My Demon [Ch. 42]
Naglalakad ako mag-isa sa school ground papunta sa bulletin board kung saan nakapaskil doon ang Top 100 students na nakapasa sa exam. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Nararamdaman at may tiwala ako kay Demon na makakasama siya sa Top 100 students na iyon.
Ang daming estudyante ang nagkukumpulan. Kinailangan ko pang sumingit at makipagsiksikan para lang makarating ako sa harap ng bulletin board. Doon ako sa pinakadulo tumingin: sa Top 100 pababa.
100. Rotchelle Anne Miranda
99. Eugene Herasta
98. Glaiza Dela Cruz
97. Marilord Bogate
96. Angel Briones
95. Katherine Casili
Hinawi ko ang buhok ko na halos natatakpan na ang mukha ko dahil sa todo tutok ko sa bulletin board.
Naniniwala akong kasama siya dito.
Binasa ko pa isa-isa ang mga pangalan ng Top 100 students hanggang sa nakarating na ko sa 60s.
68. Jimboy Tugade
67. Czyrish Rose Unilongo
66. Kyla Marie Funtanilla
65. Revelyn De Guzman
Habang patagal ng patagal, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Ilang araw kaming nagreview ni Demon at kahit hindi niya aminin, alam kong nagse-self study siya at mag-isang nagrereview. Nasa 50s na ko.
55. Jarce Krisna Kween Ramos
54. Patricia Rubiano
53. Cory Kiongson Abuan
52. Cricia Sarcia
51. April Ann Ocampo
50. Kery Demoneir Fuentalez
49. Arcel Paz
48. Arline Ragpa
47. Genevieve Bolano
46. Geneva Deloso
45. Annaliza Garganian
What? Ano ulit? Parang may nabasa akong Keyr Demoneir Fuentalez. Binalikan ko ang mga pangalan. Inilapit ko pa ang mukha ko sa bulletin board sa may mismong nakasulat na number 50 upang makasiguro.
50. Keyr Demoneir Fuentalez
Hindi nga ako nagkamali. Hindi nga ako nagkamali na nagtiwala ako kay Demon na makakasama siya sa Top 100 students. Yehey!
Sa sobrang tuwa ko napasigaw ako, "Just what I thought! Demon would never disappoint me!"
Saka ko lang napagtanto na pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid with a weird look, plus nakataas pa ang dalawa kong braso sa ere.
Hindi naman halatang masaya ako? Hihi. Nakakatuwa lang kasi ang laki ng improvement ng taong tinuturuan ko, si Demon.
"Hihi. Sorry po." Nag-bow ako at binaba na ang mga braso ko.
Yung iba hindi na ko pinakialaman, pero ang karamihan, tinitignan pa rin ako.
"Wait, siya yung batang tumatawag ng Demon sa Prince Keyr natin, right?"
Bata talaga? I pouted.
"Oo nga, sya yun. Makatawag ng Demon kay Keyr akala mo close sila."
Pwes, para sabihin ko sainyo, close kami! Pinaunan pa nga niya ko sa lap niya last time eh. Hihi! Kung maganda lang na inggitin ko sila...
Lumapit sa'kin ang isang babae. Napaatras pa ko kasi parang aawayin niya ko.
"Girl, wag mo nang ituloy. Nabalitaan mo naman siguro kung anong ginawa ni Keyr sa mga lalaking nangbully sakanya, diba?" paalala ng kaibigan niyang umawat sa kanya. Nakahawak ito sa elbow niya.
"Sino ba nagsabing aawayin ko siya? Titingnan ko lang yung tinitingnan niya." Matapos niyang magsalita, binalingan niya ko ng mataray na tingin at humarap sa bulletin board.
I somehow feel safe. May advantage din pala ang pagiging bad boy ni Demon kahit papaano.
"OMG!! OH MY GOSH TO THE HIGHEST LEVEL EVEEER! NANDITO ANG PRINSIPE NATIN! GOSH! PANGALAN NIYA ANG NAGPAPAGANDA SA BORING NA BULLETIN BOARD NA ITO!" exagge na sabi este sigaw nung babae.
Nataranta ang admirers ni Demon at nakisilip. Ayan na, nagsisiksikan na sila---Ack! Naiipit ako.
At dahil sa hindi lang ako naiipit, naapakan pa ang paa ko, umalis na ko nang may ngiti sa labi. Hahanapin ko si Demon.
Tama yung babae, pangalan ni Demon ang nagpapaganda ng bulletin board. And seeing his name─ knowing he belongs to the top 100 students who passed the test really made my day. Ito na ang tinatawag kong price sa pagtuturo sa kanya. And no one could buy what I am feeling right now.
Halos nalibot ko na ang buong Fuentalez High pero hindi ko pa rin mahanap si Demon. Kahit kelan talaga ang lalaking yun! Kung kelan ko naman hinahanap, saka pa hindi nagpapakita. Imposible naman na umalis na yun ng school kasi nakita ko pa ang motor niya nang pumunta ako sa back gate.
"SOYUNIQUE SARMIENTO!"
Tumigil ako sa paglalakad at umikot paharap sa taong tumawag sa'kin. Nasa hallway ako ngayon.
"Demon?"
Nasa may kalayuan pa siya pero nakikita ko pa rin na salubong ang kilay niya. Ang messy ng buhok niya at . . . ang sama ng tingin niya sa'kin. Aww . . . na-miss ko yun. Hihi!
