webnovel

Chapter 16

My Demon [Ch. 16]

 

Keyr Demoneir's Point Of View

 

"Ano ba yan, Sir! Ang gulo gulo nyo. Aayusin nyo yung buhok nyo tapos guguluhin tapos aayusin na naman. Di ba kayo napapagod?"

"Si Kulot kasi sinabihang baduy 'tong buhok ko," sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa salamin at nag-aayos ng buhok.

Pakshet naman kasi eh! Ang cool nga ng hairstyle ko tapos lalaitin na baduy? Sino kaya ang may baduy na buhok saaming dalawa? Oo, unique ang buhok nya kompara sa mga natural na buhok, pero kahit na! Sya pa rin ang baduy at hindi ang buhok ko! Supalpal ko sakanya 'tong buhok ko eh.

"Ah, ganun po ba?"

"Oo--- teka nga." Nilingon ko si Sam- isa sa mga katulong namin- na nakatayo sa pinto. Nakahawak pa sya sa doorknob. "Sinabi ko bang pakelaman mo ko, ha?!" I belted out over my shoulder.

"Hindi po."

"Atsaka, bakit hindi ka kumakatok?"

"Kanina pa po ako kumakatok, Sir. Natakot lang po ako na baka may kung anong katarantaduhan kayong ginagawa kaya binuksan ko na po ang pinto."

Tinalikuran ko na nang tuluyan ang salamin para harapin sya ng maayos. "Anong sinabi mo?!"

"Wala po, Sir. Pinabababa na po kayo ng daddy nyo para sabay sabay daw po kayong mag-dinner." Nag-bow muna sya bago sinara ang pinto at umalis.

Loko yun ah! But anyway, halos tatlong taon ng nagta-trabaho dito sa'min yun si Sam. Hindi naman sya hirap sa buhay. In fact, may kaya ang pamilya nya at may negosyo sila na pwede nyang pagkaabalahan kaysa manilbihan sa'min. Pero mas pinili nyang magtrabaho bilang katulong. Sa pagiging katulong daw kasi kadalasan nakakahanap ng lovelife ang mga babae. Gaya nalang sa Be Careful With My heart, Got To Believe  at kung sa kung anong pelikula pa yan.

Tch. Stupid! Asa naman sya na makakahanap sya ng lovelife sa'ming magkakapatid.

Pagkatapos na pagkatapos ng dinner, agad akong umalis ng bahay at dumiretso sa salon. Di ko na pinansin ang rants ni daddy habang naglalakad ako palabas ng bahay. Daig pa nya si mommy kung magbunganga.

Wala naman akong naka-schedule na laban ngayon kaya maaga akong makakauwi.

Nagpa-dyed lang ako ng buhok. Cool na nga kasi ang haircut ko. At... teka nga! Bakit nga ba ko nagpapa-apekto sa sinabi ng kulot na yun? Wala lang yun malait sa'kin kaya buhok ko ang pinag-interisan. Tsk!

Tumingin muna ako sa malaking salamin ng salon bago umalis. Hindi na ko nagbayad dahil kaibigan ni mommy ang may-ari nito at kilala ako dito. Ilang beses na kasi akong nakapunta dito kapag pinipilit ako ni mommy na samahan syang mag-shopping. May mga tauhan naman sya ako pa ang ginagawang tagabitbit. But I really love my mom. Same with my dad, hindi ko lang masyadong pinapakita gaya ng kay mommy dahil tuwang-tuwa akong makita ang yamot na yamot na pagmumukha ng tatay ko. Haha!

"Keyr," dad called as I got home.

Nasa living area sila at sama-samang nanonood ng telenobela. Si Khaisler (bunso kong kapatid), natutulog na. Si kuya Kyle naman, nagtetext. No doubt, si Stacie ang ka-text nyan, girlfriend nya. Parents ko lang ang nag-eenjoy sa panonood.

Ayan kasi ang gusto ng mga magulang ko. Manood ng sama-sama sa living room o kaya naman sa entertainment room bago matulog. Bonding daw. Pero kadalasan, boring ang nangyayari hindi bonding.

Nilapitan ko si mommy na nakaupo sa settee kasama nila (malamang!) at hinalikan sya sa pisngi. Ngumiti naman sya at pinisil ng mahina ang braso ko tapos tumingin na ulit sa flatscreen TV na nakadikit sa wall.

"Hindi mo sinabing sa salon ka pupunta. Sana pala sumama ako sa'yo," mom said.

"Nawala ka lang ng ilang oras naging San Goku na yang buhok mo," komento ng ama ko habang pinagmamasdan ang buhok ko. Nakaakbay pa sya kay mommy.

"Pogi ko eh."

Nakipagkamayan ako sa kuya ko na kasalukuyang tumatawa ng walang tunog dahil sa sinabi ni daddy. Nasa gitna sya ni mommy at ni Khaisler.

"Bawal sa school nyo yan, ah! Pakulayan mo ulit yan ng itim. Ikaw talagang bata ka!"

"Too late, dad. Matutulog na ko."

Hinila ko ang throw pillow na nakapatong sa arm ng settee na inuunanan ni Khaisler kaya naman naalipungatan sya.

