My Demon [Ch. 61]
Tapos na kami sa appetizer at main course. Nasa desserts na kami ngayon ni Tito Romeo. Wala naman kaming ibang napag-usapan kundi puro si Demon.
"Alam mo bang once nang naging mabait si Keyr? Nawala ang pagiging basagulero niya along he met Jia."
Natigilan ako nang marinig ang pangalang Jia. So mukhang siya ang unang babaeng na-involve kay Demon.
"Sobra ang pasasalamat namin ng asawa ko kay Jia dahil napatino niya si Keyr. Tamad na tamad pumasok sa school si Keyr pero dahil kay Jia, ginaganahan siya."
Napatango nalang ako kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko pa man nakikilala ang babaeng tinutukoy ni Tito Romeo, nakakaramdam na ko ng selos.
"Hindi basta-basta sumusunod sa utos ko si Keyr, pero pagdating kay Jia, hindi pa ito tapos magsalita sumusunod na agad siya." He chuckled remembering the past.
"Nasaan na po si Jia?"
Nag-shrug siya bago sumagot. "She left the country without saying any word to my son. Sa pagkakaalam ko, may business doon ang parents niya who has a friend na may clothing line business. Kinuha nilang model si Jia, and because that's her dream, she accepted that offer.
Grade school graduation noon ni Keyr nang malaman niyang nag-migrate na si Jia and her family sa New York. Galit na galit ang anak ko that time kasi hindi manlang nagpaalam sa kanya si Jia, basta nalang ito umalis. Lungkot na lungkot. Kung hindi nga lang dahil sa mommy niya, siguro tatanggi siyang tumungtong ng highschool."
Sa kwento palang ni Tito Romeo, hindi maitatangging siya ang first love ni Demon. Siya ang babaeng nakapagpatino kay Demon... hindi tulad ko. Napapasunod niya si Demon, samantalang ako hindi.
"Siya po ba ang dahilan kung bakit complicated si Demon?"
Natawa si Tito Romeo sa tanong ko. "No, no, no, iha. Nasa sinapupunan palang ang batang yun matigas na talaga ang ulo nun. Napakapasaway. Pero kahit napakatigas ng ulo niya, kahit everyday goal niya ang pasakitin ang ulo ko, mahal na mahal ko pa rin ang batang yun, namin ng asawa ko. Same with the two." Tinutukoy niya ang dalawa pa niyang anak na si Kuya Kyle at Khaisler.
Napangiti siya.
Ang swerte nilang tatlo dahil may tatay silang katulad ni Tito Romeo.
Sinipat niya ang kanyang relo. "It's getting late. Ihahatid na kita sainyo."
"Naku, Tito, wag na po. Kaya ko na pong umuwi mag-isa."
"Ihahatid na kita, iha," deklara niya. "Baka awayin pa ko ng anak ko kapag nalaman niyang pinabayaan kitang umuwi mag-isa." He laughed.
***
Almost two weeks ng nanliligaw sa'kin si Demon. Hatid sundo niya ako sa school, at masungit pa rin siya. Ewan ko ba sa lalaking yun. Nature na nya yata ang pagiging masungitin at mainitin ang ulo. Kay Jia lang ata siya tumitiklop. Hmp! Nakakaasar siya!
Bakit nga ba ko naaasar? Wala naman ako sa lugar para maasar at . . . magselos. Kasi naman si Tito Romeo kinwento pa sa'kin ang tungkol doon. Hindi ko tuloy makalimutan.
Well, past na naman yun ni Demon. Nasa New York na si Jia for good so there's nothing to worry about, Soyu.
Huminto na ang kotse. Nasa tapat na kami ng school kaya binuksan ko na ang pinto tapos lumabas.
"Hindi ka ba makapaghintay, ha?!" galit na sabi ni Demon. Gusto niya kasi siya ang magbubukas ng pinto sa'kin like what gentlemen do.
"Wala na. Nakalabas na ko," I teased then stucked my tounge out at him.
Inambahan niya ko na sasapakin. "Kung hindi lang kita..." Ganyan siya everytime na naasar sa'kin tapos aambahan ako ng suntok. Palaging hindi tintapos ang sasabihin.
