sumimangot na parang batang nagtatampo si Tita Juliet dahil sa ginawa ni Demon, ngunit naglaho rin naman yun nang magsalita ang anak niya.

"Makaka-wrinkles ka, Mom."

Tita Juliet's eyes lit up.

"How thoughtful, son. I love you!"

"Yeah," Demon murmured. Kain lang siya ng kain ng mango float.

Pagtingin ko kay Jia, nahuli ko siyang nakatingin sa'min ni Demon. Agad din namang siyang yumuko sa kinakain niya.

Umusog ako ng kaunti hanggang sa hindi na kami masyadong magkadikit ni Demon.

Bakit kaya ang tahimik ng dalawa─ Jia and Demon.

Nag-ring ang phone ko na nagpatigil sandali sa kadaldalan ni Tita Juliet. Ang sakit sa dibdib ng vabriation ng phone ko. Nasa dibdib ko kasi ito. Hindi kasi 'to magkasya dahil maliit ang bulsa ng maong shorts kaya sabi ni Tita Juliet sa bra ko nalang daw ilagay.

Saka ko lang napagtanto na may lalaki pala akong katabi. Hindi naman siya mukhang affected. Uminom lang siya ng juice, maling baso pa ang nakuha niya, yung akin.

Mahinang hagikgik ang nagtulak sa'kin para tumingin kay Tita Juliet. Halos natatakpan na ng buhok niya ang kanyang mukha dahil sa pagyuko niya. I know that tactic. Ginagawang pangharang ang buhok so no one would find out na tumatawa siya. Well, kung hindi lang sa traydor niyang braso at likod.

Pinanood ko siya hanggang sa kumalma na siya.

"Sagutin mo na, iha. Baka importante," sabi niya. Nagpipigil pa rin ng tawa.

Ano bang pinagtatawanan niya?

Nahuli ko ang katabi kong pasimpleng tumingin sa screen ng phone ko. And as I shifted my glance to my phone, nalaman kong si Johan ang tumatawag.

I answered the call.

"Hello."

"Hi, Soyu! Busy ka ba ngayon?"

 

"Hindi naman."

"Nandito kasi si Jingle."

 

"Talaga?" Lumakas ang aking boses. Halatang excited na natutuwa. Jingle sooo cute!

"Yep. Hinahanap ka nga e. Wait, pakausap ko sa'yo."

 

Habang hinihintay ang boses ni Jingle sa kabilang linya, tumingin ako sa mga kasama ko. Nakatingin rin sila sa'kin except sa katabi ko na kain lang ng kain.

"Ello, Ate Soyu."

 

I giggled hearing Jingle's sweet little voice.

"Punta ka dito, Ate. Laro tayo."

 

Napangiti ako. Nai-imagine ko ang cute na mukha ni Jingle. "O sige. Pupunta ako. Wait mo ko dyan, ha?"

Nakarinig ako ng palakpak mula sa kabilang linya. "Yehey! We-wait kita, Ate. Bilisan mo, huh?"

 

I chuckled. "Opo. Bye!"

"May lakad ka?" tanong ni Tita Juliet. Nilipat-lipat niya ang tingin sa'kin at kay Demon.

Tumango ako.

Binagsak ni Demon ang kubyertos. "This one tastes shit." Tumayo na siya at naglakad.

Ewan ko lang kung sinadya niyang bungguin ang upuan ko o hindi.

"Watch your languange, mister!" saway sa kanya ni Tita Juliet. Too late dahil nasara na ni Demon ang pinto. Ng padabog.

Jia excused herself. Susundan niya lang daw si Demon.

"Tara na, iha. Ihahatid na kita." Naglakad si Tita Juliet papunta sa gilid ko.

"Okay lang po sainyo na ngayon na ko umalis?"

Pansin ko lang abot-tenga ang ngiti niya. She looked very much amused.

"Dinala talaga kita dito para pagselosin. Pero mukhang mas nagselos pa ang anak." Tumawa siya. "You must have seen his face. That was the first time I saw him like that. Kamukhang-kamukha niya ang ama niya."

Hanggang sa makalabas kami ng gate, ayun pa rin ang bukam-bibig niya. Di naman halatang tuwang-tuwa siya? Tita, meron po tayong tinatawag na move on.

***

"Kapag niligawan ba kita may pag-asa ako?"

Natigilan ako sa paglalakad nang magsalita si Johan mula sa likuran ko. Saktong nasa tapat na kami ng kotse.

Umikot ako at hinarap siya. "Johan, ano ba yang sinasabi mo?"

"Seryoso ako. Siguro naman hindi mo pa nakakalimutan ang mga sinabi ko noon sa mall," aniya.

Madilim na pero kitang-kita ko pa rin kung kagaano kaseryoso ang mga mata niya. Hindi siya ngumingiti. Nakatingin lang siya diretso sa aking mga mata.

Nag-iwas ako ng tingin at bumuntong-hininga. "Sa totoo lang crush kita. Dati pa." Natawa ako. Di ko expected na sa ganitong situation ako makakapag-confess.

As I gazed at him, he was smiling. Nawala lang ang kanyang ngiti sa sumunod kong sinabi.

"Pero kasi..."

"Mas gusto mo si Keyr," pagtatapos niya sa sinabi ko na may kasamang tango.

"Johan, sorry."

He shook his head with a thin smile on his face. "Don't be. Kaya kita tinanong kung may pag-asa ba, kasi alam kong may gusto ka sakanya. Sorry kung umasa pa rin ako kahit alam ko namang..." Hindi na niya tinapos ang sinasabi niya. He bowed his head.

Pakiramdam ko lalong lumamig ang hangin na dumadampi sa balat ko. Naging tahimik ang paligid, naging malungkot.

Nasabi ko na kung sakali man na magkaka-boyfriend ako, si Johan ang gusto ko. But that was before.

He sighed, his head still down. "Kung noon pa sana ako nagkaroon ng lakas ng loob."

Ibig ba niyang sabihin dati pa rin niya ako gusto? Nung mga panahong crush na crush ko pa siya at siya palagi ang bida sa daydreaming ko?

Lalo tuloy akong napaisip kung ano ang present ko ngayon kung sakali man na noon pa nag-confess saakin si Johan. Paniguradong sasagutin ko siya bilang boyfriend ko dahil siya talaga ang ideal guy ko, at gaya nga ng sabi ko, sya ang gusto kong maging boyfriend if I will be giving a chance.

But then, I didn't and will not regret what my present is. I met Keyr Demoneir Fuentalez, the most cranky-arrogant guy I've ever met. And that's one of my blessings from God.

"Johan, wag ka ngang gumanyan!" Pabiro ko siyang tinulak sa dibdib.

Tiningnan niya ako at sa wakas ay ngumiti na siya. "Crush mo lang ba talaga ako?" he said, amused.

Nagtawanan kami.

"Pwede tayong maging super friends," suggest ko sa kanya.

"Sure." And then he ruffled my hair.

Chapitre suivant