***

"Anong hindi pwedeng pumasok? Minsan na nga lang ako pumasok ng maaga hindi nyo pa ko papapasukin?" katwiran ko.

Ayaw ba naman akong papasukin ng guards! Take note, si daddy pa mismo ang nagsabi sa kanila kagabi palang na huwag akong papapasukin hangga't hindi kulay itim ang buhok ko. Kainis talaga! Sana manlang sinabi na sa'kin ng tatay ko kanina habang nagbi-breakfast kami na inutusan na nya ang mga alagad nya na wag akong papasukin. Edi sana naggala nalang ako o kaya naghamon ng suntukan sa tabi-tabi. Kaya pala ang lawak ng ngiti nya kanina dahil may masama syang binabalak. Grabe talaga yung ama kong yun!

Nagsayang lang ako ng effort. Hindi naman pala ako papapasukin sa loob ng campus. Gumising at nag-ayos pa ko ng pagkaaga aga para maabutan ko si Soyu at ipapamukha ko sakanya na hindi baduy ang buhok ko. Kaso wala. Panira ampucha!

Lumingon-lingon ako sa paligid. Ayokong umuwi ng bahay. Naiimbyerna ko pusa!

"Hi, Keyr! P-pwede bang makipag-friend?" Hindi pa sya gaanong tapos magsalita, nagsalita na ko ng malakas na, "Don't talk to me!"

Tinitigan ko sya na syang dahilan para mapaatras sya pati ang kasama nyang may malaking ribbon sa ulo.

Badtrip! Nagsimula na kong maglakad. Bago pa kasi may asungot na kumausap sa'kin, nakita ko na sa may kalayuan si Soyu na kabababa lang ng kotse kasunod ang isang lalaki.

Ngiting-ngiti pa sya habang ako badtrip na badtrip. Pwes, sya ang pagbubuntungan ko ng inis. Tutal, sya naman ang may dahilan ng lahat eh. Kung hindi nya sinabihang baduy ang buhok ko, hindi ako magpapa-dyed at hindi ako mahaharang ng guards.

Humanda ka talaga sa'kin!!

Soyunique's Point Of View

 

"Sistar, anong ka-etchosan na naman ang nangyayari doon?" tanong sa'kin ni Angelo. Hindi pa nakakapasok ng school ang kotseng sinasakyan namin.

Gaya niya, kumunot ang noo ko dahil sa curiosity. Ano kayang meron at parang ayaw pumasok sa loob ng school ang mga babaeng studyante? Mga nakatayo sila habang kinikilig na nag-uusap at napansin ko na sa iisang direksyon lang sila nakatingin.

"Baka may artista! Labas tayo, Angel," yaya ko kay Angelo.

"Sureness!"

Hindi pa ko nakakababa- pagbukas na pagkabukas ko palang ng pinto ng kotse, ito ang mga salitang bumungad sa'kin:

"OMG! He dyed his hair! He looks more gwapo!"

"Gusto kong lapitan at magpa-picture kaso natatakot ako."

"Gosh! Hindi sya pinapapasok. Wag nalang din tayong pumasok. Dito nalang tayo, girl."

"Gaga! Aalis din yan. Tara, makipagkilala tayo sakanya. Baka sakaling mapansin na nya tayo."

"Then ayain nating mag-mall. I'm sure hindi nya tayo matatanggihan. Sa ganda nating ito?" Nag-flip ng buhok yung babaeng kabilang sa isa sa mga grupo ng kababaihan na humaharot dahil nakakita ng "pogi".

Apat sila. Nilabas nila ang kani-kanilang mini-mirror, lipstick at kung anu-ano pa bago umalis para puntahan kung sino man yung pinagkakaguluhan nilang iyon.

Mag-retouch daw ba sa daan?

"Ano ba, Soyu! What year ka kaya bababa?" frantic na sabi ni Angelo.

"Eto na. Eto na. Di makapag-antay," daing ko habang bumababa ng kotse nya.

Pag-apak ko sa lupa, nilibot ko ang tingin ko. Mula sa gate entrance hanggang sa kung saan-saan. Halos mga lalaki lang ang pumapasok sa entrance. Yung mga babae kasi... ano ba kasing meron? Imposible din naman na may artista kasi kung meron man, magkakagulo ang madla. Eh hindi eh, hindi sila nagkakagulo o kahit na nagkukumpulan manlang. Gaya ng sabi ko kanina, nakatayo lang sila habang kinikilig na nag-uusap at sa iisang direksyon nakatingin.

Hindi ko naman malaman kung ano yun kasi ang daming nakaharang. Alam nyo naman hindi ako katangkarang nilalang eh.

"My dee! Si Keyr! Andun daw si Keyr!" nagpapanic na sabi ng babaeng may hila-hila na isang babae din.

Pagkarinig na pagkarinig ni Angelo sa pangalan ni Keyr, agad syang napasigaw ng, "Huwat? Jeez! Kailangan kong mag-retouch!"

Bumalik ulit sya sa loob ng kotse nya at natatarantang hinalukay ang bag nya.

Habang nakatayo sa tapat ng kotse nya at pinapanood syang mag-retouch "daw", bigla nalang may humawak ng madiin sa ibaba ng siko ko.

"Sasama ka sa'kin."

Chapitre suivant