Matapos niya kong titigan ng masama nagsimula na siyang maglakad. Nasa unahan ko siya kaya nung huminto siya, I bumped into his back.
He faced me as if hindi niya naramdamang tumama ang mukha ko sa matigas niyang likod.
"Pumunta ka sa locker mo. May nilusot akong love letter doon." Tumalikod siyang muli until he realized something. He turned to face me again.
Hindi ako gumalaw sa pwesto ko.
"Dang! Bakit ko nga ba sinabi sa'yo?"
"Aba malay ko sa'yo."
"Hindi na tuloy surprising." Ginulo niya ang buhok niya. Well, well, well. Okay lang yan, Demon. Newbie ka lang naman as a suitor eh. Hindi masamang pumalpak. LOL.
"Just forget what I've said. Wag ka ng pumunta sa locker mo," ang huling sinabi niya bago tuluyang umalis.
May love letter daw ako sa locker ko. At kay Demon nanggaling. Waaah! I'm so eggzoited!
Hinintay ko munang makalayo si Demon bago ako tumakbo papunta sa locker area. Hihi! Hindi naman halatang excited ako? Ano kayang nilalaman ng sulat? Sweet na kaya sa'kin si Demon? Mas sweet pa kay Jia? Kruu kruu! Excited na talaga ako!
Pagkarating ko sa tapat ng mismong locker ko, binagsak ko ang mga hawak kong libro. Binaba ko rin ang backpack ko para makabwelo. Char! Natutuwa ako. Hihi.
Huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung locker ko. May Fererro at nasa ibabaw nun ang isang stationery paper. Ini-snob ko ang chocolate sa unang pagkakataon at kinuha ang papel na iyon.
From: Sexily Handome
To: Beautifully Cute
Napatili ako nang mabasa ang nakasulat. Hindi ko pa nababasa ang body letter kilig to the max na agad ako. Hohoho.
"Ingay naman nito," narinig kong sabi ng isang babae. Nasa likuran ko siya.
Nag-sorry ako sa kanya bago binuksan ang letter at sinimulang basahin.
Kulot,
Bakit ba kita binigyan nito? Ah wala akong magawa kaya... Kasi gusto ko eh. Bakit ba? Ano ba dapat ilagay ko sa papel na 'to? Wala kong maisip. Ganito nalang.
Hindi ka kagandahan at lalong hindi ka sexy pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa'yo? Hindi ka mahinhin unlike what I like to a girl, napakaingay mo pero bakit gusto kong maging akin ka? Hindi ka feminine kumilos, napaka-childish mo pero bakit ikaw lang ang gusto kong maging girlfriend? Nabwibwisit ako sa taong naglalakas loob na kalabanin ako, pero bakit kapag sa'yo natutuwa pa ako?
Fuck. Wala talaga akong maisip. Ang baboy na nitong sulat ko sa'yo. Okay lang. Baboy ka naman eh. HAHAHAHAHA. Am I the worst suitor? It's fine anyway. Atleast I am the most sexily handsome of all.
Please take of yourself. Mahil kita. Wag ka ng maging lampa, OK? MAHAL ANG BIGAS!!!
Your crush,
Demon
Kahit puro erasures at kahit puro panglalait ang nakapaloob sa sulat na ito, this is the best of all love letters. So gustong-gusto na niya ang nemesis ko sakanyang "Demon" ngayon? Wow naman.
Pag-uwi sa bahay, ilang ulit kong binasa ang sulat ni Demon. Hindi ko mapigilang mapangiti at matawa. Nung gabi na, sinama ko ang sulat na yun sa box kung saan nakalagay ang mga alaala ni Papa.
As I laid myself on bed, I'd realized one thing: I'm inlove with him and that's what matters.
Sa birthday niya, sasagutin ko na talaga siya.
Happy 100K views! ❤❤ Maraming salamat po sa pagbabasa, everyone! If you have time, you can check out my other story "I Revenged On A Playboy".
Just a heads up lang na hindi po iyon unedited at may mga emojis. Pero ayun pinakamabenta kong story ? haha
400k views na sya. I'm proud. Hahahaha
Let's talk on Twitter: @iamgenibabe and share me ur feedback ❤❤