Nagsimula na siyang maglakad papunta sa direksyon ko nang hindi inaalis ang tingin sa'kin. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala," sabi pa niya.
So naghahanapan pala kaming dalawa? Gusto kong sabihin sakanya na, "Eh kanina pa rin kita hinahanap." kaso iba yung aura niya ngayon eh. Yung aura na kinatatakutan ko noong una. Oh noes!
Tatakbo na sana ako nung nakalapit na siya kaso mabilis niyang nahablot ang elbow ko, hinila papunta sa kanya at kinulong sa mga braso niya.
Natigilan ako. Hindi ako nakakilos. Basta ang alam ko lang, nanlalaki ang mga mata ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.
Yung feeling na akala mo susugurin at aawayin ka, tapos ayun pala susunggaban ka ng yakap? Eto yun eh! Jeskelerd ka, Demon! You really are full of surprises.
"Congratulations, Ms. Sarmiento! You beat the top. I'm so proud of you!" I could hear happiness and being proud in his voice.
Top 1 ako? Haluh, hindi ko alam. Ang engot ko rin eno? Yung pangalan ni Demon hinanap ko, samantalang yung sarili kong pangalan hindi ko manlang inalam kung nakasama din ba ako sa Top 100 or hindi.
"Thank you. And congratulations, too!" nakangiti kong sabi.
Lumayo siya ng kaunti pero hindi inalis ang braso niyang nakapulupot sa'kin, at ganun din ako. Oo na, PDA na kami dito sa hallway. Mabuti nalang at kanina pa uwian: walang ibang tao dito maliban sa'ming dalawa. Kundi, ako na naman ang nasa hot issue ng school site.
Demon gave me a "What-do-you-mean-by-that?" look. Nginitian ko siya ng matamis. As usual, nakatingala ako sakanya habang siya naman ay nakayuko sa'kin. Well...
"Nakapasok ka sa Top 100. Pang-top 50 ka sa mga nakapasa. Ang galing mo, Demon! I'm sooo pround of you!"
Kumunot ang noo niya na para bang nag-iisip. Pagkatapos, pinitik niya ang ilong ko sabay sabing, "Ikaw, ah. May gusto ka sa'kin, 'no? Alam mong pangalan ko ang nasa Top 50, pero ikaw hindi mo alam na pangalan mo ang nasa Top 1."
Bumitaw ako sa kanya at tinulak siya ng mahina. "Feeling ka! Ikaw din naman ah! Alam mong kasama ako sa Top 100, pero ikaw hindi mo alam na kasama ka rin."
Tiningnan ko siya ng ilang segundo tapos sinundot ang tagiliran niya. "Instead na pangalan mo ang hinanap mo, yung pangalan pa ng cute ang hinanap mo. Ayiiee~" panunukso ko sa kanya.
"Cute? Tsk. Atsaka, ganun din naman ang ginawa mo, diba? Baka nakakalimutan mo, pangalan ko ang hinanap mo imbes na yung iyo," paalala niya with matching smirk pa.
Nalusaw tuloy ang ngiting nakakaloko na naglalaro sa labi ko. Minsan na nga lang magkaroon ng chance para asarin siya, panandalian pa. Hmp!
"Tara, magcelebrate tayo," suggest ko.
"Sige. My treat since Top 1 ka. Nice, napakagaling na bata."
Napasabi ako ng mahabang "aray" nang kurutin niya ang pisngi ko. Mashaket!
"Nakakaasar ka!" sabi ko sa kanya matapos alisin ang kamay niya sa pisngi ko. "Hindi tayo magce-celebrate dahil sa'kin. Magce-celebrate tayo dahil nakasama ka sa Top 100 for the first time."
Sinamaan niya muna ang tingin bago sumagot. "So anong gusto mong palabasin? Your treat?"
"Ah-huh," sagot ko na may kasama pang tango.
"No way. Baka kung saan mo pa ko dalhin at kung ano pa ang ipakain mo sa'kin."
"Ganyan ka! Bahala ka, ngayon na nga lang ako manlilibre , tatanggihan mo pa?" pangungunsensya ko na sinamahan ko ng pout.
"Nag-pout na naman," sabi niya ng mahina. "Ang lakas mong magyaya. May pera ka ba, ha?"
"Aba─ iniinsulto mo ba ko?!"
"Naninigurado lang."
"Bahala ka na nga! Kalimutan mo na yung in-offer ko." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Nakakailang hakbang palang ako naramdaman ko na ang kamay niya sa elbow ko. Sabi na eh, pipigilan niya ko. Hihi! Kunyare pang nagtatampo ang QT eno? Ahihi.
"Eto naman napakapikon," wika niya at inikot ako paharap sa kanya. "Payag na ko sa gusto mo."
LOL. Kung makasabi siya ng "Payag na ko sa gusto mo" parang iba ang ino-offer ko. Hello, knock knock! Treat itey! Sa mga ino-offeran ng treat, siya ang nuknukan ng kaartehan.
"Basta pagkatapos mo kong i-treat, ako naman," patuloy niya.
"Okay. So deal?" Nilahad ko ang kamay ko sa kanya as if nakikipag-negotiate.
"Deal." Tinanggap naman niya yun kaya mukha kaming ewan na nagshi-shakehands sa kalagitnaan ng hallway habang nagngingisian sa isa't-isa.